Chapter 28

Background color
Font
Font size
Line height

Kasing lamig ng hangin, ang bagay na bumabalot saaking dibdib. Tila ayaw lubayan ng sakit, patuloy na naninikip. Walang nais pumasok saaking isip, dahil batid na puro lamang ito pasakit.

Gaano nga ba ako katagal na nakatulala? Dinarama ang hangin na patuloy na dinadala, at nakatitig sa kawalan.

Sino nga ba ang dapat sisihin saaking pinagdadaan? Ang pangangarap ko ba ng mataas? Ang paghiling ng isang pamilya? O ang sarili ko mismo na wala ng ginawa kung hindi humiling at dumipende sa hangin?

Kung gayun ay wala rin pala akong pinagkaiba sa mga nilalang na ganid sa kapangyarihan, na dumidepende lamang sa kanilang nakukuha at kukunin na kapangyarihan. Isang mapaghangad na nilalang na ang nais lamang ay kasamaan. Ibig sabihin ay masama akong nilalang?

Tila umikot ang aking paningin.

Ako naman pala ang dapat sisihin, dahil ako ang nagsimula sa mali.

"Cleo.."

Walang dapat mahirapan, walang dapat masaktan. Ako lamang dapat ang nagdurusa, ang naghihinagpis sa lahat ng problema.

Ngunit ano nga ba ang nais ng dyosa ng lahat? May ibig nga bang ipahiwatig ang kanyang mga salita? Ang kanyang mga gawi?

"Cleo, anak. Si Takara nga ang nasa larawan, ngunit hindi ibig sabihin ay nagtaksil na ang iyong ama. Iniligtas lamang nila ako mula sa kapahamakan." Nilingon ko ito.

"Buhay ang aking mga magulang, Cleo. At ang alam nila ay naging isa ako sa mga puno sa Binnevia, at hindi nila maaaring malaman iyon. Kaya lamang pinanatili ng iyong Ama ang larawan nila Telisha sa kanyang silid ay dahil magtataka ang kanyang ama." Lumapit ito saakin saka ako hinalikan sa noo.

"Ang dalawang taong may basbas ng hari ay dapat magkaroon ng larawan, ito ang isa sa kanilang tradisyon. Ngunit dahil maaaring malaman ng aking mga magulang na ako ay buhay pa kaya si Telisha na lamang ang nagpakuha, ngunit kami ang nagpakasal ng iyong Ama." Hinagkan nito ang likod ng aking palad.

"At dahil nasira namin ang tradisyon na iyon, sunod-sunod na kamalasan ang lumapat saaming relasyon. Kaya tayo ngayon ay nagkalayo, at naghihirap hanapin ang sagot." Muling nanubig ang mga mata ni Ina.

"Patawarin mo ako, Cleo. Napakarami kong maling nagawa, ngunit para sa Inang nais lamang mapabuti ang kanyang anak ay nagawa ko ito. Lahat gagawin ko para lamang saiyo, anak." Kinabig ako nito at niyakap ng ubod ng higpit.

"Salamat at nakinig ka, ngunit para ikaw ay lubusan ng tumahimik. Patawarin mo na maging ang iyong ama, hindi maganda ang pagkikimkim ng galit sa isang nilalang, anak. Kailanman ay wala nagawang kabutihan ang galit, lalo na kapag ito ay sumobra na." Hinawakan nito ang aking pisngi.

"Nagawa ka lamang paalisin ng Ama mo sa unibersidad ng Filezteo dahil saaking kagustuhan, dahil nadarama kong batid na ng aking mga magulang na ako ay buhay pa at nagkaroon ng anak. Ang lagusan ng kawalan ng ginawa ng iyong Ama para saaming dalawa, dahil palihim lamang kaming nagkikita noon, at nag-aaral pa siya sa unibersidad na iyon ng mga panahong kami ay nagkita. Ibinigay niya saakin ang punyal upang kahit anong oras ay mapuntahan at masilayan ko siya. Ngunit dahil nalaman ito ng namamahala sa unibersidad ay napilitan akong lubayan siya." Lumamlam ang mga mata ko at napatitig sakanya.

