Natulala ako at hindi naka-imik.
"Cleo.. sumagot ka naman." Nagsusumamo ang boses nito, ngunit hindi ko talaga alam ang isasagot ko. Ano nga ba ang sasabihin ko?
Dapat ba akong magalit dahil hindi niya ako nagawang mailigtas sa kamay ng dragon? Magpasalamat dahil kung nailigtas niya ako sa kamay ng dragon ay hindi ko makikilala ang mga kaibigan ko dito sa Binnevia.
Huminga ako ng malalim saka napailing, yumuko ako saka pinaglaruan ang aking kamay.
"Hindi ko alam ang sasabihin, kamahalan, maaari bang ihatid mo na ako saaking silid? Nais ko ng magpahinga." Rinig ko ang pagbuntong-hininga nito.
"Mag-uusap tayo bukas, mahal na prinsesa." Hinaplos na nito si Ivannna sa ulo.
"Tayo na't bumalik sa kaharian, Ivanna."
Nanlaki ang mga mata ko ng bigla itong sumigaw na tila ba nasaktan.
"Ivanna anong nangyayari!?!" Dinig ko ang pag-alala ni kamahalan sa ibon.
Sinilip ko ang pakpak niya.
"May tama siya ng palaso!" Nagulantang ako ng biglang bumulusok ang napakaraming palaso saamin.
"Sa ibaba nanggagaling!!" Mabilis na niyakap ako ni kamahalan upang iiwas sa palaso.
"May mga kalaban, kailangan na nating makaalis dito." Saad ko. Muling sumigaw sa sakit ang ibon.
Napasigaw ako sa gulat ng biglang bumaba ang pagkakalipad namin. Humigpit ang yakap saakin ni kamahalan.
"Bubulusok tayo pababa." Seryosong saad ni Kefiru. Kumalabog ang aking dibdib sa takot.
Tumingin siya saakin.
"Hindi na makakalipad pa ng mas mataas si Ivanna, Cleo. Kailangan nating makaalis dito bago pa tamaan ng isa pang palaso ang kabilang pakpak ni Ivanna." Hinawakan nito ang tali ni Ivanna saka pinilit iwasan ang mga palaso.
Namawis ang aking kamay sa kaba.
Hindi, hindi nila kami pwedeng abutan.
"Bilisan mo Ivanna!" Gumewang-gewang ibon makalayo lamang sa mga palaso.
Nag-igting ang panga ni kamahalan ng hindi kami tigilang paulanan ng palaso ng mga ito.
"H-hinahabol nila tayo, kamahalan." Nanginginig na pati ang
Muling nagpakawala ng isang nasasaktang sigaw si Ivanna, nanlaki ang mga mata ko ng bumulusok kami pababa.
Nang tingnan ko ang ilalim namin ay ganun na lamang ang takot ko ng makita ko ang mga kalaban sa ibaba. Nag-aabang sa pagbaba namin.
"Cleo, makinig ka saakin. Hindi ko pwedeng iwanan si Ivanna, lumipad ka gamit ang hangin. Humingi ka ng tulong sa Caspian." Mariing saad nito.
Mabilis akong umiling.
"Hindi, hindi maaari kamahalan. Hindi kita pwedeng iwanan dito. Dito lamang ako."
"Sabay tayong madadakip kapag nangyari iyan, Cleo. Mahihirapan silang mailigtas tayo kapag dalawa tayong nabihag, Cleo. Makinig ka, kailangan mo ng umalis." Dumagundong sa kaba ang dibdib ko.
Nagulat ako ng makitang hinagis ng isang kalaban ang kadena at pumulupot ito sa paa ng ibon. Mas lalong bumilis ang pagbulusok namin sa ibaba.
"Cleo ngayon na!!" Tumulo ang luha ko sa pinaghalong kaba at sakit, itinulak ako paalis ni kamahalan.
Mariin akong pumikit at mabilis na umusal.
~Tulungan mo akong lumipad hangin
Damhin ang aking panalangin
Nais kong dalhin mo ako sa kaharian
Tulungan ang aking kamahalan
Pakinggan ang aking nais
Pawiin ang pusong tumatangis
Isabay mo ako saiyong paroroonan
Tunguhin ang aking kaharian."
Kasabay ng pagtulo ng aking mga mata ang pagsigaw ng kalaban.
"Nadakip namin siya!!"
Kamahalan. Babalikan kita..
Itinaas ko ang aking kamay, pilit inabot ang dalawa sa ibaba.
