Chapter 25

Background color
Font
Font size
Line height

"Stop." Itinaas ko pa ang aking mga kamay at mariing pumikit.

Hindi ma-proseso ng aking isip ang nalaman, sadya ba talagang mapaglaro ang tadhana?

Marahan akong dumilat at tumitig sakanya.

Sino nga ba ang nagsasabi ng totoo? Ang kanyang mga mata na nagsasabing hindi ito ilusyon? O ang kanyang mukha na nagsasabing huwag akong maniwala sa lahat ng ito?

"Isang mortal ang aking Ina, may kapangyarihan ka, babae. Ginagamitan mo na naman ba ako ng iyong ilusyon?" Humakbang ako paalis sa pagkakasandal sa lamesa.

Hindi ko mawari kung totoo nga ba na nasasaktan siya saaking sinaad, ngunit bakit kasama niya si kamahalan?

"Wala ka sa loob ng ilusyon, Cleo. Pansamantala ko munang pinatulog ang pamahalaan upang makapag-usap kayo." Nais kong kwestyunin ang sinaad ni kamahalan.

Kung gayun ay may alam siya?

Ngunit bakit hindi niya ito binatid saakin?

Marahan akong tumango.

"Kung gayun ay may alam ka, kamahalan.."

Naningkit ang aking mga mata.

"Cleo. Nagsasabi ako ng totoo." Marahas kong ibinaling ang tingin sa babae.

"Kung gayun ay kapatid mo si Takara, gayun ba?" Nagtaas baba ang aking dibdib. Dama ko ang pinaghalong galit at kaba, hindi ko mawari kung ano nga ba ang aking paniniwalaan.

"At nagsisinungaling si Takara ng sabihin niyang isang mortal ang aking Ina, nais mo bang ipabatid na lahat ng kanyang isinaad ay mga kasinungalingan? Na wala ni isang tama sa kanyang isinulat?" Nais ko ng mawalan ng ulirat sa aking mga nalalaman.

Ano at kay lupit ng tadhana.

Humakbang ako palapit dito, nanginig ang aking mga labi habang marahan ko itong pinagmamasdan.

Kawangis niya ako..

Nanubig ang aking mga mata kasabay ng panginginig ng aking mga tuhod.

"Kung isang mortal ang aking Ina, hindi ako magiging eclipse. At kung ikaw nga ang aking Ina, bakit sinabi nila saakin na isa kang puno sa Binnevia! Kung gayun ay bakit kailangan kong tanggalin ang sumpa mula dito?"

Nais kong sumigaw, iluha ang lahat ng aking kaguluhan. Tuldukan ang lahat ng problema, bakit nais akong pahirapan ng bathala?

"Cleo, anak. Makinig ka saakin.."

Hindi ko na napigilan ang aking mga luha, mabilis ko silang nilagpasan at pinalis ang aking mga luha.

Nais kong mapag-isa..

"Cleo!!"

~Hangin, dalhin ako saaking silid

Iluha ang pighati

Alisin ang bumabagabag saakin

Damhin ang hinagpis~

"Cleo! Cleo sandali lamang!!"

Bumilis ang aking mga lakad, hindi nais na masundan.

~Isabay sa agos ng hangin

Ang hiling ng aking isip

Tupadin ang aking nais

Hindi na nais pang maghinagpis~

"Cleo!" Dinig ko ang mabibilis na yabag na palapit saakin.

Kasabay nito ang mabilis din na pagtibok ng aking puso, pinaghalong kaba at takot.

~Dugo ang kapalit

Kasinungalingan ay hinihigit

Puno ng takot ang isip

Kaguluhan ay tinatangi~

Kasabay ng aking paglingon, ang unti-unting paglipad ko sa hangin.

Bakas man ang pighati, ngunit takot ay bumabalot pa rin. Ang kanilang mga matang nakamasid, nakakatakot na ako ay malunod muli.

Sana ay hindi na lamang ako nangarap ng mataas, makita ang nasa labas, hanapin ang aking kapareha. Alamin ang tungkol sa alamat, umalis sa kamay ni Takara, iligtas ang aking mga kasama.

