Chapter 25

Background color
Font
Font size
Line height

Happy 4k Dusk (Followers) sa atin mga mahal!! Salamat! (。•̀ᴗ-)✧
____

Bardagulan Chapter. :)

_________

“Trish?” gulat kong tanong sa babae. “A-Anong ginagawa mo rito?”

“Sinundan ka, and then I heard from you that Steve is here. Okay, let me in then. Kailangan niyang malaman na magkaka-anak siya sa'kin.”

“Sandali—” pero nakapasok na ito sa loob. Nagkatinginan kami ni Nicole.

“Hindi ka pa ata basta makaka-alis, nand'yan na naman ang problema.” Sabi ni Nicole sa'kin. Napabuntong hininga naman ako at pumasok na sa loob.

Nagtatakang nakatingin sa'min si Steve at sa buntis na babae.

“Who is she baby? Your friend too?” tanong nito kay Nicole habang nakaturo kay Trish. Agad na lumapit si Nicole kay Steve.

“Baby?” nagtatakang sabat ni Trish. Tinignan nito si Nicole bago tumingin sa'kin. Ako naman ay nakakaramdam na ng kaba.

Tangina! Problema talaga ang dala ng babaeng ito.

“Pero hindi naman siya ang asawa mo,” pagtutuloy pa nito.

“Asawa?” nagtatakang tanong ni Steve.

Shit!

“Don't mind her—”

“Bakit ayaw niyo ipaalam sa kanya?” putol ni Trish sa sasabihin ko. “May amnesia siya?”

“Tumigil ka na. Baka ikaw ang sunod na ma-hospital.” Gigil kong sambit sa kanya.

“Oh my God! May amnesia nga siya?! Kaya nakalimutan niyang ikaw ang asawa niya at hindi ang babaeng ito?” turo nito kay Nicole.

“Stop pointing my girlfriend. Who are you?” seryosong tanong nito kay Trish.

“She's not your girlfriend. She's your wife.” turo nito sa'kin kaya gulong-gulo ang reaksyon ni Steve.

“What did she mean?” naguguluhang tanong ni Steve kay Nicole bago tumingin sa'kin. Napayuko na lamang si Nicole at hindi alam kung paano sasabihin.

“Hindi nga 'yan ang girlfriend mo, kasi may asawa ka na—”

“Will you shut the fuck up!” galit kong bulyaw kay Trish dahilan para matigilan ito. “Masyado kang mapapel, isa lang naman ang gusto mong mangyari, ang manira. Isa kang anay!”

“Wait. What's going on? Pwede bang ipaliwanag niyo? Sumasakit ang ulo ko. Ano ba ang totoo?!” inis na sabat ni Steve kaya napatingin ako sa kanya.

Hindi ko rin naman ito maitatago nang matagal. Hindi namin matatakbuhan ito pareho kaya hangga't nandito pa ako, magaling na 'yong alam na niya.

Huminga ako nang malalim bago nagsalita.

“I'm your wife, that's the truth. Pero, nakikipag divorce na ako sa'yo bago ka pa mawalan ng alaala.” Titig na titig si Steve sa'kin.

“P-Paanong... Pero... Siya ang girlfriend ko.” Agad nitong hinawakan ang kamay ni Nicole. Napapalunok na lamang ako sa kirot na nararamdaman ko.

“Siya ang girlfriend mo noon bago tayo ma arranged marriaged. Then, nag divorce tayo dahil hindi natin gusto ang relasyon natin. Bukod sa sinasaktan mo ko physically and emotionally.” Natigilan ito at nagtataka akong tinitigan. “Then, after four years that time, nagpropose ka ulit kasi sabi mo mahal mo na ako. But after two years being married, you cheated on me... AGAIN. With her.” Sabay turo ko kay Trish. Tinignan nito si Trish at ang tyan nito. Halata mo na naguguluhan pa rin ito.

“A-Ako ang ama niyan?” tanong nito kay Trish. Ngumiti naman ito kay Steve at parang proud na proud pang sumagot.

“Yeah baby... We made love behind your wife's back. We did it everyday in your condo—”

“Kabet ka pa rin. Tinatanong lang niya kung siya ang ama, nagkuwento ka na agad kung paano niyo nabuo 'yan? Walang interesado sa kalokohan niyong dalawa.” Inis kong sabat dahilan para matigilan siya sa pagsasalita. Napatingin sa'kin si Steve.

Hindi ko alam pero, bumalik yung inis at sakit. Lalo na sa tingin sa'kin ni Steve na napaka inosente. Na para bang wala siyang ginawa na kalokohan noon. Ang sakit na nasasaktan pa rin ako pero siya, nakalimot na. Naiwan na naman akong mag-isa.

