Chapter 14

Background color
Font
Font size
Line height

Nagsisimula? Nagsisimula pa lang?

Tila sumakit ang ulo ko sa nabasa.

Nilagok ko ang huling patak ng tubig, ang pampakalma ko.

Tinitigan ko ang mapanglaw na kulay ng buwan, kay gandang pagmasdan kasama ng mga bituing kumikislap sa kalangitan.

Bakit kailangan kong pagdaanan ang lahat ng ito? Paano ko tatanggalin ang sumpang inilapat saaking Ina?

Kung ang puno talagang iyon ang aking Ina, bakit hindi ko siya naramdaman?

Kanina pa umalis ang tatlo kong kasama, ako na lamang ang natira.

"Cleo, ngayong gabi ang oras ng ating paglusob sa Irkalla, maghanda ka na." Kumunot ang noo ko sa binatid ni Ruairi.

"Ngayong gabi? Bakit napakabilis naman ata?" Inilahad nito saakin ang isang papel na nakarolyo.

Kaagad kong ibinaba ang hawak kong kopita saka kinuha ang papel at binuklat.

"Kailangan nating makuha si Kefiru bago pa sumikat ang araw, ikaw, ikaw hiling nilang pumunta sa gubat ng Irkalla." Napaangat ang tingin ko dito.

"Ako lamang ang nais nila, bakit kailangan niyong sumama? Hindi ko nais ng gulo, Ruairi. Magtutungo akong mag-isa." Nilagpasan ko ito at nagpunta ako saaking silid.

Bakit hindi ako makadama ng kaba? Gayung makikita ko ng muli si kamahalan, wala, wala akong madamang anumang panganib.

"Cleo, hindi ka makararating doon bago pa sumikat ang araw. Ilang buwan ang dadaan bago ka pa man madala doon gamit ang karwahe." Isinuot ko ang damit panlamig saka hinarap si Erela.

"Hayaan mong ihatid ka namin sa Irkalla." Nakita kong nagsipasok rin sila Lovisa, Via at Lucia. Pati na rin ang anak ng mga Caspin at si Euzelia.

Kumunot ang noo ko.

"Teka bakit ang dami ninyo? Kaya na namin ni Erela ang pagpunta doon." Saad ko, isinilid ko ang punyal at taalarawan ni Takara saaking bulsa.

"Cleo, sasabihin namin sa Caspian ang tungkol sa sulat kung magpipilit kang hindi kami pasamahin." Seryoso ang tinig ni Ruairi.

Kung gayun ay siya ang nakakuha ng sulat? At hindi pa ito alam ng Caspian?

"Pumayag ka na, Cleo. Nais din naman naming tulungan ka, kahit lamang sa pagsama saiyo sa pagpunta sa Irkalla. Pagbigyan mo na kami." Pagmamaka-awa ni Via.

Bumuntong-hininga ako.

"Sige, payag na ako." Napangiti ang mga ito.

"Sa gubat ko isasagawa ang portal." Saad ni Erela.

Lumabas kami ng silid at naghiwa-hiwalay kami ng pwesto sa pagbaba sa unang palapag ng mansyon upang hindi kami mapansin.

Dagsa pa rin ang mga taong nagkakasiyahan sa loob ng mansyon, mukhang malaki ang tiwala ng Caspian sa mga taong ito.

Yumuko ako saka isinuot ang talukbong ng suot ko, hindi maaaring mapansin nila ako. Siguradong makakarating sa Caspian ang gagawin ko.

Patawad, ngunit hindi ko sila maaaring idamay sa problema ko.

Naglakad ako papasok sa masukal na gubat, ang usapan namin ay sa pusod ng kagubatan. Ngunit hindi ko akalaing ganito kadilim sa lugar na ito.

Ni hindi ko maaninag ang nilalakaran ko, paano ko malalaman kung nakarating na ba ako?

Tumigil ako ng makita kong isa-isa naglalabasan ang alitaptap sa paligid, tila tinulungan akong makita ang daan papunta sa gitna ng kagubatan.

Pumikit ako't dinama ang hangin, mukhang isang mahabang gabi ang mangyayari. Lumakas ang ihip ng hangin, kasabay ng paglipana ng alitaptap sa paligid. Katulad ng dati ay iginagaya ako nito sa direksyon sa tingin ko ay patungo sa gitna ng kagubatan.

