Hindi ko malilimutan ang mga mata niyang puno ng poot, galit na hindi ko matanggap. Muhi na wumawasak saaking puso, mariing tingin na nakakapagpalambot ng aking mga tuhod.
Hindi ko na nais makita pa ang mga mata niyang nagliliyab sa galit, tila nauupos akong kandila na unti-unting nalulusaw sa kanyang tingin.
Ito ba'y aking kasalanan? Dapat ko nga ba itong pagbayaran? Ngunit ginawa ko naman ang sa tingin kong tama, gumawa ako ng paraan upang mailigtas siya mula sa kapahamakan.
Nakakatindig balahibo ang kanyang mga mata, ngayon ko lamang nakita ang sumisiklab niyang kalooban, ako nga ba ang mali at siya ang tama?
Nais kong lumubog saaking kinatatayuan, kung hindi lamang ako nakahawak sa harang teresa, sigurado akong kanina pa ako napaupo sa panghihina. Paano ko nga ba iiiwas ang aking mga mata? Gayung hindi ko man lang ako makagalaw.
"Cleo.." Saka lamang ako napahakbang paatras sa sinag ng buwan, nilingon ko si Stratus.
"A-ano ang iyong nais, kawal?" Nauutal pa ang aking tinig, kakaiba talaga ang epekto saakin ni kamahalan.
"Tandaan mong isa akong huwad na kawal, Cleo. Alam kong alam mo na isa akong tunay na prinsipe." Nagawa kong taasan ito ng kilay, pilit na iniignora ang mas lalong umiinit na mata ni kamahalan.
"Ano nga ang kailangan mo? Hindi ba at bawal ang lalaki sa bahay-tulugan ng babae? Marunong ka na palang sumuway sa patakaran, kawal." Pinilit kong ayusin ang aking sarili, hindi ko batid kung alam na ba ng lalaking ito ang tungkol kay kamahalan.
Ngunit nagsimula ng mamuo ang iba't-ibang katanungan saaking isipan.
Bakit niya kasama ang babaeng bumato ng punyal saakin? Siya ba ang nagligtas kay kamahalan? Bakit galit ang nakikita ko ngayon sa mga mata niya? Paano niya ako nahanap? Papaano sila nakapasok sa unibersidad?
Hindi nakatulong ang pag-alis ko sa Laeino, bagkos ay mas lalo lamang gumulo ang aking isip. Siya ang dahilan ng pag-alis ko, ngunit hindi ko akalaing sa pagdating ko sa unibersidad na ito ay mas lalong gugulo ang aking isip.
Ngumisi ito saakin.
"I manage to barged in."
Tumaas ang aking kilay.
"So what's your plan? Sleeping in my room?"
Tumawa ito.
"If you want to, why not?" Mabilis umigkas ang kamay ko, kasabay ng malakas na paghampas ng hangin sa kanyang mukha.
Hindi ko nais mahawakan ang balat niya, baka hindi lang hampas ang aking magawa.
Bumusangot ito ng magulo ang buhok niya.
"What the hell, Cleo!?!" Hinawakan nito ang kanyang buhok saka inayos.
Itinuro ko ang kaliwang bahagi ng teresa.
"Talon. Umalis ka sa aking silid, gagong kawal." Mas lalong lumiyab ang mata ni kamahalan, nais niya ba akong patayin gamit ang kanyang mga mata?
Muli lamang itong tumawa.
"Oo na, aalis na ako binibini. Binisita ko lamang si Via."
"Alam mong bawal ang lumabag sa patakaran, kawal. Umalis ka na bago pa maramdaman ng mga nilalang dito ang presensya mo." Yumukod ito saakin.
"Masusunod, binibini." Nagulat ako ng bigla itong tumakbo sa itinuro kong direksyon saka walang babalang tumalon.
Mabilis akong napatakbo palapit dito saka sumilip.
Napahinga ako ng maluwag ng makitang maayos na itong nakatayo sa ibaba. Kaagad na kumuyom ang aking kamay.
"Isa kang malaking ungas, kawal. Batid mo ba iyon?" Inis na saad ko dito.
Muli lamang itong tumawa.
"Hindi ka nakakatuwa, kawal." Tinalikuran ko na ito saka naglakad papasok ng aking silid.
"Goodnight Cleo." Muli ko pang sinulyapan ang kinatatayuan ni kamahalan at ng babae kanina.
Nagulat ako ng makitang wala na ito doon, ngunit dama ko pa rin ang marahas niyang titig. Sila ba ay nagkubli sa di kalayuan?