Hindi ko batid na sa likod ng kagubatan, nagtatago ang katotohanan, na mas lalong magpapagulo ng aking isipan. Bibigyan ako ng di-matawarang sakit at kaba, paluluhain ako dugo at pangamba.

Pakiramdam ko ay hindi naman ako nakaalis sa kamay ni Takara, nananatili akong nakakadena sa nakaraan. Ang nagbabayad sa mga kasinungalingan, ngunit ano nga ba ang aking dapat paniwalaan?

Sinisingil na ba ako ng kalangitan? Mali bang humiling ako ng kapayapaan? Ngunit hindi ko naman ninais na mawalan ng ala-ala, ano nga ba ang nais ng dyosa?

Sumikip ang aking dibdib sa kaisipang nais nila akong pahirapan, may ginawa ba akong mali? Kasalanan ba ang humiling? Bumulong sa hangin ng hapdi?

I eventually vanished into the thin air, and I wish the pain will vanished just like how I do. But I know, the pain will last until I find the answer to my questions.

Pumikit ako at dinama ang hangin, ang bagay na nananatiling akin.

Ang isang dyosa ay may kakayahang magpalabas at pagalawin ang elemento, ngunit ang mga ordinaryong nilalang ay may kakayahan lamang na magpagalaw nito. Ngunit ano nga ba ang kakayahan ng isang Eclipse kung siya ay nasa gitna ng dalawa?

Nang magmulat ako ay nasa loob na ako ng aking silid, nakahiga sa malambot na aking higaan. Nakatulala sa itaas na bahagi ng aking silid, hindi makagalaw sa sakit.

Nais ba talaga nilang guluhin ang aking isip? Hindi ba ako maaaring magpahinga ng ilang saglit?

Hindi ko pa man naipipikit ang aking mga mata ay malakas na bumukas ang pinto.

Pumasok ang hinihingal at galit na kamahalan.

"Damn! Bakit ganyan ang pagkakahiga mo!?!"

Nakalagay ang aking mga kamay sa aking tyan at diretso ang aking katawan, posisyon ng isang patay.

"Ano at naririto ka, kamahalan? Nais kong mapag-isa." Nananatili ang aking tingin sa itaas.

Dumagundong ang malakas at marahas nitong pagsara sa pinto, batid ang galit sakanyang mga kilos.

"Lumabas ka, kamahalan." Humakbang ito palapit saakin.

"Nais kong magpaliwanag." Kumibot ang aking labi.

"Hindi ko pa kayang pakinggan ang iyong sasabihin, puno pa ng kaguluhan ang aking isip." Tumigil ito saaking paanan.

"Lumabas ka, kamahalan. Hindi kita kailangan sa ngayon, ako lamang at ang aking isip ang mananatili sa silid na ito." Ngunit bingi ito saaking tinuran, umupo ito sa kama at tumabi saakin.

Hindi talaga nakikinig si kamahalan.

Ginaya pa nito ang posisyon ng aking pagkakahiga.

"Cleo.."

"Kung nais mong manatili saaking silid, itikom mo ang iyong bibig." Natahimik naman ito at binaling ang tingin sa itaas.

Dumaan ang katahimikan, hindi ko mawari kung paano ko iisipin ang lahat, gayung katabi ko ang isa saaking problema.

"Cleo.."

"Manahimik ka." Tumagilid ako saka ito tinalikuran, kaagad naman itong umusog palapit saakin saka yumakap.

Binalot ng kakaibang init ang aking katawan habang nadarama ko ang paglanghap nito ng aking natural na amoy.

Humigpit ang yakap nito saakin.

"Batid ko na, simula pa lamang ng iligtas niya ako sa kamay ng mga bumihag saamin ni Ivanna, siya ay nagtatago na ngayon sa ilalim ng aming kaharian. Siya ang tumulong saakin, Cleo. Binatid niya saaking ikaw ang tunay niyang Ina, noong una ay hindi ako naniwala. Ngunit ng ipakita niya saakin ang nakaraan.."

