Walang katapusang pagdurusa, pag-agos ng mga luha, patuloy na dinaramdam. Sakit ay nanunuot sa bawat pintig ng puso, nasagot na ang aking palaisipan, napakasakit isipin na pinagtaksilan ng kaibigan.
Muling lumakas ang hangin, ang pintig ng aking puso, ang sakit ng pagta-traydor. Kailan nga ba matatapos?
Isang huwad na akala, huwad na pag-ibig sa isang kaibigan. Sapat na nga ba ang mga luha? Ang pasakit ng bawat salita? Ang kirot ng aming pinagsamahan?
"Na saan ang kamahalan?" Yumukod ang isang kawal bago sumagot.
"Nasa kanyang silid." Mabilis ko itong nilagpasan ng madama ko ang pagdaloy ng init mula saaking dibdib paakyat saaking ulo.
"Cleo!!" Binalot ng isang malakas at napakalamig na hangin ang aking paligid, maski ang madaanan kong mga gamit ay napapagalaw sa lakas nito. Hindi ko maunawaan, saan nanggagaling ang hangin?
Napahinto ako sa harap ng salamin, nakikita ko ang isang babaeng may nag-aapoy na mata at kulay pulang buhok, sa kabila ng init na dala. Naghahatid ng lamig ang temperatura, sino ang babaeng estranghera?
"Cleo!!!" Kaninong tinig ang aking naririnig? Bakit kahit lumingon ako sa paligid ay napakadilim? Iniwan ba nila akong nag-iisa? Kung gayun ay bakit?
"Cleo!! Itigil mo iyan!!!" Muli akong naglakad ng mabagal, hanggang sa bumilis ng bumilis at nakarating ako sa isang pinto, napaka-init, napakalamig. Naghahalo ang aking pakiramdam, ngunit ano nga ba ang mas hihigit?
Itinapat ko ang aking kamay sa pinto, ngunit hindi ko pa man ito naitutulak pabukas ay bumabalibag na ito. Tumalsik ang pinto, sino ang may kagagawan nito? Tila isang napakalakas na nilalang, nakamamangha.
"Cleo! Kontrolin mo ang iyong emosyon! Huwag mong hayaang sakupin ka ng galit!!" Galit? Napupuno nga ba ako ng galit? Ngunit bakit pinaghalong lamig at init ang aking pakiramdam? Dinapuan na nga ba ako ng sakit?
Ngayon lamang ako nakaramdam ng ganito, naghahalo ang dalawang temperatura, tila gusto kong matunaw. Malusaw, mawala man lang sa ganitong pakiramdam. Bakit kailangan ko itong madama?
Sa oras na dumapo ang mga mata ko sa kama ay naramdaman ko ang paghahalo ng init at lamig, umikot hanggang sa unti-unting naghalo. Tila umikot ang aking paningin dahil sa kakaibang temperatura. Wala sa sariling naitaas ko ang aking kamay sa tapat ng babae, huminga ako ng malalim bago biglaang kumawala ang namuong temperatura.
Nagising ang Kamahalan.
"Kefiru! Pigilan mo siya!" Mas lalong nag-init ang aking pakiramdam ng magsalita ang babae.
Dahan-dahang sumagi saaking isip ang nangyari bago ako makarating sa loob ng palasyo, ang pag-uusap na naganap sa pagitan namin ni Lucia.
Kailanman ay hindi ko na nais pang banggitin ang kanyang pangalan, ngunit ito pa rin ay aking binigkas.
"Sehira." Bakas ang takot sa mga mata nito habang mariing nakatitig saakin.
Dahan-dahan akong lumakad palapit dito, habang unti-unti namang napapaupo si Kamahalan sa kama.
"C-cleo.."
"Matalik kong kaibigan, kailangan nga ulit kita nakilala?" Pinagdikit ko ang aking mga palad.
"C-cleo. Natutulog lamang ako.."
"Ito ba ay noong tinulungan kitang buksan ang agusan ng tubig? O ng tulungan kita sa pagluluto ng pagkain? O noon bang gamutin ko ang mga sugat mo mula sa latay ng latigo?" Kita ko ang panginginig ng mga labi nito.