Isinara ko na ang pinto ng teresa saka humiga saaking kama.
Hindi ko akalaing makalalabas talaga ako sa kaharian ng Binnevia, buong akala ko ay mananatili ako doon ng habang buhay, kasama ang aking mga kapwa mangkukulam at ang aming pinuno. Ngunit hindi ko akalaing makakalaya talaga ako mula sakanyang mabigat na kamay.
Makatulog kaya ako sa silid na ito?
Pinagmasdan ko ang kisame, nakatulog na kaya ang anak ng mga Caspian?
Unti-unting bumigat ang aking mga mata, hanggang sa bumagsak ito at tuluyan akong lamunin ng kadiliman.
Napabalikwas ako ng bangon ng makarinig ng malakas na kalabog.
Ano iyon!?
"What the hell!?!"
"Stop! Stop!! Make it stop!!!"
"Don't play with it!"
"My ghod! I swear kapag nabasa ako, ipapatuka kita sa Calygreyhound."
"Bullshit! Stop playing with that, Erela!!"
Mabilis akong tumayo at binuksan ang pinto.
"Careful!!" Napayuko ako ng dumaan saaking direksyon ang tubig, isang ibon na gawa sa tubig.
Napasinghap ako ng magliparan papasok saaking silid ang ibon.
"Erela!!" Sigaw ko dito.
"Sorry, I unconsiously powers."
Basang-basa ang kasuotan nilang lahat, mukhang galing tubig kay Erela.
Mabilis itong pumitik at biglang bumaha ng tubig sa paligid, natulala lamang ako habang pinanonood ang pagbaba ng tubig sa ibabang palapag. Dinig ko ang sigawan ng mga nilalang sa ibaba.
Maging ako ay basa na rin ng tubig, napakagandang bungad para saaking umaga. Maski ang salarin ay tulala sakanyang napanood.
Tinalikuran na namin ito.
"Linisin mo ang iyong kalat, Erela. Malalagot ka sa iyong Ina."
Nagsimula na akong mag-ayos papasok sa paaralan, ito ang unang beses na makapagsusuot ako ng uniporme ng unibersidad.
Binuksan ko ang aking aparador, doon ay nakasabit ang limang uniporme. Patunay na isa akong estudyante, ngunit hindi naman isang ordinaryong mag-aaral. Kahit saan ako magpunta, dala-dala ko ang mga katanungan, ang problema na hindi ko inaasahan. Hindi ba ako muling makababalik sa tahimik kong pamumuhay?
Bumuntong-hininga ako bago sinuot ang uniporme, tumitig ako sa salamin na kasing laki ko.
Bumaling ang tingin ko sa pinto ng may kumatok dito.
"Cleo, buksan mo ang pinto. Aalisin ko ang tubig." Inihampas ang aking kamay sa kawalan, kasabay ng pagbukas ng pinto.
Nakita ko ang nakabusangot na si Erela, mukhang masama ang gising ng isang ito.
Muli akong tumingin sa salamin at isinuot ang kurbata ng uniporme, mula sa salamin ay kitang-kita ko ang ginagawa nito.
Itinapat nito ang kamay sa aking kwarto, bago dahan-dahan itong iniangat kasabay ng pag-angat ng tubig sa aking silid.
Nakita ko sa likod nito sila Ruairi, mukhang katatapos lamang magbihis.
"Magmadali ka na, Erela. Nag-iintay na ang karwahe sa ibaba." Saad ni CC.
Malayo ang paaralan ng unibersidad sa bahay-tulugan ng mga estudyante, kung kaya't kakailanganin ng mga estudyante ang karwahe, ngunit mayroon lamang limitadong oras ang paghihintay ng mga ito. Kung hindi ay maglalakad ka patungo sa eskwelahan.
Inikot ni Erela ang kanyang kamay, sumabay naman ang pag-ikot ng tubig. Unti-unti silang nabuo hanggang sa itapon ni Erela ang tubig sa banyo.
"Halina kayo, maiiwan na tayo." Lumapit saakin si Ishealeis.
"Isuot mo ang kwintas, Cleo. Nang-sagayon ay hindi madama ng ibang nilalang ang ating presensya." Kapwa na sila nakasuot ng iisang klase ng kwintas, ngunit manipis lamang ang tali at maaaring itago ang pendant ng kwintas sa loob ng kasuotan.
"Tayo na." Napansin ko ang nahuhuling si Via, nakayuko ito at panay ang kuskos ng palad sa kanyang palda.
Pasimple ko itong tinabihan.
"Via, anong problema?" Napaigtad ito dahilan para kumunot ang aking noo.
