Ang mga alamat ay may kanya-kanyang bersyon, nasa saiyo na lamang kung ito ay iyong paniniwalaan. Ito ang mga bagay na walang kasiguraduhan ngunit may pruweba, ang mundo ay binabalot ng misteryo. Mga pangyayaring hindi mapangalanan, mga kaganapan na hindi malaman kung saan ang pinanggalingan, nakakalito. Nakakahilo, ngunit ano nga ba ang dapat pagtuunan ng pansin ng mga nilalang na ito?
Sa bawat pagdaan ng araw, ang pagtatago ng buwan. Napakaraming nabubuong konklusyon, mga alamat na hindi malaman kung totoo.
Kahit saan ako tumingin, problema ang nakapaligid saakin. Mga matang mapanghusga at ganid, nais kuhanin ang aking natatangi. Bakit nga ba hindi makontento na lamang ang isang nilalang sa kung ano mayroon siya?
Napakadami ko ng binatid, ngunit hindi alam kung ako ba ay nadidinig.
"Handa ka na bang makinig, Cleo?" Umangat ang aking tingin saaking Ina, katabi nito ang aking Ama na bagama't walang emosyon ang mukha ay halata pa rin ang kislap sa mga mata, hanggang ngayon ay hindi makapaniwalang nasa harapan ko na silang dalawa.
Marahan akong tumango.
Umupo ang aking Ina saaking tabi, pinagitnaan ako ng dalawa habang ako ay matamang nakatangin lamang.
Tumingin saakin si Ina saka ngumiti, siniksik ako nito saka yumakap saakin, kapwa napasandal sa aking Ama na yumakap din saamin pabalik saka humalik saaming mga noo.
Kailanman ay hindi ko malilimutan ang araw na ito, ang araw kung saan nabuo kaming tatlo. Nais kong pumikit at damhin ang bawat sandali, nawa'y hindi na ito panaginip..
"Ako si Cexira Samonte, ang babae sa alamat, ang sugo ng bathala.."
Napaigtad ako sa sinabi ni Ina, hindi makapaniwala sakanyang tinuran.
"Si Telisha Samonte, ang aking nag-iisang kapatid. Na mas kilala sa pangalang Takara."
Tila nanginig ang aking mga labi sa narinig, napakalalim, nakakalunod ang mga kasagutan.
Nasagot ang katanungan ko kung bakit kawangis niya ang dating pinuno.
"Ang tore ng Pelandia ay akin, mahal kong anak. Ako ang ikinulong ngunit nakapagtatakang nakatakas ako sa pangangalaga ng dragon. Sabay kaming isinilang ni Telisha sa mundo, kasabay namin ang tore ng Pelandia. Ngunit dahil nalapatan siya ng isang nakamamatay na sumpa ay ako ang iniwan ng aking mga magulang sa loob ng tore, hindi ko rin batid kung bakit hanggang ngayon ay hindi gumuguho ang tore kahit pa nakalabas na ako mula roon. Tama ang isinalaysay ni Telisha, natagpuan namin ng iyong Ama ang pagmamahal sa pagitan ng labanan. Isa akong Mortal, anak, maging si Telisha. Ngunit bago ko pa matagpuan ang iyong ama ay ginawa na akong sugo ng bathala ng dyosa ng lahat, at hindi ko batid kung bakit. Nang sumiklab ang labanan at nasaktuhang isinilang kita gabi bago magsimula ang laban ay iniwan kita sa loob ng tore, sa pag-aakalang madamay ka at maprotektahan ka ng dragon." Naramdaman ko ang unti-unting pagkabasa ng aking leeg.
"Hindi ko ginusto iyon, anak. Ni minsa ay hindi ko naisip na iwan ka ng mag-isa, patawarin mo ako, Cleo. Dahil ngayon lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob na lapitan ka sa nakalipas na taon, sinubaybayan ko ang bawat galaw mo, anak. At ang iyong Ama, hindi niya maiwan ang kaharian dahil maaaring magkaroon ng panibagong digmaan sa oras na bumaba siya."
