Chapter 27

Background color
Font
Font size
Line height

Soundtrip tayo habang nagbabasa. Play niyo multimedia sa taas. 🙂

___________

Matapos ng usapan namin na 'yon ni Steve ay hindi na ako muli pa bumalik sa hospital. Araw-araw tumatawag si Nicole pero hindi ko sinasagot. Ayoko muna makita o makausap muli si Steve. Pakiramdam ko unti-unti nang bumabalik ang alaala nito.

Napabuntong hininga ako habang naglalakad-lakad sa loob ng bahay. Ang lungkot na ng bahay na ito. Mag-isa na lamang ako ngayon. Ang sakit. Palagay ko kailangan ko muna iwan ang bahay na ito habang hindi pa ako okay. Dahil masakit pa rin na wala na sila, na naiwan na akong nag-iisa rito sa bahay namin.

Dala ang aking maleta ay lumabas ako ng bahay matapos kong i-lock ang lahat ng pinto. Pinauwi ko na rin si Manang Aira sa kanyang pamilya. She deserves a rest.

“S-Steve...” sambit ko paglabas ng aming bahay.

Nakasandal ito sa kulay itim na kotse habang nasa magkabilang bulsa ang kanyang mga kamay. Naka Ray-Ban din ito na itim kaya hindi ko makita ang kanyang mata na nakatingin na sa'kin.

Tumayo ito nang tuwid at bahagyang lumapit sa'kin. Mukhang maayos na maayos na siya. Naka long sleeve polo ito na puti at black pants. Bagong gupit na clean cut ang magkabilang gilid pero medyo mahaba pa rin ang bangs.

“A-Anong ginagawa mo rito?”

Nakalabas na pala siya ng hospital, baka kaya tumatawag si Nicole sa'kin noong nakaraan.

Tinignan nito ang hawak kong maleta bago tinignan muli ako sa mukha.

“A-Aalis ka na? Hindi pa tayo nag-uusap,” tanong nito sa'kin.

“Nag-usap na tayo sa hospital 'di ba? Alam mo naman ang gusto kong mangyari,” sagot ko.

“Pero hindi 'yon ang gusto kong mangyari. Bumalik na lahat Brianna, lahat-lahat ay naalala ko na. Sorry... Araw-araw akong magso-sorry sa katangahang nagawa ko. Please, kahit hindi mo ko patawarin agad. 'Wag ka lang umalis.” Pakikiusap nito sabay hawak sa dalawa kong kamay.

“Steve, hindi gano'n kadali na tanggapin lahat—”

“Hindi kita minamadali. Kahit gaano katagal maghihintay ako. Papatunayan ko na sobrang pinagsisisihan ko ang lahat. Brianna, hindi ko kayang bitiwan ka. Magalit ka na, pero hindi kita susukuan.”

“Kahit naman pagsisihan mo, hindi na mawawala 'yong sugat Steve. Patong-patong na sugat na kasi ang ginawa mo. Hindi pa magaling, dinagdagan mo ulit. Madaling magbigay ng tawad, pero yung tiwala? Napakahirap na. Nasira na.” seryoso kong sabi. Inalis nito ang kanyang shades at isinabit sa kanyang dibdib.

Lumuhod ito sa harapan ko habang hindi binibitiwan ang aking mga kamay. Nanlaki naman ang aking mga mata sa gulat.

“Brianna please... Pagtatrabahuhan ko lahat, paghihirapan ko lahat. Ibabalik ko ang tiwala na nawala, gagawin ko lahat. Pero, paano ko ipapakita sa'yo lahat ng 'yon kung aalis ka? H'wag kang umalis, ayusin natin 'to please...” nabasag ang boses nito. Nakatingala ito sa'kin habang nagsasalita kaya kitang-kita ko ang mga namumuong luha sa gilid ng mga mata nito.

“Tumayo ka Steve ano ba?! Baka may makakita!” pilit ko itong hinhila patayo pero umiiling ito nang paulit-ulit.

“Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Ikaw lang ang mahalaga Brianna. P-Please... H'wag kang umalis, hayaan mong pagbayaran ko araw-araw ang ginawa ko. Don't leave me please...” tuluyan nang pumatak ang mga luha nito.

Agad naman akong tumingin sa ibang direksyon dahil nakakaramdam ako ng awa rito. Pero pilit kong nilalabanan. Ayokong pagsisihan sa huli ang magiging desisyon ko.

“Tumayo ka na d'yan. Hindi pa ako aalis ng bansa, aalis lang ako ng bahay na ito dahil hindi ko pa kaya. Kamamatay lang ni Daddy, mag-isa na lang ako kaya kay A muna ako.” Gulat na gulat ito sa narinig at dahan-dahang tumayo habang nakatitig sa'kin.

“W-Wala na si D-Dad?” tanong nito. Wala nga pala siyang naaalala no'ng mamatay si Daddy. Hindi rin siguro nabanggit ni Nicole.