Sumasabay sa paglakad ko ang sinag na nagmumula sa buwan, nakakamanghang tignan ang mga alitaptap na nagkalat sa paligid. Para akong pumasok sa isang fairytale.

Humangin ng malakas dahilan para matanggal ang talukbong ko.

Tumigil ako ng hindi na kumikilos ang mga alitaptap, naririto na ba kami? Sinuyod ko ng tingin ang buong paligid.

"Cleo.." Nilingon ko si Erela saaking gilid, may hawak itong libro.

Kumunot ang noo ko.

"Ano iyan?"

Lumikot ang mga mata nito.

"Ah..eh.. kasi.. Pinag-aaralan ko pa kung paano gumawa ng portal." Natigagal ako.

"I-ibig mong sabihin hindi ka sigurado kung makakapunta tayo sa Irkalla?" Marahan itong tumango.

Umawang ang labi ko.

"K-kung g-ganoon, ngayon mo pa lamang ito gagawin?" Muli itong tumango.

Napahinga ako ng malalim.

"Erela, delikado ang gagawin natin. Ang paggamit ng kapangyarihan sa hindi siguradong paraan, maaaring magdulot ng kapahamakan. Erela, maaari itong magdulot ng kakaibang epekto na hindi inaasahan." Mariin kong saad.

"Pero Cleo, ito lamang ang natatanging paraan upang mailigtas natin si Kefiru. Kailangan ko itong gawin, kahit pa hindi ako bihasa sa bagay na ito. Nais kong tumulong, saka na lamang natin resolbahin ang hindi inaasahang epekto kapag dumating na." Sumusukong tumango ako.

Wala akong magagawa, nais ko ring iligtas si kamahalan.

"Huwag mo na lamang sabihin sakanila, siguradong aalma rin ang mga iyon."

"Sige, ngunit mangako ka, Erela. Na sa pangalawang beses mo itong gagawin ay dapat bihasa ka na. Maaaring maipahamak mo ang iba o ang mas malala pa ay ikaw ang mapahamak." Ngumiti ito saakin.

"Salamat sa iyong pagmamalasakit, Cleo. Magiging maayos din ang lahat."

"Erela, Cleo. Naririyan na pala kayo, na saan na ang iba?" Nilingon namin si Vialeiz na kararating lamang.

"Wala pa sila, ang mabuti pa. Simulan mo na ang paggawa sa portal, Erela." Tumango nito saka binuklat ang libro.

Tumabi saakin si Via saka tinitigan si Erela, kunot ang noo nito habang panay ang pagpapalit-palit ng pahina.

"Heto na!" Inilipat nito ang libro sa kaliwang kamay at itinatapat ang isa sa direksyon sa harap.

"Salitang inilapat

Sa labi ng nararapat

Ilabas ang lagusan

Patungo sa nakalimutang bayan

Pakinggan ang aking hiling

Ibalik ang kamahalang iniibig

Libro ng mahika

Tuparin ang aking wini-wika."

Lumakas ang hangin sa paligid, namumuo ang isang kulay itim na bilog sa harap namin. Tila ba hinihigop kami nito papunta sa loob, kasabay ng malakas na hangin at nagliliparang tuyong dahon.

Napahawak saaking kamay si Via, humawak naman ako sa braso ni Erela upang hindi kami tuluyang mapasok sa hindi pa buong portal.

Humigpit ang hawak ko sakanilang dalawa ng mas lumakas pa ang hangin, tila nais talaga kaming dalhin sa loob.

"Dalhin kami sa Irkalla

Sa mapanganib na kaharian

Hiling ko'y bigyang kasagutan

Iligtas ang aking kaibigan

Ipakita ang daan

Papasukin kami sa daluyan

Sa madilim na gabi sa kagubatan

Ihain ang kamahalang nadakip ng kalaban."

"Erela!" Nilingon ko ang natitirang iba sa likod, kapwa nakahawak sa mga puno at sinasangga ang malakas na hangin.

Yumakap na saakin si Via, ganun din naman ako kay Erela. Kapwa yumuko at bahagyang lumuhod upang hindi matangay ng hangin.

Nanlaki ang mga mata ko ng magsimula ng magtanggalan ang ugat ng puno.

"Erela! Tila nais ng isama ng portal ang mga puno! Kailangan na nating pumasok!!" Sigaw ko dito.