“May amnesia siya, siyempre kailangan niyang maalala kung paano namin 'to nabuo—”

“Ako nga na asawa hindi maalala, ikaw pa na kabet? Bago niya maalala ang naging bunga ng kalokohan, maaalala muna niya ang niloko. Bobo ka ba?” inirapan naman ako nito.

“Tss. Nakipag divorce ka na 'di ba? Kaya okay lang na hindi ka na niya maalala. Ako? Kailangan niyang maalala dahil magkaka-anak kami.”

“Gusto kong ipaalala sa'yo na hindi pa kami totally divorce. So, anay ka pa rin kahit may anak kayong dalawa. Atsaka, hindi pa nga sigurado na si Steve ang ama niyan.” Napatingin sa kanya si Steve.

“Hey! Sure ako hundred percent na ikaw ang ama, araw-araw ba naman natin gawin 'di ba? Ang dahilan mo pa sa wife mo ay big client ako para makasama mo ako sa condo mo.” Ngumisi ito sa'kin. Naikuyom ko naman ang mga palad ko sa inis.

“Stop it Trish!” bulyaw sa kanya ni Nicole. “Ang lakas ng loob mo, nagagawa mo pa talagang ikuwento sa harap ng mismong asawa?”

“Wow huh! Ikaw nga, feel na feel na girlfriend e ex ka lang pala. Makapagsalita ka naman d'yan. If I know, gusto mo lang siyang bawiin kay Brianna.”

“Atleast ako minahal, ikaw? Minahal ka ba? Ako kasi hindi patago, ikaw? Sa'kin kasi nagpropose, sa'yo ba?” natigilan si Trish pero agad din ngumisi.

“Sa'yo nga nag proposed, ikaw ba pinakasalan? Hindi 'di ba?” si Nicole naman ngayon ang natigilan habang maganda ang ngiti ni Trish.

“Tumigil na kayo. Walang kahit sino ang may karapatan sa inyo kay Steve kung hindi ako lang. Dahil sa'kin siya kasal. Naintindihan n'yo?” pareho naman silang natigilan sa aking sinabi.

Si Steve ay nakahawak na sa kanyang ulo habang nakatingin sa'ming tatlo. Maya-maya pa ay bigla na lamang itong sumigaw habang nakahawak sa kanyang ulo.

“AHHH!!!! ANG SAKIT!!!!” paulit-ulit nitong sigaw kaya taranta kaming lumapit sa kanya.

“Nicole, call the doctor now!” sigaw ko kay Nicole na agad namang lumabas ng kwarto.

“Hey... Calm down... You'll be okay. Shhh...” hinawakan ko ito sa kanyang mukha at pilit na pinapakalma. “Calm down... Calm down...”

“Paano siya kakalma kung masakit nga?!” sabat ni Trish kaya agad ko itong sinamaan nang tingin.

“Ako hindi pa kalmado sa'yo, tumahimik ka dahil baka mamaya mapa-anak ka ng maaga d'yan. Wala akong pakialam sa opinyon mong wala namang kwenta!” bulyaw ko rito. Ilang saglit pa ay dumating na si Nicole kasama ang Doctor at mga nurse.

Pinalabas muna kami nito ng kwarto para suriin si Steve.

“Ang ingay niyo kasi!” sabi na naman ni Trish.

“Kapag hindi ka talaga nanahimik, uuwi ka sa inyo na wala ng laman ang tyan mo. Ikaw 'tong tanga na nagpasabog sa loob. Gago ka ba?! Epal ka kasi masyado!” gigil na gigil kong sabi habang awat-awat ako ni Nicole sa braso ko.

“Tama na okay? Lahat tayo may kasalanan dito dahil sa harapan niya tayo nag-aaway.” Awat sa'min ni Nicole.

Ilayo mo 'yan sa'kin baka hindi ko matantya 'yan,” sagot ko kay Nicole bago sila talikuran.

Umalis ako ng hospital na 'yon dahil sa inis. Wala naman akong problema kay Nicole dahil kahit anong desisyon ko ay naiintindihan niya. Hindi naman niya kinukuha pabalik si Steve, gusto pa nga niya na maayos ang marriage namin. Pero, ayoko na. Suko na 'ko.

Kung tatanggapin man ulit ni Nicole si Steve, at kung mahal pa rin siya ni Steve, magiging masaya ako sa kanila. Alam kong hindi magagawa sa kanya ni Steve ang ginawa nito sa'kin dahil siya ang dahilan noon kung bakit ito nasira. Kaya siya lang rin makakabuo rito. Pero kung kay Trish? 'Wag na lang sana bumalik ang alaala niya. Tss.

______________

Try ko ulit mag UD mamayang gabi, pero hindi pa sure huh. 'Wag niyo ko madaliin. Jusme kayo! Yakapin ko kayo sa leeg kasabay ni Trish!

You are reading the story above: TeenFic.Net