Chapter 19

Background color
Font
Font size
Line height

Sikreto ay nagkukubli. Ngunit hindi habang buhay ito ay maglalagi.

Isang araw lamang ang tinagal ko sa loob ng unibersidad. Hindi ko maunawaan kung bakit ako lagi ang napagtutuunan ng pansin, ng galit, ng inis na hindi ko mawari kung saan nanggagaling.

Magmula kay pinunong Takara, ang mga nagnanais sa aking kapangyarihan hanggang kay maestro Cestor. Ano ba ang nais nila saakin?

Habang buhay na ba akong matatali sa pagtatago? Sa paglilipat ng makukubliha? Hanggang kailan nga ba ako makakadena sa mga taong napupuno ng sikreto?

Maingat kong isinilid saaking kasuotan ang punyal at ang taalarawan ni Takara. Kailanman ay hindi ko ito ibibigay kay maestro Cestor.

Napalingon ako sa pinto ng makarinig ng kalabugan.

"Hanapin niyo siya! Siguradong hindi pa nakakalayo ang isang iyon."

Mabilis kong tinungo ang teresa at maingat na tumingin sa ibaba. Walang anumang nakabantay.

Nilingon ko muna ang aking silid bago tumalon.

Mabuti na lamang ay ng mga oras na malaman ng kawal ang nangyari ay wala sila doon, kung hindi ay sa loob pa lamang ng court ay nadakip na ako. Hindi maaaring mapunta sakanila ang punyal, kailangan ko pa ito magpasa-hanggang ngayon.

Tumakbo ako papunta sa loob ng kagubatan saka nagkubli sa isang matayog na puno.

Hindi ko maaaring gamitin ang aking kapangyarihan dahil sa maaari nilang malaman ang lokasyon ko, kailangan kong mag-ingat kong gusto kong makalabas ng buo sa unibersidad na ito.

Walang estudyante ang pinalabas mula sa court, maging sila Erela. Dahil batid kong alam nilang masisira ang buong unibersidad sa paghahanap saakin, wala silang nais madamay sa gulo. At ganun din ako.

Inilibot ko ang tingin sa buong paligid bago muling tumakbo sa isa pang puno at nagkubling muli. Kailangan kong malaman kung na saan ang lagusan palabas. Hindi ko maaaring bulungan ang hangin, maaari nila itong marinig.

Natigilan ako ng makarinig ng yabag.

Tumingin ako sa paligid, napamura ako ng makitang nakalayo ng isa pang puno.

Kailangan kong makatakbo papunta doon ng hindi nila napapansin.

Mariin akong napahawak saaking damit ng huminto ang yabag, kailangan ko siyang lituhin.

Kailangan kong makapasok sa loob ng paaralan upang makapunta sa lagusan ng kawalan. Doon na lamang ako dadaan dahil sigurado akong puno na ng kawal ang lagusan palabas.

Dahan-dahan akong umupo saka pumulot ng bato.

"Alam kong naririyan ka, lumabas ka na, mag-aaral. Wala ka ng takas." Mabilis kong binato ito sa malayo.

Kaagad namang naalarma ang kawal saka napatakbo sa direksyon ng pinagbatuhan ko.

Tss. Idiot.

Pinagpagan ko ang aking kamay saka naglakad papunta sa isang karwahe, natigilan ako ng makita ko ang kutsero.

Lalaki.

Napangisi ako saka tahimik na naglakad papunta dito. Tumingin muna ako sa paligid ng makalapit ako sakanya, ng makita kong walang ibang nilalang ay kaagad kong hinampas ang batok nito. Maingat ko itong sinalo saka dinala sa gubat, kinuha ko ang sumbrero nito saka pinalitan ang aking kasuotan. Panigurado akong nakita na nila ang aking damit, kailangan kong magmadali.

Iniwan ko ang aking damit sa tabi ng lalaki saka pinuntahan ang karwahe at pinaandar ito.

Dito sa unibersidad ng Felizteo ay mas lamang ang babaeng kutsero kaysa sa lalaki, mas marami ang babaeng marunong magpaamo ng kabayo. Kung kaya't sigurado akong hindi nila ako mapapansin sa oras na magpunta ako sa loob ng paaralan.

