Chapter 29

Background color
Font
Font size
Line height

"I love you too, Kefiru Ecanus Archon. Ikaw lamang ang mamahalin ko sa dulo ng aking buhay.."

Nakagat ko ang aking labi ng muli itong mahulog mula sakanyang kinauupuan.

Mabilis naman itong nakahuma at tumayo. Sinamaan ako nito ng tingin bago padabog na lumabas ng hapag. Sinulyapan ko si Ina. Patuloy lamang itong kumakain, tila ba walang pakielam sa paligid.

"Ina, susunduan ko lamang." Tumayo ako saka naglakad palabas ng silid.

Ngunit natigilan ako ng kusa itong bumukas at pumasok ang hari at si Ama. Kaagad akong napahakbang paatras at napakapit sa lamesa.

Dama ko ang pagtayo ni Ina saaking tabi. Batid na hindi ko pa kayang makita ang aking Ama, nag-iwas ako ng tingin saka sumiksik kay Ina.

Nais ko na lamang lumabas at tuluyan ng hindi ituloy ang pagkain.

"Sundan mo muna si Kefiru, anak. Sabay na lamang kayong kumain." Marahan akong tumango saka nakayukong nilagpasan sila.

"Apo, ano ang problema?" Napatigil ako sa paglalakad saka nilingon ang hari.

Nginitian ko ito.

"Wala po iyon, mahal na hari. Nagtatampo lamang ang aking kapareha." Sumilay ang ngisi sa labi nito.

"Katulad na katulad ng iyong Ama." Tumama ang mata ko kay Ama ngunit kaagad din akong umiwas, hindi ko matagalan ang sinasabi ng kanyang mga mata.

"Kung inyong mamarapatin, ako ay aalis na." Nakatungo akong lumabas ng silid.

Mabilis kong itinaas ang kamay.

"Hanging aking buhay

Isama ako sa iyong paglalakbay

Dalhin ako sa hinirang na kamahalan

Tangayin ako ng iyong pagpaparam."

Umikot ang hangin saakin, lumalakas at humihina. Tila ba may nais humila paalis, hindi ako nais paalisin.

Pumikit ako saka pinadaloy ang hangin saaking balat, nanlalamig sa bawat bawat pagdampi nito saaking katawan.

"Dinggin ako, hangin

Alisin ako saaking kinalalagakan

Hindi ko pa nais masilayan

Nasasaktan pa ang aking damdamin."

Dumaloy sa bawat ugat ko ang hangin, napahinga ako ng malalim ng umabot ito hanggang saaking leeg. Tumingala ako saka hinayaang dalhin ng hangin, tangayin sa lugar na hindi ko batid.

"Hangin na aking kasangga

Palakasin ang aking katawan

Hindi ko pa nais mamahinga

Nais ko pang masilayan ang nagtampong kamahalan."

Unti-unting tumaas ang aking paa, tila ako lumulutang sa alapaap, tila isang ibon. Isang ibon na malaya, nakalaya rin sa mga pag-iisip ng problema.

Kamahalan, malapit na ako.

Napadilat ako ng madama ko ang lupa saaking paa, nadala ng hangin ang sapin ko sa paa.

Umikot ang tingin ko sa paligid, huminto ito sa matayog na puno na inakyatan namin ni Ina. Mukhang nasa itaas ang kamahalan, dahil dito ako dinala ng hangin.

Puno ng hamog ang paligid, na saan kaya ang dulo nito?

Dahan-dahan akong lumakad palapit sa puno, saka tumingala.

"Kamahalan, nakabalik na si Ama.."

Kita ko ang anino nito na nagtatago sa likod ng malaking sanga.

Itinaas ko ang aking kamay, bumaba ang isang malapad na baging at hinila ako pataas, umapak ako sa sanga na kanyang pinagtataguan.

"Damn! Bakit ka nakayapak?!?" Lumabas din ang magaling na kamahalan.

Puno ng iritado ang mukha nito, nakakunot ang noo at lapat na lapat ang mga labi. Galit na si Kamahalan.

"Tinangay ng hangin." Dahan-dahan akong umupo sa sanga na nasa kanyang harapan.

Inis na lumuhod ito saka pinagpagan ang aking paa.

