Chapter 24

Background color
Font
Font size
Line height

Hinagpis ang hanap, ngunit ikaw nga ba ay nararapat?

"Cleo." Ibinaba ko ang kubyertos saka nagtaas ng tingin.

Mag-isa sa loob ng hapag-kainan, tahimik ang buong kapaligiran. Sa mahabang mesang aking kinauupuan, tanging ako lamang ang nilalang sa lugar. Ngunit bakit kailangan sumunod ni kamahalan?

"Ano ang iyong kailangan?" Umupo ito saaking harapan.

"Nais kong saluhan ang aking mahal na prinsesa." Pinatama nito ang isang kubyertos sa kopita, kaagad namang pumanhik ang isang alagad.

Itinaas ko ang aking kamay ng akmang lalapit na ito.

"Bakit hindi ikaw ang magsilbi sa iyong sarili, kamahalan. Mag-isa akong pumarito, kumain ng walang kasalo. Bakit hindi mo gawin ang ginawa ko?" Ngumisi ito saka nangalumbaba.

"Makakaalis ka na." Nakayukong umalis muli ang katulong.

"Bakit kaya hindi na lamang ikaw ang mag-asikaso saakin, Cleo?" Inirapan ko ito.

"At bakit ko naman gagawin iyon?"

"Dapat pinagsisilbihan ang mga kamahalan, Cleo."

Bumukas ang pinto at pumasok si Euzelia, bakas ang pagod at kaseryosohan sa mga mata nito.

"Cleo." Lumapit ito saakin saka umupo saaking tabi.

"Muli na namang dumadami ang bilang ng mga mangkukulam sa Laeino." Ibinaba nito ang mga papel saaking hita at may inangat saaking mukha.

"May isang sulat na nagpapabatid na ang ibang mangkukulam na nasa tore ay kinukuha ng ibang Imperyo upang gawing bayaran."

Inisa-isa ko ang mga papel.

"Paano nangyari ito?"

Nag-angat kami ng tingin kay kamahalan.

Walang alam sa aming pinaguusapan, kawawa naman si kamahalan.

Puno ng kaguluhan ang mga mata nito.

"Kamahalan, kaya mas dumarami ang mga mangkukulam na babae. Dahil sila lamang ang mga nilalang na maaaring ikulong sa tore, hindi nila kayang makawala sa rehas. Sa sumpang nakapalibot dito lalo na't kasabay nila itong lumaki. Isa pa, kayang maghanap ng panibagong kapareha ang lalaki, samantalang ang babae ay mananatiling nakatali sakanyang kapareha."

Ibinalik ko ang tingin kay Euzelia.

"Ipatawag ang pamahalaan, magkakaroon ng pagpupulong ngayon ding araw." Hindi ko na natapos pa ang aking pagkain.

Nakakawalang gana ang mga ginagawa ng ibang Imperyo saaking mga kalahi.

Tumayo ako saka lumakad na paalis, kaagad namang sumunod si Euzelia saakin.

"Ano ang nabasa mo sa aklat, Cleo?" Sinulyapan ko ito.

"Saakin na lamang iyon." Sa dyosa ng lahat ang aklat na iyon, ngunit bakit kailangan niya pang magpanggap na isang matandang babae? Bakit siya tumira kasama ako sa isang huwad na anyo? Ano ang ibig niyang iparating.

"Cleo, ang iyong ama. Hinahanap ka niya.." Natigilan ako sa paglalakad.

Ano nga ba ang dapat kong isagot sakanya?

Nais ko rin siyang makita, ngunit hindi pa ngayon.

"Euzelia, mas makabubuti kung hindi muna siya lalabas ng kanyang kaharian, maraming nakamata na kalaban. Kapahamakan lamang ang mangyayari sa oras na magkita kami."

Hindi magkakaroon ng digmaan kung papatayin ang pinanggalingan, ngunit hindi ko nais pumatay. Kung kaya't patatahimikin ko na lamang.

Hinawakan nito ang aking kamay.

"Matatapos din ang lahat, Cleo. Magtiwala ka lamang." Nginitian ko lamang ito.

Umalis na ito upang ipatawag ang pamahalaan.

Bakit nga ba kailangan pang paniwalaan ang isang kahibangan? Hindi man sila nailigtas, at tuluyang nahulog sa daang binabagtas. Ngunit nananatiling nilalang ang mga kauri ko, dapat ay pantay ang tingin nila dito. Ngunit hindi ko maunawaan kung bakit kailangan pang ilugmok ang aking mga kaibigan, bakit kailangan pang itatak sakanilang isipan na isa lamang silang mababang uri ng nilalang?