"Sehira.." Napuno ng galak ang mata nito ng makita si Lovisa.
"Walang lalabas ng silid." Bumaling ang tingin nito saakin.
"Sagutin mo ako, Sehira."
"Wala akong dapat sagutin, Cleo. Matagal mo ng alam ang sagot." Taas noong saad nito.
Ngumisi ako bago tumigil sa kanyang harapan.
"Nakamamatay ang inggit, ang selos ay napakasakit, bakit ka nga ba magkukumpara kung alam mo naman ang sagot?" Nag-igting ang panga nito at napatayo mula sa kama.
"C-cleo. Wala akong alam.." Ang boses ni Kamahalan ay nanginginig, bakit nga ba?
"Hindi ako nabubuhay na isang sinungaling, isang huwad at napakasamang babae!!" Umigkas ang kamay ko at sinampal ito.
Mas lalong tumindi ang ihip ng hangin, naglalaro sa loob ng silid. Nagkulay kamatis ang pisngi nito, dama ko ang hapdi saaking palad. Kasing hapdi ng aking nadarama.
"Ang isang ahas ay walang alam gawin kundi lumingkis at kumain, at kayo ni Lovisa ang buhay na halimbawa noon!" Muli ko itong sinampal at napasalampak siya sa kama. Kaagad naman itong dinaluhan ni Lovisa, ang isa pang huwad at ahas kong kaibigan. Paano nga ba ako nalinlang ng kanyang kabutihan?
Dama ko ang paghawak ni Kamahalan saaking braso, ang pag-alalay sa bawat sakit na nadarama ko.
"Dahil saiyong pag-aasam na bumalik ang dating kulay, nagawa mo akong traydurin, Sehira. At dahil sa sobrang pagmamahal ni Lovisa, nagawa niyang ahasin at linlangin ang mga tao saaking paligid. Si Sehira ang puno't dulo, si Lovisa ang kanang kamay. Napakaperpektong pagsasama, hindi ba kayo nahulog sa sariling bitag?" Marahas akong nilingon ni Lovisa.
"Nais mo bang marinig ang totoo? Oo! Si Sehira ang tumulak saiyo mula sa puno! Ako ang bumato ng punyal! Si Sehira ang bumihag saiyong kapatid at Ina! Si Sehira ang anak ni Takara! Ang naglabas ng larawan nito, ang tanging mangkukulam na kayang magbukas ng Sofodos, ng silid ng sarili niyang Ina! Ako ang nagnakaw ng punyal mula saiyong Ama! Ako ang nanakot saiyo ng mga panahong wala kang maalala! Si Sehira ang matandang nais kunin ang iyong kapangyarihan! Kami! Kaming dalawa ang lumito sa Caspian at sa mga nilalang na nakapalibot saiyo! Kami ang nagsabing naging puno ang iyong Ina!" Umagos ang aking mga luha, nawala ang hangin, natapos ang aking pighati.
Tapos na, tapos na ang lahat..
Tila nanghina ang aking tuhod sa narinig. Hindi ko matanggap, bakit kailangan nila akong traydurin? May masama ba akong ginawa sakanila?
"Nakasisira ang inggit, gaya ng ginawa nito sainyo." Natahimik ang dalawa, tila natauhan si Lovisa sakanyang sinabi.
Ngayon ay alam ko na ang sagot, natapos na ang aking hinagpis sa paghahanap ng kasagutan. Nakalaya na ako mula sa katanungan.
"Cleo, natutulog lamang ako.." At talagang tinangka pang gapangin ni Sehira ang aking si Kamahalan. Ang inosente ngunit bastos na si Kefiru ay tila nanginginig din, natatakot mapagsabihan ang pangatlong prinsepe.
Nakahinga ako ng maluwag ng bumalot ang mainit nitong mga bisig saakin, naglalambing na si Kamahalan.
"Dakipin ang dalawang iyan, dalhin sa Caspian upang mahatulan."
Pumasok ang mga kawal at marahas na itinayo ang dalawang tulalang babae, napakasakit isipin na isa sa dalawa ay kadugo ko pa. Wala talagang pinipili ang mga nilalang na dinadapuan ng inggit at selos. Hindi nagpumiglas ang dalawa, marahil ay hanggang ngayon ay iniisip ang kanilang mga nagawa. Hindi ba sila nakonsensya na muntik na nilang masira ang aking buhay?
