Ang ilaw ng tahanan na hindi ko nasilayan, ang haligi nito na hindi ko pa namumulatan. Datapwa't parehong hindi ko pa nasilayan, umusbong parin ang pagmamahal ko sakanila.
Ang mga magulang na kahit kailan ay hindi ko itinanggi, tumangis magkaroon lamang na aking kinasasabik. Bakit lahat sakin ay pinagkakait? Hindi ba nais ng kalangitan na ako'y pahintulutan kahit isang saglit?
Itinaas ko ang aking mga kamay kasabay ng pagsayaw ng hangin. Ang natatanging bagay na kasama ko simula ng ako'y isilang, ang bahagi ng aking pagkatao. Ang kapangyarihan na ni minsan ay hindi ko ninais ngunit aking nakamit.
Nabubuhay pa nga ba ang aking mga magulang? Ngunit tanging kapangyarihan ko lamang ang binatid saakin ni Lola Leresa, dapat nga ba akong maniwala?
"Ano ang hakbang na iyong tatawirin, Cleo?" Sinulyapan ko ito.
"Hindi ko pa batid sa ngayon.. Ngunit tawagin mo akong Lei."
Natawa ito.
"Cleo, bakit ba pilit mong itinatanggi? Baliktarin mo man ang iyong ngalan, palitan mo man at burahin, ikaw pa rin ay isinilang na kalahating dyosa. Walang magbabago, kahit pa isuka mo ang iyong ngalan." Umiiling na saad nito.
Muli kong hinarap ang daan saka binagtas ito ng dahan-dahan.
"Sino pa ang nakaaalam na nandirito ako sa Sinfonia Nereus?" Naningkit ang mga mata nito.
"Paano mo nalaman ang lugar na ito?" Inirapan ko ito.
"Euzelia, kahit pa sabihing sa bukirin lamang ako lumaki, batid ko pa rin ang mga Imperyong nananatiling nakatayo sa lumipas na taon." Hinarap ko ito.
"Huwag kang umasa na nakakaalala na ako, Euzelia. Mahirap maghintay sa wala." Natahimik ito.
Huminto ang aking mga paa sa likod ng kahoy na pinto, mula sa labas ay dinig ang mga katagang sinambit ng isang hindi pamilyar na babae.
"Ano ang nangyayari sa loob?"
"Kasalukuyang nagpupulong ang pamahalaan kasama ang Caspian, tungkol sa pananatili mo dito sa Sinfonia Nereus. Dahil hindi magtatagal ay malalaman ng mga kalaban na nandito ka, isa pa. Nanganganib ang buhay ng ama mo, Cleo. Hindi lang ikaw ang habol nila, pati na rin ang kapangyarihan ng iyong ama." Kumuyom ang aking mga kamay.
Mga ganid sa kapangyarihan, hindi pa ba sila kontento sa kanilang natatamasa?
Nang lumamlam ang mga mata nito ay nag-iwas ako ng tingin.
"Mahina siya ngayon, Cleo. Kailangan ka ng ama mo."
"Walang masyadong kagamitan sa pakikipaglaban ang Laeino, kung kaya't hindi rin siya ligtas sa Orthrus."
"Mas makakabuting dito muna siya pansamantala, at kung matunugan man ng kalaban na nandito siya ay kaagad niyo siyang ilipat sa Azenta, siguradong hindi sila maghihinala kapag dinala natin siya sa Ixion."
"Ano ang ibig niyong ipahiwatig, na hindi kayang protektahan ng Laeino ang kalahating dyosa na iyon?"
"Hindi sa ganun. Naninigurado lamang kami."
Tanging mga hindi pamilyar na boses lamang ang narinig ko, walang salaysay ang mga Caspian. Mukhang hinahayaan nilang ang mga mas mababa ang katungkulan sakanila ang kanilang pinagsasalita.
Hanggang ngayon pala ay may diskriminasyon sa pagitan ng mga mangkukulam at ibang uri, dahil na rin sa mga nilalang na ito nanggaling ang mga mangkukulam, ngunit hindi pa rin dahilan ito upang itulak nila pababa ang mga mangkukulam.
Lumagpas ang tingin ko kay Euzelia ng makaramdam ng panlalamig.
Walang emosyon ang mga mata nito, ngunit bakas ang galit sakanyang mukha.