Itinakip ko ang sumbrero saaking mukha, yumuko pa ako upang mas hindi nila ako mapansin.

Nadaanan ko pa ang dalawang kawal na tinanguan lamang ako, binalik ko ito sa pamamagitan ng paghila sa harapang bahagi ng aking sumbrero.

Itinigil ko ang karwahe sa tabi ng gusali ng paaralan, mabilis akong bumaba saka luminga-linga sa paligid. Kaagad akong naglakad papunta sa loob ng gusali.

"Sandali." Natigilan ako saka mariing napapikit.

"Ikaw ba ang bagong kutsero? Bakit ka papasok sa loob?" Lumunok ako saka ito marahang nilingon.

"Ipinatatawag ako sa loob ng guidance office, ihahatid ko ang isang guro sakanyang silid." Tinanguan ako nito.

"Kung gayun, hindi dyan ang daan. Maling direksyon ang tinatahak mo, kutsero."

"Ganun ba, maraming salamat." Sa totoo lang, hindi ko alam ang daan papunta doon.

So how the hell will I go there? Damn this.

Nang tumahak na ito paalis ay mabilis akong tumakbo papunta sa loob ng gusali, marahan at tahimik. Maaari niya akong marinig.

Nakahinga ako ng maluwag ng makarating ako sa loob, luminga ako sa paligid saka inalala kung saan nga ba kami nagpunta.

Lumakad ako habang palinga-linga sa paligid, ang natatandaan ko lamang ay nasa tabi ito ng larawan ng isang babae. Ngunit hindi ko masyadong natitigan ito dahil sa madalian naming pagpasok.

Huminto ako ng makarinig ng yabag, dali-dali akong kumubli sa likod ng isang pader.

"Mga inutil!! Paano kayo natakasan ng isang babae lamang!?! Mga walang utak!"

"Pasensya na po, hindi na po mauulit."

"Suyurin ang buong paaralan! Magmadali kayo! Malalagot tayo sa punong-guro!"

Lumingon ako sa kaliwang bahagi ng pasilyo, napakunot ang noo ko ng makita sa gilid ng aking mata ang isang imahe.

Mabilis akong umalis saaking pinagkukublihan saka tiningnan ang nasa aking likuran.

Kumabog ang aking dibdib, nanlaki ang mga mata ko saka napaatras ng maramdaman ko ang panginginig ng aking tuhod.

Sino ang babaeng ito?

Tulalang inabot ng aking kamay ang mukha nito.

Impossible, hindi ito maaari.

Ako ba ang babaeng ito?

"Hayun siya!!"

Mabilis akong nabalik saaking sarili saka binawi ang aking kamay. Kaagad kong hinablot ang punyal sa loob ng aking kasuotan saka itinarak ito sa pader. Bumukas iyon at mabilis akong pumasok, kasabay ng pagdating ng iba pang kawal ay ang pagsara ng pader. Tumulo ang aking luha ng maalala ang gulong nangyari sa loob ng unibersidad, ang gulo na ako mismo ang gumawa.

Napatulo ang aking luha. May ginulo na naman ako, gulo lang ba talaga ang hatid ko?

Pumikit ako at humiling na dalhin ako sa labas ng unibersidad, hindi ko na nais pang manggulo. Nais ko na lamang lumayo at magkubli, mamuhay ng para bang walang nangyari.

Hindi ko alam kung paano ako makalalabas sa loob ng lagusan ng kawalan, kailangan ko bang bumulong sa hangin o pumikit at humiling na lamang?

Tila nanghina ako ng maalala ang babae sa larawan, ako nga ba iyon? Ngunit bakit iba ang kanyang kasuotan? Ni minsan ay hindi pa ako nakapagsuot ng damit ng lalaki.

Napaupo ako saka pagod na napasandal saaking tuhod.

Ang punyal ay isang susi, ano naman ang taalarawan ni Takara? Binuo lamang ba ito upang maintindihan ko ang pinagmulan ko? O para lamang guluhin ang isip ko?

Gusto kong matulog na lamang at hindi magising, makalimutan ang problemang kinakaharap ko ngayon. Kahit sandali lamang, nais kong lumimot. Maranasan muli ang tahimik na pamumuhay na puno man ng pagod ay hindi naman tumatakbo upang magtago.

