chasingserenityyy
About You (MACOLET)

About You (MACOLET)

108,173 2,375 34

Darating ka talaga sa punto ng buhay mo na kung kailan ayaw mo tsaka may darating para sayo. Ang tanong, Para sayo nga ba? Paano ka maniniguro na para sayo na?Kapag ba tanda mo na boses niya? Kapag ba tanda mo na yung marka sa mukha niya?O kapag lagi mong naaalala ang mga pangyayari na siya lang ang kasama? Sapat ba basehan na ba yon para malaman mong siya na? Paano na lang kung... Unti-unti mo na nakakalimutan ang boses niya? Paano na lang kung hindi mo na tanda ang mga marka sa mukha niya? Paano na? Siya pa rin ba? Tungkol pa rin ba ito sa kaniya? Mary Loi Yves Ricalde.Maria Nicolette Vergara.About You…

MISSION: HEAL HER (MIKHAIAH) short story

MISSION: HEAL HER (MIKHAIAH) short story

9,294 225 13

MARLEIGH AINSLEY AGUIRRE. Panganay sa kaniyang tatlo kapatid na sila Carleigh Wensley (COLET) Starleigh Brinsley (STACEY) at sa bunsong kapatid na si Sharleigh Finley Aquirre (SHEENA). Si Ainsley ay isang dating nurse, napilitan iwan ang trabaho dahil mula ng mawala ang mga magulang nila ay sa kaniya na naiwan ang resto bar na siyang negosyo ng kanilang pamilya. Sa kabila ng mga nangyari ay nanatili pa rin positibo ang tingin ni Ainsley sa mga bagay-bagay. Pinaniniwalaan niya na ang lahat ng ito ay may dahilan sa para rin sa ikakabuti ng lahat. Pasalamat pa rin siya dahil sa kabila ng nangyari sa magulang niya ay may kinikilala pa rin silang magulang na siyang gumagabay at kumakalinga sa kanilang magkakapatid. Ang matalik na kaibigan ng kanilang mga magulang. Ang mag-asawang La Vala. MARQUEZ JUNO LA VALA. Nag-iisang anak at apo ng kilalang pamilya sa kanilang siyudad. Si Juno ay sa Espanya na nakapagtapos kung saan nagmula ang kanilang angkan. Nakapagtapos siya sa kursong meron kinalaman din sa pagpapatakbo ng negosyo. Magmula ng makapagtapos ay si Juno na rin ang naghawak ng ilang negosyo ng mga La Vala sa Espanya. Legal man at Illegal. Ang La Vala ay kilala sa kanilang siyudad dahil sa naglalakihan poultry, fisheries at ibat-ibang manufacturing sa lugar. Nanatiling malinis ang pangalan ng mga La Vala sa lugar dahil aa malinis at legal na negosyo ng mga ito sa bansa. Ngunit ng dahil sa isang pangyayari ay napilitan itong bumalik ng bansa dahil sa kaniyang banta sa buhay. Isang pangyayari na nagpabaliktad ng mundo at ugali ng isang La Vala.Dalawang tao na parehas may nilalaban at lubhang magkaiba. Si Ainsley na positibo at patuloy na lumalaban. At si Juno na negatibo at mas pinipili na lang na sumuko. Magagamot pa ba ni Ainsley ang taong ayaw ng lumaban? O kusa na lang si Juno na gagaling dahil sa pag-ibig na kaniyang biglang naramdaman?…

MAYBE  (DON'T LOOK BACK)

MAYBE (DON'T LOOK BACK)

