Chapter 12

Background color
Font
Font size
Line height

"Si Inang reyna na ang bumili ng ating makakain sa susunod sa araw, sinama niya ang mga kawal sa Navlyia." Nilingon ko si Lystra.

Ngumiti ito saakin saka naglakad palapit.

"Maligayang kaarawan, Cleo.." Tumulo ang aking luha.

Hindi ko nabatid na ganito ko pala sasalubungin ang aking kaarawan.

"Huwag kang mag-alala, bibisitahin natin ang mga kaibigan mo sa Laeino bukas." Pilit akong ngumiti dito.

"Maraming salamat, ngunit hindi ako mapapalagay hangga't hindi naililigtas si kamahalan." Ibinalik ko ang tingin sa tubig.

Muling yumakap ang malamig na hangin saakin, nilipad ang mga dahon kasabay ng mahaba kong buhok. Umaga ngunit pakiramdam ko ay napakadilim ng aking paligid.

Ganito ba ang mangulila sa kapareha?

"Cleo, huwag kang mag-alala. Gumagawa na ng paraan ang Caspian, humingi na rin sila ng tulong sa iba't-ibang Imperyo upang mapasok ang Irkalla." Huminga ako ng malalim.

"Kailan ko kaya siya ulit masisilayan?" Nangangarap na napatitig ako sa kalangitan.

Kumunot ang aking noo.

"Lystra, isa lamang ang araw, hindi ba?" Tumabi ito saakin.

"Anong problema, Cleo?" Tumingala din ito.

"Eclipse." Tumingin ito saakin saka ngumiti.

"Mangyayari lamang iyan tuwing sasapit ang ika-limampung libong taon. Anong problema, Cleo? Ngayon ang unang beses na mangyayari ito, ang unang beses magpapalit ang buwan. "

"Halika na sa loob Cleo, hindi maaaring maabutan tayo ng dilim sa labas. Sa loob na lamang natin panoorin ang pagtakip ng buwan sa araw."

"Lystra, hayaan mo na si Cleo. Mabilis lamang ang pagtakip ng buwan, bakit mo pa siya ipapasok sa loob?" Naglakad palapit saamin ang Caspian kasama ang mga anak nila at ibang kawal.

Sabay-sabay kaming tumingala at pinanood ang pagtakip ng buwan sa araw.

"Nangyari pa talaga ito sa saktong kaarawan mo, Cleo. Pakiramdam ko ay may ibig ipabatid saakin ang araw na ito." Saad ng Ina ni Lessafre.

Naglakad ako papunta sa unahan.

Dama ko ang pag-iinit ng katawan ko habang nakatitig sa maliwanag na buwan, hindi mabatid kung ano ba ang aking nadarama. Lumakas ang ihip ng hangin, marahas at lumamig, kasabay ng pagtakip ng buwan sa araw.

Tumama ang sinag ng buwan saakin.

"Cleo.." Dinig ko ang pagsinghap sila.

Napatingala ako at inilahad ang aking kamay, tila may pwersang humihila saakin paitaas.

"A-anong nangyayari?" Nagulat ako ng tingnan ko ang aking katawan, bakit nababalutan ako ng liwanag at alitaptap?

Maging ang buhok ko ay sumabay sa mabining hangin, tila ako nalagutan ng hininga ng makita ko ang repleksyon ko sa ilog.

Isang babaeng may makinang at mahabang buhok, nakasuot ng napakabigat na kasuotan. Isa babaeng nagliliwanag ang katawan, may maputing kutis at napalilibutan ng alitaptap.

Isang dyosa.

Natigilan ako.

"Isa kang..."

"Eclipse.." Dinig kong bulong ni Zuleika.

Kunot ang noong nilingon ko sila.

"A-anong ibig niyong sabihin? Ano ang Eclipse?"

"Isa kang Eclipse, Cleo. Anak ng isang dyos at ng mortal." Paliwanag ni CC.

Mabilis akong umiling.

Tila hindi matanggap ang sinabi niya, hindi kapani-paniwala.

"Nagkakamali ka, CC. Isa lamang akong ordinaryong nilalang."

"Kung gayun ay paano mo magagawang ipaliwanag saamin ang pagliliwanag ng iyong katawan sa ilalim ng buwan?" Hindi ako naka-imik.

Hindi ko nais paniwalaan ang sinabi niya, hindi ko gustong mamuhay ng may nakaatang na responsibilidad. Hindi ko nais mapunta sa itaas.