Hindi ako lumakad ni tumayo, pumikit lamang ako saka humiling.

Pagod na ako.

Napadilat ako ng makakita ng liwanag, bumalikwas ako ng tayo saka luminga sa paligid.

Nakalabas ako.

Maingat kong itinaas ang aking kamay saka tinakpan ang sinag ng araw na tumatama saakin, huminga ako ng malalim.

Ngayon, saan ako magpupunta?

Naglakad-lakad ako sa loob ng kagubatan, sa lahat ng oras. Kagubatan ang tumutulong saakin, nagtatago, nagkukubli. Ang kaibigan ko, ang nag-iisang lugar na mapupuntahan ko, ang kaibigang hinding-hindi iiwan ang isang katulad ko.

Sa lahat na lamang ng mapupuntahan ko ay may kagubatan, ano kaya ang mangyayari saakin sa oras na mawala ang mga puno? Ang mga halamang nagbibigay ng kaginhawaan saakin, ang mga bunga ng pagsisikap at paglipas ng panahon. Ang kulay ng luntiang damo, siguro ay wala akong mapupuntahan kung pipiliin kong sirain ang isang napakagandang lugar na walang ginawa kung hindi ako ay tulungan.

Maaaring sa loob ng gubat na lamang ako magpalipas ng gabi, at bukas ay maghahanap ng daan pabalik. Hindi ko nais maabutan ng ilang araw dito, alam kong sa mga oras na ito ay batid na nilang lahat na nakalabas na ako ng paaralan, at alam kong gagawin nila ang lahat upang makuha ang punyal. Kung kaya't mahahanap nila ako sa kagubatan kung hindi ko ito lilisanin.

Naglakad-lakad ako sa loob nito, kailangan kong makahanap ng matutulugan sa loob ng kagubatan. Hindi ko makakayang magtayo ng bahay ng isang araw lamang, paniguradong kakailanganin ng ilang linggo upang makapagtayo ako at makahanap ng mga kasangkapan.

Lumapit ako sa isang puno saka kumuha ng ilang bunga nito, kailangan ko ng makakain hanggang mamayang gabi, dahil hindi ko alam kung makakaya ko pa bang bumalik sa parteng ito o makahanap ng iba pang puno na may bunga. Iilan lamang ang punong siguradong may tunay na bunga, ang iba dito ay may lason at makapangyarihan na hindi maaaring galawin.

Sa ilang taon kong pagtira sa tabi ng kagubatan ay masasabi kong may kaunti na akong kaalaman, ngunit hindi ko alam kung makakaya kong mabuhay mag-isa o kung saan pupunta pagkatapos nito. Hindi kasi ako sigurado kung wala pang nilalang ang nakakapunta sa loob ng Binnevia o namamalagi dito, maaari akong mapahamak sa oras na bigla na lamang akong bumalik dito. Hindi naman ako maaaring bumalik sa Laeino dahil maraming nilalang ang naghahangad ng aking kapangyarihan na ilang araw lamang ay sigurado akong mararamdaman nila.

Hindi ako ligtas maski sa gubat, sa dati kong tahanan o kahit saang Imperyo. Saan ako magpupunta ngayon?

Hindi ko maaaring gamitin ang aking kapangyarihan, may mga nilalang sa paligid na maaari akong maamoy, maski ang mga kawal na nakalabas na mula sa unibersidad, kung nakalabas man sila.

Napatigil ako ng mahaba-haba na ang aking nalakad, saglit akong naupo sa ilalim ng puno saka hinilot ang aking paa. Nananakit na ito kakalakad, tumingala ako. Tirik na tirik ang araw, ngunit hindi naman mainit. Hindi ako maaaring maabutan ng gabi sa gitna ng gubat, maaari akong masinagan ng araw at lumiwanag. Mas mapapadali ang pagkakita saakin ng mga nilalang kapag nangyari iyon.

Napabuntong-hininga ako, para akong isang kriminal na may ginawang isang napakasamang gawain, nagtatago at patuloy na tumatakbo.

Kamusta na kaya sila sa loob? Pinipiga ba sila ng katanungan ng paaralan? Sana ay hindi, ni minsan ay hindi ko hiniling na mapahamak sila o masaktan man lang.