"Nakakaalala ka na pala.." He read my mind.
Mataman lamang akong tumingin dito, lumingon si Euzelia.
"Kefiru.."
Nagtangis ang bagang nito saka mabilis akong hinablot at ipinasok sa loob ng isang madilim na silid.
Napadaing ako ng itulak ako nito pasandal sa pinto, galit na si kamahalan.
"Magpaliwanag ka." Ngumisi ako, dumiin ang hawak nito.
"Hindi ko kailangan magpaliwanag, kamahalan. Bakit ko naman gagawin iyon?" Kita ko ang pagngitngit ng mga ngipin nito.
"So you didn't lost your memory, are you?"
"I didn't. Wala akong nakalimutan, kamahalan." Napaigtad ako ng suntukin nito ang pinto.
"Damn it!! You lied to me!" Binitawan ako nito saka nagpalakad-lakad saaking harapan. Sinusundan ko lamang ito ng tingin.
"Hindi ako nagsinungaling, kamahalan. Dahil ng muli kitang makita ay hindi talaga kita naaalala." Napasabunot ito sa sariling buhok.
Tama iyan, kamahalan. Mabaliw ka, katulad ng ginawa mo saakin sa unibersidad.
"Damn! Damn!!" Nagliliyab ang mga matang tumingin ito saakin.
"Pagbabayaran mo ito, Cleo." Mariing saad nito saka mabilis na lumakad palapit saakin.
Kaagad nitong hinawakan ang aking pisngi saka mariing kinumyos ng halik ang aking labi. Pumiglas ako habang nadarama ng unti-unting pagsikip ng paligid.
Masama ito.
Sinipa ko ang binti nito ngunit hindi man lang ito gumalaw.
Tangina. Nagsisisi akong ginalit ko si kamahalan, hinding-hindi na ako uulit pa.
Ang magbagsik nitong labi ay unti-unting naging mabagal, sumasama na ang pakiramdam ko.
Sinabunutan ko ito upang mailayo lamang ang kanyang mukha, ngunit mas lalo lamang itong dumiin. Pumalibot ang kamay nito saaking bewang at ang isa ay saaking batok. Pati ang kasuotan nito ay hinila ko na upang makalayo lamang, ngunit hindi man lang ako nakakilos ni kaunti.
Nakakawala ng hangin ang paggapang ng kamay ni kamahalan, hindi ko batid na magiging ganito ang epekto ng pagpapabaliw ko sakanya.
Malala na siya.
Naghintay ako ng ilang minuto na hindi nagalaw at nag-ipon ng lakas.
Gamit ang aking kapangyarihan ay itinulak ko ito palayo saakin.
Marahas kong pinunasan ang aking labi habang ito ay ngingisi-ngisi lamang, nais kong lamukusin ng aking kamay ang mukha nito. Mataman itong tumayo na para bang itinatanggi ang ginawang kalokohan.
Halata ang gusot sa suot nito at ang magulong buhok.
"Magsisisi kang hinalikan mo ako ng walang permiso, kamahalan." Hinihingal na saad ko.
Mas lalo lamang lumawak ang ngisi nito.
"Aasahan ko iyan, Cleo." Nagmadali akong lumabas roon saka malakas na isinarado ang pinto.
Nahinto ako ng makita si Euzelia na hindi maipinta ang mukha.
"A-anong ginawa niyo sa loob?"
Damn. Nakalimutan kong naiwan nga pala sa labas ito.
Kasabay nito ang paglabas ni Kamahalan. Dumako ang mga mata nito sa lalaki.
Nangislap ang mga mata nito saka ngumisi.
"Hindi na ako magtatanong pa."
Damn.
Tinalikuran ko ang dalawa saka naglakad patungo sa silid-aklatan, kagabi pa lamang ay ibinalik na ni kamahalan ang aking punyal. Ngunit nag-aalala ako saaking Lola.
Bumukas ang pinto, nais kong ngumiwi ng makitang papasok si Kefiru. Hindi talaga ako nais lubayan.
"Kamahalan, ang aking Lola--"
"Nagpadala na kami ng gamot para sakanya, baka bukas ay madala na siya rito." Nag-iwas ako ng tingin.
