Sinamaan ko ito ng tingin, ngunit ngumisi lamang ito.
Damn this man.
"Latona, hindi ka pa nga nakakapasok saiyong klase, nanggahasa ka na." Bullshit!
Tumawa si kamahalan.
Palihim kong ikinumpas ang aking kamay.
Damn. Damn.
Naalala kong hindi nga pala maaaring gumamit ng kapangyarihan sa loob ng paaralan, tanging ang sa bahay-tulugan lamang ito gagana.
"Maestra, hindi ko nais maparatangang nanggagahasa sa loob ng paaralan, lalo na't hindi ko ito ginawa. Siya ang lalaki, sa tingin niyo ba'y kaya ko siyang gahasin? Gayong nasa tamang huwisyo naman ang utak niya?" Nagtangis ang aking bagang.
Bakit kaagad nilang pinaniwalaan ang lalaking ito? Bakit hindi muna nila kami tanungin ukol sa totoong nangyari?
Sinulyapan ko ito.
Akala ko ba ay galit siya saakin? Bakit ganito ang pakikitungo niya?
Hindi ko talaga siya maunawaan.
Inayos ng babae ang kanyang suot na salamin.
"Sa panahon ngayon, wala ng kasarian ang manghuhusga kung maaari niya bang magawa ang isang bagay, maski ang babae ay maaari na ring makapanggahasa." Nagngingit ang aking mga ngipin.
Mabilis akong naglakad palapit dito saka hinampas ang lamesa.
"Damn! Bakit ayaw niyo akong paniwalaan!?!" Sa guidance office, dito kami dinala ng nakakita saamin. Kung kaya't hindi ako nakapalag ng hilahin ako ni kamahalan papunta dito.
Napahinga ako ng malalim saka inayos ang aking sarili. Mabilis akong tumalikod at naglakad paalis ng silid.
Hindi maaaring makita nila ang pagbabago saakin, paniguradong magtataka ang babae.
Bakit kung umasta siya ay parang hindi niya ako tinignan ng masama ng gabing iyon? Bakit niya kasama ang babaeng iyon? Sino ang nagligtas sakanya? Papaano siya napunta dito? Hindi ko maunawaan, ano ba ang nais niyang mangyari?
Nagtungo ako sa aking klase, sa silid na nasa dulo ng pasilyo. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilip.
Isa-isa kong tinitigan ang mga estudyante, sa unang tingin ay mukha lamang silang normal na nilalang, dahil na rin siguro napalilibutan ng kapangyarihan ang buong paaralan at hindi nila magamit ang kanilang kapangyarihan. Tumingin ako sa unahan.
Wala pa ang guro, madami-dami na rin ang mga estudyante sa loob. Mukhang hindi pa nila ako napapansin.
Naglakad ako papasok saka isinara ang pinto, nagmadali akong umupo sa likod. Hindi ko nais ang atensyon.
Kasabay ng pagpasok ko ay ang pagpasok din ng aming guro. Kaagad na napaayos ng upo ang bawat estudyante, mukhang ma-impluwensya ang guro na ito.
Nagtindigan ang mga balahibo ko sa katawan ng bigla itong tumingin saakin.
"Sino sainyo ang nakakaalam ng tungkol sa Eclipse?" Lahat ay nagtaas ng kamay samantalang ako ay tila naparalisa at napatitig sakanya.
Pakiramdam ko ay may dalang hipnotismo ang tingin nito, masama ito.
Tumalikod ito saka nagsimulang magsulat sa black board.
"The moon has an eight phases. The first one new moon, the second is waxing crescent, the third is first quarter, the forth is waxing gibbous, the fifth is full moon, the sixth is waning gibbous and the last is last quarter. Every turn of time, the moon will rotate itself. And when the time comes, the moon will change another phase." Humarap ito saamin.
"Bago, ibig sabihin ay nagsisimula pa lang ang pag-ikot ng buwan. Magsisimula ang pagpapalit ng buwan sa oras na isilang ang unang eclipse." Naningkit ang mga mata ko.
May kakaiba sa gurong ito. May alam ba siya ukol sa pagpunta namin?
Ngumiti ito saka inilibot ang tingin sa paligid.
"Ako si Francestor Villea, maaari niyo akong tawaging maestro Cestor." Kung gayun ay ito ang tinutukoy nilang maestro Cestor.
"Dito magsisimula ang ating klase."
Tulala lamang ako habang nakatitig sa lalaki, hanggang sa hindi ko na namalayan na oras na para sa pagkain.
