"Hangin ako'y iyong pakinggan
Kausapin ako at bigyang kasagutan
Tama ba ang aking naging desisyon?
Na magpunta sa paaralang ito?
Hagkan mo ang aking balat
Dumaloy ka saaking ugat
Ikaw ang aking kasama sa'twina
Palisin ang luhang dumaloy sa mga mata
Hindi ko nais magulo
Ayoko ng nalilito
Batid kong sobra ang aking gusto
Ngunit hindi ko nais masadlak sa sitwasyong ito."
"Bakit hindi mo ako pakinggan?
Ituro saakin ang daan
Lagyan ng liwanag ang aking daraanan
Alisin ako sa daang hindi ko nais mamulatan
Bigyan ako ng kasagutan
Tangayin ang aking agam-agam
Muling ibalik ang dati kong buhay
Hindi na nais pang maglakbay
Dalhin ako ng taimtim
Damhin ang aking hinagpis
Nais ko lamang makaalis
Bakit kailangan akong itali?"
"Hindi na ba maaari?
Hindi ko na ba maiaalis?
Habang buhay na ba akong itatali?
Sa kadenang hindi ko ninais?
Napakalamig, napakahapdi
Kailan ba mahihinto ang sakit?
Hindi ko naman ito--"
"Cleo!!" Napaigtad ako at napamulat.
"Ano ba ang ginagawa mo!?" Singhal ni Ruairi saakin.
"Pasensya na, hindi ko talaga makontrol."
"Cleo, kung ipagpapatuloy mo iyan, mas lalo mo lamang hindi makokontrol ang iyong sarili." Lumapit ito saakin.
"Cleo, ang isang mapagpanggap na tao kayang magtago sa likod ng maskara. Isang huwad na katauhan kung saan ay kaya niyang kontrolin ang kanyang emosyon, palabasin ang huwad na nararamdaman." Kumunot ang noo ko.
"Anong ibig mong sabihin? Na gawin kong huwad ang bawat emosyon ko sa harap ng nilalang at ikimkim ang totoo?" Tumango ito.
"Gayun na nga, hindi magagapi ng isang malakas ang mahina kung hindi ito magpapakita ng kahinaan. At kung malalaman ng malakas ang kahinaan ng mahina, matatalo siya. Ngayon, kung itatago mo ang iyong kahinaan, wala ng iba pang madadamay." Napatitig ako dito.
Ilang araw na ang nakakalipas matapos kong simulan ang pagsasanay sa pagkontrol ng aking emosyon.
Hinawakan nito ang aking kamay.
"Cleo, walang mangyayari kung ilalabas mo ang iyong tunay na emosyon sa labas. Kung magpapagapi ka saiyong kahinaan, walang maidudulot na maganda ang pagpapatalo sa takot na hindi naman maaalis dahil nakatatak na ito saiyong isipan." Tumango ako dito.
Bumuntong-hininga ito bago binitawan ang aking kamay.
"Sige, magpahinga ka na. Maaga pa tayo bukas." Ngayon ko lamang napansin ang nakalitaw na buwan.
Tahimik ang paligid, kumikislap ang mga bituin, madilim ang langit at puno ng alitaptap ang kagubatan. Ganito senaryo sa gabi ng Binnevia.
Bigla akong nangulila sa kinalakhan kong kaharian, sa kagubatang aking naging kaibigan.
Nangalumbaba ako sa harang at tumitig sa kalangitan. Ano kayang pakiramdam ng lumipad? I wish I could fly with a broom, just like a true witch.
Tumitig ako sa buwan.
New moon, the first phase.
Maliit lamang ito ngunit maliwanag.
Hanggang ngayon ay palaisipan saakin ang lahat, ang mga pangyayari saaking buhay sa nakalipas na taon. Simula talaga ng makilala ko si kamahalan ay nagulo ang aking buhay. Siya dapat ang sisihin sa lahat ng ito. Ngunit bakit hindi sumasang-ayon ang aking puso?
"Cleo.."
Napaayos ako ng tayo.
Saan nanggaling iyon?
Luminga-linga ako sa paligid.
"I told you, I can feel your pain.."
Muli akong nangalumbaba.
Ngayon ay alam ko na kung kanino ito galing.
"Cleo.. Mahal na prinsesa.."
