Muling napuno ng sigawan ang paligid.
Napaupo ako at napasinghap ng makita ko kung na saan kami.
Nasa loob kami ng hindi pa tapos na kabaong, isang malaking kabaong.
Family size.
Napaawang ang labi ko.
Ibig sabihin.
"Nasa Imperyo tayo ng Sinfonia?" Nagulat ako ng makitang papunta sa masukal na kagubatan ang kinalalagyan naming kabaong.
"Bumalik na ako sa aking katawan!!" Sigaw ni Lessafre, mabilis kong hinugot ang punyal at taalarawan ni Takara sakanya at inilagay saakin.
"Oh my ghod!!" Tili ni Zuleika.
Damn. Nagkasya kami sa isang kabaong, how amazing.
Napapiksi ako at napasigaw ng magsimulang tumama saamin ang mga sanga ng puno.
Nanlaki ang mga mata ko ng mapahawak ako sa puno at magyelo ito.
"Oh my ghod!!" Napatingin ako sakanila.
"Nagkapalit tayo ng kapangyarihan!!"
"Damn! Kasalanan na naman ni CC!" Marahas na lumingon si Rhett kay CC.
"Ibalik mo ang kapangyarihan ko, Erela!!" Sigaw ni Ruairi.
Napahilot ako saaking sintido.
Bumalik nga kami saaming katawan, nagkapalit naman kami ng kapangyarihan.
What a wonderful journey.
"Shit! Malapit na tayo sa ilog!"
Pumikit ako ng tumalsik ang tubig, mukhang nasa ilog na kami.
Umupo ako saka sumilip.
Nasa unahan kaming lahat, kaya pala diretso ang pag-andar nito.
"Damn! Patigilin niyo! Patigilin niyo ang kabaong!" Sigaw ni Zuleika.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko na ang dulo ng ilog, pupunta sa talon!
"Shit! Gumawa kayo ng paraan!" Mabilis akong pumikit at itinatapat ang aking kamay sa harapan ng kabaong.
Bumuo ito ng isang harang dahilan para tumigil ang kabaong at tumilapon kami sa talon.
"Ahhh!!!" Napuno ng sigawan ang buong kagubatan.
Nadama ko ang pagbulusok ko pababa sa tubig. Mabilis akong lumangoy paitaas.
"Ayos lang kayo?" Naalala kong hindi nga pala marunong lumangoy si Via.
"Si Via!?! Na saan si Via!?" Hindi pa man ako nakakahuma ng marinig ko ang pagtalon sa tubig malapit saakin.
"I'm fine." Nakaahon na si Rhett
Pinunasan nito ang kanyang mukha saka hinawi ang kanyang buhok.
"Damn! I can't swim!!" Sabay kaming napatingin kay CC.
Nakaahon na rin ang iba maliban kay CC na nagpapapasag, hindi ko pa rin nakikitang umahon si Via.
"That's what you call karma, CC." Mariing saad ni Zuleika.
Mabilis akong lumangoy patungo rito at inahon ito.
"Anong nangyari?" Ngumiwi ito.
"I can't move my feet." Huminga ako ng malalim bago sumisid, dumiretso ako sa paa nito saka ito sinuri.
Napangiwi ako sa nakita.
Shit. Hindi ko ito kaya. I know CC will freak out the time that she saw what happen to her feet.
Naalala kong siya nga pala ang nasa pinakaunahan kanina, swerte ko na lamang na sa loob mismo ako nalaglag.
Umahon na ako.
"Euzelia, can you help me?" Siya ang pinakamalapit saamin kaya sakanya ako nanghingi ng tulong.
Tinanguan ako nito.
"Why? What happen to my feet?" Takang tanong ni CC.
"Wala naman, hindi kita kayang dalhin sa pampang." Luminga ako sa paligid.
"Kailangan nating makaahon, nagugutom na ako. Kagabi pa ako walang kinakain." Reklamo ni Lystra.
"Na saan ba si Via?" Inilagay ko ang dalawang kamay ni CC saaking balikat.
"Dito!!" Pumaling ang tingin namin sa parte ng aming pinaghulugan, nanlaki ang mga mata ko ng makita ko doon si Stratus, wala na itong saplot pang-itaas at basang-basa.
Sa gilid nito ay si Via na nakayuko at nakasuot ang pang-itaas ni Stratus at hinahaplos ang kanyang braso.
Napataas ang kilay ko.