Kaagad na kumalam ang aking sikmura dahil na rin sa wala akong kinain na umagahan. Mabilis akong tumayo saka hinanap ang silid-aralan ng aking mga kasama.
"Ikaw ba ang bago sa silid-aralan?" Napatigil ako sa paglalakad.
Nilingon ko ang babaeng nakasandal sa pader malapit saakin, may kakaiba sa awra nito. Malakas at nakakatindig balahibo.
"Ako nga." Ngumisi ito.
"Umalis na kayo ng mga kasama mo. Impyerno ang pinasok niyo." Kumunot ang noo ko.
Impyerno? I read that word from the textbook that came from the mortal world. Is she a mortal?
Tumalikod ito saka naglakad paalis, tinitigan ko lamang ito.
Kaklase ko ba siya?
"Cleo!" Mabilis akong lumingon kay Lovisa.
"Tara na, nasa hapag kainan na sila." Tinanguan ko ito.
Tulala lamang akong nakasunod dito.
Mukhang pati ang eskwelahang ito ay may itinatago. At hindi ko na nais malaman pa iyon.
"Matapos nating kumain, magtutungo tayo sa silid ni maestro Cestor." Itinulak nito ng marahan ang pinto saka ako hinablot palapit sakanila.
"Cleo.." Umupo ako sa tabi ni Via.
Nakahanda na ang pagkain, ngunit hindi ko alam kung bakit hindi ko nais itong galawin.
"Kumain ka na." Bulong ni Lucia saaking tabi.
"Lucia, sabihin mo nga saakin. Tama ba ang desisyon ng Caspian na dalhin tayo sa unibersidad na ito? Bakit pakiramdam ko ay mas lalo lamang gumulo ang lahat?" Bulong ko habang matamang tinitigan isa-isa ang mga tao sa loob.
"Malalaman din natin ang kasagutan, Cleo. Huwag kang mag-alala." Natamaan ng aking mata ang dalawa.
Damn. Why are they here?
"Is that, Kefiru?" Hindi ako lumingon.
I wonder why this things are happening to me, can I just live peacefully?
"Cleo si--"
"I don't wanna hear it, Euzelia. Just let me eat please?"
"May nagseselos." Kunot ang noo na nilingon ko si Stratus.
Nakatitig ito sakanyang pagkain ngunit nakangisi.
"Shut up."
Natapos ang kainan na panay ang ngisi saakin ni Stratus. Inirapan ko ito.
Pati ba naman sa pag-alis namin sa silid-kainan ay nang-aasar siya?
"Can you stop, Stratus? Hindi ka na nakakatuwa."
"I know, because you're jealous." Mabilis kong hinablot ang punyal saka ibinato sakanya.
"Damn you. Stratus!!" Ngunit dahil nakaiwas ito ay tumama sa ibang bagay ang punyal.
"Cleo! Your hair!" Inis na ibinaling ni Ishealeis ang kanyang tingin kay Stratus.
"Can you stop? Your triggering her emotions." Napakislot kami ng makarinig ng ingay.
Tumingin ako sa paligid, nakalayo na kami sa silid-kainan. Ngunit hindi ko na alam kung saan kami napadpad.
Tumigil ang tingin ko sa nakabaon na punyal, doon nanggaling ang ingay.
Naglakad ako palapit dito.
"Bukas. May lagusan sa likod ng pader."
"Mukhang ang punyal ang naging susi upang mabuksan ito." Hinaplos ko ang punyal saka ito hinugot.
Humarap ako sakanila.
"Nais niyo bang masilayan ang loob?" Nagkatinginan ang mga ito bago tumango.
Luminga-linga muna kami sa paligid bago ito pasukin. Kaagad na sumarado ang pader ng makapasok na kaming lahat.
Kadiliman. Bumabalot ang kadiliman sa buong paligid, wala akong maaninag.
Kumapa ako sa pader.
Napasinghap ako ng mapahawak sa isang sulo, kasabay nito ang pagkakaroon ng apoy.
Sunod-sunod na umilaw ang hilera ng sulo na nakasabit sa pader.
"Ano ang lugar na ito?" Inilibot ko ang tingin sa paligid.
"May hagdan, doon tayo." Kaagad akong naglakad papunta doon.
Ang paligid ay napakalinis, mukhang may gumagamit ng lagusan na ito. Ngunit sino? Batid ba ng eskwelahan ang sikretong lagusan na ito?
Huminto kami sa harap ng isang bakal na pinto.