Wala sa sariling tumulo ang aking luha.
I miss our connection, I miss his voice. Even his endearment to me.
"Gahasin mo ulit ako."
Tila umurong ang aking luha.
Napailing na lamang ako.
Wala talagang kupas ang kabastusan ng bibig ni kamahalan.
"I miss you, my princess. Gahasin mo ulit ako."
"Turn off our mind link, kamahalan. I don't want to talk to you."
"I won't. I know you've been missing my voice for the past days."
Napataas ang aking kilay.
"How do you say so? I would I miss you, kamahalan? Tell me, why would I?"
"Because you love me." Tumindig ako ngunit hindi ako lumingon.
"You know, lying is not healthy, Archon." Napaigtad ako ng dumampi ang balat nito saakin.
Hinawakan niya ang harang at ikinulong ako sa pagitan ng kanyang braso.
Lumalandi na naman si kamahalan.
"Even if you don't say it. I know you love me."
"I don't."
"Yes you are."
"I won't, never."
Tuluyan ng yumakap ang braso ni kamahalan saaking bewang, saka isiniksik ang mukha saaking leeg.
"Sinungaling, magsinungaling ka pa saakin, Cleo. Katulad dati, pero alam ko ang totoo."
"Bitawan mo ako, kamahalan. Inaantok na ako." Hinawakan nito ang magkabila kong kamay habang hindi pa rin inaalis ang pagkakayakap saakin.
"You can never lie to your mate, Cleo. You princess of liers." Muntik na akong mapatalon sa gulat ng halikan nito ang aking leeg.
"What the hell, Kefiru!?! Akala ko ba ay galit ka saakin?" Pilit kong kinakalas ang braso nito saakin.
I am getting weak inside his arms. My heart beats going crazy everytime his near, I can feel the warm of his body, it's giving me a creepy feeling. I am melting.
"You can't escape my mark, Cleo. You are mine, my name is already buried inside your veins." He whisphered into my ears.
"Kamahalan, bitawan mo ako." Bakit niya masagot ang tanong ko?
Muntik na akong mapasigaw sa gulat ng hilahin ako nito papasok ng aking kwarto.
Nagpumiglas ako sa hawak nito.
"Kamahalan, kung wala ka ng nais sabihin. Maaari ka ng umalis, mararamdaman ng namamahala sa bahay na ito ang presensya mo."
Isinandal ako nito sa pinto ng teresa ng maisarado niya ito.
Inilapat niya ang noo niya saakin.
"Cleo.." Mabilis kong sinipa ang binti nito.
"Ouch!" Napatalon-talon ito sa sakit.
"Stop flirting with me, Archon. I'm not in the mood." Naglakad ako palapit sa kama saka nahiga.
"Kung nais mong matulog dito ngayong gabi, maaari kang humimlay sa sahig."
Umupo ito sa sahig saka ngumuso. Mabilis ko naman itong tinalikuran.
"Cleo, tabi tayo."
"No."
"Sige na."
"I said no."
"Takot ako sa multo." Kunot ang noo na nilingon ko ito.
"What?" Nagulat ako ng bigla itong tumalon saaking tabi.
"Ngayon lang naman." Yumakap ito saakin saka ako dinaganan.
Great.
"Ayan, wala ka ng takas."
"Hindi ako makahinga, Archon. Huwag mo akong daganan." Ngunit mas lalo lamang humigpit ang yakap nito saakin.
"Kefiru."
"Please, Cleo. Ngayon lang.."
"Lock the door." Tumunghay ito saakin saka ngumisi.
Tumaas lamang ang kilay ko.
"What?"
"Gagahasain mo na ba ako, mahal na prinsesa?" Tinapik ko ang bibig nito.
"At bakit naman kita gagahasain, kamahalan? Kung pwede namang si Stratus na lang." Napangisi ako ng magbago ang ekspresyon ng mukha nito.
"Mas masarap akong gahasain kesa sakanya."
Napatawa ako.
"Kamahalan, hindi mo ata naunawaan. Ang ibig kong sabihin ay bakit hindi na lamang si Stratus ang gahasain mo?"
Mabilis kong tinakpan ang aking mukha ng unan.
"Magandang gabi, kamahalan. Tayo'y matulog na." Tinanggal nito ang unan saka hinalikan ang aking noo.