"Iyan lamang ang maaari kong sabihin, anak. Hindi maaaring sabihin ko saiyo lahat ng biglaan, pupwedeng hindi mo ito maalala sa dami ng iyong nalaman. May tamang panahon upang malaman mo ang lahat, Cleo. Ngunit nasisiguro kong matatapos rin ito."

"Ngunit Ina.."

"Magpahinga ka muna, Cleo. Kakailanganin mo ng lakas, nanghihina ka na."

Ang mundo ay binabalot ng sikreto, mga paniniwalang tanging mga nilalang lamang ang nakaaalam ng totoo. Ngunit ang iba ay pawang mga kasinungalingan lamang, walang pinagmulan at walang dulo, walang kasiguraduhan kung ito nga ba ay totoo. Sino nga ba ang dapat tingnan? Ang dapat pakinggan? Kailan nga ba pagtutuunan ng pansin ang daing ng bawat isa?

"Ako na ang sasama sakanya sa aming silid, Ina." Kumunot ang noo ko at nilingon ito.

May ibig ipahiwatig ang pagdiriin niya sa mga salita.

"Kung iyong mamarapatin, pumapayag ako, Kefiru."

Napailing na lamang ng makita ang pagngisi nito.

Binabalot na naman ng kapilyuhan ang kamahalan, nalalapit ko na itong itulak pababa ng Meuria.

Binalingan ko ng tingin si Ina.

"Ngunit hindi kayo maaaring matulog ng magkatabi hangga't hindi pa kayo nababasbasan ng hari at ng mga dyosa, hangga't wala pang nagaganap na ritwal." Unti-unting naglaho ang kislap sa mata ni Kamahalan.

Mukhang nahuli ni Ina ang masamang balak nito saakin, sadyang napakalakas talaga ng pakiramdam ng isang Ina. Kahanga-hanga at nakakatuwa.

Kung alam lamang ni Ina, ilang beses na kaming nagtabi ng pilyong kamahalan.

"Kefiru, isa iyon sa tradisyon ng Ama ni Cleo. Nawa'y pareho ninyo itong respituhin." Tila nawalan ng lakas at sigla si Kamahalan. Bagsak ang balikat at nakatungo itong sumang-ayon.

"Masusunod, Ina." Napataas ang kilay ko.

Ang kapal talaga ng mukha ni Kamahalan.

Natigilan ako ng madama ko ang pagdausdos ng daliri nito mula saaking balikat pababa saaking kamay, saka muling babalik at uulitin ang proseso. Nagsisimula na ang kanyang kalandian.

Muling sumilay ang ngisi sa labi nito.

"Kung gayun, maaari niyo po bang banggitin ang ilan pang tradisyon ni Ama, upang ito ay lubos naming maiwasan ni Cleo." Hindi ko malaman kung saan nakukuha ng lalaking ito ang kakapalan ng kanyang mukha.

Napatango si Ina.

"Halika na at sumunod kayo saakin, sa hapag natin ito pag-usapan. Mukhang nagugutom na ang aking anak." Lumingon saakin si Kamahalan.

"Gutom na gutom na nga." Sinamaan ko ito ng tingin.

Iba na naman ang nasa isip.

"Huwag kang mag-alala, Cleo. Wala ang iyong Ama maging ang hari, may pinuntahan silang pagpupulong hindi kalayuan dito sa palasyo."

Lumabas kami ng teresa na kinaroroonan namin, ang teresa sa silid ni Ama, nang lingunin ko ang parte kung saan ko nakita ang larawan ay wala na ito doon. Tanging ang magkahiwalay na lamang na larawan ni Ina at Ama ang naroon, napasinghap ako ng masilayan ang nasa itaas ng dalawang larawan.

Doble ang laki nito kumpara sa dalawa, ang larawan ng isang batang babae, ako at ang isang pamilyar na babae.

Nakagat ko ang aking labi.

Imposible.