"C-Cleo!" Tila gulat na bulalas nito.
Tinitigan ko ito, kumibot ang aking labi ng umiwas ito ng tingin.
"Is there something wrong?"
"W-wala naman." Saka ito umiling.
Nadaanan pa namin ang ibang babaeng kasama namin sa bahay-tulugan, kita ko ang pagtatanong at pagtataka sakanilang mga mata. Ang iba naman ay mababakasan ng inis, ano ba ang problema?
Nagbubulungan ang mga ito, kami ang pinag-uusapan. Hindi ko na lamang ito pinansin, hindi maganda ang panghuhusga sa unang tingin.
Tuluyang nasira ang araw ko ng makita ko si Stratus sa loob ng karwahe.
"Sasabay siya saatin?" Tinanguan ako ni Lystra.
Bumuntong-hininga ako bago malakas na binuksan ang pinto, ako mismo ang tumabi dito at siniksik siya sa gilid. Batid kong hindi lamang pagdalaw ang ginawa nito kay Via kagabi, alam kong may kalokohan itong ginawa.
"Binibini, huwag mo akong siksikin." Bulong nito.
Paisa-isa ng pumasok sila Lovisa sa karwahe.
Palihim ko itong siniko.
"Batid kong may ginawa kang kalokohan kagabi, gagong kawal. Huwag mong itanggi." Tumingin ako dito.
Ngumisi ito saakin.
"Hindi ko naman itinatanggi, Cleo." Sa inis ko'y inapakan ko ang paa nito.
"Ouch!" Daing nito, napatigil sa akmang pagpasok si Lucia.
Nagtatanong na tumingin ito kay Stratus.
"Bakit Stratus? Naapakan ko ba ang paa mo?" Napakagat ako saaking labi, pinipigilang umalpas ang tawa saaking labi.
Umiling lamang ito.
"Hindi, hindi naman Lucia." Tumango lamang ito saka muling bumalik sa pagpasok.
"Hindi ko batid na mapanakit ka pala, binibini."
"Itikom mo na lamang ang iyong bibig, kawal. Bubusalan na kita."
Nang tuluyan ng makapasok ang lahat ay tahimik naming tinahak ang daan papuntang eskwelahan.
"Nakita ko siya, Cleo. Hindi pa alam ng Caspian ang pagbabalik niya, tayo pa lamang ang nakakakita sakanya." Napatuwid ako sa pagkakaupo.
"Mabuti." Hindi ko nais alalahanin ang pangyayari kagabi.
Tumigil ang karwahe sa tapat mismo ng paaralan.
"Magpapanggap tayong estudyante, Cleo. Ngunit sa oras na matapos na ang ating klase ay magtutungo tayo kay Maestro Cestor. Siya lamang ang bukod tanging nakaaalam ng totoo nating katauhan, siya ang magtuturo saiyo kung paano maiaalis ang sumpa na inilapatan saiyong Ina, Cleo." Tinanguan ko si Euzelia.
Unang lumabas ng karwahe si Stratus saka ako sumunod.
Tiningala ko ang napakatayog na gusali saaking harapan, nakalutang sa hangin ang pangalan ng unibersidad, mga ulap na bumuo ng letra.
Napaatras ako ng maramdaman ko ang mariing titig saakin, dama ko ang bigat ng tensyon sa hangin. Napatingin ako kay Stratus ng hawakan nito ang aking braso.
"Ayos ka lamang ba, Cleo?" Tumango ako.
Naririto siya..
"Sasama ka ba saamin, Stratus?" Ngumiti ito.
"As you wish, Cleo."
"This way, late comers." Iginaya kami ng isang babae papunta sa isang gusali.
Mas dumikit ako kay Stratus, habang pasulyap-sulyap kay Via, mukhang alam nito ang hidwaan sa pagitan namin ng kanyang kapareha.
Mabilis kong siniko si Stratus ng hawakan nito ang aking bewang, sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pag-ngisi ni Via.
"Nandito siya." Palihim kong bulong dito.
"I can see that."
Tinahak namin ang isang mahabang pasilyo, ang mga kapwa estudyante namin ay nagkalat sa paligid.
Habang pahaba ng pahaba ang tinatahak namin ay paunti ng paunti ang mga estudyanteng aming nakikita.
Dinala kami ng babae sa isang pinto na gawa sa kahoy, isa ito sa pinakamalaking pinto na nasilayan ko. Itinulak nito iyon pabukas.
Mabilis na naglakad papasok sila CC, ngunit nagsabay kami ni Stratus. Kung kaya't hindi kami nagkasya.