Tila pinilipit sa sakit ang aking puso ng pagtulungang saktan ng mga kalalakihan ang kamahalan. Inilagay nila sa malaking lambat si Ivanna, habang kitang-kita ko ang bawat suntok na ipinapataw kay Kamahalan. Hindi siya makalaban, sapagkat nadakip na si Ivanna.
Babalik ako mahal..
Lumuluhang tumakbo ako papunta sa silid-aklatan. Pabalibag kong binuksan ang pinto.
Nadarama kong naririto silang lahat, kung kaya't dito ako nagtungo.
"Caspian! Tulungan niyo si kamahalan! Nadakip siya ng mga kalaban!!"
Mabilis na napatayo ang mga ito.
Tahimik ako humikbi.
"Bihag na nila si kamahalan, kasama ni Ivanna. Nakalagpas kami ng Binnevia, napunta kami sa Frezian." Kaagad akong dinaluhan ni Euzelia saka niyakap.
"Huwag kang mag-alala, ngayon din ay magtutungo tayo sa Frezian." Saad ni Lessafre.
"Ihanda ang mga kawal, hindi pa nakalalayo ang kalaban." Kaagad na tumayo sila Ishealeis at Rhett at sinunod ang utos ng Ina ni CC.
Hinagod nila ang aking buhok bago tuluyang umalis. Pinunasan naman ni Euzelia ang aking luha.
"Huminahon ka, Cleo. Isaad mo saamin kung ano ang nangyari." Tumango ako at dahan-dahang umupo.
"Pinatamaan nila kami ng palaso sa himpapawid, pinatakas niya ako upang humingi ng tulong dahil nasugatan na ng kalaban si Ivanna, hindi niya ito maiwanan."
"Bubuka ang sugat mo kung hindi ka titigil sa pag-iyak, Cleo." Pagpapahinahon saakin ni Lystra.
"Sinaktan nila si kamahalan.." Bulong ko.
"Dapat ay nagpapahinga ka, Cleo. Huwag kang mag-alala, ibabalik namin si kamahalan. Sa ngayon, mas mabuti pang magpahinga ka muna, titigil ang Caspian dito pansamantala hangga't hindi pa natatapos ang laban mo, Cleo. Naririto kami, para saiyo, pamilya na tayo ngayon." Napangiti ako sa sinabi ni Ruairi.
"Ihatid mo na siya sakanyang silid, Euzelia." Saad ng Ina ni Rhett.
"Masusunod, mahal na reyna." Inalalayan ako nito patungo saaking silid.
"Maiiwan dito si Stratus upang bantayan ka at ang kalahati ng Caspian." Inihiga na nito ako sa kama.
Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi.
"Stratus? Sino iyon?" Ngumiti ito saakin.
"Ang namumuno sa aking mga kawal."
"Nais mo bang kumain? Iniwan na lamang ni CC ang pagkain sa tabi mo, kainin mo iyan upang lumakas ka, Cleo. Sa oras ng laban, kailangan lagi kang malakas." Tumango ako.
At pumikit, hinayaan kong lamunin ako ng buong kadiliman. Umaasang makikita ko na si Kamahalan kinabukasan.
Nagising ako sa pagyugyog ng kama.
Namataan ko si Lystra na malungkot ang mga mata. Nangilid din ang aking mga luha, hindi ko nais kumpirmahin ang itsura ni Lystra.
"Hindi namin siya nasagip, Cleo. Itinago na siya ng kalaban." Tuluyan ng tumulo ang aking mga luha.
"Patawad Cleo, hindi na namin naabutan pa ang mga kalaban." Napakagat ako saaking labi.
Pinipilit labanan ang paghagulgol ko, ngunit hindi ko nagawa. Tuluyang napuno ng sakit at luha ang buong silid.
Iniisip ko pa lamang ang maaari nilang gawin kay kamahalan ay gusto ko ng saksakin ang aking sarili.
Hindi man kasing lakas ng sa mga bampira ang pagkaka-konekta namin, ngunit hindi naman nabawasan nito ang pagmamahal ko sakanya.
Babawiin kita kamahalan. Akin ka lang.
~~~
"Na saan ang punyal?" Hinarap ako ni Zuleika.
"Magaling ka na ba?" Ngumisi ako dito.
Dumaan ang dalawang araw matapos madakip ng kalaban si Kamahalan at Ivanna.
Hanggang ngayon at palaisipan pa rin saakin kung saan ito dinala ng kalaban.
"Ang punyal ay nakatago sa kahon, ano ba ang gagawin mo doon, Cleo?" Naglakad ako palapit kay Zuleika.