"Ako lamang ang may karapatang kagatin ang iyong labi, Cleo." Inirapan ko ito.

Nakasinghap ata ng masamang hangin na naman ang kamahalan.

"Hindi mo ito labi, kagatin mo na lamang ang saiyo." Bahagya ko itong siniko ng tuluyan na kaming makalabas ng silid ni Ama.

Nauuna ang mga yapak ni Ina at nakahilera ang mga katulong sa gilid, nakahihiyang marinig nila ang mga pinagsasabi ng bastos na si kamahalan.

"Itikom mo ang bibig mo, kamahalan. Maririnig ka nila." Datapwat ngumisi lamang ito.

Tila nais pa nitong painitin ang aking ulo.

"Nangulila ako sa'yo, Cleo.." Wala pang araw akong nawawala, ngunit nangulila kaagad. Dapat ba akong maawa?

"Hindi ka kaawa-awa kamahalan, huwag kang umasa." Lumamlam naman ang mga mata nito.

"Nais ko lamang na ako'y iyong lambingin, mahal na prinsesa. Ngunit heto ka at sinasabihan ako ng masasamang salita." Rinig ko ang hagikhikan ng mga katulong na nakarinig.

Palihim ko itong kinurot ng bahagyang lumingon si Ina.

"Bilisan niyong dalawa, hindi ko nais malipasan ng gutom ang aking anak."

"Masusunod Ina." Nakalanghap nga ng masamang hangin ang kamahalan, tama ang aking hinala.

Kumunot ang noo ko ng pasimple itong lumapit saakin, habang pahaba ng pahaba ang aming nilalakad ay paisa-isa din siyang humakbang palapit saakin. Animo bata na hindi nais mahuli ng Ina sakanyang kapilyuhan, may naglalaro na naman sakanyang isipan.

Muntik na akong mapatili ng mabilis itong yumakap saakin saka nagnakaw ng halik.

Naguguluhang nilingon ko ito.

"Kefiru!"

"What? I didn't do anything." Inikot lamang nito ang kanyang mga mata sa paligid, sumipol saka tumadyak-tadyak pa, habang halata naman ng kanyang pagngiti sa pagitan ng kanyang pagsipol. Animo walang ginawang masama kung umasta.

Bawat silid na aming madaanan ay gawa sa metal, mula sa kisame, kagamitan hanggang sa sahig. Maski ang mga pinto at bintana, lamesa ay gawa sa metal. Tanging ang mga laman lamang ng bawat silid ang hindi, sadyang napakatibay ng pagkakagawa sa palasyo na ito.

"Cleo.." Napaigtad ako ng sundutin nito ang aking pisngi.

Namumuro na si Kamahalan.

"Ano ba ang iyong problema, Kefiru. Naaasar na ako saiyo." Muli ko itong nilingon ngunit diretso lamang ang tingin, ngunit halos mapunit naman ang labi sa pagkakangisi.

Ibinalik ko na lamang ang tingin sa harapan saka hindi na ito pinansin pa.

Dama ko ang pagdikit nito saakin, may balak na namang gawin. Napataas ang balikat ko sa gulat ng bigla nitong halikan ang aking pisngi.

"Stop it, Kefiru. Hindi na ako natutuwa."

"What did I do this time? Wala naman akong ginagawa." Nagiging bata na ang kanyang tono.

"Pinapagalitan mo na naman ako, bad ka mahal na prinsesa."

"Shut up, Kefiru. Huwag mo akong artehan." Sakit ka talaga sa ulo.

Nanahimik ito ng ilang sandali, mabuti naman. Ngunit dapat ko ba itong ipagpasalamat?

"Cleo?"

"Ano?"

"Mahal kita."

Napalunok ako at pinigilan ang pag-akyat ng pula saaking pisngi, ng mga panahong kasama ko sila Ama sa loob ng silid ay binasbasan niya ako upang maitago ang pagpapalit ng kulay ng aking mga mata at buhok. Ngunit hindi saaking mukha.

"Cleo?" Bumalatay na ang inis sa aking mukha.

