"Ano ang iyong kailangan, lalaki? Ibalik mo saakin ang patalim." Ngumisi ito saakin.
"Punyal, binibini. Isa itong punyal."
"Kung ano man ang itawag mo riyan ay wala akong pakelam, akin iyan. Kung kaya't ibalik mo." Pinaglaruan nito ang punyal sa kanyang kamay, kasabay nito ang paghawi ng mga kawal.
"Ako ng bahala, mahal na hari. Tutal saakin naman iyan." Tinitigan ko ito ng masama.
Tila ako isang bagay sa uri ng kanyang pananalita.
Tumango ang hangal na hari bago ako sinamaan ng tingin.
"Umalis na tayo, mga kawal." Nang tumalikod na paalis ang mga ito ay humakbang ako paatras.
Mabilis na lumingon saakin ang lalaki.
"Wala kang makukuha saakin, palayain mo na lamang ako, lalaki." Humakbang ito palapit.
Damn. I can't runaway, nasa kanya ang punyal.
"Napakatapang para sa isang bihag." Napapailing na saad nito.
Luminga ako sa paligid.
Na saan na ba ang kawal na iyon? Mananagot talaga siya saakin.
"Batid mo bang ipinanalo ko ang laro dahil saiyo? Tapos hahanapin mo lamang ang kawal na iyon?" Nilingon ko ito.
Paano niya nabasa ang nasa isipan ko?
"Hindi ko sinabi saiyong ipanalo mo ang laro, kung kaya't huwag mo akong pagmukhaing walang utang na loob." Umayos ako ng tayo.
Nais ko ng tanggalin ang tali ko, bakit kasi napakahigpit ng pagkakatali nito?
Nagsimula na akong kamutin ang aking balat.
"Alam mo lalaki, hindi ko maunawaan ang inyong palaro, bakit kailangan pang babae ang gawing premyo?" Napailing ako.
Pati ang paa ko ay kinamot ko na, makati ang damo saaking paa.
Nagulat ako ng bigla akong hilahin ng lalaki saka binuhat ng parang sako.
"Come, nangangati na ang mahal na prinsesa." Pumiglas ako dito.
"Bitawan mo ako, lalaki. Kailangan ako ng aking Lola!!" Ikinawag ko ang aking mga paa hanggang sa masipa ko ang tyan nito.
"Damn. Woman." Napasigaw ako sa gulat ng bigla ako nitong alisin mula sa kanyang balikat saka inilipat sa kanyang mga bisig.
"Ano ba!?! Ibaba mo ako, lalaki." Hindi ito sumagot, bagkos ay naglakad palapit sa isang malaking puno.
Muli kong ikinawag ang aking paa.
I don't want to feel like this, hopeless in someone's arms.
"Stop wiggling, Cleo." Natigilan ako saka nag-angat ng tingin sakanya.
Umupo ito sa lilim ng puno kasama ako.
"Hindi Cleo ang pangalan ko, lalaki." Tumaas ang kilay nito.
"Hindi ba? Kung ganon anong pangalan mo, mahal na prinsesa?" Kumunot ang noo ko ng kunin nito ang aking kamay.
Iniamang nito ang punyal sa tali saka maingat itong tinanggal.
"Anong ginagawa mo?" Pinanood ko lamang kung paano nito tanggalin ang tali.
"Hindi ka ba natatakot na tumakbo akong muli?" Nag-angat ito ng tingin saakin.
"Tatakbo ka ba?" Hindi ako nakaimik saka tumitig sakanya.
Tatakbo nga ba ako?
Nasa kanya ang punyal, hindi ako pwedeng umalis ng wala iyon. Siguradong mahalaga iyon kay Lola dahil itinago niya pa talaga ito sa ilalim ng lupa.
Ngunit paano si Lola?
"Kapag ba ibinigay ko ang punyal, tatakbo ka?" Malamlam ang mga mata nito.
May ibig ipahiwatig sa bawat galaw ng kanyang mga mata, ngunit ano naman iyon?
"Tatakbuhan mo ba akong muli?" Kumunot ang noo ko.
Hindi ko maipaliwanag, ano ang nais niyang iparating?
