Chapter 26

Background color
Font
Font size
Line height

Kasinungalingan ang tumanggi, sa isang kasalanang hindi pa batid. Kamalian ang mangarap, humiling sa alapaap, ng isang bagay na imposible sa mata ng lahat.

Ano nga ba ang ginagawa ng isang nilalang kung nais niyang takasan ang reyalidad? Takasan pansamantala ang mga suliranin, hanapin ang kapayapaan sa sarili, tingalain ang sarili kahit isang saglit.

Napahawak ako saaking batok, hindi mawari kung paano nabatid ni kamahalan na ako ay may balat doon. Kahit kailan sa aking buhay ay hindi ko nalaman na ako ay balat doon.

Bumaling ang tingin ko sa bintana ng pumasok ang isang napakalamig na hangin, pinababatid saakin na hindi maganda ang maaaring mangyari. Ukol ba ito sa magaganap na kasalan ng dyosa ng lahat at ng kanyang kapareha? Hindi ba nais ng hangin na sila ay magsama? Ngunit hindi ba at nakatadhana ang dalawa na magsama?

Isa pa ang pinagtataka ko, bakit kailangan manipulahin ng dyosa ang aking buhay?

Kanina pa umalis ang malakas na presensya sa likod ng pinto, ngunit hanggang ngayon ay napapaisip ako kung sino ba ang nasa likod nito.

"May nakapasok!"

"Hanapin ang mga namamahala at bantayan."

"Doblehin ang mga kawal!"

"Halughugin ang buong kaharian!"

Kumunot ang aking noo ng malakas na bumukas ang pinto. Nais atang sirain ito.

Sumandal ako sa pader saka tinitigan ang pumasok.

Mataman lamang itong nakakatitig saakin habang inaanalisa ang aking kabuohan.

"Ano ang kailangan mo, Stratus?" Tinanggal nito ang suot na helmet saka nagkamot sa kanyang ulo.

"Hanggang ngayon pala ay nagpapanggap kang kawal, ano pa ba ang iyong kailangan at hindi ka na lamang bumalik saiyong palasyo?" Tumingin ito saakin.

"Naitalaga ako ni Ama bilang punong kawal na magbabantay sa Caspian." Humakbang ito palapit.

"Akala ko'y may nangyari ng masama saiyo." Kumunot ang aking noo.

"Hindi niyo batid na may dumating na panauhin?" Huminto ito hindi kalayuan saakin. Ang mga mata nito ay napuno ng tensyon.

"Kung gayun ay kinausap ka niya, ano ang kanyang ibinalita?" Ngumisi ako.

"Batid mo din pala ang kanyang pagpunta, Stratus. Bakit hindi mo sabihin sa lahat?" Muli nitong isinuot ang helmet sakanyang ulo.

"Hindi pa siya isang ganap na mensahera, Cleo. Maaari mo lamang siyang ipahamak."

"Kung hindi pa talaga siya isang ganap na mensahera, papaano naipabatid ng mga dyosa ang sulat?" Tinalikuran na ako ng kawal, napakagalang talaga.

"Lahat ay may paraan, Cleo. Pumunta lamang ako dahil inutos ng iyong kamahalan, napilitan lamang ako kung kaya't huwag ka ng magtanong pa." Tumaas ang aking kilay.

"Halata ngang ikaw ay napilitan lamang, kawal." Hindi ako nito pinansin saka tumuloy palabas ng silid.

Lalamunin ng kadiliman ang kalangitan, habang buhay ng matatali ang dyosa, sagrado ang isang ritwal, walang sinuman ang makakawala. Ngunit sino nga ba ang dapat lumuhod? Ang tala o ang kadiliman? Sino nga ba ang dapat nasa itaas, ang isang binibini o ang isang ginoo?

Nais ng dyosa na masilayan ko ang kanyang pag-iisang dibdib sakanyang kapareha, ngunit kailan naman kaya mangyayari saamin iyon ni kamahalan?

Ako ay napahinga ng malalim. Hanggang kailan nga ba iikot ang problema? Kailan nga ba ako magkakaroon ng isang mapayapa at tahimik na pamilya?

"Cleo!!" Napaigtad ako ng muling bumukas ang pinto.

Humahangos na pumasok ang pawisang babae, ang kawangis ni Takara.

Namumula ang pisngi nito maging ang kanyang mga mata.