Humigpit ang yakap nito saakin.
"Napakagulo, ngunit alam kong malalagpasan natin ang lahat ng ito." Nararamdaman ko na rin ang nalalapit na pagtatapos ng aming paghihirap, ang paghahanap ng kasagutan.
"At dahil sa kawangis ko si Telisha, napagkamalan siyang ako, ngunit tinanggap niya ito at nagpakilala bilang Takara, siya ang nagligtas saiyo. Anak, hindi dahil sa inutusan ko siya, ngunit dahil nagkusa siyang kunin ka. Ang pagkamatay niya ay sadya, ito ang sumpang iginawad sakanya simula pa lamang ng mga bata pa kami, ngunit hanggang ngayon ay hindi ko malaman kung sino ang may pakana nito at kung bakit niya iyon ginawa. Ang anyo ni Telisha ay unti-unting tumanda dahil na rin sa sumpa, at si Kefiru. Wala siyang kasalanan, anak. Sinunod niya lamang ang aking hiling na itago ang katotohanan, ako, ako ang nagligtas sakanya dahil dinakip siya ng iyong Ama. Sa pag-aakalang kalaguyo ko ang iyong kapareha."
Inangat ni Ina ang kanyang tingin saakin, saka tinaasan ng kilay ang aking Ama. Nag-iwas lamang ito ng tingin.
"Isa akong mortal, anak, ngunit ginawa akong Immortal ng iyong Ama. Ang punyal, galing iyon sa iyong Ama, pinatama ko ito saiyo sa pag-aakalang madali mong mahahanap ang iyong Ama, ngunit nagkamali ako."
Hindi pa, hindi pa nasasagot lahat ng aking katanungan.
Natahimik kami ng pumainlalang ang malakas na katok mula sa pinto.
"Leighton, papasukin mo ako."
"Ama.." Napaupo ako ng tuwid, maging si Ina ay ganun din.
Tumingin si Ama kay Ina.
"Itinago mo ba ang inyong presensya?" Marahan itong tumango.
"Oo, ngunit nadama pa rin pala ito ng iyong Ama." Tumayo si Ama saka naglakad palapit sa pinto.
Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Ina, nakadarama ako ng kakaiba.
"Magiging maayos din ang lahat, anak." Tumingin ako dito, kasabay nun ang pagbubukas ng pinto.
Kapwa hindi kami tumingin sa direksyon na iyon, bagkos ay hinaplos ni Ina ang aking buhok.
"Nangungulila ka sakanya, tama ba?" Iniwas ko ang aking tingin mula dito.
Sadya talagang malakas ang pakiramdam ng mga Ina.
Hinawakan nito ang aking baba saka iniharap sakanya.
"Normal lamang na mangulila ka sa iyong kapareha, dahil hindi nawawala ang linya na nagbubuklod sainyo, Cleo." Dinala ni Ina ang aking mga kamay palapit sakanya labi.
"Iyan ang dahilan kung bakit hindi na nakahahanap pa ng panibagong pag-ibig ang mga nilalang na nanggagaling sa tore, dahil sila ay habang buhay ng nakatali sa kanyang kapareha. Iyon ang sumpa sakanila, katulad ko, nasumpa akong makasama ang iyong Ama at tiisin ang kanyang ugali." Sumilay ang ngisi saaking labi.
Ngumiti ito saka hinalikan ang aking kamay.
"I can hear you, Cexira." Dumating ang nakakunot-noong si Ama, kasunod nito ang lalaking kawangis niya.
Tumabi si Ama kay Ina saka ito mahigpit na niyakap.
"Ang apo ko.." Bumaling ang tingin ko sa lalaking kasalukuyang nakatayo saaking harapan.
Ngumiti ito saakin, maliwanag at napakagaan sa pakiramdam.
Inilahad nito ang kanyang mga bisig.
"Halika at yakapin ang hari, ang iyong Lolo." Mabilis akong napayakap dito.