Hindi na kami magkarinigan sa lakas ng higop ng hangin.

"Ngunit hindi pa tapos ang spell!" Sigaw nito.

"Bilisan mo na!!" Muli nitong ibinalik ang tingin sa libro.

"Erela bilisan mo!!"

"Lagusan papuntang Irkalla

Kami iyong dalhin sa--"

Hindi pa man natatapos nito ang sasabihin ay bumitaw na si CC.

"Ahh!!" Napasigaw ako ng matulak kami papasok ng portal.

Patuloy na sumigaw ang mga ito, tila nahuhulog kami sa walang katapusang itim.

"Damn! Hindi pa tapos ang spell!! Mapapahamak tayo sa ginawa mo CC!!" Sa itaas ko ay nakita ko ang iba pang anak ng Caspian at sila Euzelia, Lovisa at Lucia.

Nanlaki ang mga mata ko ng maaninag ang liwanag sa ibaba.

"Malalaglag tayo!!" Sigaw ko.

Sumalampak ako sa lupa kasabay ni Via dahilan para magdilim ang aking paningin.

Nagising ako sa sinag na nagmumula sa araw, napaupo ako saka napahawak saaking noo.

Inilibot ko ang tingin sa paligid, nasa likod kami ng waterfalls, nagmumula ang tubig sa itaas. Nasa loob kami ng kuweba.

Isa-isa kong tinignan ang aking mga kasama, huminto ang tingin ko sa babaeng katabi ni Erela.

Namuo ang kaba saaking dibdib, sa nanghihinang katawan ay dahan-dahan akong gumapang palapit sa tubig.

Napasigaw ako sa gulat ng makitang hindi ang aking anyo ang aking nasilayan.

Dahil sa malakas kong pagsigaw ay nabulabog ang natutulog kong mga kasama.

"A-anong nangyari, Lessafre?"

"Anong Lessafre? Ako si Lessafre." Napatingin ako sa katawan ni Lystra.

"Nasa katawan ka ni Lystra, Lessafre." Nanlaki ang mga mata nito saka kinapa ang kanyang sarili.

Sabay pa silang napasigaw sa inis.

"Bloody hell!! Ibalik mo ako sa katawan ko, Erela!" Galit na sigaw ng katawan ni Via.

"Sino ka naman?" Tanong ng katawan ni CC.

"Ako ito! Si CC! Akin ang katawan na iyan!!"

"Damn! Kasalanan mo ito lahat CC! Kung hindi mo tinulak si Erela, hindi tayo magkakapalit ng katawan!!" Sigaw ng katawan ni Ruairi.

This is the side effect.

Napatitig na lamang ako sakanila.

Ngayon ko lamang nakitang ganito sila kagulo at nawala sa kanila ang salitang maharlika.

Sa nakalipas na buwan na kasama ko sila sa Binnevia, ngayon ko lamang nasilayan ang totoo nilang ugali.

Maingay at magulo.

"Bullshit! Hindi ko na sana sinunod ang sinabi ni Ina, dapat sumama na lang ako sa paghahanap kay kamahalan." Natahimik ang lahat sa sinabi ng katawan ni Zuleika.

Kumunot ang noo ko.

"A-anong ibig niyong sabihin?" Yumuko ang mga ito at nag-iwas ng tingin.

Dumaan ang katahimikan, dama ko ang pagbigat ng tensyon sa paligid.

"H-hindi talaga namin nais na dalhin ka sa Irkalla, nais talaga naming dalhin ka sa unibersidad upang pag-aralan na kontrolin ang iyong emosyon dahil basang-basa ito sa iyong buhok at mga mata. Iyon din ang utos ng Caspian." Mariin akong napapikit.

Kung gayun ay nagsinungaling sila saakin?

"A-alam ng Caspian ang tungkol sa sulat, ngunit bago pa man namin ipabatid saiyo ay gumawa muna kami ng plano. Sila ang bahalang magligtas kay kamahalan, hindi namin ipinaalam saiyo ang plano dahil sigurado kaming aalma ka. Patawad, Cleo. Kung naglihim man kami saiyo."

Huminga ako ng malalim.

"Erela kung na saan ka mang katawan, ibalik mo na tayo sa dati." Nakita kong tumayo ang katawan ni Lucia.

"Ngunit hindi pa nila kayang kumilos, magpahinga muna tayo kahit sandali." Pahayag ng katawan ni Lovisa.

