Chapter 20

Background color
Font
Font size
Line height

Hangin, ang bumubuhay sa mga mortal, dugo, para sa mga bampira. At pagkain ang bumubuhay sa mga nilalang na walang pangil.

Ang apat na elemento ay nakapaligid saakin, hangin nagmumula sa kanluran, tubig na dumadaloy mula sa silangan, apoy na nabubuo mula hilaga at lupa nagmumula mula sa timog. Ang mga elementong hindi kakayaning mawala ng isang nilalang, ang buhay ng isang mortal at immortal.

Tatatlo lang naman ang pagkakaiba nila, mas mahaba ang buhay ng immortal kesa sa mortal. Mas malakas ang immortal kesa sa mga mortal at ang panghuli, mas matalino ang immortal kesa sa mga mortal.

Kung tutuusin ay mas lamang ang mga immortal sa lahat ng uri, ngunit lahat ay may kahinaan.

Kung mawawala ang kalikasan, ano ang mangyayari sa dalawang uri ng nilalang?

"Lei, ano pa ang ginagawa mo? Huwag mong hintayin na bumuhos ang malakas ng ulan at hindi pa tayo nakakapag-ani, halika at tulungan na ako rito." Mabilis kong nilingon si Lola Leresa.

"Opo." Lumakad na ako palapit dito saka tumulong.

"Huwag kang masyadong mag-isip, muling sasakit ang iyong ulo." Ngumiti ako dito.

"Opo Lola." Si Lola Leresa, ang babaeng nakamulatan ko na. Sabi niya ay natagpuan niya ako sa tabi ng ilog noong bata pa lamang ako, at kaya ako walang maalala ay dahil tumama daw ang ulo ko sa bato.

Hindi niya kilala ang aking mga magulang, at dahil wala namang ibang nilalang na nakatira malapit sa bukirin ay hindi na nagtangka pa na hanapin ni Lola Leresa ang aking mga magulang, baka daw ay mapunta pa ako sa mga masasamang nilalang. Itinuring ko na siyang tunay kong Lola, kahit pa hindi ko siya kadugo.

Matapos naming mag-ani ay inilagay na namin ito sa isang mahiwagang palayok upang gawing kanin.

Si Lola Leresa ay isang mangkukulam, isang maharlika, ngunit dahil hindi pumayag ang kanyang mga magulang na magpakasal siya sa kanyang kapareha ay nagtanan sila, at dito na nga sila napunta, nanirahan ng tahimik ngunit hindi nabiyayaan ng anak. Namatay ang kanyang asawa dahil nakita ito ng isa sa mga kawal ng kanyang mga magulang sa gitna ng kagubatan. Ngunit nanatili siya sa bukirin na ito, ang natatanging ala-ala ng kanyang yumaong asawa. Yaan ang kwento niya saakin.

"Magmadali ka, Lei. Kuhanin mo na ang mga kasuotan natin sa labas, papatak na ang ulan." Tumango ako dito saka tumakbo palabas at sinikop ang mga damit, saka dinala sa loob.

Nang maluto na ang pagkain ay hinainan ko na ito saka tiniklop ang damit.

"Bakit hindi ka muna kumain, Lei? Mamaya ka na gumawa, gugutumin ka anak." Nginitian ko ito.

"Hindi pa po ako gutom, Lola. Ayos lamang ako. Mamaya na lamang, iinom ka pa ng gamot Lola." Ngumiti ito saakin.

Hindi ko batid ang nararamdaman ko sa'twing tinatawag niya akong anak, pakiramdam ko ay may totoo akong ina. Itinuring niya talaga akong totoong anak, na hindi ko malaman kung bakit hanggang ngayon ay naninibago ako sa ganitong pakiramdam.

Dahil ba sa wala akong maalala o dahil sa wala talaga akong magulang na nag-aruga saakin?

