Napakurap ako habang unti-unting pinupuno ng hangin ang aking baga. Pakiramdam ko mauubusan ako ng hininga habang nakatitig kay Takara.
Ang ilusyon na ginawa niya ay unti-unti tinubuan ng matutulis na bato, at nakatutok ito saamin.
Damn. Kaya pala iba ang ihip ng hangin kaninang papunta pa lamang kami, mukhang hindi maayos ang pag-konekta namin sa mga puno.
Napapikit ako at napausal, kung mayroon man akong kahit kaunting kapangyarihan na mag-ko-konekta saakin sa mga puno. Nawa'y ipahayag nila ang nangyayari sa labas ng Binnevia sa Caspian. Hindi ko nais masaktan ang tatlo kong kasama, ako ang nais, ako lamang dapat ang damay.
Ngumisi ito.
"Hindi ako si Takara, at kahit kailan ay hindi ako magiging siya. Bakit hindi mo na ibigay ang iyong kapangyarihan? Napakawalan na ang babae sa hawla." Humigpit ang hawak ko sa tatlo.
"Paano ko ilalabas ang aking kapangyarihan? Gayung pinipigilan ako ng ilusyon mo." Humalakhak ang babae.
Kumunot ang noo ko at pasimpleng tumingin sa paligid.
Mukhang tama ang aking hinala.
Dalawa ang kalabang sumugod saakin noong nakaraan, at ang babaeng ito.
Siya ang nabihag.
"Kakaiba talaga ang babaeng nabigyan na ng ritwal ng Caspian. Eileithyia Cleioziya Latona, ang sumunod na pinuno ng Binnevia. Sandali, hindi ka pa pala isang pinuno, isa ka pa ring ordinaryong mangkukulam dahil hindi ka pa nabibigyan ng sulat mula sa dyosa ng lahat." Mapang-asar na saad nito.
Kumuyom ang aking kamay.
May alam siya tungkol saakin.
Mukhang hindi pang-karaniwan ang babaeng ito.
"Bakit hindi mo na lamang alisin ang ilusyon mo at ibibigay ko ang kapangyarihan ko." Muling lumakas ang ihip ng hangin.
Napunong muli ng tensyon ang buong paligid. Kung hindi namin maaalis ang ilusyon ng babaeng ito, siguradong mabubulabog ang buong mundo.
Habang patagal ng patagal, mas lalong bumibigat ang kapangyarihan ng babaeng ito.
Kung hindi siya si Takara, bakit kamukha niya ang dalagang bersyon nito na nasa salas?
May kapatid ba ang dating pinuno?
"Pumapayag ako, tatanggalin ko na ang aking ilusyon. Siguraduhin mo lamang na ibibigay mo saakin ang kapangyarihan mo, kung hindi. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa mga kaibigan mo na nasa Laeino." Nanginig ang aking tuhod.
Damn. At talagang idadamay niya pa ang mga kaibigan ko.
Naging alerto kami sa paligid. Anumang oras ay maaaring gumalaw ang estranghero na nagkukubli sa puno.
Sa oras na mawala ang ilusyong ito, magagamit na namin ang aming kapangyarihan.
Nilingon ko ang tatlong babae saaking likod, sinadyang patulugin ni Euzelia ang babaeng sinasabing mortal upang hindi na ito madamay pa. Nakahiga na ito sa lupa sa tabi ng hawla, mukhang hindi naman balak saktan ng babaeng ito ang mortal, kung may balak man siyang masama ay sana noong nakakulong pa ito sa hawla ay sinaktan na niya ito. Ngunit hindi, ginamit niyang pain ang babae, katulad ni Euzelia at Ina ni CC saakin. Alam ng babaeng ito ang kahinaan ko, ngunit paano niya nalaman iyon?
Bago pa man kami makawala sa ilusyon ay may tumama ng puting liwanag sa babae.
"Ahh!!"
"Dapa!" Mabilis kong hinablot ang dalawa ng tumalbog ang puting liwanag sa direksyon namin.