"Aray! Mauna ka na nga!" Pilit akong bumabalik kaso itinutulak niya ako papasok.
"Damn! Stratus! Mauna ka na!" Sa inis ko ay itinulak ko na ito papasok. Sumadlak ito sa sahig.
Dinig ko ang pagtawa ni Via.
Napailing na lang ako saka siya nilagpasan.
Gago talaga ang gagong kawal.
"Heto ang schedule niyo." Isa-isa kaming inabutan ng papel ng babae.
"You know, the supreme will put a punishment each one of you if you will be late on your classes, he will keep an eye on the late comers."
Nagkatinginan kami.
"Maaari na kayong magpunta sainyong klase."
Ako lamang ba o may ibig ipahiwatig ang babaeng ito?
Nagulat ako ng bigla akong hablutin palabas ng silid ni Stratus.
"Cleo, calm down. Your hair is turning purple." Mabilis kong nasapo ang aking noo.
"You should learn how to control your emotion." Hinaplos nito ang buhok ko.
"Calm down Cleo, they will know your identity if you will let your emotions came out." Pinalis ko ang kamay nito.
"Stop it, Stratus. Babatukan na kita." Tumalikod na ako dito saka naglakad paalis, ngunit hindi ko akalaing hahabol ito saakin.
"Ayaw mo nun? May gwapong lalaking humahaplos sa buhok mo? Bumalik na sa dati ang kulay."
Ang hangin. Napakahangin.
Inirapan ko ito.
"Layuan mo nga ako." Natagpuan ko ang isang liblib na garden.
Puno ng namumulaklak na bunga ang bawat puno, maski ang mga bulaklak ay namumukadkad sa ganda. Marahang tumatama ang sinag ng araw sa bawat bulaklak, nagliliparan ang mga paro-paro sa paligid. Ang berdeng kulay ng mga dahon ay nagbibigay ng ginhawa saaking mata, napakaaliwalas ng paligid.
Umupo ako sa isa sa mga upuang gawa sa kahoy, mamaya pa naman oras ng pasukan. Paniguradong magbibigay ng hudyat ang paaralan kapag oras na ng klase, maaari akong manatili dito kahit sandali.
Inihilig ko ang aking ulo sa sandalan ng upuan. Pakiramdam ko ay nasa Binnevia ako, ganitong-ganito ang pakiramdam ko sa'twing uupo ako malapit sa kagubatan.
"Sagrado ang lugar na ito, hindi maaari ang sinumang estudyante dito." Mabilis kong nilingon ang bagong dating.
Napaayos ako ng upo.
"K-kamahalan--"
"Archon, tawagin mo akong Archon. Latona." Tila punyal ang bawat tinging iginagawad niya saakin.
Napakasakit, para akong pinapatay ng dahan-dahan habang mariin ang kanyang titig.
Huminga ako ng malalim bago binago ang aking tono.
"Archon, kung sagrado nga ito para sa mg estudyante. Ano't naririto ka?" Tinaasan ko ito ng kilay.
Lumikot ang mga mata nito saka iniwas ang tingin saakin.
The highness can't stand my stare.
"I-i am the supreme here, Latona. Why questioning my rules?"
"Really, Archon? Why didn't you answer my question?" Sinamaan ako nito ng tingin.
"Ako ang nakatataas, kayang-kaya kong labagin ang bawat batas." Naglakad ito palapit saakin.
"Hindi susunod saiyo ang mga nakabababa, dahil na rin sa ugali mo." Mas lalong tumalim ang tingin nito saakin.
Huminto ito sa tapat ko saka dumukwang saakin, gahibla na lamang ang natira sa pagitan namin.
Ngumisi ito saka hinawak ang dalawang kamay sa sandalan ng upuan, sa tabi ng aking ulo. Ikinukulong ako sa pagitan ng kanyang braso.
"Sundin mo ako, Latona. Hindi mo nanaisin ang parusang ipapataw ko saiyo." Mariin ang bawat sambit nito.
"Paano ako aalis? Nakakulong ako sa pagitan ng braso mo, Archon. Baka hindi mo nalalaman?" Humakbang ito paatras.
Mabilis akong tumayo at lalagpasan na sana siya ng bigla niya ako hinila pahiga sakanya, nanlaki ang mga mata ko ng matumba ako mismo sa itaas niya.
Napaawang ang labi ko sa sinambit nito, mas lalo akong napatulala ng nakangisi itong nagsalita.
"Tulong, ginagahasa niya ako."
You are reading the story above: TeenFic.Net