Bumuntong-hininga ako saka tiningnan ang katawan ni Lessafre.

Puno kami ng maliliit na galos, mabuti naman ay walang napuruhan.

Napasandal ako sa bato at pinagmasdan ang tubig pababa.

"Hindi tayo maaaring magtagal dito, paniguradong aabutan tayo ng oras ng gutom at kakailanganin nating lumabas at maghanap ng pagkain. Tubig ang huhulugan natin, hindi tayo sigurado kung walang bato sa babagsakan natin." Nilingon ko ang mga ito.

Ang iba ay nakasandal at ang iba ay nakahiga pa rin.

"Hanapin niyo na ang libro ni Erela, malaki ang galos sa binti ni Lessafre, hindi ako makagagalaw." Sabay silang napatingin saakin.

"Ang katawan ko, kuhanin ninyo ang damit panlamig, maaari ko itong itali sa sugatang binti ni Lessafre." Kinuha ng katawan ni Rhett ang damit panlamig saka hinagis saakin, inilabas ko ang punyal saka libro saka isinuksok sa damit ni Lessafre.

"Ibalik mo ito saakin, Lessafre." Tinupi ko ang damit panlamig saka itinali sa binti ni Lessafre.

"Panandalian lamang mapipigilan ang pagdurugo ng iyong binti, ngunit sa oras na dumating ang paglubog ng araw at hindi pa ito nalapatan ng lunas. Siguradong mauubusan ka ng dugo, Lesasafre."

"Bakit hindi mo subukang uminom ng dugo, katawan ni Lessafre." Natigilan ako saka nag-angat ng tingin.

Damn. This is the worst.

"No way." Mariin kong saad.

Hinding-hindi ako iinom ng dugo.

Tinignan ko ang araw.

"Malapit ng umabot ang sikat ng araw sa kuweba, kailangan na nating umalis." Pahayag ko.

Nagsitayuan na kami.

Kinuha ng katawan ni Ishealeis ang libro at iniabot sa katawan ni Erela.

"Bigkasin mo, at itapat sa tubig ng talon ang iyong kamay." Lumunok ito bago tinanggap ang libro.

Si Via ang kasalukuyang nasa katawan ni Erela.

Naglakad ito sa tabi ko.

Hinaplos ko ang likod nito.

"Kaya mo iyan, Via. Naririto lamang kami." Ngumiti ito saakin.

"Libro ng kaalaman

Dalhin kami sa paaralan

Pahilumin ang sugat ng bawat isa

Sa maling daang aming natahak

Ang Unibersidad ng lahat

Kaalamang aming nais matutuhan

Buksan ang lagusan

Papuntang Felizteo ng paaralan."

Mariing pumikit si Via kasabay ng unti-unting pagbuo ng isang itim na portal.

"Ibalik kami sa dating katawan

Ikutin ang kamay ng pabaliktad

Orasan na aming nais makamtan

Ibalik sa dati ang lahat

Tuparin ang aking kahilingan

Dalhin kami sa paroroonan

Nais naming matutuhan

Ang ibig ipabatid ng aming reyna."

Hindi pa man muling naisasambit ni Via ang pangatlong ritwal ay hindi sinasadyang naitulak kami ng katawan ni CC.

Muli kaming naitulak papasok ng portal.

Napuno ng gulat at sigawan ang paligid.

Muli na naman kaming nahulog sa walang katapusang kadiliman, kung pagmamasdan ay tila napakalawak ng paligid dahil sa itim na nakapaligid saamin.

Mariin akong humawak sa katawan ko, hindi maaaring malayo ako dito. May posibilidad na malaglag ang punyal at taalarawan ni Takara sa portal na ito.

Dumaan ang ilang sandali bago ko unti-unting nakita ang liwanag sa ibaba.

"Babagsak ulit tayo!!"

"Kasalanan na naman ni CC!!" Sigaw ng katawan ni Ruairi.

"Hindi ako iyon! Sino ba ang nasa katawan ko!?!" Sigaw ni Ishealeis.

Muli kaming bumagsak, ngunit hindi na sa lupa.

Dama ko ang pag-andar ng kinahihigaan ko.

"Ang mga kabaong!!" Dinig kong sigaw ng isang babae.

"Nasa loob tayo ng kabaong!!" 

You are reading the story above: TeenFic.Net