"Cleo.. anak. Ang iyong ama.." Bumalikwas ako ng tayo saka siya nilapitan.

Tila nadurog ang aking puso ng unti-unting pumatak ang luha sakanyang mga mata, dama ko ang sakit, maging ang kanyang pighati. Alinsunod nito ang panginginig ng aking tuhod, nais mawalan ng balanse sa sakit na dumadaloy saaking buong katawan. Kumibot ang aking labi hanggang sa naramdaman ko na lamang ang panunubig ng aking mga mata.

Ang aking Ina..

Tila ngayon lamang pumasok saaking isipan ang mga nangyayari, na mayroon akong pamilya na nabaon lamang sa kasulok-sulukan ng aking puso. Ngunit may pakiramdam din naman ako, batid kong siya ang aking Ina, kahit pa hindi ko ito naramdaman noong una naming pagkikita.

"Cleo, ang iyong ama. Nais niya tayong makita.." Batid ko ang pagnanais nitong dugtungan ang kanyang sasabihin ngunit hindi niya magawa dahil sa tuloy-tuloy na pagluha.

Napayakap ako dito ng marinig ko ang paghagulgol niya.

"Nais ko siyang makita, anak. Kahit ngayon lamang, pagbigyan mo ang iyong Ina. Dalhin mo ako saiyong ama." Hindi ako makagalaw habang akap-akap niya ako, ngayon ko lamang naramdaman na mayakap ng isang Ina. Kakaiba sa lahat ng yakap na aking nadama.

Ang pangungulila ko ay nalakapan ng galak, sa wakas ay nayakap ko din ang aking Ina.

Nanginig ang aking lalamunan ng marinig ko ang ibinulong nito.

"Nais ka din niyang makita, anak. Sa wakas, mako-kompleto na rin tayo." Nagmalabis ang mga luha mula saaking mata habang nadarama ko ang paghaplos nito saaking buhok, kinukuha ang lahat ng sakit, bumabawi sa dekadang lumipas na puno ng pighati.

Sa lahat ng pangarap na aking nais matupad, ito ang pinaka aking inaasam. Ang makita ang aking mga magulang, yakap ko pa lamang ang aking Ina, ngunit pakiramdam ko ay buong-buo na akong muli. Ang pagtanggi ko sakanya kagabi ay talagang aking pinagsisisihan, ang saktan ang iyong sariling Ina ay napakasakit sa katulad kong nangungulila. Ngunit hindi ko masisisi ang aking utak, sadyang mas lalo lamang akong naguluhan ng ibatid nila iyon saakin.

Isinubsob ko ang aking mukha sa kanyang balikat.

"Pupuntahan natin si Ama. Pangako iyan."

Marahan ko itong hinila palapit sa teresa, batid kong mali ang pagpunta sa itaas ng walang basbas. Hindi ko rin alam kung papaano kami magtutungo sa itaas, ngunit hindi ako makatanggi sa kanyang mga matang humihiling.

Itinaas ko ang aking kamay.

Gabayan sana ako ng buwan..

Batid kong nagkukubli lamang ito sa likod ng araw.

~Hangin na aking tinatangi

Dalhin kami sa Ama kong giliw

Ituro ang daan sa kalangitan

Ipakita ang kanyang kaharian~

Nagsimulang umihip ang malakas na hangin, mahigpit kong niyakap ang aking Ina habang nadarama ang paparating na mas malakas na hangin.

~Gabayan kami sa paroroonan

Ipadama ang aking inaasam

Tulungan ako hangin

Pumasok sa kahariang hindi ko batid~

Nadama ko ang unti-unting pagsama namin ni Ina sa hangin, ang paglutang namin sa agos nito. Ang pakiramdam na lumutang at makalipad sa alapaap.

~Buwan na aking sinilangan

Liwanagan ang aming daraanan

Hayaan akong damhin ang pamilya

Hagkan ang katotohanan~

Nadama ko ang pagkalat ng init saaking katawan, at ang unti-unti naming pagbaba sa lupa.

Dumilat ako saka inilibot ang tingin sa paligid, maliwanag. Ngunit hindi makintab, hindi pa namin narating ang Lastisha Siofra.

Nagawa ko. Nagawa kong makarating sa Meuria.

Awang ang labing tinitigan ko ang aking mga kamay.

Isang karangalan ang makapunta sa lugar na ito, ngunit alam kong isang kalapastanganan ang magpunta ng walang paalam.