"Sarado." Hinawakan ni Euzelia ang kadena, mabilis na nagyelo ang kandado hanggang sa nasira ito.
Nagtulungan kaming tanggalin ang kadena saka dahan-dahang itinulak pabukas ang pinto.
Nagulat ako sa nasaksihan.
"Aklatan?" Tumigil ang mga mata ko sa gitnang bahagi ng silid.
Isang aklat ang nakahimlay sa malapad na lamesa.
"Cleo. Tingnan mo ito." Mabilis akong lumapit kay Lystra.
Isa-isa nitong itinuro ang bawat libro.
"The magic of witches. The legendary witch. The history of witches. How do princess turn into witches." Tumingin ito saakin.
"Lahat ng libro ay tungkol sa mga mangkukulam."
"At mukhang galing ito sa iba't-ibang panig ng kaharian at Imperyo." Kumunot ang noo ko.
"Anong ibig mong sabihin, Lessafre?"
"Cleo, napakaraming bersyon ng mga paniniwala sa mangkukulam. At mukhang ang silid na ito ay punong-puno ng libro na may iba't-ibang bersyon ng pinagmulan, kapangyarihan at marami pang iba na tungkol sa mga mangkukulam." Napatitig ako dito.
"Dalawa lamang iyan. Mangkukulam ang may-ari ng silid-aklatan na ito o nais niyang malaman ang tungkol sa mga kauri nila Via." Suminghap ako saka muling inilibot ang tingin sa paligid.
"Maaaring marami na siyang nalalaman tungkol saamin." Lumakad ako palapit sa gitnang bahagi ng silid.
"May libro dito." Yumuko ako saka binasa ang nasa libro.
Nanlaki ang mga mata ko saka napaatras.
"Bakit? Ano iyan, Cleo??" Lumunok ako.
Hinayaan ko lamang si CC na basahin ang nakasulat.
Napatakip ito sakanyang bibig.
"Oh my ghod!" Nagsilapitan ang iba pa.
"H-hindi ba at nakatago ang Binnevia? Papaanong, naisaad iyan sa libro?" Hinawakan ni Lucia ang libro saka inilipat sa ibang pahina.
"Hindi ito libro, Cleo. Isa itong taalarawan." Mas lalong nanlaki ang mga mata ko.
"Kung ganun ay may iba pang nakaaalam ng lokasyon ng Binnevia?"
"Maaaring ganun na nga." Napalingon kami sa isang bahagi ng silid ng makarinig kami ng ingay.
"Doon. Doon nanggagaling ang ingay." Naglakad kami papunta dito.
"May isa pang pinto." Nilingon ko si Stratus bago sumilip sa loob.
Muling nanlaki ang mga mata ko.
"Si Maestro Cestor." Bulong ko.
Mabilis akong itinulak paalis ni Ruairi saka tumingin.
"Mukhang siya ang may-ari ng silid na ito." Lumingon ito saamin.
"Umalis na tayo, bago pa niya malaman na nakapasok tayo." Napaigtad kami ng marinig namin ang mga yabag na patungo sa direksyon namin.
"Magtago kayo!" Mabilis kaming nagkubli sa likod ng mga matatayog na lagayan ng libro.
Napatakip ako sa aking bibig ng marinig ko ang pagbubukas ng pinto.
Siya nga ba ang may-ari ng silid na ito?
Napapikit ako ng marinig ang papalapit nitong yabag sa pinagkukublihan ko.
Makikita ako!!
Mabilis akong pumikit at umusal.
~Hangin ako'y iyong tulungan
Alisin sa ipinagbabawal na lagusan
Kasama ng aking mga kaibigan
Mula saaming pinagkukublihan
Dalhin kami sa kagubatan
Isama kami sa pagdampi sa kalangitan
Patakasin kami sa silid-aklatan
Ihatid kami sa paroroonan~
~Dinggin ang aking hiling
Itakas kami ng palihim
Lakbayin ang himpapawid
Alisin kami sa sagradong silid
Tulungan ako hangin
Liparin ang aking hiling
Isama saiyong lalakbayin
Tulungan kaming paalisin~
Nadama ko ang pagdaloy ng hangin sa aking ugat. Napuno ng hangin ang aking paligid, hanggang sa nadama ko ang unti-unting paglutang sa hangin. Kasabay ng pagmulat ng aking mga mata, ang pagdating namin sa kakahuyan.
"Hindi ko malaman kung paanong nangyaring kay maestro Cestor ang silid na iyon." Saad ni Erela.