"Lumalakas ang isang Eclipse lalo na't kapag natamaan na ng liwanag ng buwan, hindi mo ba nadarama? Kaya mo na ulit gamitin ang huwad mong katauhan." Pahayag pa ni Ruairi.

Mabilis kong tinignan ang sugatan kong braso, napanganga ako ng makitang magaling na ito. Wala na rin ang benda.

Tumingin ako sakanila.

"Nais kong magtungo ngayon din sa Laeino, gusto kong makausap si Lovisa." Mariin kong sagot.

"Ihanda ang karwahe, magtutungo tayo sa Imperyo ng Laeino, sa kaharian ng Orthrus."

Hinintay muna naming matapos ang eclipse bago kami naghanda upang umalis.

Hindi ko mapigilang mapakamot saaking ulo. Tila naging isang engrandeng pagbabalik ang inilahad ng mga kawal.

Ilang karwahe ang sunod-sunod na sumakop sa buong kalsada, habang ang mga kawal na nakasakay sa kabayo at ang ibang naglalakad ay pinalilibutan ang mga karwaheng aming sinasakyan.

Nais ko lamang makausap si Lovisa, bakit pakiramdam ko ay hindi na nila nais pang bumalik sa Binnevia?

Ang unang Imperyo na aming mapupuntahan ay ang Laeino, napakalapit lamang nito sa Binnevia, ngunit dahil tinatago ng kagubatan ang kaharian ay hindi ito mapuntahan.

Nadaanan pa namin ang nasaksak na puno na aking pinagaling noong nakaraan, hindi natuloy ang pagbubukas namin sa libro ni Takara dahil may nakalapat ditong spell na hindi naman matanggal. Kung mortal nga ang mga ito, paano sila nakapasok sa lagusan?

Napaawang ang labi ko ng salubungin kami ng mga nilalang. Ngayon lamang ako nakalabas ng Binnevia.

"Naririto na ang Caspian!" Sigaw ng isang babae.

Tumunog ang trumpeta, tanda na nakarating na kami sa aming destino.

Huminto kami sa harap ng isang matayog at magandang mansyon. Naunang pumarada ang mga Caspian at ang mga anak nila, inalalayan sila ng mga kawal pababa ng karwahe.

Tila tumigil ang aking paghinga ng pumarada na ang karwaheng sinasakyan ko.

Binuksan ni Euzelia ang pinto.

"Lumabas ka na, Cleo. Naghihintay na sila sa pagdating mo." Suot kong muli ang isang damit panlamig na kulay itim at may taklubong.

Nanginginig ang aking kamay, maski ang aking mga paa ay hindi ko madama. Inabot ko ang kamay ni Euzelia at mahigpit itong hinawakan, pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng lakas.

Sa buong linggo na kasama ko ang Caspian at mga anak nila sa iisang palasyo, itinuring ko na sila bilang pamilya, kaibigan, masasandalan. Sa kabila ng maharlikang dugong dumadaloy sa bawat himaymay nila, nagawa nila akong tulungan at protekhan. Kahit pa hindi kami magkadugo o kahit anong ugnayan, pinagkatiwalaan nila ako. Sila ang umalis ng pangungulila ko sa kaibigan at pamilya, sa mga oras na inilayo sila saakin upang protektahan.

Ngumiti ako dito saka lumabas ng karwahe, nakaabang ang mahigit isang daang kawal sa paligid, sinisiguradong maayos kaming makakapasok sa loob ng mansyon.

Hinigpitan ko ang hawak sa librong aking dala, ang libro ni Takara.

Naniniwala akong mabubuksan ko ito ngayong araw. Iginaya ako ni Euzelia, hindi niya ako iniwan kahit pa pinagtatabuyan ko silang lahat upang umalis sa Binnevia. Ngayon, masasabi kong may pamilya na nga talaga ako, hindi ako iiwan sa lahat laban.

Marahan kaming naglakad palapit sa pinto ng mansyon, nakaabang na doon si Lovisa at Vialeiz. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang katabi nila.

Si Lucia!!

Mabilis kong hinila patakbo si Euzelia palapit sakanila, at dahil sa hangin ay natanggal ang taklubong ko.

Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mga mata nila.

"Nangulila ako sainyo!!" Iniyakap ko ang aking mga bisig sakanilang tatlo.

Ikinulong ko ang mukha ni Lucia sa pagitan ng aking mga palad.