“Noong araw na nagising ka, ang araw ng pagkawala niya. Sa mismong birthday ko Steve,” naluluha kong sambit. Agad ako nitong niyakap.

“I'm sorry... S-Sorry dahil wala ako sa tabi mo ng mga panahon na kailangan mo ng karamay. Sorry... Sorry kasi dumagdag pa ako sa mga nagpapasakit sa'yo. I'm sorry...” Marubdob nitong pagkakasabi habang nakayakap sa'kin. Napapikit naman ako at dinama ang paghingi nito ng tawad.

Ramdam ko ang sinseridad nito sa paghingi ng tawad. Kaya ko naman siyang patawarin kung gugustuhin ko, pero hindi pa ako handa ibigay ulit ang tiwala ko. Hindi ko pa kaya ulit ipaubaya ulit ang sarili ko sa kanya.

Marahan ko itong itinulak palayo sa'kin. Ngumiti ako ng malungkot rito habang nagtataka niya akong tinitignan.

“What you've done is not a joke. My feeling is not a joke. Let me heal myself, give me time for myself Steve.”

“Let me h-heal you, let me heal the wound I caused to you. P-Please... Let's try to fix this t-together,” tuluyan nang tumulo ang luha ko sa pakikiusap nito habang umiiyak.

“Hayaan mo munang buo-in ko ang sarili ko na hindi ka kasama. Dahil hindi pa ako handa na ipagkatiwala ulit sa'yo ang sarili ko. Kung talagang tayo pa rin, kahit gaano katagal, magtatagpo tayo. Pero sa ngayon, 'wag muna natin ipilit dahil masyado pang sariwa ang lahat. Mahal mo naman ako 'di ba? Ako pa rin naman 'di ba?”

“Of course!” mabilis nitong sagot, “ikaw lang Love. Nagkamali ako oo, pero, ikaw pa rin ang tahanan ko.” Hinawakan nito ang pisngi ko.

“Kung mahal mo talaga ako, hahayaan mo akong mahalin ko ang sarili ko. Hahayaan mo akong maghilom kahit wala sa tabi mo. Salamat kung maiintindihan mo ko at maghihintay ka, pero naiintindihan ko rin kung hindi mo na kayang maghintay. Gusto kong magpahinga sa lahat Steve. Kasama ang magpahinga na mahalin ka.”

Sunod-sunod ang pagtulo ng luha nito habang dahan-dahan tumatango. Hinawakan muli nito ang mga kamay ko at marahan na hinalikan. Hinawakan muli nito ang aking pisngi at marahan na inilapit ang kanyang mukha sa'kin. Hinalikan nito ang aking noo.

“M-Masakit,” umiiyak nitong sabi habang hinahaplos ang pisngi ko, “pero alam kong kulang pa ito kumpara sa nagawa ko sa'yo. M-Masakit, pero alam kong ito ang kailangan mo. I'll set you free for now. Maghihintay ako, sana pwede pa pagbalik mo. Mahal na mahal na mahal kita Love, I'm sorry... Sorry sa lahat. Padadala ko na lang sa'yo ang divorce paper na hinihiling mo.” Kinagat nito ang ibabang labi para pigilan ang hikbi sabay tingin sa langit.

Nasasaktan din ako dahil alam kong mahal ko pa rin naman siya. Pero gusto ko munang piliin ang sarili ko ngayon. Gusto kong bigyan halaga ang sarili ko ngayon.

Tumingin muli ito sa'kin at bumuntong hininga. “Be happy away from me. But, please don't forget me. Hmmm? Heal, love yourself, and take care. I love you, I love you, I love you... L-Love...” tuluyan nang tumulo ang luha ko nang yakapin ako muli nito nang mahigpit. Niyakap ko rin ito pabalik.

Kinuha nito ang maleta ko at siya na mismo ang naglagay sa loob ng compartment ng kotse ko. Pinunasan niya ang kanyang mukha at isinuot muli ang kanyang salamin. Tumayo ito na medyo malayo sa'kin at kumaway habang nakangiti.

“Ingat ka ha? Drive safely, bye.” Sabi nito at sumakay na agad sa kotse niya. Dahil hindi tinted ang harapan ng kotse na dala niya ay kita ko pa rin siya. Ngumiti muli ito sa'kin pero hindi pa rin umaalis.

Pumasok ako sa loob ng kotse ko at tinignan siya sa side mirror ko. Naabutan ko pa itong nagpupunas ng kanyang mukha bago sumubsob sa manibela.

Bumusina lamang ako ng tatlong beses bago ko siya tuluyang iwan doon.

Ang sakit. Pero alam kong huhupa rin. Alam kong naiintindihan niya na para sa'min din 'tong dalawa. Para mas maintindihan niya ang kahalagahan namin sa isa't-isa. Para mas matuto siya, at para naman maghilom ako sanhi ng sugat na ginawa niya.



I love you, I always will. But the only choice I have is to let you go.


_____________________

Pila ng mga sawi at luhaan. HAHAHAH

You are reading the story above: TeenFic.Net