Tila lalong nagulo ang ilusyon, kung ano ang nadarama ng may-ari, siya ring ipinapakita ng ilusyon.
Humangin ng malakas na unti-unting naging ipo-ipo.
Nang sulyapan ko ang babae ay sugatan ang likod nito, wala na itong malay na nakasalampak sa lupa.
Tama ang aking hinala, hindi sakanya nagmumula ang ilusyon, ginamit lamang siya ng nakabihag sakanya. Hindi kasing lakas ng ilusyon na ito ang kanyang kapangyarihan, ngunit dahil may alam siya, ay siya ang ipinaharap saakin.
"Cleo!!" Nananatili kaming nakadapa sa lupa, habang hinahayaang mawala ang ilusyon. Wala kaming lakas dahil nakapaloob pa rin kami, ngunit sa tingin ko ay sa labas nagmula ang tinig at ang puting liwanag.
Nang sulyapan ko ang walang malay na babae kanina ay nagulat ako sa kaalamang wala na ito doon.
Saan siya napunta!?!
"Euzelia, nakawala ang babae mula sa ilusyon!!" Sigaw ko dito.
Hindi na kami magkarinigan sa lakas ng hampas ng hangin.
"Ano!? Paano nangyari iyon!?"
"Hindi siya ordinaryong nilalang, Euzelia. Iyan lamang ang nasisiguro ko."
Napatakip ako sa aking tenga ng dumagundong ang napakalakas na electrisidad sa buong paligid, binalot ng kulay puti ang itim na ipo-ipo. Wala akong makita sa sobrang liwanag.
Gulantang akong napatitig sa babae ng bigla itong bumangon.
"Magbabayad ka Cleo!!"
Napasinghap ako ng pulutin nito ang isang punyal sa tabi niya, ang punyal na tinanggal ko mula sa puno. Paano niya ito nakuha?
Itinutok nito iyon saakin. Hindi ako pwedeng umiwas, tatamaan si Euzelia.
"Cleo! Tumabi ka!!" Hindi ako kumilos, hindi maaaring may madamay sa laban na ito.
Napasigaw ako sa sakit ng ibato nito ang punyal at tumama sa braso ko.
Umagos ang napakaraming dugo, para bang bumalik saakin ang mga panahong pinarurusahan kami ng dating pinuno. Ang sakit at hapdi ay muli kong nadama.
"Cleo!!" Kaagad akong dinaluhan ng dalawa.
Nasapo ko ang sugat ko.
"Kailangan natin itong tanggalin." Pahayag ng Ina ni CC.
Pinigilan ko ang kamay niya.
"Ayos lamang ako, kailangan nating makalabas dito bago pa tayo tuluyang lamunin ng ilusyon." Napakagat ako saaking labi ng sumigid ang sakit.
"Mamaya ko na lamang tatanggalin ang punyal, kailangan ko itong pag-aralan." Muling tumama ang puting liwanag sa babae at muling nawalan ng malay.
"Cleo!! Euzelia! Mama!!"
Si CC!!
Kahit hirap ay tumayo ako.
Pinagpawisan ako ng malamig habang dinadama ang sakit saaking braso.
Ang mga tuyong dahon at lupa ay nagsama-sama na sa ipo-ipo, mukhang lumalakas na nga ito. Kailangan naming makaalis.
"Dito!!" Napaharap kami sa pinanggagalingan ng tinig.
Nakita ko si Ishealeis at Lessafre sa isang parte ng ipo-ipo, nagawa nilang hatiin ito.
"Pansamantala lamang ito, kaya't magmadali kayo!!" Mabilis na tumakbo papunta roon ang dalawa, nakahinga ako ng maluwag ng makaalis na sila.
"Cleo!! Ano pang ginagawa mo? Halika na!" Nilingon ko ang babae bago tumingin kay Euzelia.
Sorry. I mouthed.
"No!!"
Mabilis akong tumakbo palapit sa babae.
Kahit na nananakit ang aking braso ay nagawa ko itong hilahin gamit ang kanan kong braso.