Kumabog ang aking dibdib habang pinakikinggan ang kanyang mga sinasabi, hindi alam kung maaalala pa hanggang sa huli. Lumunok ako at pumikit, napakagulo na ng lahat.

"Naniwala ako, nakita ko ang palatandaan na ikaw nga ang sanggol, ang sanggol na isinilang sa ilalim ng maliwanag na buwan. Ang simbolo na isa kang eclipse." Napadilat ako at kunot ang noong humarap dito.

"A-anong simbolo?" Umakyat ang kamay nito saaking batok, hinawi ang aking buhok. Hinaplos ang kaliwang bahagi nito, ang natatagong parte ng aking batok, natatakpan ng aking buhok.

Nagtindigan ang aking mga balahibo.

"Ito, ang balat mo saiyong batok, ang kawangis ng isang bagong buwan, ang nag-iisang babaeng isinilang habang tinatamaan ng sinag ng buwan. Ang pinakamamahal kong si Cleo." Hinaplos nito ang aking buhok.

Tumulo ang luha mula saaking mga mata, mas lalong napuno ng kaguluhan ang aking isipan.

"Hindi kita iiwan, mahal na prinsesa. Ilang beses mo man akong itulak, hindi mo man ako nais saiyong buhay. Iwan mo man ako sa gitna ng laban, at kahit na hindi mo ako paniwalaan. Ikaw pa rin ang mananatiling nag-iisa kong mahal, ang prinsesang aking mahal na mahal." Hindi pa rin pala ako nag-iisa, naririto pa ang aking mahal, ang nag-iisang nilalang na aking kapareha. Hindi ako iiwan sa lahat ng bagay.

"Cleo. Naki-usap siyang huwag kong sabihin saiyo ang totoo. Ayusin na natin ang lahat ng ito, Cleo. Magsasabi na ako ng totoo." Pinagdikit niya ang aming mga noo.

"Ako ang iyong kapareha, ang prinsepeng dapat na magliligtas saiyo. Ngunit hindi ako nakapunta sa takdang oras dahil sinabihan ako ng dyosa, na hindi pa ito ang tamang oras upang tayo ay magkita. Kung kaya't sinunod ko siya, ngunit ng puntahan kita ay wala ka na, naunahan na ako ni Takara. Nais kong sisihin ang dyosa, ngunit alam ko saaking sarili na ako ang pumili ng ating tadhana, dahil sinunod ko siya. At lumipas ang panahon, may natanggap akong sulat na ang aking kapareha ay nasa Binnevia, mag-isa kong hinanap ang lugar, pinaghirapan ang bawat sandali upang ikaw lamang ay mahanap." Kumabog ang aking dibdib habang tahimik akong nakikinig, sumisigaw ng katotohanan ang kanyang mga mata, nais na paniwalaan ko siya.

"At kayo ni Sehira ang sumalubong saakin sa Sofodos, ngunit si Sehira ang itinurong kapareha ko, hindi batid na maniwala ng aking puso. Dahil wala akong maramdaman sa mangkukulam na iyon, nananatili ako upang siguraduhin na tama nga ang natanggap kong sulat, na aking mahal na prinsesa ay nagtatago sa malagong kagubatan. Ngunit hindi pa ako nagtatagal sa Binnevia, muli akong kinausap ng dyosa, nais niyang bumalik ako saaking kaharian. Upang ayusin ang kaguluhan, dahil nagsisimula ng malaman ng mga kalaban na ikaw ang aking kapareha, na isa kang eclipse. Isang makapangyarihang babae ang aking mahal na prinsesa." Mariin nitong hinawakan ang aking kamay saka hinalikan.