"Anong ginagawa ng gagong kawal dito?" Ngumisi ito saakin.
"Inililigtas ang aking prinsesa, binibini."
"Ituro mo na lamang saamin ang dinadaanan ninyo, upang makaahon na kami. Nang may silbi ka naman." Tumawa lamang ito.
Akala niya ba'y nakalimutan ko na ang ginawa niya saaking kaibigan?
"Sa kaliwa, binibini." Mabilis akong lumangoy kasama si CC.
Kaagad akong umahon at hinila paitaas si CC, hinawakan naman ni Euzelia ang mukha nito.
Sinuri ni Lessafre ang paa nito.
"We have to snap it back." Walang emosyong saad ni Ruairi.
"What the hell!?!" Mabilis na napabangon si CC saka sinuri ang kanyang paa.
"Oh my ghod!"
"It's dislocated, CC." Marahang saad ni Ishealeis.
"No! It will hurt like hell! Don't snap it back!" Sigaw nito.
Napahilamos na lamang ako.
"Anong gusto mong gawin namin? Lapatan ng spell ang paa mo!?! Buto yan CC! Hindi laman!" Sinigawan na rin ito ni Erela.
"Damn that coffin! Ipapasira ko talaga ng lugar niyo, Lessafre!" Napailing na lang kami.
Itinulak ko na pahiga si CC, sa parte ng gubat na patag at walang masyadong bato, siya namang pagdating ni Stratus at ni Via.
"What happen?" Lumapit ito saakin, mabilis ko itong itinulak.
"Hubarin mo nga iyang kasuotan, hindi ko kaya ang amoy." Masungit kong saad.
Mabilis naman nito iyong hinubad at ihinagis kay Stratus.
"Magdamit ka, kawal. Baka lamigin ka at sagutin ka pa namin." Tumawa lamang ito saka sinuot ang damit.
"CC's feet is dislocated." Pahayag ko.
"Relax, CC. We will snapped it back quickly." Tumango ito.
Hinawakan na ni Ruairi ang paa nito.
Maski ako ay pigil ang aking hininga habang pinanonood ang pagbalik ni Ruairi sa dati.
Maging ako ay gustong lumuha ng makita ang sakit sa mata ni CC, mabilis kong hinaplos ang pisngi nito at pinunasan ang kanyang luha.
"Anong ginagawa mo dito, Stratus? Paano mo kami nahanap?"
"Madaling hagilapin ang kinaroroonan ng aking prinsesa." Tumaas muli ang aking kilay.
"Talaga? Ilan ba ang prinsesa mo?" Dinig ko ang pagtawa ni Lovisa.
"Erela, kailangan na nating makapunta sa unibersidad ng Filezteo, kumakalam na ang aking sikmura, masakit na ang katawan ko. Wala pa akong kain mula gabi, at wala pa akong maayos na tulog." Reklamo ni Lucia.
Napabuntong-hininga ako.
"At isasama niyo ang kawal na iyan?" Sumulyap sila kay Stratus.
"Alam kong isa siyang prinsepe, simula pa lamang na maging punong kawal siya. Kung mamarapatin ng mga guro sa unibersidad, sige. Maaari kang sumama." Pahayag ni Ishealeis.
Lumakad na rin si Erela sa tapat ng ilog saka nag-usal ng panalangin.
Nilingon ko si Ishealeis.
"Alam na ba ng unibersidad ang ating pagdating?" Tanong ko dito.
Tumango ito.
"Bago pa man tayo umalis sa Laeino, naipadala na ang sulat sa unibersidad, nakasentro ito sa labas ng Imperyo." Paliwanag nito.
Humangin ng malakas, mukhang bumukas na ang portal na ginawa ni Erela.
"Halina kayo! Ilang minuto lamang ang itatagal ng portal." Mabilis akong tumayo saka inakay si CC.
"Kaya mo ba?" Tanong ko dito.
"Hindi pa pwedeng ilakad ang paa niya." Napatingin ako kay Lessafre.
"Namumutla ka na.." Dumiretso ang tingin ko sa binti nito.
Puno na ng dugo ang telang itinali ko dito, lumipat ang tingin ko kay Stratus.
"Buhatin mo si CC hanggang sa makarating tayo sa unibersidad, hindi pwedeng igalaw ang kanyang paa." Tumango ito saka binuhat si CC.
"Mauna na kayo." Nasilapitan na ang mga ito sa portal saka isa-isang pumasok.