Hindi ko siya maaaring iwan dito.
Nanlaki ang mga mata ko ng makitang paliit na ng paliit ang espasyo sa loob, mas binilisan ko ang paghila sa kamay nito.
"Cleo bilisan mo!!" Huminga ako ng malalim bago tuluyang ginamit ang sugatan kong braso sa paghila sa babae.
Napasigaw ako sakit, nananatili ang punyal saaking braso kung kaya't damang-dama ko ang pagbaon nito.
"Cleo abutin mo ang aking kamay!" Inabot ko ang kamay ni kamahalan.
Malakas niya kaming hinila palabas ng ilusyon.
"Takbo! Sasabog na iyan!" Mabilis akong binuhat ni kamahalan at isinama sa pagkubli sa likod ng isang malaking bato.
Napadiin ang pagkakabaon ko saaking mukha sa dibdib ni kamahalan ng sumabog ito. Dumagundong ang napakalakas na ingay sa paligid kasabay ng pagkawala ng ipo-ipo.
Unti-unting dumilim ang aking paningin.
"Matulog ka na, aking prinsesa. Hinding-hindi na ulit kita iiwanang mag-isa."
Nagising ako sa isang pamilyar na silid.
Kaagad kong tinanggal ang aking kumot at tiningnan ang may bendang braso ko.
"Gising na ang mahal na prinsesa." Pumaling ang tingin ko dito.
"S-sino ang naglapat ng lunas saaking braso?" Ngumiti lamang saakin si CC.
"Bakit hindi ka muna mahiga, Cleo? Hindi pa tuluyang magaling ang iyong sugat."
"Ngunit kailangan kong malaman kung na saan ang punyal, at ang babae, naligtas ba siya? Si Euzelia? Ang Iyong Ina? Ang ibang Caspian? Si Kamahalan? Ikaw? Ayos ka lamang ba?" Hinawakan ni CC ang aking balikat saka ako iginaya pahiga sa kama.
"Magpahinga ka, Cleo. Hinang-hina pa ang iyong katawan, huwag muna nating pag-usapan ang punyal at ang babae. Ligtas kaming lahat."
Pinili ko na lamang sundin ang kanyang nais, humiga akong muli sa kama.
"Ano ang nais mo saiyong nalalapit na kaarawan, Cleo?" Ngumiti ako dito saka hinawakan ang kanyang kamay.
"Nais kong makita ang mga kaibigan ko, CC. Maaari ba?"
"Kung mamarapatin ng Caspian, sige pipilitin ko sila."
"Maraming salamat."
"Kukuha lamang ako ng iyong pagkain, Cleo. Babalik din ako kaagad." Tumayo na ito ngunit hinawakan ko ang kanyang kamay upang pigilan.
"Ngunit hindi pa ako gutom."
Nakangiting tinanggal lang nito ang kamay ko.
"May nais kumausap saiyo." Pinanood ko na lamang itong lumabas ng aking silid, kasabay ng pag-alis nito ang muling pagbubukas ng pinto.
Napataas ang aking kilay ng makita ang lalaki. Ang kawal na kumausap saakin sa ilog.
"Ano ang iyong nais, kawal?"
"Hindi ba't ikaw ang mensahera? Ang sugo ng mga dyosa?" Dahan-dahan itong naglakad palapit saakin.
"Hindi pa ako ganap na isang mensahera, ngunit anong maitutulong ko saiyo kawal?" Huminga ito ng malalim.
"Kilala mo ba aking kapareha? Hindi ko kasi siya nasagip mula sa dragon." Pahina ng pahina ang boses nito.
Kumunot naman ang noo ko.
"Isa kang prinsipe?" Gulat kong tanong.
Mabilis namang nag-angat ang tingin nito saakin saka sumenyas.
"Huwag kang masyadong maingay, mensahera. Maririnig ka nila."
"Papaanong naging isa kang kawal?" Naguguluhang tanong ko.
"Pinili kong maging kawal dahil umaasa akong nasagip siya ng inyong pinuno mula sa dragon." Nakayuko na ito at saka sinisipa-sipa ang paa sa sahig.