"Nais ko lamang pag-aralan." Tinitigan ako nito. Kahit pa nakasuot ito ng salamin ay dama ko pa rin ang titig niya. May hawak itong libro at nakapusod ang buhok, may mga takas ding hibla ang hindi nito na sama sa tali.
"Ako lamang ba, o talagang nagbago ang ugali mo sa nakalipas na araw?" Ngumisi ako dito.
"Kailangang maging matapang sa oras ng laban, Zuleika." Tinanggal nito ang suot na salamin saka hinilot ang kanyang sintido.
Kinuha ko ang kahon at binuksan ito.
Isang kulay pilak na talim at kulay gintong hawakan ang namataan ko, napakasimple ngunit napakaganda.
Napapunas ako saaking pawis.
"Sadyang napakainit sa silid mo, Zuleika. Hindi ka ba naiinitan?" Kinagat ko ang aking panali saka ipinusod ang aking buhok.
"I love hot places like this." Nagkibit-balikat ito saka muling ibinalik ang paningin sa librong binabasa.
Mariin kong sinuri ang patalim, napakunot ang noo ko ng may makita akong maliit na pindutan sa dulo ng patalim.
Inilandas ko gamit ang aking daliri ang talim ng punyal.
"Ano ang nangyari sa babae? Nakaligtas ba siya?" Natigilan ito at nilingon ako.
"Nakatakas siya, Cleo." Tumango ako.
"Nakatakas siya sa bumihag sakanya, ngunit ang dumakip ba'y nabihag?" Kumunot ang noo ni Zuleika.
"Dalawa sila, Zuleika. Isa ang nagpatama ng punyal sa puno, ang babaeng nabihag. At ang dumakip ang siyang tumulak saakin mula sa itaas ng puno." Napakurap ito.
"Buong akala ko ang babae lamang na iyon ang kalaban, dalawa pala sila." Bulong nito habang pinagtatagpi-tagpi ang pangyayari.
"At hindi niyo siya nadakip, ganun ba?" Pinaglaruan ko ang punyal.
Malapit na. Malapit ko ng malaman ang kasagutan.
Hindi ko mapigilang humiling sa dyosa ng lahat, na sana ay tulungan niya ako sa paghahanap ng sagot, sa pagligtas sa kamahalan ko.
"Siya ang gumawa ng ilusyon, masyadong mahina ang babaeng nagpatama ng punyal. Ang babaeng iyon ang humarap saamin, siya ang ipinain, at may nalalaman siya. Zuleika, may nalalaman siya saakin." Huminga ako ng malalim.
"Kamukha niya ang dalagang bersyon ni Takara, nagaya niya ang anyo ni Lucia." Itinaas ko ang punyal, kitang-kita ko ang repleksyon naming dalawa sa makinang na patalim.
"At itong punyal ang sumugat sa puno, at ang sumugat saakin." Ibinaba ko ito.
"Ngunit may isa pa, isang babaeng mortal ang nakasilid sa hawla at naka-kadena ang ipinain saakin. Mortal ngunit nakahihipnotismo ang tinig." Tumagilid ang aking ulo.
"Naniniwala ka bang mortal siya kung gayung halos patulugin na ako ng tinig niya?" Kitang-kita ko ang pagkuyom ng palad nito.
"Alam kong naririnig tayo ng Caspian, si kamahalan ang kapareha. At nasisiguro kong sa estrangherong tumulak saakin mula sa puno ang kumuha sakanya." Ipinakita ko ang boton kay Zuleika, bigla itong napatayo.
Pinindot ko ito at lumabas ang isang papel.
~Hanapin ang nagkukubli
Sa lugar na walang nilalang na umaawit
Harapin ang pinakatatago
Sa lugar na dilim ang bumabalot
Kuhanin ang kayamanan
Isabit sa leeg ng hindi makawala
Kamahalang hatid ay pag-ibig
Dadanak ang dugo at pighati."
Nagkatinginan kami ni Zuleika.
"Alam ko ang lugar na ito."
"Irkalla, doon niya itinatago ang kamahalan." Mabilis kong binitawan ang punyal. Akmang aalis na ako ng pigilan ako ni Zuleika.
"Hindi ka maaaring magtungo roon ng mag-isa, Cleo. Napakalayo ng Irkalla, isa pa. Sa oras na makapasok ka roon, hinding-hindi ka na muli pang makalalabas. Kaya huminahon ka, pagpa-planohan natin ang pagpunta sa Irkalla."