Binagtas ko ang daan palabas ng kaharian.

Tumambad saakin ang maliwanag na buwan at ang nangingislap na mga bituin.

Ang mga babaeng ipinanganak na Eclipse ay kadalasang sa sinag ng buwan kumukuha ng lakas, ang buwan ang kanilang buhay. Kung kaya't kapag nasaktan ang buwan ay masasaktan din ang isang eclipse.

Wala sa sariling itinaas ko ang aking kamay saka pumikit, dinama ko ang mabining pagsayaw ng hangin. Huminga ako ng malalim saka ito dahan-dahang ikinumpas.

"Tanggapin ang kapalaran

Damhin ang nais ng kalangitan

Dinggin ang hiling ng dyosa

Palayain ang babaeng nag-iisa."

Nadama ko ang unti-unting pagdampi ng hangin saaking balat papasok saaking mga ugat, kumakalat ang hindi pangkaraniwang pakiramdam.

"Alisin ang pagtanggi

Yakapin ang itinatangi

Tanggalin ang pagkalito

Hanapin ang pinakatatago."

Huminga ako ng malalim ng madama ko ang pagkalat ng lamig saaking katawan, napaangat ang aking ulo saka itinapat ang kamay sa buwan. Tumama ang sinag saaking katawan.

"Cleo, a demi-god of wind

Accept my power

Let me enter

The goddess of all is whisphering."

Napamulagat ako saka inilabas ang pwersang namuo saaking kamay. Nagdulot ito ng malakas na hangin, dahilan para sumayaw ang mga puno at magliparan ang mga tuyong dahon.

Tulala ako habang nakatitig lamang saaking mga kamay.

Papaanong napasok ng dyosa ang aking utak?

Kailangan ko na nga ba talagang tanggapin ang kapangyarihang ipinagkaloob niya saakin?

"Hear me, Cleo

Take this as a gift

Accept it like your own

I will be glad to be your shawl."

"Cleo.." Mabilis kong hinarap ang lalaki.

Kaagad nawala ang konsentrasyon ko at nawala ang malakas na hangin.

Umayos ako ng tayo at pilit na pinahinto ang nanginginig kong tuhod, masyado akong nanghina sa nangyari.

Hindi makapaniwalang nagawa kong magpalabas ng hangin.

"Ano ang iyong nais, kawal?" Tumayo ito ng diretso saka tinanggal ang suot na helmet.

Bahagya itong yumukod saakin.

"Stratus ang aking ngalan, binibini. Ako ang nagdala saiyo dito sa Imperyo." Nagngitngit ang aking ngipin.

"Naalala ko nga." Ngumisi ito.

"Sinira mo ang plano ko, kawal. Alam mo ba iyon?" Umiling ito saka humakbang paatras.

"Hindi ako narito para makipag-away, Cleo. Nasa loob na ang pamahalaan, nais ng simulan ang pagpupulong." Tinanguan ko ito.

Mabilis itong tumalikod at naglakad paalis. Ngunit bago pa ito tuluyang mawala saaking paningin ay nag-iwan ito ng kataga, isang katagang nakapagbigay ng kilabot saaking katawan.

"Asahan mong sa ating dalawa lamang ang aking nakita, Cleo. Makakaasa kang ililihim ko ito pansamantala."

Ilang minuto akong nanatili sa labas bago tuluyang pumasok sa loob.

Huminto ako saka inilibot ang tingin sa paligid. Nanigas ako ng unti-unting lumiwanag ang paligid, lumitaw ang mga alitaptap, katulad ng saaking panaginip.

Nagmamadali akong lumakad papasok sa loob, hindi ko pa siya maaaring makita. Hindi ko pa kayang tanggapin ang kapangyarihan.

Masyadong mataas, napakatayog na tuktok, hindi ko nais mapako sa dulo. Ayoko ng kapangyarihan ko.

Huminga ako ng malalim bago dahan-dahang itinulak pabukas ang pinto, ang silid kung saan naroroon ang mga namamahala galing sa iba't-ibang Imperyo, at ang pinakamataas. Ang Caspian.

Napuno ng katahimikan at bumigat ang tensyon sa loob.