Lumapit naman ako kay Lessafre saka lumuhod, tinggal ko ang tela dito saka pinunitan ang suot ko.
"Kailangan mapalitan ng tela, maaari itong lumala sa oras na mapasukan ng dumi." Paliwanag ko.
"Salamat, Cleo. Ngunit basa na ang libro ni Takara."
"Ayos lang, nabasa ko na rin naman ang nilalaman nito."
"Magmadali ka na, Cleo!! Magsasara na ang portal." Sigaw ni Erela bago pumasok.
Mabilis kong itinali ang tela sa binti ni Lessafre bago ko siya inakay papasok.
Ngunit hindi katulad dati na nagtagal kami sa loob ng portal, pagkapasok namin ay kaagad kaming nakarating sa unibersidad. Siguro ay isa ring epekto nito ay ang pagtatagal namin sa loob ng portal.
"Bumalik na ang kapangyarihan ko!!" Bungad saamin ni Euzelia.
Nakahinga ako ng maluwag, mabuti at hindi nila naisipang gamitin ang mga kapangyarihang napunta sakanila, kung hindi ay siguradong magtatagal kami gubat ng Sinfonia, may dala itong pahamak. Katulad na lamang ng gamitin ko ang kapangyarihan ni Lessafre, napahamak kaming lahat dahil lamang pinahinto ko ang kabaong.
Kaagad kaming sinalubong ng mga kawani ng unibersidad.
"Magmadali kayo, hindi matigil ang pagdurugo ng binti ni Lessafre. At na-dislocate ang paa ni CC. Kailangan kaagad silang malapatan ng lunas." Pahayag ni Ishealeis.
Mabilis namang sumunod ang mga ito.
Nagmadali kaming naglakad.
Dama ko ang malamig na hangin, nanginginig ako sa lamig. Idagdag mo pa ang sakit ng aking katawan pati ang pagkakulang ko sa tulog at wala pang kain.
Mariin akong napapikit ng makaramdam ng hilo.
Mukhang kailangan ko na talaga ng pahinga.
Huminga ako ng malalim, ngunit tuluyang nagdilim ang aking paligid.
"Kasalanan mo ito, CC! Imbis na nag-aaral tayo ngayon, heto at nakaratay tayo sa higaan." Boses ni Rhett.
"Bakit ako? Hindi ko naman sinasadya ang lahat ng iyon ah. Saka, mas malaki ang sugat na nakuha ko kumpara sainyo!" Mariing saad ni CC.
"Kung sana natapos ni Erela ang kanyang ritwal, hindi sana tayo napahamak ngayon!" Pahayag ni Ruairi.
"Ano? Ibubunton niyo saakin ang lahat? Aksidente lamang iyon, isa pa. Sinabi ko na sainyong hindi ko pa gamay ang paggawa ng portal, kayo lamang ang namilit gawin ko iyon." Ang boses ni Erela.
Unti-unti akong napadilat at napatingin sa paligid.
"Na saan tayo?" Tanong ko.
Sa palagay ko'y nasa isang.. clinic?
"Cleo, gising ka na pala." Umurong ang kurtinang nakaharang sa aking kaliwa, sumilip doon si Lovisa.
"Maayos na ba ang iyong pakiramdam? Nilalagnat ka kasi kanina. Dala na rin siguro ng pagod." Hindi ako makagalaw, napakasakit ng buo kong katawan. Maski ang paglingon lamang kay Lovisa ay masakit na.
"Ang punyal at libro?" Ngumiti ito saakin.
"Nasa tabi mo, nakapatong sa lamesa."
"Ang iba?" Nilingon nito ang takip ng kurtina sa kaliwa niya.
"Nakaratay din, katulad natin. Tanging si Stratus lamang ang nagbabantay saatin. Siya lang ang kayang tumayo dahil lahat kami ay nagkaroon ng sakit." Dahan-dahan akong tumango saka inilipat ang tingin sa kisame.
"Hindi ko akalaing ang unang pagtungtong ko sa unibersidad ay sa gusali pa ako ng pagamutan unang makakadalaw." Narinig ko ang pagtawa nito.
"Maging ako ay hindi inaasahang dadalhin nila tayo sa unibersidad, buong akala ko ay sa Irkalla tayo dadalhin ni Erela." Pahayag nito.
Kung gayun ay maging siya ay walang alam sa plano ng Caspian, sadyang ma-sikreto ang mga ito.