"Matulog ka na, Cleo."
Nagising ako sa sinag ng araw. Iminulat ko ang aking mata saka napabuntong-hininga. Hindi pa rin umaalis si kamahalan.
Mabilis ko itong itinulak paalis saka tumayo.
"See you again, kamahalan." Mabilis akong naligo at nagbihis.
Iniwan ko itong mahimbing na natutulog saka kinatok ang silid ni Lessafre.
Bumungad saakin ang nakabusangot na mukha nito.
"Wala ka bang tulog?" Niluwagan nito ang pagkakabukas ng pinto.
Nakahilata silang lahat sa kama, ang iba ay nasa lapag.
"Nasa silid ko si kamahalan, Lessafre. Gisingin mo siya bago pa mag-inspeksyon ng silid ang tagapamahala ng bahay." Mabilis akong pumasok sa loob.
"Ano at naririto silang lahat?" Napapansin kong nagiging malapit na rin ang tatlo sa mga anak ng Caspian.
Nagkibit-balikat ito.
"Hindi ko rin alam, bigla na lamang nilang dinumog ang aking silid." Hindi pa man naisasara ni Lessafre ang pinto ay pumasok na si kamahalan.
"What the heck!?!" Sigaw ni Euzelia at napaupo.
Mabilis akong kinabig ni kamahalan at niyakap.
"What are you doing here, bastard? Boys are not allowed here." Saad pa ni Rhett.
"Low down your voices. The landlady might here you." Mahinahong saad ni Ishealeis.
"Ano nga ba ang kailangan mo, kamahalan?"
"Help her to control her emotions?"
"What? Are you crazy? Sa tingin mo ba ay mako-kontrol niya ang emosyon niya gayong ikaw ang magtuturo sakanya?" Asar na saad ni Ruairi.
Tinanggal ko ang hawak ni kamahalan.
"Kaya kong matutunan mag-isang kontrolin ang aking kapangyarihan. Hindi ko na kailangan pa ng inyong tulong." Tumalikod na ako.
"Halina kayo, kumain na tayo ng umagahan."
Lumabas na ako ng silid saka dumiretso sa ibabang palapag ng bahay-tulugan.
"Kumunot ang noo ko ng walang mamataan na mga nilalang sa ibaba. Na saan sila?
"Cleo. Bakit pa kayo naririto? Ipinatawag ang lahat ng estudyante sa court." Saad ng tagapamahala.
Yumukod ako saka tumango.
"Ano ang kanyang sinabi?" Nilingon ko si Lessafre.
"Ipinatawag ang lahat ng estudyante sa court. Kailangan na nating magmadali." Mabilis akong naglakad palabas at sumakay sa karwahe.
Habang nag-iintay sa pagsakay nila sa karwahe ay inilibot ko ang tingin sa paligid.
Na saan si Stratus?
Napakurap ako ng may humawak saaking bewang.
"Cleo." Tumingin ako dito.
"Kamahalan, anong ginagawa mo dito?" Humigpit ang hawak nito saaking bewang.
"Sasabay ako sainyo."
Tahimik lamang ang buo naming pagpunta sa paaralan. Maging ang paligid ay tahimik, mukhang napapasunod ng maayos ng paaralan ang mga estudyante.
Bumaba kami mula sa karwahe saka pumasok sa court. Hindi pa nagsisimula ang pagpupulong, saktong pagka-upo namin ay ang pagpasok ni maestro Cestor mula sa likod ng kurtina.
Tumahimik ang paligid.
"Magandang umaga, mga estudyante ng Filezteo. Kayo ay pinapunta dito upang ipahayag ang nangyayaring pag-eespiya sa loob ng unibersidad na ito." Napuno ng singhap ang buong paligid.
Maging ako ay napakunot ang noo, espiya? May nakapasok na espiya?
"Mga estudyanteng ikinukubli ang totoong katauhan, gumagamit ng huwad na presensya. Naglagay ng mahika." Kumabog ang aking dibdib ng tumingin ito saakin.
Humigpit ang hawak ko sa kamay ni kamahalan.
Bakit ganito ang uri ng tingin niya saakin?