"Ikaw na ba iyan, Lucia?" Tila naguluhan ito saaking sinabi.

Mahigpit kong niyakap si Vialeiz, nang tingnan ko ang mukha nito ay halata ang gulat sa mga mata nito, ngunit hindi siya saakin nakatingin.

Nilingon ko ang tinititigan nito.

Stratus.

Tinaasan ko ito ng kilay ng tumingin ito saakin, umiwas na lamang ito ng tingin.

Hinila ko si Lovisa at mahigpit na niyakap.

"Kumusta kayo? Napakatagal nating hindi nagkita." Humiwalay ako dito.

Kitang-kita ko ang pangingilid ng luha nilang tatlo.

"Napakaganda mo, Cleo. Napakarami na ng nagbago saiyo." Nginitian ko lamang si Vialeiz.

"Maligayang kaarawan." Hinila na kami ni Euzelia papasok.

"Huwag kayong mag-usap sa pinto, marami ang makaririnig sainyo." Nagpunta kami sa hapag-kainan.

Naroroon na ang lahat ng mga mangkukulam kong kaibigan, ang Caspian at ang mga anak nila.

"Maligayang kaarawan Cleo!!" Masayang bati nila saakin.

Kamahalan, kung naririto ka lamang, kumpleto na sana ang aking kaarawan.

"Maupo kayo at ang pagdiriwang ay magsisimula na." Kumunot ang noo ko.

Pagdiriwang?

"Simulan na ang pagkain." Kahit naguguluhan ay sumunod ako, sinulyapan ko si Lovisa saaking tabi.

Isinilid ko ang libro sa bulsa ng suot kong damit panlamig, kailangan kong makausap si Lovisa. Dala ko rin ang punyal.

"Siya nga pala Caspian, kailan kami makababalik sa Binnevia?" Tanong ni Vialeiz.

Huminto sa pagkain ang Ina ni Lystra.

"Kung inyong nanaisin, dito na lamang kayo tumira. Ngunit kung sa Binnevia pa rin ang nais ninyo, maghihintay pa kayo ng ilang buwan. May inaasikaso kami sa kaharian." Paliwanag nito.

Nagulat ako ng makarinig ng ingay mula sa labas, ng tumingin ako sa bintana ay kitang-kita ko ang siya sa mukha ng mga nilalang.

"Ang araw na ito ay ipinagdiriwang ng bawat Imperyo, ng bawat kaharian at ng bawat nilalang. Ang araw na kasing ito ang unang pagpapalit ng buwan sa loob ng limampung daang taon, ito rin ang araw kung saan malalaman ang unang eclipse." Paliwanag ni Lovisa ng mapansing naguguluhan ako.

Napatango na lamang ako, nagulat ako ng magpunta si Stratus sa Caspian at may ibinulong. Pansin ko ang paglikot ng mga mata ni Via, pilit na iniiwasan ang mapatingin sa kawal.

Nang tumango ang babae ay umalis na ito, napansin ko si Sehira sa dulo ng hapag.

Ang sabi sa alamat ay maaalis lamang ang berdeng kulay ng isang mangkukulam at babalik ang totoo nitong kaanyuan sa oras na balikan siya ng kanyang prinsipe.

At mukhang nangyayari na ito kay Vialeiz.

"Via, ang iyong kulay. Napapalitan na ng puti." Bulong ko dito.

Napasinghap ito saka napatingin sa kanyang katawan, kitang-kita ko rin ang pag-awang ng labi ng mga kasama naming mangkukulam.

"Nahanap na Via ang kanyang kapareha!" Kasabay ng sigaw ng kasamahan ko ay ang pagbukas ng pinto ng mansyon at ang pagpasok ng mga nilalang sa loob.

"Pinayagan ko silang magdiwang sa loob ng mansyon." Seryoso ang pagkakasabi ng Ina ni Lessafre.

Tahimik ko na lamang tinapos ang pagkain.

Matapos ang aming pagkain ay dinala kami ng Caspian sa silid-aklatan ng mansyon, kasama ko si Lucia, Lovisa at Vialeiz. Sumama din si Stratus sa loob, siya ang magbabantay sa loob ng pinto.

Kita ko ang pag-iwas ng tingin ni Via kay Stratus, at ang gagong kawal naman ay ngumisi. Palihim kong hinampas gamit ang hangin si Stratus, kumunot lamang ang noo nito.