Irkalla is an underworld place, where in, when you enter, you can't never go back.
Sumalampak ako sa kama ni Zuleika. Tila ako nanghina sa nabasa.
"Gusto mo bang kumain ng tsokolate, Cleo? Ito lamang ang pampakalma ko." Inabot nito ang isang supot, nanginginig ang mga kamay na inabot ko iyon.
Kumuha ako ng isa saka kinagat ito at tumayo.
"Nais kong magtahi, aalis muna ko Zuleika."
Lumabas na ako ng silid niya at nagtungo sa silid pagawaan.
"Mahal na prinsesa Cleo, kumusta na ang iyong pakiramdam?" Kumunot ang noo ko.
"Oh, ang gagong kawal. Kumusta Stratus?" Nakita ko ang pagkalukot ng mukha nito.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko, binibini?" Hindi ko ito sinagot bagkos ay naglakad na lamang ako paalis.
Narating ko ang silid pagawaan, bahagyang nakabukas ang pinto kung kaya't kitang-kita ko si Rhett sa loob.
Tumabi ako dito saka kumuha ng karayom at sinulid.
"Narinig kong lahat, Cleo." Natahimik ako.
Bigla kong naalala ang engkwentro namin sa karayom at sinulid ni kamahalan.
Damn. Kung pwede lang ibalik ang oras.
"Hindi ko alam kung sino siya, Rhett. Ngunit kamukhang-kamukha niya si Takara, hindi naman mukhang kapatid niya ito. Ulila na si Takara, walang magulang o pamilya. Paano nangyaring kamukhang-kamukha niya ito kung hindi naman niya kaano-ano?" Malalim akong napahinga at sinimulang gumawa ng balabal.
Gawang kamay lamang ang lahat ng pinagagawa saamin ni Takara, kung kaya't hindi malabong magkasugat-sugat ang aking kamay.
Natigilan ako at napatitig dito. Hindi ko nais bigyan ng kumpirmasyon ang aking iniisip.
"Hindi kaya.." Biglang namigat ang aking mga mata.
Sandali akong napapikit at inayos ang aking sarili.
"Cleo, ayos ka lamang ba?" Mariin akong pumikit.
Bakit namimigat ang talukap ko?
Nagmulat ako at nginitian si Rhett.
"Ayos lamang ako." Muli akong nagpumilit na magtahi.
"Oh Rhett, naririto ka lamang pala. Kanina ka pa hinahanap ng iyong Ina saakin." Napahikab ako habang tinititigan ang paglalakad papasok ni Zuleika sa silid pagawaan.
"Kulang ba ang tulog mo, Cleo? Bakit ka inaantok?" Umiling lamang ako.
"Hindi ko alam." Muli kong binalik ang paningin sa tinatahi saka ito itinuloy, nilagyan ko din ito ng burda. Ngunit hindo katulad dati na ilang minuto lamang ang inilipas ay natapos na ako, sadyang hindi na ako sanay sa gawain. Nais ko ring palitan ang kurtina sa salas.
Naisubsob ko ang aking mukha sa lamesa.
"Nais kong matulog."
"Bakit hindi na lamang saiyong silid?" Tanong ni Rhett.
"Hmm.. Inaantok na ako." Mariin akong pumikit.
"Bakit siya nagkaganyan?" Tanong ni Zuleika.
"Hindi ko alam, basta pagkarating niya ilang sandali lamang ay inantok siya." Dumaan ang katahimikan.
Pinilit ko silang pakinggan, kahit pa gusto ko ng lamunin ng kadiliman.
Ibinaba ko ang hawak na karayom at sinulid sa lamesa, baka matusok ako kapag hindi ko ito naitabi ng maayos.
Hinaplos ni Zuleika ang aking ulo, dahilan para mas lalo akong antukin. Gusto ko siyang pigilan sakanyang ginagawa, nais ko pang marinig ang pag-uusap nilang dalawa.
"Bago siya pumunta dito ay pinakain ko siya ng tsokolate." Saad ni Zuleika.
"Ngunit bakit siya inantok? Hindi ba at nakakapag-pagising ng utak ang tsokolate?" Pahayag ni Rhett. Dama ko ang kalituhan sa boses nito.
"Isa lamang ang nilalang na inaantok sa tsokolate, Rhett." Dumaan ang katahimikan.
Tuluyan akong ginupo ng dilim, ngunit narinig ko pa ang huling sinabi ni Zuleika.
"Tanging mga dyosa lamang ang inaantok sa tsokolate.."
You are reading the story above: TeenFic.Net