"Huwag niyo siyang dalhin rito, hindi ko nais na masilayan niya ang malupit na mundo, mas nanaisin ko pang manatili na lamang siya sa loob ng bahay-kubo."
Hindi na ako nagtangka pang umalis, maaaring masundan ako ng mga ganid sa bahay-kubo. Maaari pang mapahamak si Lola Leresa.
Inilabas ko ang punyal saka kinuha ang isang aklat.
"Cleo. I want to sleep." Inilapag ko ang aklat sa lamesa.
"Go, have some sleep. Hindi kita pinipigilan, kamahalan. Bakit kailangan mo pang magpaalam?" Inilipat ko ang pahina ng libro.
"Patulugin mo ako." Natigil ako sa paglipat ng pahina.
Tila nabingi ata ako sa narinig.
"Ano ang iyong sinabi?"
Lumakad ito palapit saakin.
"I said put me to bed, Cleo." Napataas ang aking kilay.
"Ano ka, bata? For god sake, Kefiru. You are old enough to sleep by yourself, bakit kailangan pa ako?" Bumuntong-hininga ako ng hindi man lang ito kumilos. Isinara ko na lamang ang libro saka ibinalik sa lagayan.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong may isinubo ito saka naglakad palapit saakin.
Nagulat ako ng kinumyos ako nitong muli ng halik, nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman kong may isinubo ito saakin. Itinulak ito ng kanyang dila dahilan para malasahan ko ito.
Tsokolate.
Pumiglas ako dito ngunit wala akong nagawa ng matunaw ito saaming dila at malunok ko ito. Bumitaw ito saakin ng masiguradong malunok ko na ang tsokolate.
Napasandal ako sa dibdib nito ng unti-unting madama ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata.
"Damn you, kamahalan." Ang nais ko sanang malakas na hampas ay nauwi sa marahang pagtulak.
"Sleep well, mahal na prinsesa." Nadama ko ang biglaan kong paglutang sa ere.
Ramdam ko pa ang pagkagat nito saaking leeg bago tuluyang sakupin ng kadiliman ang aking paligid.
Mabigat.
Iyon lamang ang mailalarawan ko sa bagay na nakapatong saakin. Itinulak ko ito paalis saka pilit na tumayo.
Nang hindi ito gumalaw ay nagmulat ako at tumingin dito.
Kamahalan..
Masyado pa akong nanghihina upang itulak siya paalis saakin, ginamitan pa talaga ako ng tsokolate. Napakagaling talaga ni kamahalan, batid niyang hindi ko kayang gisingin siya mula sakanyang malalim na pagkakatulog.
Mataman ko na lamang tinitigan ang matalinong kamahalan, dati lamang ay tsismoso at bastos. Ngayon matalino na rin, gumagaling na talaga si Kefiru.
Hinaplos ko ang buhok nito.
Kailan kaya gigising ito?
Nakadagan ito saakin at nakapulupot ang mga braso saaking bewang habang ang isang kamay ay nakahawak saakin.
Umayos ako ng higa saka dahan-dahang inalis ang kamay ni kamahalan saaking kamay. Umusog ako palapit sa lamesa saka inabot ang punyal.
Natigilan ako ng makita kong nakamulat ito at nakatingin saakin, mabilis ko itong nilingon ngunit kaagad ding pumikit.
Bumuntong-hininga ako.
Nais ko pa namang basahin ang aklat na nakita ko sa bahay namin ni Lola.
Kinuha ko ang punyal saka itinapat ito sa aking daliri.
Sa nakalipas na buwan na panunuluyan ko kay Lola Leresa, at sa'twing aksidente akong nakakakain ng tsokolate ay sinusugatan niya ang aking daliri. Ito lamang ang paraan upang muling manumbalik ang aking lakas pagkatapos kong matulog, kadalasan ay umaabot ito ng isang linggo bago ko maaaring magamit ang aking kapangyarihan.
Nanlaki ang mga mata ko ng biglang tumilapon ang punyal at naramdaman ko na lamang ang pagsipsip ni kamahalan saaking daliri.
Suminghap ako saka hinila ang aking daliri.
"Kamahalan!!"
Damn.
Ngumisi ito saakin saka ako hinalikan sa leeg, muli akong napasinghap sa ginawa nito.