Napairap ako sa kawalan.

Kinuha ko ang libro ni Takara at inilapag ito sa lamesa, pumalibot ang lahat.

"Tandaan niyo, kung anuman ang maririnig at makikita niyo sa libro. Hindi ito lalabas sa silid na ito, mananatili itong sikreto, maliwanag ba?" Tumango kaming lahat sa Ina ni CC.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Lovisa, may alam ka ba sa kagubatan ng Binnevia?" Napuno ng tensyon ang paligid.

Dama ko ang bigat ng hangin, natahimik ang lahat, hinihintay ang sasabihin ni Lovisa.

Nang tingnan ko ito ay bakas ang gulat sa mga mata nito, maski sila Via at Lucia ay hindi makapaniwala saaking tanong.

Yumuko ito saka pinaglaruan ang kamay.

"Lahat kami'y alam ang tungkol sa kagubatan, ngunit ang sabi ng dating pinuno ay ikubli ito saiyo. Patawad Cleo, matagal na kaming naglilihim saiyo." Natutulala ako at hindi nakapagsalita.

"A-anong ibig mong sabihin?" Litong tanong ko.

"Ngayong araw, binatid saamin ni Takara na ngayon ang takdang araw na mabubuksan ang taalarawan niya, at ikaw lamang ang tanging makabubukas nito." Lumuluhang tumunghay ito saakin saka hinawakan ang aking kamay.

"Patawad, patawarin mo ako, Cleo. Nais ko lamang protektahan ka." Hinalikan nito ang likod ng aking palad.

Napabitaw ako dito, hindi makapaniwala sakanyang sinabi.

Matagal na nilang batid?

Hinarap ko ang taalarawan ni Takara saka ito hinawakan.

Napaatras ako ng maramdaman ang bigat ng libro, malakas ang spell na inilapat dito.

~Hangin ako'y bigyang basbas

Alisin ang ritwal na inilapat

Sa taalarawang hindi mabuksan

Ipabatid saakin ang katotohanan

Sinag na nagmumula sa araw

Sikatan ang librong nakasara

Palayain ang katotohanan

Ituro saakin ang kasagutan~

Mariin akong pumikit at ibinigay lahat ng aking pwersa sa libro, dalawang kamay na ang inilapat ko sa libro.

~Tulungan mo ako hangin

Ibuklat ang aking nais

Libro'y iyong buksan

Nais kong malaman ang nilalaman

Tanggalin ang ritwal na inilapat

Yakapin ang malamig na hangin sa balat

Tangayin paalis ang kandado

Buksan ang nilamaman nito~

Nang maramdaman ko ang unti-unting pag-alis ng hanging nakabalot sa libro ay binuksan ko na ang aking mata.

Gitla akong napatingin sa paligid.

Nabuksan. Nabuksan ko ang libro.

"Nagawa mong alisin ang spell! Ngunit paano?" Gulat na saad ni Via.

Bakas din ang gulat sa mga mata ng bawat isa, maski ako ay pansamantalang hindi nakagalaw at pinagmasdan lamang ang libro.

Maaari na itong mabuksan, malalaman ko na ang katotohanan. Nais ko ng makuha si kamahalan.

Itinulak ko papunta sa gitnang parte ng lamesa ang libro.

Lumunok ako saka naglakad palapit sa lamesa.

Nang subukan itong buksan ng anak ng mga Caspian noong nakaraan ay hindi namin magawa.

"Isa ka nga eclipse, tunay nga ang sinabi ng dating pinuno." Seryosong saad ni Lucia.

Kung gayun ay may alam nga silang lahat.

Itinukod ko ang dalawang palad sa lamesa saka yumuko.

"May alam kayo, ngunit hindi niyo sinabi saakin." Nagdaramdam na saad ko.

"Paumanhin, Cleo. Hinihintay lamang namin na sumapit ang eclipse." Nakayuko na rin si Via.

"Alam ko ng isa akong eclipse, ngunit ang nalalaman ni Lovisa ang nais kong marinig bago ko pa man buksan ang taalarawan ni Takara."

Tumingin ako dito.

"Ano ang nalalaman mo, Lovisa? Parang awa mo na, nais ko ng matapos ang lahat ng ito." Huminga ito ng malalim bago sumagot.

"Ang iyong Ina, isa siya sa mga puno na nasa kagubatan ng Binnevia.."

You are reading the story above: TeenFic.Net