Bundok ng Sinukuan, ang ma-alamat na bundok na kailanman ay hindi malilimutan.
Ang pag-ibig na ipinaglaban ng isa, ngunit isinuko ng kanyang kapareha. The place where the herbal leaves can be seen, on the top of that mountain.
The legend says that the woman did give up his love for her mate because she wanted to take care of the herbal leaves.
Iginugol niya ang kanyang panahon sa pag-aalaga ng mga halamang gamot, para sa mga taong mangangailangan ng tulong. Habang ang lalaki ay nakatingin lang sakanya, sinusubaybayan ang bawat kilos ng kanyang minamahal.
Sa itaas ng bundok nakatira ang babae, habang ang lalaki ay naninirahan sa paanan nito, tuwing sisikat ang araw. Kaagad na magtutungo ang lalaki sa itaas, upang panuorin ang babae.
Eventhough the girl did give up her love for him, still. She still loves him, she know that the man always watching her from afar.
Ngunit ng dumating ang oras na hindi na kayang gamutin ang sakit ng babae, na matagal na niyang ikinukubli. Sumama siya sa lalaki.
They both died happily up in the mountain. They die inside of each other arms.
They love story might not got an happy ending, but they prove that a love can be everlasting, and can't never be replace.
Sabay silang namaalam sa mundo, ngunit nag-iwan ng pilat sa bawat pusong nakarinig ng kwento.
Lola Leresa told me that story, and up until now. That story is still alive.
Nilingon ko ang natutulog na si Lola bago palihim na dinala ang kakaibang punyal, nakita ko sa ilalim ng aming kubo, natatakpan ng bungkal ng lupa.
Hindi ko alam kung bakit ko ito dinala, ngunit may kakaiba akong pakiramdam na kailangan ko itong dalhin, para saaking proteksyon.
Inilagay ko ito sa itim na supot na nakasabit saaking bewang, nagdala rin ako ng kaunting salapi.
Lola, kukuha lamang ako ng gamot. Hintayin mo ako.
Ang bundok ng sinukuan ay sadyang napakatarik, sadyang ang mga taong pursigidong makakuha ng gamot ang siya lamang papalarin.
Walang kasiguraduhan ang pagkukuha ko ng halamang gamot, maaari akong maligaw dahil hindi ko naman kabisado ang daan papunta doon. Hindi iyon ang palagiang pinagkukunan ni Lola ng mga gamot, ngunit dahil mas madali siyang gagaling sa mga halaman na naroroon, kahit pa malayo at napakadelikado. Susuungin ko pa rin, dapat ako naman ang mag-alaga sakanya, ibabalik ko ang aruga at pagmamahal na iginawad niya saakin.
Sumulyap ako sa bintana, malapit ng mag-hapon.
Nag-iwan muna ako ng pagkain ni Lola sa loob ng ilang araw bago ko nilisan ang aming lugar.
Ngunit saan nga ba ako magsisimula? Sa pagtatanong nga ba ng direksyon?
At sino naman ang pagtatanungan ko?
Luminga ako sa paligid ng makarinig ng ingay.
Saan nagmumula iyon?
Tila may sariling buhay ang aking mga paa at naglakad papunta sa pinanggagalingan ng ingay.
Natagpuan ko ang isang babae na pilit pumipiglas sa hawak ng isang kawal.
"Bitiwan mo ako!!"
Mabilis akong kumubli sa likod ng puno. Hindi ko kakayanin ang lalaking ito.
Kung sino man ang nakaririnig saakin, iligtas mo ang babae..
Nanlaki ang mga mata ko ng biglang tumilapon ang lalaki.
Tulala man ngunit mabilis akong lumapit sa babae. Itinulak ko ito.
"Tumakas ka na." Bulong ko dito.
"Isa kang hangal!!"
Mabilis na tumakbo paalis ang babae ng marinig ang tinig ng lalaki.
Marahas akong lumingon dito.
"Ikaw ang hangal, lalaki! Hindi dapat sinasaktan ang babae!" Tinanggal nito ang kanyang suot na helmet saka ngumisi.