Ano nga ba ang gagawin ko sa loob ng kagubatan na ito? Kailangan ko na naman bang magkubli sa dati kong katauhan? Magpalit ng katauhan? Gayahin ang ibang nilalang upang makapamuhay ng taimtim?

Bahala na, sa ngayon nais ko na lamang magpahinga. Pagod na ako sa buong araw.

"Hija, naliligaw ka ba?" Napatigil ako sa paglalakad saka nilingon ang matanda.

Kumunot ang noo ko saka pasimpleng pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya.

Anong ginagawa niya sa gitna ng kagubatan?

"Maaari mo ba akong tulungan? Maaari mo ba akong bigyan ng makakain?" Tipid na nginitian ko ito.

Hindi ko mabasa ang matandang ito.

"Hayaan mo, papalitan ko ang iyong kabutihan. Lalo na kapag bukal saiyong puso." Ngumiti ito saakin.

Dapat ba akong maniwala?

Ngunit sa uri ng matandang ito, sigurado akong makakabisado niya ang gubat na ito.

"Nais ko munang magtanong, ginang. Maaari ba?" Ngumiti ako dito.

Tumango ito saka sinuklian din ako ng ngiti.

"Ano iyon, hija?"

"Dito ka ba sa gubat nakatira? Kung oo ay maaari ba akong tumuloy saiyo pansamantala kapalit ng pagkain na ibibigay ko saiyo?" Tumango ito saakin.

Dahan-dahan kong kinuha ang pagkain saaking bulsa, habang pasimple kong tinititigan ang kanyang ekspresyon.

Inabot ko dito ang isang prutas na nakuha ko.

Napuno ng galak ang mukha at kislap ang mga mata nito ng makita ang prutas. Mabilis nito iyong hinablot mula saaking kamay saka kinain.

Tumitig ako dito.

Mukhang ilang araw na itong walang kain at naliligaw sa gitna ng kagubatan.

Nang maubos nito iyon ay ngumiti ito saakin.

"Maraming salamat hija, halika na. Ituturo ko ang daan." Lihim akong napangisi.

Nabisto ang matanda.

Pasimple kong hinawakan ang punyal.

Tumingin naman saakin ang matanda saka napuno ng kalituhan ang mukha.

"Bakit hija? May problema ba?" Nag-aalalang tanong nito.

"Lumalamig ba talaga sa loob ng kagubatan kapag pagabi na?" Tumango itong muli.

Napakagaling umakto ng matandang ito.

Nagsimula na kaming maglakad at nakasunod lamang ako dito.

"Kung naliligaw ka nga, paano mo ituturo saakin ang daan?" Tumigil ito sa paglalakad saka unti-unting humarap saakin ng nakangisi.

"Matalino ka, binibini. Ngunit hindi mo nalaman na hindi pagkain ang kailangan ko, kung hindi ang kapangyarihan mo!!" Mabilis akong nakaiwas ng dambahin ako nito.

Damn. Sinasabi ko na nga ba.

"Isang ganid sa kapangyarihan, kahanga-hanga at sa kagubatan pa talaga ako nakakita." Pinunasan nito ang nasaktang mukha.

"Walang nilalang ang hindi magnanais ng iyong kapangyarihan, babae. Isang inutil lamang iyon!!" Muli ako nitong dinamba ngunit kaagad akong nakaiwas.

Isa itong babaeng lobo, na napakagaling na umarte.

"Hindi ko nais na makipaglaban, matanda. Umalis ka na lamang." Nagtangis ang bagang nito.

"Hindi maaari!! Ibigay mo saakin ang iyong kapangyarihan at ako'y aalis!!" Muli ako nitong dinamba at sa ka-iiwas ko ay nadulas ako papunta sa malalim na bangin.

Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng paggulong ko pababa, naramdaman ko pa ang pagtama ng ulo ko sa isang bato.

Hindi na ako nasundan pa ng matanda sa lalim ng nahulugan ko.

Napagtanto ko na kahit gaano pa kabuti ang gawin mo, kung isang walang puso ang kaharap mo. Balewala rin ang mangyayari sa itutulong mo.

You are reading the story above: TeenFic.Net