Ito lamang ang lugar kung saan naglalagi ang mga kalahating dyos at dyosa. A demi-gods who owns a power that is stronger than the ordinary creatures.

Puro puti ang aking nakikita, liwanag na nagmumula kung saan-saan, sinag na napaka-kinang.

Ngunit kahit saan ako bumaling, natatakpan ng hamog ang paligid, hindi malaman ang daan patungo.

"Ina, batid mo ba kung saan ang daan?" Pakiramdam ko ay naubos ang aking lakas, dama ko ang labis na panginginig ng aking mga tuhod, ang pagkaubos ng aking boses. Ang sakit sa buong katawan, at ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata. Kalabisan ay masama, patunay nga ang aking nadarama ngayon. Idagdag pa na wala akong pahinga simula kagabi, maski ang aking isip ay hindi namahinga.

Dama ko ang pag-alalay nito saakin, nag-iingat na hindi ako matumba matapos ng pang-aabuso ko saaking katawan.

"Alam ko ang daan, sumunod ka anak." Tinungo nito ang silangan, at kaagad naman akong sumunod. Mabagal lamang ang aking paghakbang habang tahimik na sumusunod sakanya.

"Batid mo ba ang aking pangalan?" Natigilan ako sakanyang tanong.

Ito ang unang beses na nakapag-usap kami ng maayos, kakaiba sa pakiramdam.

"Hindi."

Nakita ko ang pag-ngisi nito.

"Cexira ang aking pangalan, anak. Ngunit alam mo ba ang apelyido na aking gamit?" Kumunot ang aking noo.

"Latona, ang apelyido ng iyong ama." Umawang ang aking labi.

Kung gayun ay mas lalong manganganib ang aking buhay sa oras na sabihin ko ang aking buong ngalan.

"Leighton ang ngalan ng iyong ama, Cleo. Wala man kaming basbas ng mga ordinaryong nilalang, binasbasan naman kami ng kanyang ama. Batid ng kanyang ama ang aming pagsasama, batid ka rin niya." Hindi ako nakaimik sa nalaman.

Pakiramdam ko ay mas lalo akong naubusan ng lakas, pang-unawa upang analisahin ang lahat.

"Eileithyia ang ngalan ng Ina ng iyong ama."

Nagagalak akong malaman na galing pala sa aking pamilya ang aking buong pangalan.

Huminto ito saka tumabi saakin.

"Cleo, anak. Huwag mong isipin na hindi ka namin minahal ng iyong ama, walang salita ang makakapaglarawan ng kasayahan na nadama namin ng isilang kita sa mundong ito." Hinapit nito ang aking bewang saka ako hinalikan sa noo.

"Ikaw ang isa sa napakagandang regalo na maibibigay ng dyosa saakin, ang aking pinakamamahal na anak. Pakinggan mo sana ako, Cleo. Hindi ko minsan ninais na mawalay saiyo, na saktan ang sarili kong dugo at laman."

Muling nanubig ang aking mga mata.

"Walang Ina ang nais masaktan ang kanyang anak, walang ama ang nais malayo sakanyang anak, Cleo. Tandaan mo, hindi ka man lumaki sa amin ng iyong ama, ngunit nasisiguro kong binabantayan ka namin sa lahat ng oras." Napaluha ako sakanyang balikat.

"Sayang at hindi ko nakita ang unti-unti mong pagdadalaga, ang paghahanap mo ng kaibigan, ang pagkikita niyo ng iyong kapareha. Malupit man ang mundo, ngunit dinala ka pa rin ng dyosa saakin upang iparanas kung gaano kakulay ang pag-ibig ng isang Ina sakanyang anak."

Huminto kami sa isang parte ng lugar.

Itinaas ni Ina ang kanyang kamay at nagsimulang lumabas ang nakakasilaw na liwanag mula sakanyang kamay, kitang-kita ko ang paghawi ng hamog sa paligid.

Umawang ang labi ko ng makita ang isang kaharian na gawa sa metal.

"Maligayang pagdating sa Meuria, Cleo."

Nakagat ko ang aking labi, kumikinang ang kaharian sa'twing natatamaan ng liwanag. Isang napakatayog at napakatibay na kaharian.