"K-kilala mo ba si Cleo? Sino siya?" Napatitig ito saakin saka huminga ng malalim.
"Hindi, hindi kita hahayaang tumakbong muli." Tuluyan na nitong natanggal ang tali, mabilis na pumulupot ang mga braso nito saaking bewang.
"Ang aking premyo, sa wakas ay nayapos ko na rin ng hindi pumipiglas." Inilagay nito ang kanyang baba sa aking balikat.
"Cleo.." Nagtindigan ang aking mga balahibo.
Lumunok ako ng paglandasin nito ang kanyang kamay mula saaking braso pababa saaking mga daliri.
Napahawak ako saaking noo ng bigla itong sumakit. Hinawakan nito ang kamay ko saka hinalikan ako sa noo.
"That old woman, mananagot siya saakin, Cleo.."
"Lei. Lei ang pangalan ko." Biglang dumilim ang aking paningin, hanggang sa tuluyan akong kainin ng itim.
"Why don't you tell her?"
"Hindi sa ngayon, Euzelia. Hawak pa siya ng mangkukulam."
"Just throw her to the water."
"Good idea."
Nagmulat ako saka napatingin sa paligid. Nakahiga ako sa isang kama na napalilibutan ng puting tela.
Saan ako dinala ng lalaki?
Ang punyal ay nakahimlay na saaking tabi. Kinuha ko ito saka tinitigan.
Saan ko naman kaya ito itatago.
"Gising na siya." Nahawi ang puting kurtina at lumitaw ang lalaki kasama and hindi pamilyar na babae.
Mataman itong ngumiti saakin.
"Cleo.."
Sino ba ang babaeng iyon?
"Lei ang pangalan ko." Hinarap ko ang lalaki.
"Kailan ba ako maaaring umuwi?" Tumabi saakin ang lalaki saka bumulong.
"Kefiru, Kefiru ang aking pangalan. Mahal na prinsesa."
"Lalaki, wala akong dugong maharlika. Huwag mo akong tawaging prinsesa, isa lamang akong ordinaryong nilalang."
"Cleo." Sabat ng babae.
"Lei, hindi Cleo. Lei." Mariin itong tumitig saakin.
"Cleo, nagkakagulo na ang Latisha Siofra--"
"Euzelia, huwag mo siyang pilitin." Tumingin ako sa bagong dating na babae.
"Kailangan muna nating alisin ang mangkukulam sa kanyang himaymay bago tayo kumilos para sa itaas." Ano ba ang nangyayari?
Hindi na talaga ako dapat lumabas ng bukirin namin ni Lola Leresa, gulo lamang ang hatid nito saakin.
"Walang matatapos kung hindi sisimulan, Erela. Saan nga ba tayo magsisimula?" Mariing tumitig saakin ang babae.
"Dakipin ang mangkukulam, dalhin siya dito ngayong araw."
Wala akong maunawaan, ako'y naguguluhan.
Mahigpit na humawak ang kamay ni Kefiru saakin, tila nais akong samahan sa kaguluhan ng aking isip.
"Sa ngayon ay isa lamang ang maaari nating ipaabatid sakanya."
"Cleo, kailangan ka ngayon ng mundo. Gugulo ang lahat kapag walang mensahera, kailangang mahanap ang susunod na sugo ng mga dyosa."
Malamig ang hangin, maliwanag ang paligid. Sa gitna ng dilim, nakalutang ang nag-iisang maliwanag na bagay.
Ang buwan.
Ang tanging nagsisilbing ilaw sa kadiliman, ang bituin na nagsisilbing kulay ng kalangitan, ang malamig na haplos ng hangin saaking balat.
Lahat ay pawang nangyari na noon. Pakiramdam ko ay nagawa ko na ito dati, mga bagay na hindi ko malayang gawin sa aming bukirin.
Sino nga ba ang mali? Ako o si Lola Leresa?
Sino ba ang nagkubli ng lihim? Sino ang dapat managot sa kasinungalingan?
Bakit ko pa nga ba pinilit mamuhay ng walang inaalala? Nang walang iniisip kung hindi paano mabubuhay ng taimtim at walang maalala?
Nais kong magtanong, maghanap ng sagot. Bakit nga ba dinala ako ng dyosa sa ganitong sitwasyon?