"Huwag mong gawin, Cleo. Maaamoy ka ng mga bampira."
Bakit mas lalong lumandi ang isang ito?
Nais ko na siyang sipain paalis saakin, ngunit hindi ko magawa. May maiisip na namang kalokohan ang isang ito.
"That is your punishment, Cleo." Nagtindigan ang mga balahibo ko sa katawan ng bumulong ito saaking tenga.
"Hindi nga sabi ako nagsinungaling, kamahalan. Hindi talaga kita maalala noong una tayong magkita." Napapitlag ako ng hipan nito iyon.
"Isa, kamahalan. Sisipain na kita."
Hinalik-halikan nito ang aking leeg.
Napasipa ako sa kama.
"Someone manipulated your memories, Cleo." Natigilan ako. Kunot ang noo na tumitig ako dito.
"Who?"
"Kamahalan, tapos ka na bang papakin ang kaibigan ko?" Sabay bumaling ang tingin namin sa pinto.
Nakatayo doon si Euzelia na nakataas ang kilay. Bumuntong-hininga si kamahalan bago umalis saaking ibabaw.
Mabuti naman.
"Cleo. Nabuksan mo na ba ang aklat?" Umiling ako dito.
"Nagpatulog ako ng kamahalan." Yumakap ito sa bewang ko at isiniksik ang kanyang mukha saaking leeg.
Napairap ito.
"Hindi ko alam na may lahi ka palang tuko, kamahalan." Humigpit ang yakap nito saakin.
"Damn you, Euzelia."
"Kailangan ko ng mabasa ang aklat, Euzelia. Samahan mo ako sa silid-aklatan, hindi pwede ang kamahalan." Rinig ko ang pagmumura nito.
Itinulak ko na ito palayo.
"Tayo na." Tumayo ako saka kinuha ang isang balabal. Malamig sa labas ng silid.
"Maiwan ka, kamahalan. Nilandi mo lang naman ako buong araw." Iniwan namin itong nakaawang ang bibig at hindi makapaniwala saaking sinabi.
Dala ko ang punyal ni Lola Leresa, pumanhik kami sa loob ng silid-aklatan saka kinuha ang aklat.
Binuklat ko ang gitnang pahina nito.
Walang nakasaad.
Sinulyapan ko si Euzelia.
"Pumikit ka." Walang sinuman ang maaaring makabasa ng aklat bukod saakin, sa taong magpapatak ng dugo. Kung hindi ay mawawalan ito ng bisa at hindi na kailanman mababasa pang muli.
Itinapat ko ang aking daliri sa libro saka ito tinapatan ng punyal, marahan kong hiniwa ang aking daliri saka ipinatak ito sa aklat.
Dumaloy ang dugo sa bawat himamay ng pahina, hanggang sa unti-unting pumaloob at bumuo ng letra.
"Hintayin natin." Huminga ako ng malalim habang nadarama ko ang pagdaloy ng aking dugo sa bawat pahina ng libro.
Napakahiwaga, nakakahilakbot isipin na hindi ko mabasa ang libro. Bagkos ay kusa itong pumapaloob saaking isipan.
Ako lamang ang maaaring makabasa nito, dahil walang nilalang dito sa Sinfonia Nereus ang may kakayahang patagalin ang kanyang memorya sa loob ng maraming taon. Napakadami ng nilalaman nito, kung kaya't makalimutan mo lang ang isa ay wala ka ng mapapala sa iyong nabasa.
Habang isa-isang bumabagtas ang mga salita, lumilipat ang pahina. Dumadami ang mga impormasyon, ngunit isa lamang ang tumatak saaking isipan.
Narinig ko ang kalabugan sa labas ng pinto. Ang mga boses na napakapamilyar saakin.
"Kamahalan, hindi na namin naabutan pa ang matanda sa kanyang bukirin. Nalaman naming ilusyon lamang ang lahat ng iyon."
"At nabatid din namin na hindi isang mangkukulam at matanda ang babae."
"Siya ang nawawalang dyosa, kamahalan. Ang dyosa ng lahat.."
Napamulagat ako at binanggit ang nasa aking isip.
"Walang digmaan, kung hindi tatangis ang isipan. Patayin bago pa sumiklab, huwag palakihin upang walang madamay."
You are reading the story above: TeenFic.Net