Chapter 26

Background color
Font
Font size
Line height

Pila ng marurupok. Oh walang magtutulakan!

_____________

Kinabukasan ay bumalik ako sa hospital para kausapin si Steve kung may naaalala ba ito kahit konti. Gustong-gusto kong banggitin ang divorce paper kaya lang, baka mapaano na naman siya kaya dadahan-dahanin ko na lang muna siya.

Napatigil ako sa akmang pagbubukas ng pinto ng kwarto ni Steve dahil sa malakas na tunog na parang sinampal. Kasunod nito ang malakas na boses ng kanyang ina. Napahawak ako nang mahigpit sa door knob.

“Nagising na ang kapatid mo tsaka ka pa nagpakita?! Anong klase kang kapatid?! Naturingan ka pa man din na Doctor! Ikaw dapat ang naggagamot sa kapatid mo! Ikaw dapat ang nag-aalaga sa kanya at hindi ang ibang tao!” malakas nitong sabi sa kausap na nakuha ko naman agad kung sino.

“Saan ka ba galing?! Mas importante ba 'yan sa buhay ng kapatid mo?! Asher! Kung babae lang din 'yan ay tigilan mo na! Kita mo ang nangyari sa kapatid mo?! Dahil din sa babae! Sa asawa niya na nakikipag divorce!”

Mas napahigpit ang pagkakahawak ko sa door knob dahil sa narinig. Pumasok din sa isip ko ang kaibigan ko. Paano kung may something sa kanila ni A? Paano ang kaibigan ko?

“Mom, kasalanan naman lahat 'yon ni Steve. Ilang beses niyang niloko si Brianna. Ano sa tingin niyo ang gagawin niya? Alangan namang konsintihin pa niya ang pambababae niyan!” sagot ni Asher.

“Anong nambabae?! Paano kayo nakakasiguro?”

“Matagal ko ng alam Mommy. Maraming beses na niya ginawa 'yan sa harap mismo ni Brianna!”

“Matagal na? Paano kung nagbago na pala 'yang kapatid mo?”

Hanggang ngayon hindi pa rin ito naniniwala.

“Nagbago? Never naman 'yan nagbago Mommy,”

“Asher! Tigilan mo ang kapatid mo sa mga bintang niyo!”

Naiinis na ako sa Mommy nila. Tapos bigla na naman sumulpot si Trish sa tabi ko.

“Anong ginagawa mo d'yan?” tanong nito. Napatingin ako rito ng ilang segundo bago ito hinawakan sa pala-pulsuhan.

“Para naman may pakinabang ka, halika. Matibay na ebidensya ka,” sabi ko rito sabay hila pa loob.

“Wait—” pero natigilan ito sa bumungad sa loob ng kwarto.

Nakasandal si Steve sa headboard ng hospital bed habang nasa tabi nito si Nicole at nakayuko pero agad tumunghay sa pagpasok namin. Magkaharapan si Asher at ang kanyang Mommy.

“What are you doing here?” matigas na tanong sa'kin ng Mommy nila.

“Hindi po kayo naniniwala na nagloko ang anak niyo 'di ba? Kaya nagdala po ako ng malaking ebidensya.” Hinila ko si Trish para mas makita nila ito. “Siya. Siya ang babaeng ikinakama ng anak niyo habang mag-asawa kami. Ayan! Nagbunga pa nga e. May ebidensya pa ba kayo na dapat makita?”

Laglag panga si Asher at ang Mommy niya na nakatingin kay Trish at sa tyan nito. Titig na titig naman si Steve sa galit kong mukha.

“What the... Is it true Steven?” tanong ng Mommy nito.

“May amnesia po ang anak niyo, paano niya kayo masasagot?” tanong ko. “Ang unfair na naman, dahil siya nakalimot sa kanyang kasalanan, habang ako pinagdudusahan pa rin.” Seryoso kong sabi habang nakatingin ng diretso sa mata ni Steve. Nakipagtitigan naman ito sa'kin.

“H-Hi po!” kinakabahang sabi naman nitong si Trish.

“Proud ka talaga huh! Tss.” sabay irap ko rito.

“Can you guys leave us alone?” tanong ni Steve sa Mommy niya at sa Kuya niya.

“Tayong dalawa?” tanong agad ni Trish kaya napataas ang kilay ko pero agad din natigilan sa sagot ni Steve.

“No, not you. My wife. Leave us alone. All of you.” Matigas na utos nito sa mga ito.