Buo na talaga ako. Buong-buo na ang aking pagkatao.
Dama ko ang paghalik nito saaking ulo.
"Huwag kang masyadong mangulila sa lalaking iyon, apo. Mas lalong lalaki ang ulo niyon." Kung gayun ay nagawi na pala dito si Kamahalan, at hindi man lang nagsabi saakin.
"Manatili muna kayo ng ilang araw dito, Cexira. Nais ko pang makasama ng mas matagal ang aking apo, hayaan mong mabaliw ang pangatlong prinsepe ng Sheffillion, Cleo. Saka ka bumalik sakanya." Humiwalay na ako dito saka muling umupo sa kama.
"Huwag kayong mag-alala, wala pang nakaaalam na nandirito kayo sa Meuria, gagawa kami ng paraan upang itago ang presensya ninyong dalawa. Sa ngayon, hindi pa kayo maaaring lumabas, marami ang nag-aabang sa ibaba. Halika na, Leighton." Tumayo si Ama saka binigyan kami ng tig-isang halik sa noo ni Ina.
"I will be right back." Saka ito sumunod sa papaalis na hari.
Napahiga ako sa kama, kanina ko pa tinatago ang pananakit ng aking katawan. Ngunit ngayong dalawa na lamang kami ni Ina ay nagawa ko ng ipakita ang aking tunay na nararamdaman, ang panghihina ng aking buong kalamnan.
Humiga si Ina saaking tabi, katulad ko ay pagod rin sa lahat ng aming pinagdaanan.
"Ang sabi niyo ay may sakit ang aking Ama, ngunit bakit wala sakanyang itsura?" Ngumiti ito saakin.
"Iyan din ang sabi niya saakin, na may malubha siyang karamdaman at marami ang nagtatangkang kunin ang kanyang kapangyarihan, but I should have known better." Napailing-iling ito.
"Iyan ang sinasabi ko, anak. Ang ugali niyang iyong ama, inartehan lamang ako." Dinig ko sakanyang boses ang pagod, maski ako ay nais idaing lahat ng naubos kong kapangyarihan, ang lakas na iginugol ko upang makita lamang siya.
"Napaka-arte talaga ng iyong Ama, mabuti na lamang ay hindi mo ito namana, anak." Nang sulyapan ko ito ay nakapikit na siya.
Lihim akong ngumiwi, hindi nga ako nag-iinarte. Ngunit bumawi naman ang kaartehan ni Kamahalan, mukhang siya ang nakamana ng kaartehan ng aking Ama.
Tumitig lamang ako dito habang siya ay natutulog, bumabawi ng naubos na lakas. Napakaganda talaga ng aking Ina, walang duda.
Gustuhin ko mang matulog, pumikit at magpahinga, ngunit natatakot akong baka isa lamang itong panaginip. Isang magandang panaginip, panaginip kung saan lahat ng aking mga pangarap ay natupad, nalutas ang iba kong katanungan. Ngunit batid kong hindi pa ako tapos, kailangan ko pang hanapin ang lahat, lahat ng kulang sa isinalaysay saakin ni Ina. May kulang pa, may itinatago pa siya saakin, at dama ko iyon.
Kailangan ko iyon malaman, malutas lahat ng problema, upang lahat kami ay malagay na sa tahimik. Maaari ko ng pakasalan ang tsismoso at bastos na kamahalan na pinaglihi sa kaartehan.
Naalala ko ang mga panlalandi na ginawa nito saakin sa Binnevia noon, nais kong ngumiwi at kiskisin ang aking ulo upang matanggal ang mga kabastusan nito na nabubuo saaking utak. Nang mga panahong iyon ay kapwa hindi pa namin batid na kapareha namin ang isa't-isa, sadyang tama lamang ang konklusyon ni Kamahalan at nilandi ako kaagad. Napaka talaga.
Tama ang sinabi ng mga nilalang, na may tamang panahon ang lahat.