"Hanggang kailan tayo mananatili dito?"
"Hanggang sa gumaling kayong lahat, ako ang pinasunod ng Caspian upang bantayan kayo sa loob ng unibersidad. Kung kaya't ako dapat ang nag-aalaga sainyo dahil responsibilad ko kayo." Tumaas ang kilay ko kay Stratus.
"Responsibilad mo kami? O baka naman si Via lang? Kawal, alam kong ikaw ang kapareha ni Via simula pa lamang ng lumapit ka saakin sa Binnevia, hindi ko lamang binatid saiyo dahil nais kong patunayan kung totoo ka ba sa mga lumalabas sa bibig mo, at napatunayan ko iyon. Huwag na huwag mong sisirain ang tiwalang ibinigay ko, kawal. Mahirap akong kalaban." Yumuko ito saakin.
"Kahit ikaw pa ang prinsipe at isa lamang ordinaryong nilalang ang kaibigan ko, kaya kitang paluhudin sa tinik sa oras na saktan mo uli si Via. Nagkakaintidihan ba tayo?" Ngumisi ito saakin.
"Naiintindihan ko, binibini." Tumango ako.
"Mabuti kung ganun."
Lumipas ang ilang araw naming pananatili sa gusali ng pagamutan, iginaya kami ng mga kawani ng unibersidad saaming mga nararapat na silid na hindi kami napapansin ng ibang estudyante. Lihim lamang ang pagpasok namin dito, kung kaya't lihim lang din dapat ang totoo naming katungkulan.
"Magkakatapat ang inyong silid, magkaiba ang gusali ng silid ng mga lalaki at babae. Ang schedule naman ng inyong pagpasok ay bukas pa namin maibibigay." Humarap ang ginang saamin.
Kami na lamang na mga babae ang natira dahil hindi daw pwedeng pumasok ang mga kalalakihan.
"Huwag kayong mag-alala, ligtas saamin ang inyong sikreto, mga mahal na prinsesa. Maiwan ko na kayo." Tumalikod na ito at umalis.
Mabilis kong hinanap ang aking silid saka pumasok dito.
Kaagad kong isinilid ang punyal sa ilalim ng aking kobre kama at libro naman na tuyo na ay iniligay ko sa closet.
Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito.
Pumasok si Lucia, lumapit ako sa bintana at isinarado ito.
"Hindi ka pa ba matutulog?" Tumabi ito saakin.
Naglakad ako papunta ng teresa ng kwarto.
"Batid ko na ang naging plano, nais nilang pag-aralan mo kung paano maiaalis ang sumpang inilapat saiyong Ina. Nais nilang mag-aral ka, Cleo. Ang bagay na hindi mo nagawa sa Binnevia." Tinapik nito ang aking balikat.
"Paalam, matulog ka na Cleo. Maaga ang gising natin bukas." Saad nito saka lumabas ng aking silid.
Napaisip ako, palagi na lamang akong nararatay sa kama. Kahit saan na lamang ay kinasasakitan ako.
Napailing na lamang ako sa naisip, saka dinama ang ihip ng hangin.
Kumusta na kaya si kamahalan? Sana ay nailigtas siya ng Caspian.
Napatingin ako sa kalangitan.
Napakaraming bituin na nagkikislapan, napaatras ako ng akmang tatama ang sinag ng buwan saakin.
Hindi maaaring may makaalam na isa akong eclipse!
Babalik na lamang ako sa loob.
Maglalakad na sana ako papasok ng may mahagip ang aking mga mata sa ibaba ng teresa.
Kumabog ang aking dibdib habang naglalakad palapit sa harang na nakalagay upang hindi mahulog ang kung sino man.
Napalunok ako kasabay ng pagtama ng sinag ng buwan saaking katawan, muli na naman akong lumiwanag at kuminang.
Hindi. Paano?
Naglaro ang mga paro-paro saaking tyan.
"Kamahalan." Matiim itong nakatitig saakin, bakas ang galit sa mga mata nito.
Bumaling ang tingin ko sa tabi nito.
Ang babaeng gumamit ng anyo ni Lucia! Ang kamukha ni Takara!!
Nagsalita si Kefiru, kasabay ng pagtulo ng luha saaking mga mata.
"Nailigtas ako mula sa kapahamakan, at hindi ikaw iyon."
You are reading the story above: TeenFic.Net