105,381 2,956 37

"Ang pinaka mainam at ligtas na isauna sa ngayon ay ang isantabi ang puso sa anuman operasyon". Mitridates Maxim "Archer" Lim. Lider ng isang prestihiyosong grupo na kung tawagin ay 'BINUS' na kung saan sila ang nangungunang sumugpo sa ilang mga illegal na operasyon o kahit na anong illegal na gawain na tumataliwas sa mga batas, sa buong parte ng bansa. Ngunit maliban sa pagiging lider ng isang prestihiyosong grupo, si Mitridates Maxim Lim ay isa ring mapagmahal na anak, kaibigan, kapatid at partner sa isang babaeng hindi siya kilala. Partner sa isang babaeng hindi siya kilala, na siyang naging dahilan kung bakit napagdesisyunan niyang siya na ang sumunod sa yapak ng kaniyang ama sa pamumuno ng kanilang ahensya. Pero paano nga ba kung muling magtagpo ang kanilang mga landas?Siya na si Mitridates Maxim na may alam ng lahat, na mayroon ng katungkulan. At ang babaeng si Atasha Aster na wala ng nalalalaman sa kanilang mga dinanas, na tahimik at maayos na buhay na kinakagisnan. Makaka buti pa nga bang magkakasama pa sila? O mas mabuti ng hindi na lang lumingon sa kanilang nakaraan?…

We Fell In love in October (MIKHAIAH)

We Fell In love in October (MIKHAIAH)

723,736 15,721 74

Papano na lamang kung nagtagpo ang dapat na hindi na lang nagtagpo?Papano na lamang kung mahagip ng camera ng isang travel vlogger na si Maraiah Queen Arceta ang pinaka iiwasan ng pamilya nila. Ang mga piloto. Ang piloto na malapit pa sa bestfriend niyang si Sheena Catacutan na si Captain. Mikha Lim. Posible bang magkasundo rin ang dalawa? O, posible bang mainlove sa taong alam mong hinding hindi magugustuhan buong pamilya nito?Pamilya o Puso? Puso o Nakaraan ng mga Pamilya? Bakit pa nga ba pagtatagpuin kung sa huli kailangan din palayain?…

AMARI (MIKHAIAH)

AMARI (MIKHAIAH)

260,729 7,853 58

Sabi ng matatanda, matuto raw tayo sa pagkakamali ng iba, kapag mali, wag na raw gagayahin at kung minsan sinasabi pa ng matatanda na kung hindi sayo, huwag na huwag mong aangkinin. Pero paano na lamang kung hindi pa rin malinaw sa inyo kung ano ba talaga ang naging mali? Paano na lamang kung hindi pa rin malinaw kung sino ba talaga ang totoong nagmamay-ari? Sa pagitan ng pamilyang Santiago at Delgado ay may isang ina ang nagkokonekta sa kaniyang dalawang anak at dalawang ama na magkaibang magkaiba pagdating sa pagpapalaki sa kanilang mga unica hija. Paano na lamang kung makaapekto ang nakaraang pagkakamali sa kasalukuyan? Paano na lamang kung ang dalawang magkapatid ay matulad na kanilang mga ama? Paano na lamang kung ang dalawang magkapatid ay parehas din mahulog ang loob sa iisang babae? Papano na lamang kung parehas silang mapamahal kayAMARI…

GREATEST LOVE (MIKHAIAH)

GREATEST LOVE (MIKHAIAH)

318,680 8,928 38

ayon sa iba,Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat.Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal. Pero sa kabilang banda, Ang GREATEST LOVE rin daw ang siyang dahilan ng ating pagkasawi. Ang GREATEST LOVE raw ang hindi pwede sa lahat, kaya mas kailangang bitawan. Sila raw yung mamahalin natin ng sobra pero hindi natin makakatuluyan.WHAT IF? WHAT IF bumalik ang GREATEST LOVE ni Mikha Lim? WHAT IF bumalik ang kaniyang dating kaibigan/ex girlfriend na si Aiah Arceta?…

Will She Come Back

Will She Come Back

87,812 2,114 34

May mga bagay talagang sadyang mahirap iwasan. At yon ay ang pag-ibig at ang katapusan. Paano na lang kung parehas niyo pang ayaw bumitaw pero kailangan? Ilan salita pa nga ba dapat mong marinig para tuluyan mawala ang sakit? Ilan araw pa ba ang dapat mong hintayin para masagot ang mga tanong mong bakit?Ano ang kaya mong tiisin para sa pag-ibig? Ano nga ba ang kaya mong isakripisyo para lang makabalik siya sa iyong bisig? Handa ka na bang ihatid siya?Ihatid siya sa lugar na kung saan wala ka, sa lugar kung saan siya magiging masaya.Aasa ka pa bang babalik siya?…