"Hindi ko siya nasagip dahil nahumaling ako sa napakagandang babaeng humarang saakin." Kaagad na kumulo ang dugo ko. Iniisip ko pa lamang na isa sa mga kaibigan ko ang ipinagpalit niya ay tumataas na ang dugo ko.
Mabilis kong itinapon sakanya ang unan ko.
"Eh gago ka pala eh!!" Tumama ito sa kanyang mukha.
Nang malaglag ang unan mula sa kanyang mukha ay kitang-kita kong nakabusangot ito.
Nakanguso ang gagong kawal.
Napailing na lamang ako.
"Kahit pa kilala ko siya, hindi ko sasabihin ang kanyang pangalan!" Pagsisinungaling ko.
Ang totoo ay hindi ko kilala ang kanyang kapareha, magdusa siya.
"Lumabas ka na kawal, wala kang makukuhang sagot mula saakin. Ibalik mo ang unan ko."
Nilisan na niya ang aking silid matapos niyang maibalik saakin ang unan ko. Muling bumukas ang pinto at pumasok ang nag-aalalang si kamahalan.
"Ayos ka lamang ba? May masakit pa ba saiyo? Nagugutom? Nauuhaw? Anong sinabi ng kawal na iyon saiyo?" Napanganga na lamang ako sa dami ng kanyang katanungan.
Hinaplos nito ang aking pisngi. Kitang-kita ang pag-aalala sakanyang mga mata.
"Damn! Kanina pa kita nais puntahan, sadyang itinali ako ng mga babaeng iyon sa upuan upang ikaw daw ay makapagpahinga." Hinawakan ko ang kanyang kamay saaking pisngi.
"Anong kailangan mo kamahalan?" Ngumiti ito saakin.
"Nais mo bang lumabas kasama ako, Cleo?" Kumikinang ang mga mata nito.
Lihim kong sinulyapan ang madilim na kakahuyan.
"Ngunit gabi na, kamahalan. Maaari naman natin itong ipagpabukas." Ikinulong nito ang aking mukha sa pagitan ng kanyang mga kamay.
"Ngayong gabi, kalimutan natin ang mga problema, Cleo. Tayong dalawa muna ngayong gabi." Tumango ako dito.
Muntik na akong mapasigaw sa gulat ng bigla ako nitong buhatin.
"Halika na, nag-iintay na ang ating masasakyan. Dadalhin kita sa buwan, mahal ko, aangkinin natin ang gabing ito." Dinala ako nito sa bintana ng silid.
Nagulat ako ng makita ang isang malaking ibon. Saan ito galing?
"Dyan tayo sasakay, mahal na prinsesa." Inupo ako nito sa likuran ng ibon saka siya sumampa saaking likod.
Hinaplos nito ang ulo ng ibon.
"Halika Ivanna, ilipad mo na kami palapit sa buwan." Napakapit ako kay kamahalan ng iwinasiwas ng ibon ang kanyang pakpak.
"H-hindi ba tayo mahuhulog?" Natawa ito sa reaksyon ko.
"Mukhang ngayon lamang nakalipad ang mahal na prinsesa, huwag kang mag-alala. Hindi kita hahayaang mahulog." Lumingkis ang kamay ni kamahalan sa bewang ko kasabay ng paglipad ng ibon.
Hindi ko mapigilanh tanawin ang ibaba.
Kitang-kita ko ang ganda ng kagubatan, ang mga maliliit na kaharian. Tanaw ko rin ang Imperyo ng Laeino.
Dumadampi ang malamig na hangin saaking balat, kasing lamig ng mga bituin sa kalangitan.
Huminto ang ibon malapit sa buwan, hindi ko mapigilang mamangha sa ganda nitong walang kupas. Napakaliwanag, ngunit nababalot din ng misteryo.
"Napakaganda kamahalan.." Bulong ko dito. Hindi ito sumagot, bagkos ay nagtanong. Humigpit ang yakap niya saaking bewang.