Taimtim kong tinitigan ang natutulog na si Ina, inilibot ko ang paningin sa buong paligid.
Ngayon ko lamang napagmasdan ang buong silid ni Ama, datapwa't isang prinsepe ay napupuno ng itim at pula ang buong paligid. Huminto ang tingin ko sa isang larawan na nakasabit sa dulo ng silid.
Dahan-dahang akong napaupo habang matamang pinagmamasdan ang larawan, isang babaeng may pulang buhok na may suot ng isang kakaibang kwintas at lalaking walang emosyon ang mukha. Hindi makikita ang larawan dahil natatakpan ito ng kakaibang tela, ngunit sa hindi malamang dahilan ay nasilayan ko ito kahit pa may takip.
Suminghap ako saka bumalik ang tingin kay Ina.
Ano na naman ito?
Nagsimulang mangatog ang aking tuhod at nanubig ang aking mga mata.
Nalilito na naman ako, nahihilo na sa mga problema. Nasolusyonan man ang isa ngunit may darating namang panibago, napakagulo.
Kasabay ng aking pagtayo ang pagbubukas ng pinto.
Marahas akong humarap dito.
Pumasok ang nagmamadaling si Kamahalan at yumakap saakin.
"Akala ko ay mamamatay na ako sa paghahanap saiyo, Cleo.." Bulong nito saakin saka hinigpitan ang yakap.
Wala, wala akong maramdaman, tila nabingi ako sa paligid. Tuluyan ng binalot ng lamig ang aking buhok maging ang aking mga mata.
Dama ko ang pagtulos ni kamahalan at ang dahan-dahan nitong paghiwalay saakin, bumalatay ang gulat sa mga mata nito.
"Cleo.." Kita ko ang repleksyon ng isang babaeng mayroong asul na buhok at mga mata.
Kasunod nito si Ama, maging ito ay naguluhan saaking naging reaksyon. Gayunpaman ay muling yumakap saakin si kamahalan.
Tumitig ako kay Ama.
"Ikaw. Ikaw si Francestor Villea, tama ba?" Nanigas ang katawan ni Kamahalan.
Sinlamig ng aking pakiramdam ang bumalot sa buong silid, dahilan para magising si Ina.
"Cleo.." Sinubukang humakbang nito ngunit kaagad akong umatras, hindi man lang bumitiw saakin si Kamahalan.
"I-ikaw.. Niloloko mo ang aking Ina.." Dumiin ang yakap saakin ni Kamahalan.
Tila naging bato ang aking pakiramdam, nais ko ng lunurin ang aking sarili upang matapos lamang ang lahat ng ito.
"Si Takara, hindi. Si Telisha, siya ang iyong kapareha. Tama ba? At hindi ang aking Ina!!" Lumakas ang ihip ng hangin.
"Cleo anak.." Sinubukang lumapit saakin ni Ina ngunit muli lamang akong lumayo.
"Sa kanya galing ang aking kwintas, at saiyo galing ang punyal. Sabihin niyo nga, pinaglalaruan niyo ba ako?" Mabilis na tumalilis ang luha mula saaking mga mata.
Bakit? Bakit na naman humantong sa luha ang lahat ng pangyayaring ito?
Tila ako nilulunod sa katanungan, sa kalituhan. Inilulugmok sa mga kaguluhan, inililihis sa daang dapat ay aking tahakin, hindi nais na ipabatid ang lahat ng katotohanan saakin.
"Cleo, ang iyong Ina ang tunay kong kapareha. At kailanman ay hindi ako nagtaksil sakanya."
Napatawa ako ng mahina.
"Ngunit sino ang bumihag kay Ina? Sino ang nilalang na nagtulak sakanya upang ikulong kami sa ilusyon!?! Sino ang babaeng ikinulong niya sa hawla ng araw ding iyon!?!"
"Ang iyong kapatid." Natahimik ako at hindi naka-imik.
"May kapatid ka Cleo.."
You are reading the story above: TeenFic.Net