"Gutom na ako, mahal na prinsepe. Hindi pa ako nakain." Tumigil ito saka nag-angat ng tingin.

"Bakit hindi ka pa kumakain?" Kasing lamig ng yelo ang boses nito, mukhang nagalit nga si Kamahalan.

"Galit ka?" Hinuli ko ang tingin nito, ngunit panay lamang ito iwas.

"Hindi." Kita ko ang pagpipigil nitong ngumiti, kagat-kagat ang kanyang ibabang labi.

"Kumain na tayo, mahal na prinsepe, ngunit hindi ko nais bumalik sa hapag kainan." Bumuntong-hininga ito saka tumango.

"Fine, stay here. I will get your food." Walang dalawang salita na tumalon ito saka malalaki ang hakbang na lumakad papasok ng palasyo.

Napangisi ako.

"Sakit ka talaga sa ulo, kamahalan.."

Bumaling ang tingin ko sa kabilang parte ng lugar, namataan ko ang isang halimaw na mayroong sampong galamay, walang mata at tanging ang malaking bunganga lamang ang sumasakop sa kanyang buong mukha. Mayroon itong matatalas na ngipin at nakakabinging sigaw.

Bumaba ang tingin ko sa nilalang na patuloy na tumatakbo palayo, mukhang naligaw ito at nakasilay ng halimaw.

Ikinumpas ko ang aking kamay.

"Hangin na nagmumula sa puno

Tulungan ang nilalang na bukal ang puso

Iligaw ang nais ng kasamaan

Patuluyin ang nangangailangan."

Lumakas ang hangin sa paligid, kita ko ang mabilis na paglagapak ng halimaw sa lupa, at ang patuloy na pagtakbo ng nilalang. Isang nilalang na nababalutan ng itim, itim na kasuotan.

Kumunot ang noo ko, kasabay ng pagkalabog ng aking dibdib. Muli kong ikinumpas ang aking kamay, nais kong makita ang nagkukubli sa likod ng itim na kasuotan.

Bumilis ang pintig ng puso ko ng maalis ang takip sa kanyang mukha, muli itong lumingon sa likod ng mapansing hindi na nakasunod pa ang halimaw. Isang babae..

Nakagat ko ang aking labi ng dahan-dahan itong humarap.

"Cleo.." Hindi!

Bumalot ang kadiliman saaking paligid.

"Kakain na tayo, mahal na prinsesa." Napasinghap ako ng alisin nito ang kanyang kamay, nawala na ang babae.

Hindi ko malaman ang dapat kong maramdaman, dapat ba akong magalit dahil hindi ko ito nasilayan? O dapat akong magpasalamat dahil nakadarama ako ng kakaiba?

"Bakit mo tinakpan ang aking mga mata, Kamahalan? May nais akong masilayan.." Napatingin ako dito ng maramdaman ko ang isang bagay saaking paa.

"Masusugatan ka sa ginagawa mo, Cleo. Dapat lagi kang may sapin saiyong paa." Nang matapos ito ay kaagad na umupo ito saaking tabi.

"Kumain na tayo, mahal kong prinsesa." Tinitigan ko ang nag-iisang plato at kutsara sakanyang kandungan, inangat ko ang tingin dito.

"Hindi ka kakain?" Ngumisi ito.

"Kakain, hati tayo, Cleo. Gutom na rin ang kamahalan." Iniamang nito ang kutsara saaking labi.

"Susubuan ko ang mahal na prinsesa." Matapos kong isubo ang pagkain ay kaagad naman itong sumandok saka sumubo.

Pinagmasdan ko lamang itong salitan kaming subuan.

"Kamahalan, nais ko ng lisanin ang Meuria." Napatigil ito sa pag-nguya at napatingin saakin.

"Nais kong umuwi sa Binnevia, nais kong masilayan ang aking mga kaibigan, ang kasama. Nangungulila na ako sa aking pinanggalingan, ngunit nais ko munang kausapin ang pamahalaan." Bumuntong-hininga ito saka marahang tumango.

"Uminom ka muna ng tubig, at ako'y magpapaalam na sa hari." Alam kong batid niya na masama pa rin ang loob ko saaking ama, ngunit hindi ibig sabihin noon ay hindi na ako babalik pang muli sa lugar na ito.