Napaupo ako sa damuhan.
"Hindi ba at hindi maaaring magamit ang kapangyarihan sa loob ng paaralan? Paanong nangyaring nagamit ko ang aking kapangyarihan sa loob ng silid-aklatan na iyon?" Napatitig sila saakin.
"May kakaiba sa lugar na iyon, Cleo. Hindi maaaring makapagtago ng isang silid ang isang ordinaryong nilalang lamang sa loob ng paaralan. Maaaring kinausap ng nilalang na iyon na magkaron ng sikretong silid sa paaralan." Pahayag ni Zuleika.
"Ibig sabihin, ng itayo ang paaralan na ito. Kasama siya ng ginawa ito." Dugtong pa ni Rhett.
"Mamaya na ang usap, baka mahalata na ang maestro saating pagkawala."
Inayos muna namin ang aming sarili bago muling nagtungo sa loob ng paaralan. Muli naming tinahak ang daan papunta sa tinutukoy nilamg silid ni maestro Cestor.
Konektado ang silid-aklatan at ang silid ni maestro Cestor. Nagkataon nga lamang ba ito?
Huminto kami sa isang malaking pinto, si CC mismo ang nagtulak nito pabukas.
Namataan namin itong nakaupo sa gitna ng silid.
"Nariyan na pala kayo, maupo kayo at isarado ang pinto." Mabilis kaming kumilos at naglakad papasok.
Nakadarama ako ng kakaibang kilabot habang naglalakad ako palapit sa upuan.
Umupo ako sa tabi ni Lovisa.
"Saan niyo nais magsimula?" Nilingon ko ito.
Iyon agad ang bungad niya saamin, katulad ng kanina. Hindi siya nagpakilala ngunit nag-leskyon agad.
"Sa pag-kontrol ni Cleo sakanyang kapangyarihan." Kinagat ko ang aking labi ng tumama ang tingin nito saakin.
"Hindi nakukuha sa kapangyarihan ang pag-kontrol, Cleo. Hindi rin ito naituturo. Kung ikaw mismo ay hindi mapigilan ang paglabas ng iyong damdamin, hindi ka namin matutulungan dyan. Ikaw mismo ang makaaalam kung paano ko-kontrolin ang iyong kapangyarihan." Pahayag nito.
Pasimple kong inilibot ang tingin sa paligid. Mukhang wala sa parteng ito ang pinto ng lagusan.
"Lagi niyong tatandaan. Tanging ang mga dyosa at dyos lamang ang may kakayahang magpalabas ng elemento." Nanginig ang aking tuhod habang matiim na nakatitig saakin ang mga mata nito.
"Tanging ang mga ordinaryong nilalang ay pagko-kontrol lamang ng elemento ang kaya."
Dumaan ang katahimikan sa paligid.
"Tubig, apoy, lupa at hangin. Ang apat na natatanging elemento, ang pinakamalakas na kapangyarihang makakami ng isang dyosa o dyos."
Francestor Villea.
Anong uri ka ng nilalang?
Lahat ng nilalang sa mundong ito ay may patak ng dugo ng bampira, ibig sabihin, lahat ay may kakayahang mabuhay ng matagal at manatili sa malaking bersyon nito na hindi tumatanda ang itsura.
Napaigtad ako ng biglang bumukas ang pinto.
"Nahuli ba ako, maestro?" Natamaan ng aking mata ang nakangising si Stratus.
Kung hindi lamg talaga kami muntik na mahuli dahil sa pagbato ko ng punyal sakanya ay muli ko siyang babatuhin.
Bwiset na kawal.
Sinulyapan ko si Archon.
Mukhang hindi nito kasama ang babaeng kamukha ni Takara.
"Bakit siya naririto?" Seryosong tanong ni Rhett.
"Alam niya ang tungkol sainyo, Rhett. Huwag kang mag-alala. Hindi magsasalita ang isang iyan." Maayos akong tumindig.
Bakit kailangan niya pang pumunta dito?
"Pumasok ka na, Kefiru. At isarado ang pinto."
Lumakad ito palapit saaking direksyon.
Nanlaki ang mga mata ko ng maupo ito sa gilid na sandalan ng upuang sofa, sa tabi ko. Inilagay pa nito ang braso sa likod ng sinasandalan ko.
Naningkit ang mga mata ko.
Nananadya ang kamahalan.
"Maaari na tayong magsimula."
You are reading the story above: TeenFic.Net