"Ano ang iyong iniisip?" Dama ko ang pagtabi nito saakin.
"Kung paano ka papaslangin." Tumawa ito saka tumingala kasabay ko.
"Bakit ka ba naririto? Anong kailangan mo?"
"Cleo--"
"Lei ang pangalan ko."
"Bakit ba itinatanggi mo?" Hinarap ko ito.
"Dahil iyon ang totoo."
"Cleo--"
"Kung naririto ka lamang para guluhin ako, umalis ka na lamang. Hindi ka nakakatulong." Tumango ito bago naglakad paalis.
"Cleo.." Mabilis kong kinuha ang punyal saka ibinato ito.
Kaagad din naman itong nakailag.
"Nice try." Nakangising saad nito.
"Hangal na kawal." Inis na tinalikuran ko ito.
"Umalis ka na bago pa kita batuhin ulit."
Nang hindi ko na maramdaman ito saaking likod ay kaagad akong luminga sa paligid.
Walang bantay.
Mabilis kong tinalon ang mababang teresa saka tinakbo ang daan papunta sa loob ng kakahuyan.
Hindi ko nais manatili, mababaliw ako sa pag-iisip.
Babalik ako kay Lola, dadalhan ko siya ng gamot ng mag-isa.
Ngayon ko lamang naalala ang sinabi ni Lola Leresa ukol sa bundok ng sinukuan, ang Ilog ng kalungkutan.
Ang nag-iisang ilog na nagliliwanag sa'twing tinatamaan ng sinag ng buwan. Sundan ko daw ang dulong parte ng ilog at doon ko makikita ang bundok ng sinukuan.
Magkadikit ang dalawa, dahil ang tubig na dumadaloy sa ilog ay galing sa bundok, nakasalalay ang ilog sa bundok. Dahil kung wala ang bundok, walang tubig na dadaloy mula rito.
Ngunit saan naman ako magsisimulang maghanap ng ilog?
Napakarami ng ilog sa bawat Imperyo. Natigilan ako sa naisip.
Pero kung babalik naman ako kay Lola ng walang dalang kahit anong gamot, hindi siya gagaling.
Sumandal ako sa puno saka huminga ng malalim.
Bakit nga ba napakagulo ng mundo?
Napapikit ako.
Dyosa ng lahat, bakit ba inilalapat saakin ang lahat?
Magulong isipan, hindi na nais pang balikan. Bakit hindi mo ako tulungan? Bakit tila mas lalong niyurakan?
Idinidiin sa nakaraan, wala akong matandaan. Bakit kasing likot ng hangin? Ang suliraning aking kinalalagyan?
Bakit hindi sinagan ng buwan? Maalis lamang sa kadiliman. Bakit wala akong mapuntahan? Hindi matakasan ang kapangyarihan.
Ano nga ba ang ibig iparating? Hindi ko nais makamit, walang gustong naisin. Alisin lamang ang hangin.
Hindi na nais pang liparin, hanapin ang kasagutang nakakubli, paniwalain ang sarili. Punuin ng kasinungalingan ang paligid.
Mga katanungang walang sagot, napupuno ng katanungan ang puso, wala na bang lugar ang katahimikan? Bigyan ako ng kaluwalhatian.
"Bakit ka pa ba nga naghahanap ng sagot?"
Napamulat ang aking mga mata.
"Nasa harapan mo na ang lahat, Cleo. Pilit mo lamang itinutulak palayo, bakit hindi mo subukang yakapin ang lahat? Nang sagayon ay matahimik na ang iyong kalooban."
Kinagat ko ang aking labi.
Inilabas ko ang punyal saka mariin itong tinitigan.
Magdudusa ka rin, babae. Sisiguraduhin ko iyon.
"Eileithyia Cleioziya Latona, ang babaeng taglay ang elemento ng hangin, isang Eclipse." Ngumisi ang babae.
Sa wakas, nagpakita ka rin.
Sa gitna ng madilim na kagubatan, kitang-kita ko ang pagkislap ng galit sa mga mata nito.
Ang babaeng hindi ko batid kung bakit sukdulan ang galit niya saakin.
Humarap ako dito, kahit madilim ay nakita ko ang repleksyon nito sa mapanganib na punyal.