"Isang bayaran ang babaeng iyon, bakit kailangan mo akong pigilan sa gusto ko?" Tinaasan ko ito ng kilay.
"Hindi nun nabawasan ang pagiging babae niya, kawal. Hindi naman siya naging lalaki ng maging bayaran siya, tama ba ako, lalaki?" Napatawa ito saaking sinabi.
"Kung hindi ko siya makukuha, ikaw na lamang." Nagulat ako ng bigla itong magbato ng prutas saaking paanan.
Nanlaki ang mga mata ko ng lumabas ang usok mula dito.
Isang pampatulog!
Tatakpan ko na sana ang aking ilong ngunit nagdilim na ang aking paningin.
Sana'y makabalik pa ako kay Lola Leresa.
Nagising ako sa ingay ng paligid.
"Gising na siya.."
Iminulat ko ang aking mga mata.
"Bilisan niyo at bihisan siya." Pumiksi ako ng bigla nila akong hilahin patayo.
"Ano ba? Bitawan niyo nga! Na saan ako!?!"
"Binibini, napag-utusan lamang kami upang bihisan ka." Natigilan ako.
Kaagad nagtangis ang aking mga ngipin ng maalala ko ang lalaki sa kagubatan. Ang hangal na kawal.
Dinala ako ng mga ito sa isang magarang banyo, kaagad akong pinahiga sa loob ng isang metal na bathtub. Saka pinuno ng gatas ang loob.
Hindi ko sila dapat saktan, napag-utusan lamang sila. Ngunit paano ako makakaalis sa lugar na ito?
Paano na si Lola Leresa na iniwan ko?
Para akong sangkap ng isang pagkain, bakit kailangan nila akong paliguan ng gatas?
Matapos akong ibabad sa loob ay kaagad na itinali ang aking buhok saka pinagsuot ng isang manipis na kulay puting kasuotan, itinali din nila ang dalawa kong kamay gamit ang isang matibay na lubid.
Kaagad akong hinila palabas ng silid, ngayon ko lamang napagtanto. Nasa loob ako ng isang palasyo.
Sumunod lamang ako sakanila habang nakayuko at tinititigan ang paa kong nakayapak. Hindi naman masakit sa paa ang sahig, ngunit napakalamig.
Narinig ko ang sigawan sa likod ng palasyo, nasilaw ako sa mataas na sikat ng araw, mabilis ko namang iniwas ang aking mukha.
Nang mabigyan ko ng pansin ang paligid, nakita ko ang mga naglalakihang pader saaking harapan.
Isang Maze.
Binitawan na ako ng mga babae, habang ako ay tinitingala ang matayog na pader ng maze.
"Naririto na ang gantimpala ng mananalo." Dinig ko ang paglakas ng sigawan ng mga tao.
Umawang ang aking labi ng lumitaw ang aking imahe sa langit.
"Isang napakagandang bihag, hindi ba?" Napataas ang aking kilay.
Kung gayun ako ang piniling maging premyo ng mga sasali?
Isa-isang ipinakita ang mga sasali sa paligsahan. Purong mga lalaki.
Muling lumitaw ang larawan ko ngunit ilang sandali lamang iyon.
"Mga tigang."
Hindi ko akalaing maririnig pala iyon sa buong lugar, muling ipinakita ang reaksyon ng mga manlalaro.
Kita ko ang pag-awang ng mga labi ng iba, habang ang iba naman ay napamura. Ang mga manunuod naman ay napatawa.
Napailing na lamang ako.
Ano bang klaseng laro ito? Bakit babae ang premyo?
Luminga ako sa paligid, napaliligiran ako ng mga kawal. Paano ako makakaalis?
Pinili ko na lamang umupo sa damuhan habang hinihintay ang mananalo.
Kailangan kong makabalik at makakuha kaagad ng gamot ni Lola Leresa, pagkatapos nito. Magiging tahimik ulit ang aking pamumuhay, magiging maayos din ang lahat.