Wala namang nagawa ang mga ito kung hindi ang sumunod. Rinig ko pa ang pagmamaktol ni Trish pero hinila na ito ni Nicole sa kanyang siko para isama sa labas.

“Labas daw. Hindi naman ikaw ang asawa.” Sabi pa ni Nicole rito habang hinihila ito palabas.

Habol lamang ang tingin ko sa kanilang lahat, ngumiti pa sa'kin si Asher bago ito tuluyang lumabas. Pagbalik nang tingin ko kay Steve ay seryosong seryoso itong nakatingin sa'kin.

“Are you that close to my brother?” malamig nitong tanong bigla na ipinagtaka ko.

“Huh?”

“Tss.” Padabog itong sumandal sa kanyang unan. Naguguluhan ko naman siyang tinignan na salubong na ang kilay ngayon. “Sit here, mahirap mag-usap na malayo ka.” Utos pa nito.

Kinakabahan naman akong lumapit sa gawi nito at naupo sa gilid ng kama. Napabuntong hininga pa ako pagkaupo ko habang nakatalikod sa gawi niya.

Bakit ba ako kinakabahan? Tss.

“Can you atleast face me?” tumikhim naman ako bago bahagyang humarap sa kanya. “Can I ask you, why do you want to divorce me?”

“Hindi pa ba sapat na dahilan ang dinala ko kanina? Babaeng malaki ang tyan na gawa mo?” ang kaninang kaba at ilang na nararamdaman ko sa kanya ay napalitan na naman ng inis. Bumabalik ang galit ko kapag bumabalik ang kanyang ginawa.

“Hindi pa sigurado na ako ang ama Brianna,” naninibago ako sa pagtawag niya sa'kin.

Ang tagal na rin nang tawagin niya ako sa pangalan ko. Ang tagal na rin noong mag-usap kami na ganito siya kahinahon.

“Paanong hindi ikaw? Araw-araw mo siyang kasama. Dalawang beses ko pa kayo nahuli sa mismong condo mo.”

“Fine.” Bumuntong hininga ito. Ipapa DNA test ko na lamang para sigurado.”

“Bakit pa? Wala naman na rin akong pakialam kung ikaw talaga ang ama.”

“What?” nagtataka nitong tanong. Ako naman ngayon ang napabuntong hininga.

“Matagal na tayong tapos Steve. Nang araw na maaksidente ka ay ang araw na inabot ko sa'yo ang divorce paper. Pero noong araw na nahuli ko kayong dalawa, tinapos ko na ang sa atin.”

Napayuko ito sa kanyang mga kamay na nakapatong sa kanyang tyan.

Pirma ko na lang ba talaga ang hinihintay mo?” tanong nito.

“Oo,”

“Mahihintay mo ba na bumalik muna ang alaala ko?” tanong nito. “Ayokong pagsisihan ang magiging desisyon ko. Ngayong hindi ko pa naaalala ang lahat, hindi ko na gusto ang divorce. Baka 'yon din ang gusto ng sarili ko bago mawala ang alaala ko.” Napatitig ako sa kanya dahil sa narinig.

“Nand'yan si Nicole, Steve. Siya naman talaga ang totoo mong mahal. Siya naman talaga ang nauna—”

“Pero bakit hindi ko nararamdaman sa kanya ang nararamdaman ko kapag nand'yan ka?”

Natigilan ako at napatitig sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Bigla rin bumilis ang tibok ng puso ko.

“A-Anong ibig mong s-sabihin?”

“Naaalala ko siya, pero, nagtataka ako kung bakit mas kinakabahan ako kapag nand'yan ka. Bakit mas gusto ko na ikaw ang nandito sa tabi ko kesa sa kanya? Bakit Brianna? Nang marinig ko sa'yo na sinaktan at niloko kita, nasaktan ako. Gusto kong patayin ang sarili ko na sinaktan ka. I'm sorry.”

Steve...

“Confuse ka lang ngayon, dahil wala kang maalala. Pero hindi mabubura ng kahit ilang million mong sorry ang damaged na ginawa mo sa pagkatao ko. Just... Just set me free Steve. Okay na ako roon. After that, never na tayo magkikita ulit. Malaya ka na kung sino sa kanila ang gusto mong makasama. Sana rin, kung ikaw talaga ang ama ng dinadala ni Trish, magpaka-ama ka sa kanya. Wala siyang kasalanan.”

“Paano kung wala sa kanila ang gusto kong makasama?” seryosong tanong nito habang nakatitig sa mga mata ko. Hindi ako nakasagot.


________________

You are reading the story above: TeenFic.Net