"Hindi ko batid na may ka-inggit-inggit pala saakin, ano nga ba iyon babae? Maaari mo bang sabihin saakin?" Mapula ang labi nito kahit pa nananatiling berde ang kanyang kulay.
Nagtangis ang bagang nito, halatang hindi nagustuhan ang aking sinabi.
Hindi ko malaman, paano nga ba niya ako napaniwala?
"Masyado ka naman atang mataas, Cleo. Sabagay, lagi ka namang mapagtaas. Kahit pa wala ka pa namang napapatunayan." Bakas ang galit sa tinig nito.
Mataman akong tumitig dito.
Hindi mawari kung bakit ganito ang naging dulo ng lahat ng aking ginawa. Saan nga ba nagmumula ang lahat ng ito?
"Bakit ba puno ng galit ang nadarama mo para saakin?" Tumawa ito ng malakas.
Isang mapang-uyam at hindi makapaniwalang tawa.
"Cleo.. wala ka ba talagang alam?"
Lumakad ito papunta saakin.
"Akala mo ba hindi ko batid? Nagpapanggap na walang maalala para lamang makakuha ng atensyon!" Ako naman ngayon ang tumawa.
Kuyom na ang kamao nito, galit na nga ang mangkukulam.
"Sige tumawa ka lang, ano kaya ang mangyayari kung malalaman ni kamahalan na nagsisinungaling ka! Manlilinlang at isang huwad!" Napakagat ako saaking labi, pinipigilang sumungaw ang isang ngiti.
"Huwag kang sumigaw, baka marinig ka nila. Sa tingin mo, ano kaya ang gagawin nila sa'yo kapag nalaman nilang naririto ka sa loob ng kaharian ng Nereus? Ano kaya ang gagawin ni kamahalan kapag nalaman niyang lumapit ka saakin ng walang paalam." Muling napuno ng galit ang mga mata nito.
Mas sumiklab ang galit, bakit ko nga ba naging kaibigan ang isang ito?
"Ang kataksilan ay magdadala lamang saiyo sa kapahamakan, iyan ang tandaan mo."
"Cleo!?!! Na saan ka!?!"
"Hanapin niyo siya!!"
Napangisi ako ng mapuno ng takot ang mga mata nito.
"Takbo." Bulong ko dito.
Galit na tumingin ito saakin.
"Magkikita pa tayong muli."
"Aasahan ko iyan." Kahit pa nagkukubli ito sa kanyang kasuotan.
Kilalang-kilala ko naman ang bawat galaw nito.
Ang babaeng nagtatago sa isang ngiti, ngunit puno naman pala ng galit ang tinig.
Kailan nga ba naging sagot ang galit?
"Cleo!" Sa isang kisapmata lamang ay nasa bisig na ako ni Kefiru.
"Lei." Pagtatama ko dito.
Humigpit ang yakap saakin ni kamahalan.
"I don't care, as long as you're here." Natahimik ako.
"Akala ko tatakbuhan mo na naman ako, Cleo.."
"Lei nga sabi."
"Bumalik na tayo." Nilingon ko ang babaeng nagsalita.
Tumango ako dito.
Umalis kami sa gubat ng nakapulupot saakin ang mga galamay ni kamahalan. Tila siya isang pusit na walo ang kamay, hindi ako makagalaw o makausod man lang ng kaunti palayo sakanya. Kahit pa panay na ang apak ko sa kanyang paa dahil sa sikip ng aking nilalakaran ay hindi pa rin ako nito binibitawan.
"Kefiru, kailan ba ako makakabalik sa Lola ko?" Napatigil ito sa paglalakad.
"Hindi ka na babalik sakanya." Kumunot ang noo ko.
"Ano ang ibig mong sabihin?" Tumigin ito saaking mga mata.
"Cleo--"
"Ilang beses ko bang sasabihin na Lei ang pangalan ko?"
"Cleo. Kailangan ka ng ama mo, may naglapat ng sumpa sakanya." Umiling ako.
"Wala akong ama." Humigpit ang hawak nito saakin.
"Huwag mong itanggi, Cleo. Mamatay siya."
You are reading the story above: TeenFic.Net