Dinala nito ang pinagkainan namin saka muling tumalon pababa, pinagmasdan itong lumakad papasok ng kaharian saka ko muling binaling ang tingin sa kinaroroonan ng halimaw at ng babae, kapwa wala na ang dalawa.

Napaigtad ako ng bumalot ang kakaibang init saaking balat, kasabay nito ang pagdampi ng labi saaking batok.

"Napakabilis mo namang makabalik, Kamahalan." Humigpit ang yakap nito.

"Nag-aalala lamang ako, baka layasan mo akong muli."

"Umalis na tayo, Kamahalan."

"Hinihintay pa natin ang karwahe na magdadala saating pababa." Naulinigan ko ang mabibigat na yabag ng isang pegasus.

Kumalas ako sa pagkakahawak ni Kamahalan saka bumaba ng puno, muli akong ibinaba ng isang makapal na baging.

"Batid na rin ng hari, ng iyong Ama at Ina ang ating paglisan ngayon araw. Nauunawaan nila ang iyong desisyon, Cleo. Ngunit bago sumapit ang ikatlong buwan ay magtutungo ka dito, kung hindi ay sila mismo ang magdadala saiyo dito." Tumango ako, napakabilis talagang gumalaw ni Kamahalan.

Iginaya ako nito sa loob ng karwahe, sa buong byahe ay nakatingin lamang ako sa unti-unting binabalot ng hamog na kaharian ni Ama, ang unti-unti nitong pagkawala saaking paningin. Dama ko ang unti-unti naming pag-angat sa ere. Tuluyan na naming lilisanin ang Meuria.

Pumikit ako at sumandal sa upuan, nais ko ng mamahinga.

"Cleo, huwag mo akong tulugan."

"Cleo, nag-iiba ang daan natin." Palihim kong sinulyapan ang labas ng bintana, ngunit dahil puro hamog lamang ang aking nakikita ay muli akong pumikit.

"Cleo nawala ang pegasus!" Patuloy pa rin naman ang aming paglipad. Paano kami lilipad kung wala ang pegasus?

"Nandito na tayo, Cleo."

"Mahal na prinsesa, gising na!"

Makakatulog nga ba ako sa kulit ni Kamahalan?

Nagdilat ako ng mata ng maramdaman ko ang malamig na pagdampi ng hangin. Nakabalik na kami, tila napakabilis lamang ng aming byahe. Kaagad akong bumaba at lumakad papasok ng kaharian.

"Cleo, wait for me!!" Binuksan ng mga kawal ang malaking pinto nito, sumalubong ang mahigit sa isang daang mga katulong at yumukod saakin.

Dumiretso ako sa silid kung saan ko sila huling nasilayan. Itinulak ko ito ng malakas at pabalibag itong bumukas.

Nandirito pa rin pala sila.

"Kung inyong mamarapatin, nais kong makausap ng masinsinan ang Caspian, maaari bang lumabas kayong lahat?" Kumuyom ang aking kamay ng hampasin ng babae ang lamesa at tumayo ng tuwid.

"Isang katampalasan! Walang galang na nilalang!!" Dinuro-duro ako nito, bakas ang galit sakanyang mukha.

"Babae, huwag mong hintayin na ako mismo ang magpalabas sainyo."

"Galit na ang mahal na prinsesa, bakit hindi na lamang kayo lumabas?" Hindi ko na namalayan na nasa aking tabi na pala si Kamahalan.

Magsasalita pa sana ito ng sumabat ang Ina ni CC.

"Lumabas na kayo." Walang nagawa ang mga ito kung hindi pukulin ako ng masamang tingin habang naglalakad palabas ng silid.

Nang tuluyan ng sumarado ang pinto ay lumakad ako palapit sa Caspian.

"Bakit ninyo binatid saakin na naging isang puno sa Binnevia ang aking Ina?"