"Hindi na namin nais pa itong ipahayag sa buong unibersidad, at tahimik na lamang silang paalisin. Ngunit dahil pinasok nila ang sagradong silid, may kaparusahan ang bawat isang nakapasok dito." Alam niya? Paano? Ngunit hindi naman namin sinasadyang makapasok.
Marahas akong napalingon kay Kefiru, seryoso lamang itong nakatingin sa unahan. Ngunit mahigpit ang hawak saaking kamay.
"Nagawa nilang matawid sa kawalan papunta sa silid-aklatan, nasa kanila ang ipinagbabawal na punyal." Kumunot ang noo ko.
Ipinagbabawal na punyal?
"Batid naman ng bawat estudyante dito na hindi maaaring buksan ang sikretong lagusan dahil ito ay isang kawalan, na maaari kang makapasok sa kahit anong lugar. At dinala sila saaking silid-aklatan." Kung gayun ay isa nga itong lagusan, ngunit bakit sa silid-aklatan pa ni maestro Cestor ang pinagdalhan saamin?
Takang nilingon ko sila Erela. Maging sila ay kunot ang noo.
Ano ba talaga ang nangyayari?
"At ang punyal na ilang libong taon ng nawawala sa paaralan ay napunta sakanila. Paano nga ba?" Naningkit ang mga mata ko.
Pinaparatangan niya ba kami?
Kinabig ako palapit ni kamahalan.
"The newbies, please stand up." Sabay-sabay na pumaling ang tingin nila saamin.
Dinig ko ang pagmumura ni kamahalan.
Mas lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib ng madama ang bigat ng tensyon ng paligid.
Dahan-dahan akong tumayo.
Walang kailangang madamay dito.
"Ako ang nagmamay-ari ng punyal." Narinig ko ang singhapan ng mga estudyante. Sinamaan ako ng tingin ni Rhett.
"What the heck are you doing!?!" Bulong nito habang pinandidilatan ako ng mata.
"Cleo.." Maski si kamahalan ay hinihila ako paupo.
"Ako ang nagpasok ng punyal sa susian, ako lamang ang bukod tanging nakakita sa lagusan ng kawalan at ang silid-aklatan ni maestro Cestor." Itinagilid ko ang aking ulo.
"Maestro, may nais akong malaman bago lisanin ang paaralang ito." Wala ng dahilan pa na manatili ako dito, nailigtas na si kamahalan. At sigurado akong nakaligtas din si Ivanna dahil hinding-hindi niya ito iiwan.
"Cleo!!" Sinigawan na ako Lessafre.
"Stop it, will!?!" Dalawang braso na ni kamahalan ang ginamit panghatak saakin, ngunit hindi ako nagpatinag.
"Bakit puro mga detalye ukol sa mga mangkukulam ang iyong aklatan? May nais ka bang malaman?" Ngumisi ako dito.
"Cleo, tumigil ka na. Nagkukulay pula na ang iyong buhok." Saad ni Via at hinihila na din ako paupo.
Huminga ako ng malalim.
Kitang-kita ko ang galit sa mga nito, ngunit hindi naman ito nagsalita.
"Sa tingin mo, bakit sa lahat ng maaari kong mapuntahan. Sa silid-aklatan mo pa talaga?" Hindi ko na napigilan pa ang paglabas ng kulay ng aking buhok, kasabay nito ang pagdaloy ng kulay saaking mga mata.
Muling napuno ng singhap ang paligid. Maging ang maestro ay napaawang bibig.
"Alam kong naiwan ang hanging aking tinawag, nadama mo ang presensya kung kaya't nagpahayag ka kagaad. At kahit pa isang araw lamang ang itinagal ko sa paaralang ito, nais kong ipabatid saiyo. Malalaman ng buong paaralan, kung ano man ang nakita ko sa loob ng aklatan mo, maestro. Nakita ko ang bawat lihim, sikretong nakatago sa bawat dingding. Naririnig ko ang hinagpis, dahil ang hangin ang mismong nagpapabatid saakin. Tandaan mo, maestro. Malalaman ko din kung sino ang gumawa ng kawalan na iyon." Tumalikod na ako saka naglakad paalis.
Ngunit huminto ako saka humarap sakanya.
"Wala kang malalaman sa Binnevia. Tandaan mo iyan."
You are reading the story above: TeenFic.Net