"Ang hamog ang nagliligaw sa mga nilalang na hindi busilak ang puso na nakarating dito sa Meuria, at isang karangalan ang magkaroon ng kakayahang makapunta at makabalik ditong muli, Cleo. Kakaiba ang lugar na ito, sagrado at napaka-delikado, dahil sa oras na maligaw ka. Iba't-ibang nilalang ang maaaring pumaslang saiyo. Mas mahigpit kaysa sa Latisha Siofra."

Hinawakan nito ang aking kamay.

"Magmadali na tayo, paniguradong nadarama na ng palasyo ang ating presensya." Humarap ito saakin.

"Dadalhin na kita saiyong ama, Cleo. Sabik na akong masilayan siya." Nangingislap ang mga mata nito habang nagsasalita.

Ang aking Ina na matagal kong inasam, ngayon ay nasa aking harapan, hindi ako makapaniwalang matapos ang lahat ng pinagdaanan ko, makikita ko rin sa wakas na buo ang pamilya ko.

"Nasa tuktok ang silid ng iyong ama, Cleo, hindi gumagana ang kapangyarihan natin dito. Ngunit kaya kong akyatin iyan gamit ang puno." Napatingin ako dito.

Mabilis kaming naghanap ng puno na maakyatan, ngunit iisa lamang ang nakita namin na saktong nakatayo sa harapan ng silid ni Ama.

"Tayo na, kumapit ka sa aking leeg. Kaya kong akyatin ito." Nakasakay ako sa likod nito habang mariing nakapikit.

Hindi ko nais makita ang ilalim habang naakyat ang aking Ina.

Dumilat ako saka tumingin sa kanyang mukha.

Talagang determinado itong makita ang aking Ama, na mabuong muli ang aking pamilya.

Nakagat ko ang aking labi ng umapak ang aking Ina sa isang sanga.

"Ina, delikado iyan."

"Ngunit ito na ang huling ating tatapakan upang makarating sa itaas, ng sa gayun ay makatawid tayo sa iyong ama. Huwag kang mag-alala, hindi kita hahayaang mahulog, anak."

Muntik na akong mapasigaw ng apakan nito ang sanga at biglang maputol. Mabilis na yumakap ang aking Ina sa puno.

"Magmadali ka, akyat na anak. Hindi ka mahuhulog, pangako." Dahan-dahan akong bumitaw dito saka humawak sa sanga na dapat tapakan.

Sa nanghihinang katawan ay hinila ko ang aking sarili paakyat, ng makabawi ay kaagad kong tinulungan si Ina upang makaakyat.

Huminga ako ng malalim bago tinitigan ang aming tatawirin.

"Nawa'y iniwang bukas ng iyong Ama ang bintana, ng sa gayun ay mabilis tayong makapasok." Sa tono ng pananalita nito ay halatang sanay na sanay na ito sa ganitong gawi.

"Halika na anak." Dahan-dahan naming tinawid ang isang matabang sanga.

Kaagad na binuksan ni Ina ang bintana ng makarating kami sa dulo, pareho kaming nakahinga ng maluwag ng malamang bukas ang bintana. Pagod na napaupo ako sa sahig ng silid.

"Na saan si Ama, Ina?" Nilingon ako nito.

"Nasa kama." Bulong nito saka ngumisi.

"I told you, Cexira. That stunt is dangerous, why don't you listen to me?" Nanginig ako ng marinig ang isang baritonong boses.

Dama ko ang awtoridad sa kanyang boses.

"I know that, Leighton. You don't have to remind me." Lumunok ako saka unti-unting tumayo.

Napaliligiran ng kulay puting tela ang kama kung kaya't hindi ko maaninag ang nilalang sa loob.

Hinapit ako ni Ina at hinagkan sa ulo.

"Leigh, come here. I have a surprise to you." Muling nanubig ang aking mga mata habang nakikita ko ang pigura ng nilalang na unti-unting lumalabas mula sa puting tela.

Napigil ko ang aking hininga ng makita ang itsura nito. Maging ito ay natigilan at napatitig saakin, dahan-dahang umawang ang labi nito.

"Anak." Mabilis akong napatakbo dito at napayakap.

Humagulgol ako ng iyak sa loob ng kanyang mga bisig, sa wakas ay nayakap ko rin ang aking Ama.

Pakiramdam ko'y lahat ng pagkukulang na nadarama ko ay napunan na, lalo na ng yakapin din kami ni Ina.

Buo na ako, buong-buo na ako.

"Makikinig ako Ina, makikinig na ako saiyo."

You are reading the story above: TeenFic.Net