Iyan ang lagi kong tinatanong saaking sarili, kung may magulang nga ba talaga ako bago ako mawalan ng ala-ala, kung may kapatid o kaibigan man lang. Wala man akong maramdamang kung anumang koneksyon kay Lola Leresa, ngunit isa lamang ang sigurado ko. Siya na ang magulang ko ngayon, hinding-hindi ko siya iiwang mag-isa.

Tumingin ako sa labas ng umihip ang malakas na hangin, nagbabadya na ang pagsisimula ng unang patak ng ulan ngayong buwan.

"Malamig ang tulog natin ngayong gabi, anak. Papatak ang ulan." Tumango ako dito saka lumapit, sasabayan ko na siyang kumain.

"Bilisan natin Lola, para makapagbasa pa tayo ng katawan." Nginitian ko ito.

Lei, yun ang tawag niya saakin. Yun daw ang pangalan ko, nakaburda daw ito sa paborito kong damit panlamig na palagi kong suot simula ng bata pa lamang ako. At totoo iyon, palagi kong dala ang damit na iyon saan man ako magpunta.

Napatitig ako dito.

Hindi niya ako pinabayaan ni minsan, pati ang pagligo ko ay nilalagyan niya ng mga halamang gamot na maganda daw sa katawan upang mapanatili ko ang magandang kalusugan. Ngunit kahit ilang buwan na ako rito, hindi ko pa rin mapagbigyan ang aking puso na tama ang pinapahayag niya saakin, na nagsasabi siya ng totoo ukol sa aking pagkakakilanlan. Pero ayaw ng utak ko, may mali nga ba sa bawat detalyeng isinalaysay niya saakin?

"Paniguradong mahaba ang gabi, matulog ka ng maaga, Lei. Napakalamig ngayon." Seryosong saad nito, tumango lamang ako.

Isa pa ito sa ipinagtataka ko, hindi niya ako hinahayaang maabutan ang buwan sa labas, ang makita ang buwan maski sa loob ng kubo, palaging maaga ang tulog ko. Minsan ay gusto ko siyang suwayin, ngunit ng imulat ko ang aking mata ay nakadilat ito at nakatitig saakin. Hinaplos nito ang aking buhok saka ako kinantahan upang mabalik saaking pagtulog.

Bakit hindi niya ako hinahayaang masilayan ang buwan? Nais kong makita ang paglubog ng araw, ang nagkikislapang bituin sa gabi.

"Bilisan mo na ang pagkain, Lei. Maaabutan ka na ng buwan."

"Opo." Mabilis kong tinapos ang aking pagkain saka iniligpit ang mga tiniklop kong damit, si Lola na ang naghugas ng plato saka niya ako pinaliguan sa loob ng banyo.

Kahit malaki na ako ay hindi niya ako hinahayaang mag-isang maligo, pumayag na lamang ako dahil kung minsan ay ito pa ang nagsusuot saakin ng damit. Tila ba isa akong mamahaling bagay na hindi dapat masugatan, ngunit pinapayagan niya akong gumawa ng gawaing bahay, maliban sa paghuhugas ng plato, dahil pinilit ko siya.

Pinunasan nito ang aking buhok saka malamlam ang mga mata tinitigan ako.

"Mahal na mahal kita anak." Napangiti ako saka yumakap dito.

"Mahal na mahal din kita, Lola." Hindi man ako nabiyayaan ng maharlikang dugo, nagbigyan naman ako ng isang maalaga at mapagmahal na Lola.

Siguro dahil na rin sa hindi siya nagka-anak kaya ganito ang trato niya saakin, dahil na rin ilang taon siyang namalagi malayo sa ibang nilalang, alam kong nais niyang magkaroon ng anak. Ngunit dahil maagang namaalam ang kanyang asawa ay hindi na siya nagbigyan pa, at hindi na muli pang nagmahal ng iba.

I believe in the bound of mate, they are too strong to break. It only takes too much power to break free, it is a love that eventhough it's forbidden, they will take the risks. They can't never escape their love for their mates.