Sakim at mga ganid, ang mga nilalang na kahit kailan ay hindi nanalo sa laban.
Sumulyap ako kay Stratus, ang gagong kawal, ang prinsepeng nagpanggap upang mahanap lamang ang minamahal. Ang taong nagdala saakin sa palaro, kung saan isa sa mga manlalaro si Kamahalan. Napakawais na ngayon.
"Kawal." Lumingon ito saakin.
Kita ko ang pagngisi nito ng makita ang nakalingkis na Kamahalan, hindi ako nais pakawalan.
"Huwag mo na ulit saktan ang aking kaibigan, kung hindi ay ipapakain kita kay Ivanna." Nais kong gumaan lamang ang aking pakiramdam, hindi ko kaya ang nangyari ngayong araw.
"Kumalma na ang mahal na prinsesa, nawala na ang lumiliyab na mata at kulay pulang buhok. Isa ba itong magandang pangitain?" Nagdilim ang aking paningin, hanggang sa tuluyang sakupin ako ng dilim.
Nagising ako sa bagay na humahaplos saaking pisngi, kaagad ko itong pinalis at tumagilid. Ngayon lamang ako nakatulog ng mahimbing, ngayon niya pa ba ako guguluhin?
Sumunod ang kamay nito at sa leeg ko naman humaplos, dama ko ang pagdausdos nito pababa. Napadilat ako at saka bumalikwas.
Marahas akong humarap dito.
"Kefiru!" Nginisian lamang ako nito.
Inaatake na naman ng kalandian ang Kamahalan, masama ito.
"Tigilan mo ako, Kefiru. Nais kong magpahinga, hindi ba at sinabi ni Ina ay hindi tayo maaaring magtabi?" Mas lalong lumawak ang ngisi nito.
"At sino ang nagsabing dapat ko iyon sundin?" Napasinghap ako.
"Iyon lang naman ang tradisyon na aking lalabagin, isa pa. Hindi naman malalaman ni Ina."
Napataas ang aking kilay.
"At ano naman ang plano mo, magaling na Kamahalan. Sa oras na malaman ni Ama?" Umusog ito palapit saakin.
"Hindi niya malalaman, mahal na prinsesa." Kampante ang pangatlong prinsepe, tiwalang-tiwala sakanyang plano.
Bumuntong-hininga na lamang ako saka muling nahiga, hindi ko na mapipigilan pa ang masamang balak ng Kamahalan, lalo na kapag umandar ang kalandian.
"Cleo.." Pumikit na lamang ako.
Napataas ang aking balikat ng hipan nito ang aking tenga. Mariin akong pumikit saka pinilit ang aking sarili na bumalik sa pagkakatulog, wala talagang magandang maidudulot ang pagtabi kay Kamahalan, sakit sa ulo ang pangatlong prinsepe.
Binalot ng kakaibang init ang aking pakiramdam ng halikan nito ang aking balikat pataas saaking leeg, masama ito, malala na ang Kamahalan.
Muli akong bumalikwas at lumayo.
"Kamahalan, kapag hindi ka pa tumigil. Lilisanin ko ang silid." Nawala naman ang pilyong ngiti nito saka tumalon payakap saakin.
"Alam mo bang hinalughog ko ang buong Imperyo ng malaman kong wala ka saiyong silid? Tapos naglalambing lamang ako, sinusungitan mo na ang mahal na prinsepe.." Kung umasta ay parang bata, ako ba talaga ang anak ni Ama? Baka naman naipagpalit ng kapwa kami isilang.
"Hindi bagay saiyo, Kefiru. Tigilan mo." Humaba ang nguso nito.
"May sorpresa pa naman ako.. Huwag na nga lang." Dahan-dahan nitong inalis ang mga braso saakin saka lumayo.
Napataas ang aking kilay, nahipan na naman ng masamang hangin si Kamahalan.
Napaigtad ako ng malakas na bumukas ang pinto, sabay na bumaling ang tingin namin dito.
"Cleo, anak.." Iniwas ko ang tingin kay Ama, hindi ko pa kayang harapin siya.