"Nilalamig ka ba?" Kaagad akong umiling.
Dumaan ang katahimikan.
Pinili ko na lamang sumandal sakanyang dibdib. Pinakinggan ang bawat pagtibok ng kanyang puso.
"Cleo, kilala mo ba ang bawat Caspian?" Kumunot ang noo ko sakanyang tinatanong.
"Ang mga anak lamang nila ang nabasa ko, ang tanging mga pangalan lamang nila ang nabasa ko sa libro. Ngunit alam ko kung saan sila nagmulang Imperyo."
Itinaas ko ang aking kamay at inisa-isa ang aking daliri.
"Si Erela Devorah ay sa Imperyo ng Laeino, ang Imperyo ng mga mangkukulam. Si Crown Cerberus ay sa Imperyo Donovan, ang Imperyo ng mga demonyo. Si Ishealeis Ephron ay sa Imperyo ng Sinfonia, Imperyo ng mga bampira. Si Zuleika Malthous ay sa Imperyo ng Azenta, ang Imperyo ng mga Duwende. Si Ruairi Naveriuz ay sa Imperyo ng Oerth, ang Imperyo ng mga Sirena. Si Lessafre Reu'suilt ay sa Imperyo ng Friore, Imperyo ng mga manggagaway. Si Rhett Herschel ays a Imperyo nga Gaeioul, ang Imperyo ng mga salamengkero at salamangkera. At ang panghuli ay si Lystra Laetitia ay sa Imperyo ng mga Maztica, ang Imperyo ng mga lobo."
Muli akong sumandal sa dibdib nito.
"Tanging si Euzelia lamang ang walang katungkulan sa Caspian, subalit sumama siya sakanila. Sila ang siyam na babaeng pinakamalalakas, kabila ng pagkakaroon ng maharlikang dugo ay nagawa nilang maging mapagkumbaba at mabuting nilalang."
Dumaan muli ang katahimikan sa pagitan namin.
"Alam mo ba kung bakit iniwan noon at matagal na binalikan, Cleo?" Tiningala ko ito.
Nakita kong nakatitig ito sa nagliliwanag na buwan.
"Dahil hinanap ko ang iyong mga magulang." Bulong nito.
Kumunot ang noo ko saka lumingon dito.
"Hinanap? Hinanap mo sila?" Malamlam ang mga mata nitong tumitig saakin.
"Mahal na mahal kita, Cleo. At isinusumpa ko sa buwan, hinding-hindi na kita muling iiwan." Ikinulong nito ang aking mukha sa pagitan ng kanyang mga kamay.
Bumilis ang tibok ng aking puso kasabay ng unti-unting pagbaba ng mukha nito saakin.
Lumakas ang hangin sa paligid, tinatangay ang mga alalalahanin ko.
Napapikit ako at dinama ang lahat.
Tila tumigil ang pag-inog ng mundo ng dumampi ang labi nito saakin.
Nilamon ng init ang buong katawan ko, wala akong maisip bukod sa lalaking nasa harapan ko. Siya lamang, siya lamang ngayong gabi.
Saksi ang buwan saaming pagmamahalan, saksi ang mga bituin sa kalangitan sa muling pagkakaisa ng aming puso.
Sa kabila ng lahat ng dinanas ko, pighati at sakit na dinamnam ko, masasabi kong siya lamang ang makakapagpahilom nito.
Ang mga halik ni kamahalan ay para bang isang hangin, umihip ng mabini, ngunit magiging mapusok kalaunan. Mula sa malamig na pagdampi, tuluyang mag-iinit sa bandang huli.
Unti-unting kumalas saakin saka dumilat.
Kitang-kita ko sakanyang mga mata ang sobrang takot.
"Ako Cleo, ako ang dahilan kung bakit ka napunta dito. Hindi ka nailagtas noon, hindi kita nagawang mailigtas noon." Hinalikan nito ang likod ng aking palad.
"Ako ang prinsipe mo na hindi ka nailagtas sa kamay ng dragon.."
You are reading the story above: TeenFic.Net