Kailanman ay mataas ang respeto ko sa dalawang taong tunay na nagmamahalan, isang puro at napakabuting pag-ibig na hindi matutumbasan, o mahihigitan ng kahit ano.

I wonder, when will I see my mate? Or I met him before I got to an accident? There are so much possibilities in this world.

"Cleo, humiga ka na sa kama. Maabutan ka na ng buwan." Mabilis akong humiga saka nagkumot.

Simula ng mahuli niya akong gising ay hindi ito nagsalit ukol doon, ngunit nagsimula na ring mamuo ang takot ko na baka magsakit ito sa dahil sa pagpapasaway ko, kung kaya't hindi na ako muling sumuway pa.

Alam kong mas batid ng mga nakakatanda ang tama at mali, kesa sa mga katulad ko. Kung kaya't susunod na lamang ako hangga't maaari, hindi ko siya nais bigyan ng sakit ng ulo.

Tumabi na ito saakin saka marahang hinaplos ang aking buhok. Unti-unting pumikit ang aking mga mata hanggang sa tuluyan akong nilamon ng kadiliman.

"Cleo.."

Luminga ako sa paligid saka naglakad.

Sino si Cleo? Na saan ako?

"Cleo.." Tumigil ang aking mga paa sa tapat ng isang silid.

"Cleo.." Hindi ko mawari kung bubuksan ko ba ang pinto o hindi?

Wala sa sariling itinulak ko ito pabukas.

"Mahal na prinsesa.." Dahan-dahan itong lumingon saakin.

"Na saan ka na, mahal ko?"

Hinihingal na napabalikwas ako ng bangon.

Sino ang lalaking iyon? Bakit puno ng lungkot ang kanyang mga mata?

Lumingon ako kay Lola Leresa. Tulog na ito saaking tabi.

Kumabog ang dibdib ko sa sobrang katuwaan sa namasid. Tinitigan ko ito at pinakiramdaman, mabuti na lamang ay hindi ito nagising sa biglaan kong pagbalikwas, kung hindi ay hindi ko masisilayan ang buwan.

Nang makita kong mahimbing ang tulog nito sa sobrang pagod ay lihim akong umusal ng paumanhin, dahil susuway ako ngayong gabi.

Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama saka tinanggal ang kumot, habang ginagawa ko iyon ay nararadaman ko ang takot saaking buong katawan na baka magising ang matanda. Nakatitig ako dito habang ginagawa ang nakakakabang pagkilos.

Maingat at tahimik akong naglakad papunta sa bintana, tumingin muna ako kay Lola Leresa bago dahan-dahang binuksan ang bintana.

Natulala ako ng makita ang nagkikislapang mga bituin sa kalangitan, umawang ang labi ko habang nakatitig sa buwan katabi ang mga bituin. Ang buwan na nagbibigay liwanag sa gabi.

Sinulyapan ko ang natutulog na si Lola saka lihim na napatanong saaking sarili.

Bakit hindi ako hinahayaan ni Lola na masilayan ang ganda ng kalangitan sa gabi? Malalaman ko din kung ano ang dahilan.

Nakangiti kong pinagmasdan ang kalangitan, ang kakaibang ganda sa kabila ng dilim na sumasakop sa buong paligid.

Nais ko pa sanang magtagal ngunit baka magising si Lola at malamang umalis ako sa tabi niya para lamang panuorin ang buwan. Tatayo na sana ako ng tumama ang sinag ng buwan saaking katawan.

Nanlaki ang mga mata ko ng magliwanag ang aking katawan. Nakaawang ang labing napaatras ako.

Ito ba? Ito ba ang tinatago saakin ni Lola Leresa? Ngunit ang sabi niya ay hindi niya matanto kung anong uri ba ako ng nilalang.

Mabilis kong sinara ang bintana saka nanginginig ang tuhod na tumabi kay Lola Leresa. Hindi ko nais patunayan ang nasa aking isipan, hindi ko nais maiba sa ordinaryong nilalang.

Kinabukasan ay maaga kaming nagising ni Lola, maaga akong naghain ng pagkain para saaming dalawa.