Hindi ko akalaing makakaharap ko ang pinakamatataas na nilalang sa mundong ito, ngunit kahit nanginginig ang aking tuhod ay pinilit kong maglakad papasok. Nais kong matigil na ang diskriminasyon sa pagitan ng lahat ng nilalang, hindi lamang saaming mga mangkukulam ngunit pati na rin sa iba.

Tumayo ang isang babae matapos isarado ng mga tagasunod ang pinto.

"Sa wakas ay nagpakita rin ang kalahating dyosa, tapos ka na bang magkubli sa iyong pugad?" Nang-uuyam na tumawa ito.

At ang mga katabi nito ay mababakasan rin ang galit sa mukha.

"Nang dahil saiyo, kami ngayon ang hinahabol ng mga kalaban. Dahil alam nilang itinatago ka namin! Kami ang nagugulo, kami ang sinasaktan!" Sigaw pa ng babaeng katabi nito na tumayo na rin.

"At dahil lamang saiyong kapangyarihan ay gagamitin mo kami para lamang pagtakpan ang pinagtataguan mo? Para ano? Para maging ligtas ka habang kami ay nagdurusa!?!" Napaigtad ako ng hampasin ng Ina ni Lessafre ang lamesa.

Walang mababakas na emosyon sa mukha nito, ngunit bakas ang galit sa kanyang mga mata.

"Magsitigil kayo." Mas lalo lamang tumindi ang tensyon sa paligid ng tumayo ito.

Walang nagawa ang dalawa at muling bumalik sa pagkakaupo, marahan akong lumakad palapit sa bakanteng upuan at tahimik na umupo.

"Kung hindi natin siya itatago, mawawalan ng saysay ang lahat ng ating pinaghirapan, at kapag nakuha ng kalaban ang kanyang kapangyarihan. Mawawala na ang ating balangkas, hindi na ito magagamit pa sa tama. Hindi na natin maaari pang ilipat ang kanyang kapangyarihan." Doon na kumunot ang aking noo.

Ilipat? Ililipat ang aking kapangyarihan?

"Cleo, paumanhin ngunit. Matagal ng nanghihina ang Imperyo, simula ng mawala ang mga birthstone, nawala ang pundasyon ng bawat Imperyo. Kailangan namin ang iyong kapangyarihan upang mapanatili ang mga ito, kung hindi ay isa-isa itong lulubog ay tuluyan ng mawawala ang lahat."

Hindi ako nakaimik sa kanyang binatid saakin, kung gayon ay mawawala din pala ang aking kapangyarihan. Maaari akong mamuhay ng puno ng katahimikan.

"Ngunit pansamantala lamang iyon, sa oras na maibalik na namin ang birthstone, maibabalik na din ang iyong kapangyarihan." Tumango ako.

Ang bawat Imperyo ay may kanya-kanyang birthstone na nakatanim, ikinukubli sa ilalim ng lupa ng bawat kaharian. Ito ang nagsisilbing pundasyon dahil buhay din ang bawat Imperyo, kailangan din nito ng birthstone upang manatili sa ganitong klase ng mundo.

"Pumapayag ako, nais kong mawala saakin ang aking kapangyarihan." Tumayo ako saka hinarap ang lahat ng nilalang sa aking harapan.

"Ngunit hindi ako pumapayag na gawin niyong bayaran ang aking mga kauri." Ngumisi saakin ang isang babae.

"You are a demi-god, Cleo. Wala kang kauri dito."

"Isa akong mangkukulam, babae. Baliktarin mo man ang mundong ito, nananatili akong mangkukulam kahit pa hindi parehas ang dugong dumadaloy saamin." Tumawa ito ng malakas, isang nang-uuyam na tawa.

"Sa tingin mo ba ay maniniwala kami saiyo? Isang babaeng nagbabalat-kayo, nagtatago sa isang huwad na anyo. Para ano? Patunayan na isa kang mabuting nilalang? At makapagtago sa mga kalaban?" Muli itong tumawa saka hinampas ang lamesa.

"Napakagaling mo naman palang umakto, Cleo. Hindi mo lang pala hawak ang isa sa pinakamalakas na kapangyarihan, magaling ka din pala magpanggap."

Unti-unti kong nadama ang pagliyab ng aking buhok, padaloy saaking mga mata. Napahawak ako sa lamesa saka pilit na ikinalma ang aking sarili. Dahan-dahan na ring lumalakas ang hangin sa buong paligid, kinakain ng tensyon ang paligid.