"Magsisimula na ang paligsahan! Ihanda na ang sarili, mga manlalaro. At mga manunuod, ihanda na ang inyong mga salapi! Ang unang makalalabas ng maze, ay siyang mag-uuwi ng babae!!"
Kung ganun ay may pustahan pala dito.
Napaigtad ako ng makarinig ng malakas na putok, hudyat na magsisimula na ang paligsahan.
"Nangunguna si Ecanus!!" Sigaw ng nagpapahayag.
Muling nagsigawan ang mg tao.
Bumuntong-hininga ako.
Bakit nga ba ako napunta sa ganitong sitwasyon?
Na saan na nga pala ang kawal na iyon?
Mananagot siya saakin..
"Nalagpasan ni Ecanus ang unang parte!! At pumapangalawa si Brent!"
Hindi ko na lamang pinakinggan ang mga pangyayari.
Kailangan kong makabalik.
Baka atakihin na naman si Lola at wala ako sa tabi niya.
Napansin ko ang pagtalikod ng dalawang kawal saaking kanan, saglit akong sumulyap saaking kaliwa at ng makitang hindi sila nakatingin ay mabilis kong tinungo ang daan papasok sa palasyo.
"Tumatakas ang premyo!!" Damn.
Mabuti na lamang ay hindi nila itinali ang aking mga paa, may pagkakataon pa akong makatakbo.
Minadali ko ang pagtakbo saka nagkubli sa likod ng isang pader.
"Hanapin ninyo!! Siguradong magwawala ang hari kapag nalaman niyang nawala ang babae."
Hindi. Hindi ako maaaring mahuli.
Dahan-dahan akong sumilip, at nang makita kong sa direksyon ko sila papunta ay kaagad akong umalis dito at tinahak ang hagdan na tanging madadaanan ko.
Nagulantang ako ng makita ang mga silid saaking harapan.
Saan ako magtatago?
Nilingon ko ang aking likuran ng marinig ko ang mga papalapit na yabag.
Malapit na sila.
Tumakbo ako sa dulong pasilyo saka binuksan ang pinakadulong silid.
Mabilis ko itong isinara at kinandado.
Sumandal ako sa pinto saka napakagat saaking labi ng marinig ang mga yabag nila.
"Isa-isahin ang mga silid!!" Kumabog ang aking dibdib saka naghanap ng malalabasan mula sa kwarto.
Hindi nila ako maaaring mahuli, hindi ko nais maging isang gantimpala ng mga tigang na lalaki.
Lumunok ako saka sumilip sa bintana sa tabi ng kama.
Napakataas ng lalapagan, ngunit walang nilalang na nakabantay sa parteng ito.
Maaari akong bumaba dito.
Hinablot ko ang mga telang maaari kong gamitin. Maski ang telang nakabalot sa kama ay aking kinuha. Itinali ko ang mga telang aking nakuha. Saka ko itinali ang dulo sa poste, inihulog ko ito sa bintana saka nakitang kulang ang aking naitali.
Napakagat ako saaking labi.
Ito ang unang beses na gagawin ko ito, ngunit gabayan sana ako ng mga dyosa.
Mabilis akong sumampa sa bintana saka hinawakan ang mga tela, kasabay ng pagbaba ko ang pagbukas ng pinto.
Dumausdos ako pababa.
"Hayun siya!! Tumatakas!" Tiningala ko sila.
Nanlaki ang mga mata ko ng makitang bababa rin ang mga ito gamit ang telang ginagamit ko.
Nagmadali ako at ng maabot ko na nag dulo ng tali ay kaagad akong tumalon.
Nakahinga ako ng maluwag ng ligtas akong lumapag.
Mabilis akong tumakbo paalis habang palinga-linga sa paligid.
Pakiramdam ko ay nangyari na ito dati, tama nga ba ang aking hinala?
"Huwag niyo siya hayaang makatakas!! May nanalo na!" Dumami ang mga kawal sa paligid, ang mga humahabol saakin.
Tangina ng kawal na iyon, mananagot siya saakin.
I never regret helping the poor earlier, but I don't like being in this position.