"Tahimik ka ata, anak. May problema ba?" Tanong nito.

Umiling lamang ako.

"May lalaki kasi akong napanaginipan, Lola. Tinatawag niya ang pangalang Cleo, sa tingin niyo po ba may kinalaman siya saakin?" Kung magsisinungaling ako, paniguradong mahahalata ako ni Lola. Mas mabuti pang sabihin ko na lamang ang kalahati ng agam-agam ko.

Umiling ito.

"Siguro, walang kasiguraduhan Lei. Hindi ko nais na masaktan ka sa bagay na walang kasiguraduhan." Lihim akong nakonsensya, hindi ko naman talaga nais magsinungaling sakanya. Ngunit hindi ko naman maaaring sabihin ang ginawa ko kagabi, paniguradong masasaktang ito dahil sumuway ako.

Hindi naman ako nagsinungaling, sadyang ko lamang sinabi ang kalahati ng bumabagabag saakin.

"Maligo ka na anak, pagkatapos nating kumain. Iikutin natin ang buong bukirin." Ilang buwan na akong naninirahan dito, ngunit hanggang sa dulo lamang ng aming bukirin ang aking nararating.

Ang sabi pa ni Lola, dalawang buwan daw akong walang malay, at ngayon ang pangatlong buwan simula ng magising ako.

Muli akong pinaliguan ni Lola Leresa saka kami nagderetso sa labas ng bukirin.

Ito ang huling araw ng tag-sibol at paparating na ang tag-lamig.

Tumakbo ako papunta sa tabi ng bangin, saka humawak ako sa bakod na nagsisilbing harang. Napapikit ako ng umihip ang malakas na hangin.

Sometimes I hear someone whisphering to me, calling me Cleo with no apparent reasons at all. Saying that I should go home, to him. A man with a blurry face, a voice that keep on hunting me everywhere. Everytime I got a chance to be with the wind. I don't know him, but my heart keeps on beating very fast everytime I hear his voice.

"Lei, halika na. Iikot pa tayo." Nilingon ko si Lola saka tumango.

"Opo." Naglakad ako palapit dito saka inalalayan siya sa paglalakad.

Ginagawa namin ito sa'twing matatapos ang isang buwan, upang mapanatili naming malinis at maayos ang nag-iisang lugar na pinagkukuhanan namin ng pagkain sa araw-araw.

Ang kulay berdeng kulay ng mga dahon ay nagbibigay saakin ng kakaibang pakiramdam, nakakaginhawa sa dibdib. Lumilipad ang mga paro-paro saaking tyan.

Napatigil ako sa paglalakad ng biglang tumigil si Lola saka napahawak sakanyang dibdib.

"Lola?" Nanlaki ang mga mata ko ng unti-unti itong napaluhod.

"Lola!? Lola!!" Hinawakan ko ang dibdib nito.

"Ininom niyo ba ang inyong gamot?" Marahan itong umiling.

Lihim akong napamura saka siya inalalayan patayo.

"Halika La, paiinumin kita ng gamot." Pawisang dinala ko ito sa kubo at iniupo sa kama.

"Sandali lamang."

Nilapitan ko ang kabinet na pinaglalagyan ng mga halamang gamot. Lumunok ako ng makitang wala ng gamot ni isa man dito.

"Lei.." Nilingon ko ito.

"Lola naman! Bakit niyo pa inilagay saaking pampaligo ang gamot e paubos na pala." Nanghihinang napaupo ako sa tabi nito saka hinaplos ang nasaktang dibdib, inabutan ko ito ng tubig na maiinom saka inalalayang makainom.

Bumuntong-hininga ako saka muling tumayo.

Hindi pupwedeng manatili lamang akong walang ginagawa, dapat ay gumawa ako ng paraan. Hindi magtatagal ay muling sasakit ang dibdib ni Lola Leresa.

"Hahanap ako, Lola. Maghahanap ako ng gamot mo."

You are reading the story above: TeenFic.Net