"Dahil ito rin ay kanyang kagustuhan, walang dapat makaalam na buhay siya, kung hindi ay muling sisiklab ang digmaan at tuluyan ng masisira ang katahimikan."

~~~

Maliwanag ang paligid, muli kong naririnig ang pagdaloy ng tubig, ang pagsayaw ng dahol sa hangin, ang katahimikan ng paligid. Nakakaluwag ng damdamin, muli kong nabalikan ang lugar na aking kinalakhan.

Nang ako ay lumisan, mas dumami ang kawal na pinadala ni Stratus upang bantayan ang kaharian. At muling pinabalik ang aking mga kasama, tila ba bumalik ako sa mga panahong naghihirap sa kamay ni Takara. Ngunit ito na lamang ang hindi bumalik.

"Ano ang iyong iniisip? Napakalalim, nakalulunod sa sobrang lalim." Nginitian ko ito.

Sobra akong nangulila sa kanilang presensya, ilang buwan ko din silang hindi nasilayan.

"Kailan ang inyong pag-iisang dibdib?" Namula ito ngunit kaagad din namang sumagot.

"Sa oras na bumalik na ang kanyang Ama mula sa Pelandia." Tumango ako

"Nais kong malaman, mga mortal nga ba ang mga puno ng Binnevia?" Lumingon ito saakin.

"Cleo, mga mortal ang mga iyan, ngunit dahil hindi lubusang nakakayanan ng mga mortal ang manatiling buhay sa loob ng ilang libong taon. Sila ay namamatay at tuluyang humahalo sa puno, tanging nakatakas lamang ang iyong Ina at kaagad itong ginawang Immortal ng iyong Ama kung kaya't siya ay nananatiling buhay." Napatango ako.

Kung gayun ay matagal na palang patay ang mga mortal at tuluyan ng naging puno, ngunit saan naman nanggaling ang salamin?

"May alam ka pala, Via. Bakit hindi mo binatid saakin?"

"Konklusyon ko lamang iyon." Napatango ako.

"Kakaiba pala talaga ang bumalik saiyong pinanggalingan, nakamamanghang isipin na mabilis ang itinakbo ng oras." Sabay bumaling ang tingin namin kay Lucia.

Tumayo ako saka ito nginitian.

"Ilang araw na lamang ay tuluyan ka ng magiging mensahera, ngunit ibibigay ko na ang aking basbas." Lumakad ako palapit dito saka itinapat ang aking kamay sakanya.

"Hangin na aking kakambal

Gabayan ang aking kaibigan

Ibigay ang seguridad

Huwag siyang ilapit sa kasamaan."

Pumikit ako ng mariin habang lumalakas ang hangin.

"Give her my blessing

Take her as my belonging

Whispher the right path

Let her choose the past."

Bumibilis ang pagpalipad ng mga tuyong dahon, ang paglamig ng paligid, ang pagdilim ng langit.

"Ibigay ang kailangan

Ituro ang daan

Huwag hayaang maligaw

Hindi nais makawala."

Dumaloy ang hangin mula sa aking balikat papunta saaking kamay, naglakbay ito sa pagitan naming dalawa.

"Make her choose

Don't let her make an chaos

Guide her until the end

Don't want her to death."

Unti-unting bumagal ang paglalakbay ng hangin, hanggang sa tuluyan na itong lumisan.

Ngumiti ito saakin saka yumakap.

"Maraming salamat, Cleo. Ngayon ay nasasabik na akong gampanan ang aking responsibilidad."

"Ikaw ang nagpadala ng mensahe, tama ba?" Marahan itong tumango.

"Kung gayun ay ipaalam mo sa dyosa ng lahat, magtutungo ako sa kanyang kasal." Napuno ng galak ang kanyang mga mata.

"Masusunod, kalahating dyosa."

"Ngunit may isa muna akong katanungan." Humakbang ako paatras.

"Bakit hindi mo ipinakita ang iyong mukha?" Nag-iwas ito ng tingin, kitang kita ko ang pagpula ng pisngi nito.

"Hindi ko nais pag-usapan." Mukhang may itinatago ang aking kaibigan.

Muli ako nitong nilingon.

"Ngunit may nalaman ako, Cleo." Tumitig ito saaking mga mata.

"Ano iyon?" Kumunot ang noo ko mg mapuno ng tensyon ang paligid.

"Anak ng pinunong Takara si Sehira.."

You are reading the story above: TeenFic.Net