"Nagtagal ako ng taon hanggang sa naging dekada, patawad dahil wala ako saiyong tabi ng lumuha ka ng pighati, nailihis ko ang kanilang mga mata. Ngunit ikaw naman ang nawala, alam kong natutunan mong mahalin si Takara kahit pa mabigat ang kanyang kamay, batid kong nalungkot ka ng siya ay mawala, nabigyan ng isang nakamamatay na sumpa. Nagsisisi akong iniwan kita, Cleo. Ngunit hanggang dito na lamang ang aking nalalaman, pakinggan mo sana ang iyong Ina." Hinalikan nito ang aking noo bago tumayo at nilisan ang aking silid.

Naiwan akong tulala at lumuluha, dapat nga ba akong maniwala? Ano ba ang aking dapat panigan? Sarado pa ang aking isipan, nais ko na lamang pumikit at anudin ng aking panaginip, na ang aking buhay ay puno ng kapayapaan. Ang sandali kung saan nakakatakas ang isang nilalang sakanyang problema, ang aliwin ang sarili ng kasinungalingan.

Nagsimula ng lumitaw ang araw, kumalat ang liwanag sa kapaligiran. Binalot ng kakaibang saya at kirot ang aking dibdib, isang panibagong umaga ng luha at pighati. Kasinungalingan at hinagpis, kailan nga ba lilitaw ang umaga na ako ay malaya mula sa kadena ng nakaraan? Kailan ako mangangarap ng tahimik at walang katanungan? Humiling ng pamilya na ni minsan ay hindi ko naramdaman mula saaking mga magulang, pakinggan ang mga nilalang ng walang halong pag-aalinlangan, at tanggapin na ng tuluyan ang aking kapangyarihan.

Hindi ko batid kung nagising na ba mula sa pagkakatulog ang pamahalaan, kung mayroon na bang mensahera ang kumakatawan, kung buhay pa ba ang kahariang aking iniwan. Kung tumigil na ba ang kawal ng unibersidad upang ako ay hanapin, kung wala na bang nagnanais na kuhanin ang aking kapangyarihan. Kung na saan na ba ang aking mga kasama, at kung ano na ba ang nangyayari sa labas ng aking silid.

Sa ngayon ay nais kong mag-isip, pagtagpi-tagpiin ang aking mga nalaman. Alamin kung totoo nga ba ang aking narinig.

Hindi ko man lang maipikit ang aking mga mata, buong gabi ay nakamulat ako, hindi mawala saaking isip ang lahat ng binatid saakin ni kamahalan. Tila walang lugar ang katahimikan isipan, hindi nais pumayapa ng aking katawan hangga't hindi ko nalalaman ang katotohanan.

Umalingawngaw ang tunog ng pagkatok saaking pintuan, kasunod nito ang tinig na hindi pamilyar.

"Cleo. Nais kitang makausap."

Hindi ko malaman kung bakit kakaiba ang nadarama kong presensya sa likod ng pintuan, naghahatid ng kilabot at napakalakas na presensya. Isang natatanging nilalang.

Napuno ng malamig na hangin ang silid, habang unti-unti kong nakikita ang pagsingaw ng kakaibang init mula sa likod ng pintuan. Dahilan para ako ay mapaupo sa kama at mapatitig sa pintuan.

"Huwag mong buksan ang pinto, nais kitang makausap sa pagitan ng harang na ito." May nag-uudyok saakin na itulak ito pabukas at tingnan ang panauhin kong kakaiba ang lakas. Ngunit isa lamang ang aking nasisiguro.

Babae. Isang tinig ng babae. Isang malakas at katangi-tanging babae.

"Cleo, matatakpan ng ulap ang kalangitan, mapupuno ng kulog at kidlat, lalamig ang simoy ng hangin. Manunuot ang kakaibang takot sa paligid." Unti-unti ay nangunot ang aking noo.

"At sa unang pagkakataon, hahalik ang langit sa kadiliman, babalutin ng lungkot ang kaharian. Isisilang ang isang hindi pangkaraniwang bata." Nanginig ang aking mga labi.

Hindi nais patunayan ang aking nasa isip, ngunit ito pa rin ay lumabas saaking mga labi.

"Ikakasal ang dyosa ng lahat sa dyos ng kadiliman."

You are reading the story above: TeenFic.Net