I feel like, I am prisoner, trying to escape. But the big difference is, I didn't not do anything wrong. Why imprisoning me like just a piece of trash that can throw anytime?
Ganito nga ba talaga ang buhay sa labas ng paraisong aking tinitirahan? Na mga tao ay sabik na sabik sa tawag ng laman? Na ipagkakanulo pati ang kaluluwa ng isang babae para lamang sa isang gantimpala?
This cruel world is giving me a piece of advice. That I shouldn't leave my house.
Paano na lang si Lola Leresa kapag inatake siya ng kanyang sakit at wala ako?
Hindi ko nais isipin ang mga posibilidad na maaaring mangyari, mababaliw lamang ako. Panigurado iyan.
Nais ko lamang mahanap ang bundok ng sinukuan, kumuha ng gamot para saaking minamahal na Lola. Pagalingin siya mula sa kanyang karamdaman, bakit kailangan pang ipagkait saakin ng tadhana?
Mabilis akong kumubli sa puno.
"Mga hangal! Pinakawalan ang isang babaeng bayaran!! Babae lamang iyon, natakasan kayo!?!"
"Pasensya na, mahal na hari." Para bang gusto kong makaramdam ng awa sa mga kawal.
Bakit nga ba hindi patas ang mundong ito? Bakit mas lalo pang niyuyurakan ang mga taong nasa ibaba na?
Walang patas sa mundo, lalo na kapag salapi ang pagbabasehan. Marami ang nasisilaw, marami ang nalulunod. Handang lumuhod para lamang sa salapi, sa kapangyarihang hindi naman kalugod-lugod. Bakit nga ba marami nagpapakataas, at marami rin ang nagpapakababa na mas lalo pang ibinababa ng mga nagpakakataas?
Hindi ko maunawaan, ano nga ba ang nakukuha nila sa kapangyarihan? Sa mga yaman na matatamasa nila? Kapag nasa itaas na sila, ano na ang gagawin nila pagkatapos? Hihilingin pa ang buong mundo?
May pagbabago nga ba kung mapupunta ka sa itaas?
Lumabas ako mula saaking pinagkukublihan.
"Hindi mo siya kailangang sigawan, hangal na hari. Ikaw ang nasa itaas, ngunit bakit hindi mo ako nakita?" Nananatili ang pagkakatali ng dalawa kong kamay.
Galit na humarap ang lalaki.
"Sino ka para sabihan ako ng hangal!?! Isa ka lamang bayaran!!" Sigaw nito.
Pumalibot ang mga kawal saakin.
"At ano ang naging basehan mo para sabihan akong bayaran? Mas birhen pa ako keysa sa iyong korona, kamahalan." Mas lalong namula ang hari.
Itinutok naman ng mga kawal ang dala nilang sandata saakin.
Napalibutan ako ng mga matutulis na bagay.
"Nakabibighani ang iyong kagandahan, ngunit hindi ang iyong puso." Nginisian ko ito.
"Kung hindi maganda ang aking puso, ano ka pa?"
"Ginagalit mo talaga ako babae! Kalapastangan ang pagsalitaan ng masama ang hari!!" Sigaw nitong muli.
"Hindi porket nasa itaas ka na, hindi ka na maaari pang masabihan ng masama. Tandaan mo mahal na hari, ang iyong kilos ang nagsasabi kung ano ka." Kahit pa may nakatutok na sibat saakin ay hindi natakot na humakbang palapit dito.
"At alam mo kung ano ka ngayon?"
Dumiin na saakin ang sibat ng mga kawal ngunit hindi ako natinag.
"Isang walang kwentang hangal na hari!!" Itinaas nito ang kanyang kamay, ngunit natigil sa ere ang kanyang ng may dumating.
"Huwag mong saktan ang babae, mahal na hari. Hindi na iyan makatatakas pa." Hinarap ko ang lalaki.
Nanlaki ang mga mata ko ng makitang hawak nito ang punyal ni Lola Leresa.
Damn.
"Ako ang nanalo. Akin na ang premyo."
You are reading the story above: TeenFic.Net