"Naririto ang kapatid mo, nais ka niyang makilala." Muling bumalik ang tingin ko sakanila, lumakad si Ina at Ama papunta saakin. Umupo ang dalawa sa paanan ng kama habang si Kamahalan naman ay muling ibinalik ang mga braso saakin, lumingkis na naman ang pangatlong prinsepe.
Kita ko ang pag-ngiwi ni Ama sa nasaksihan, hindi ba niya batid na batang bersyon niya si Kefiru?
Lumunok ako ng bumaling ang tingin sa pinto, ngumiti ito saakin. Kasing liwanag ng sinag ng araw ang kislap sa mga mata, bakit ngayon ko lamang napansin?
Ang babae sa hawla, ang ikinadena ni Sehira. Ang babaeng may napakakagandang tinig, ang aking kapatid..
Nanubig ang aking mga mata, hindi ako makapaniwala na mayroon kaming pagkakapareha, kawangis kami ng Ama..
"Ate.."
Tumulo ang aking luha, sa mga oras na iyon ay napuno ako ng kagalakan, nabuo akong muli, tila nawala ang aking pagod ng mapagmasdan ko ang kanyang mga mata. Kawangis ng isang kristal, kumikinang sa ilalim ng buwan.
"Hindi isang Eclipse si Cloe, nabuo siya ng mga oras na ako ay Immortal na." Paliwanag ni Ina.
Ngunit ang kanyang mga mata ay kristal, nakakatakot, nakakahilakbot. Tila kapag ito ay nasubsob ay maaaring mabasag, isang kristal na nakakaakit sa ganda. Kakaibang nilalang ang aking kapatid.
Binitawan ako ni Kamahalan ng ibuka ko ang aking mga bisig sa aking kapatid.
"Yakapin mo ako, Cloe. Halika ka kay Ate." Napahinga ako ng malalim ng tumakbo ito at dinaluhong ako ng yakap.
Bumuhos ang aking luha sa kagalakan, sumama rin sa yakap si Ina at Ama.
Ngayon ay masasabi kong buo na ang aking pamilya, kasama ang mahal kong kamahalan.
"Ina, paano niyo natakasan ang malupit na si Sehira?" Tanong ko dito.
"Niligtas kami ng iyong Ama." Dahan-dahang lumipat ang tingin ko sakanya, ngumiti ako dito.
Malaya na ako, sa sakit at katanungan. Sa wakas ay nawala na din ang kadena ng nakaraan, napalis na rin ang hinanakit ko kay Ama. Hindi ko nais magtanim ng galit, lalo na saaking sariling Ama.
"Naibalik na ang punyal ng iyong Ama, naayos na namin ang problema sa Filezteo." Hinaplos ni Ina ang aking buhok at pinalis ang aking luha, ganun din ang kay Cloe.
"Itinago muna namin dahil delikado, nagpunta ang iyong kapatid noong nakaraan bago pa kayo makaalis ni Kamahalan, naligaw siya at nakasalubong ang isang halimaw." Kung gayun ay siya ang estranghera na aking tinulungan?
Nanlaki ang mga mata ko ng itaas ni Ina ang isang bagay.
"Ang kwintas ni Telisha ay nararapat lamang na ikaw ang magtago, dahil na rin sa ipinakitang ugali ng kanyang sariling anak ay saiyo niya ito inihalili." Muling tumulo ang aking luha, ngunit hindi katulad ng dati, ito ay luha na ng kasiyahan. At hindi ng pighati.
"At ang Dyosa ng lahat, ginawa niya lamang ang mga iyon upang matulungan kang malagpasan ang iyong mga problema, nagpanggap siyang Matanda sa bukirin. At nagpakita sa iyong panaginip, huwag mo siyang husgahan anak, kung ano man ang kanyang ginawa. Iyon ay upang tulungan ka, mabuti ang kanyang puso, kung kaya't lahat ay patuloy pa rin siyang sinasamba." Paliwanag pa nito.
Kumalas ako saaking kapatid.
"Maghanda kayo, magtutungo tayo sa pag-iisang dibdib ng Dyosa.."
You are reading the story above: TeenFic.Net