"Ano na naman, Kamahalan?"

"Mahal na prinsesa?"

"Mahal kong prinsesa?"

"Cleo na aking mahal na mahal?"

Inis na nilingon ko ito. Pulang pula na ang aking mukha, habang nakapaskil naman ang isang ngisi sakanyang mga labi.

"Mahal kita." Hindi ko na napigilan ang aking sarili.

Hinila ko ang buhok ito saka mariin siyang hinalikan sa labi, mabilis lamang iyon saka siya tinalikuran.

Nagmamadali akong sumunod kay Ina na nawala na saaking paningin. Nang makita ako ng isang katulong ay iginaya ako nito sa hapag kainan, bahala ng maligaw si Kamahalan.

Namataan ko si Ina na nakaupo na sa hapag, nakahain na rin ang mga pagkain. Umangat ang tingin nito at kaagad napakunot ang noo.

"Na saan si Kefiru?"

"Iniligaw ko muna, Ina. Sakit siya sa ulo." Kita ko ang pagngiti nito saka itinuro saakin ang upuan.

"Maupo ka na, anak. Alam kong napagod ka sa pagsama saiyong kapareha. Sakit talaga sa ulo ang mga lalaki." Nginitian ko ito saka nagsimula ng kumain.

Ilang minuto lamang ang lumipas ay bumukas ang pinto, sabay namin itong nilingon ni Ina.

"Naligaw po, kaya dito ko na inihatid. Kanina pa po tulala." Nais kong tawanan ang reaksyon ni Kamahalan.

Tulala ito at para bang wala sa sarili, magulo din ang kanyang buhok.

Binalingan ako ng tingin ni Ina.

"Ano ba ang nangyari?" I shrug my shoulders.

"I don't know." Itinuloy ko ang pagkain.

"Umupo ka na, Kefiru." Tumingin ako dito, at sa oras na nagtama ang paningin namin ay kaagad itong umiwas at nagmamadaling naglakad papunta sa dulong parte ng hapag, ilang silya ang layo saakin. Doon ito umupo.

Napataas ang aking kilay, tila ba may nakakahawa akong sakit sa kanyang Inasta.

Muli itong sumulyap saakin ng maramdamang nakatitig ako. Kinunutan ako nito ng noo.

"Staring is bad." What happen to the flirty kamahalan?

Iniwas nito ang tingin saakin saka tulalang kumain.

Bumuntong-hininga ako saka tumayo, naglakad ako palapit dito saka tumabi sakanya. Hindi ako nito napansin dahil tulala ito sa kawalan.

Ngayon ko lamang nakita ang ganitong parte ni Kamahalan. Tulala at napakalalim ng iniisip, ano naman kaya iyon?

Dumukwang ako palapit dito saka bumulong.

"Kefiru.." Napatawa ako ng mahulog ito mula sakanyang upuan.

"W-what the hell, Cleo!?!" Kita ko ang namumula nitong pisngi at ang nanginginig na tuhod.

So the flirtous kamahalan is getting nervous of my presence, I wonder why?

"Ano ang problema, mahal kong prinsepe? May sugat ka ba, mahal ko? Halika ay gagamutin ko." Napangisi ako ng mas lalong namula ang buong mukha nito, lumunok ito saka naglumikot ang mga mata. Iniiwasan akong tingnan.

"Shut up, Cleo." Kahit nanginginig ang tuhod ay nagawa nitong tumayo at lumipat ng upuan, malayo saakin.

Tinitigan ko lamang ito.

"Stop staring, Cleo."

"Bakit? Nahihirapan ka bang kumain, mahal ko? Nais mo bang subuan kita?" Lumawak ang aking ngisi ng mariin nitong pagdikitin ang dalawang hita.

Si Kamahalan, hindi sanay na nilalandi. Ngunit napakalandi.

"I love you too, Kefiru Ecanus Archon. Ikaw lamang ang mamahalin ko sa dulo ng aking buhay.." 

You are reading the story above: TeenFic.Net