Damn. I can't control my anger.

Malakas na hinampas ko ang lamesa.

"Mawalang-galang na, babae. Ngunit walang kinalaman ang pagbabalat-kayo ko sa pagdukot mo sa mga babaeng hindi pa tuluyang nagiging mangkukulam! Kinukuha niyo ang pagkabirhen nila, ibinebenta sa ilang pilak lamang. Ikinukulong niyo sila!" Nagtangis ang aking bagang.

Unti-unting bumuo ng ipo-ipo ang hangin, nagsimula na ring magliparan ang mga bagay sa paligid.

"Stop it!" Sigaw ng babae na nagsisimula ng manginig ang tuhod.

Habang ang Caspian ay taimtim lamang na sumisimsim ng kape at nanonood saamin.

Tumagilid ang aking ulo.

"Sa tingin mo ba ay maibabalik pa ng salapi mo ang bagay na kinuha mo sakanila? Hindi isang mababang uri ang mga mangkukulam, hindi sila iyon. Alam mo kung sino?" Pinigilan ko ang aking sarili na lumakad palapit sakanila.

"Ikaw, kayo. Kayong lahat ang mababang uri, kung umasta kayo ay para bang isang alipin ang mga kauri ko. Isang bagay na maaaring pagbalingan ng galit, ng init ng katawan." Nagngingit ang aking ngipin.

"Tandaan mo ito, ninyo. Kung ano ang kinuha ay siya ring ibabalik, kung ano ibinigay ay yun din ang kapalit. Hindi mo matatakasan ang galit ng isang dyosa." Nanlisik ang mga mata ng mga ito.

"Kung makapagsalita ka ay para bang napakalaki ng inambag mo sa pagtatayo ng mga Imperyo, na para bang alam mo kung paano magpalakad ng isang kaharian." Tumayo ito saka dumukwang saakin.

"Isa ka lamang nilalang na kalahating dyosa, yun lang at wala ng iba." Ngumisi ako dito.

Tumigil ang malakas na hangin, maging ang nagliliyab na pakiramdam ay nawala. Tumahimik ang lahat.

"Oo, isa lamang akong kalahating dyosa, ngunit may pinagkaiba ako sainyo."

"May puso ako, ikaw wala." Akmang hahaklitin na nito ang aking buhok ng biglang bumukas ang pinto.

Nanigas ako saaking kinatatayuan ng biglang mawalan ng malay ang lahat ng tao sa loob ng silid. Hilakbot akong umikot paharap sa pintuan.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang babaeng bumato saakin ng punyal, ang babaeng kahawig ni Takara.

Gulat akong napatitig dito.

Paano siya nakapasok?

Lumunok ako ng mapansing kawangis na kawangis niya ang imahe ng babae sa salas ng Binnevia.

Pasimple kong inikot ang tingin sa paligid.

Hindi ba nadaramdaman ng mga kawal ang presensya niya?

Paano niya nagawang mapatulog ang mga nilalang sa loob ng silid? Hindi ba at ilusyon ang kanyang kapangyarihan?

"Ano ang ginagawa mo dito?" Palihim kong hinawakan ang punyal sa loob ng aking kasuotan.

Humakbang ako paatras, kahit pa nakasuot ito ng talukbong ay kapansin-pansin ang presensya nito.

Kakaiba at nakakahilakbot, nakakatindig ng balahibo.

Bakit iba ang hatid saakin ng kanyang presensya? Ngunit hindi rin naman ito sumisigaw ng kapahamakan.

"Ano ang kailangan mo saakin?" Nasulyapan ko pa si kamahalan sakanyang likuran.

Siya ba ang nagpapasok sa babaeng ito? Ngunit bakit?

"Cleo." Napuno ng kaguluhan ang aking isip.

Bakit ganito ang tono ng kanyang pananalita? May ibig ba siyang ipahiwatig?

"Cleo.." Nang humakbang ito palapit saakin ay napaatras ako.

"L-lumayo ka." Nagsimula ng manginig maging ang aking mga tuhod.

Bumakas ang sakit sa mga mata nito.

"A-ano ba ang nais mo? Sino ka ba?" Lumunok ako ng maramdaman ko na ang lamesa saaking likod.

Bakit ganito? Hindi ko maunawaan, bakit bigla na lamang nag-iba ang pakiramdam ko sa babaeng ito?

"A-ako ang iyong Ina, Cleo.."

You are reading the story above: TeenFic.Net