▰▱▰▱▰▱▰▱▰▱▰▱▰▱
-Chapter twelve-
"Do you want me to make you officially...mine?" Pag-amin niya ng hindi man lang kumukurap na parang buo ang tiwala niya sa kanya.
"Hala...pakiulit? Di ko narinig eh." Tinukso mo siya habang nilapit mo ang tenga mo sa kanya para marinig mo sa kanya ang mga salitang iyon.
Inilibot lang ni Rindou ang kanyang mga mata, nanunuya bago siya magtanong sa iyo.
"Who's your first love? Or do you fall in love before?" Tanong niya, napatigil ka habang nakatingin sa kanya na ngayon ay nakatingin sa iyo
Naguluhan ka noong una kung bakit siya nagtanong ng ganoong klaseng tanong. Pero dahil masyado siyang curious at gusto niyang malaman, hindi mo maiwasang sagutin ang tanong niya.
"Well yes, pero bago kang magselos diyan...Ghinost niya ako, he broke the promise, saying na babalik siya but..he didn't." Bumuntong-hininga ka habang nakikinig lang si Rindou sayo. Nagseselos siya kasi siya daw dapat ang una mo.
Pero, he's too unfair since hindi ikaw yung una niya so he might as well play fairly para walang gulo.
Though, bakit nga ba nagseselos si Rindou nang wala namang kayo? You both didn't confessed, you both had no connections sa love, pero bakit?
"Eh Ikaw? How about you?" Tanong mo sa kanya, curious din sa mga love relationship niya dati. Hindi ka sana sasagutin ni Rindou pero, sumama ang loob niya kaya sinagot na lang niya ang tanong mo.
"Yes. She's my ex girlfriend. Her name is Akira, she cheated on me." Napaiwas siya ng tingin, pilit kunin ang phone niya na nakalagay sa bulsa niya.
"Ohhh...Akira..wait pano ba kayo nagkakilala nina Sanzu and your other friends?" Tanong mo ulit sa kanya.
Ibinuka ni Rindou ang kanyang mga binti, ang kanyang mga kamay sa pagitan ng mga ito. Tumingin siya sa sahig bago tumingin sa iyo.
"We were friends since grade 5. My brother and me encountered that weird boy noon which is si Sanzu. He was wearing a mask with his hair in an emo style-- well tinawag lang naming emo hair yun so yeah..." Aniya, may ngiti sa labi habang iniisip ang mga magagandang araw noon.
"Si Koko well we met him at the library may kasamang lalake...nahuli namin siya, hinalikan yung lalaki while that boy was sleeping peacefully." Binuksan niya ang phone niya bago niya ipinakita iyong mga pictures kung saan lahat sila ay naka-pose at masayang nakangiti.
"They were my homies, can't lose them." Sabi niya habang ini-swipe niya ang mga larawan para lang ipakita sa iyo ang grupo ng mga kaibigan nila.
"Hiram nga." Sabi mo sabay agaw ng phone sa kanya. Though, Rindou didn't mind as he just let you be.
Ngunit, hindi mo alam na nag-swipe ka na pala nang napakalayo, kaya nakita mo ang isang larawan ng isang babae sa kanyang gallery. Nanlaki ang mga mata ni Rindou nang agad niyang inagaw sa iyo ang cellphone niya.
"Hala! Ganda niya ah. Sino yun?" Tanong mo sa kanya na nakakunot ang noo mo na parang nang-aasar. Natahimik lang si Rindou, iniisip kung bakit niya pinahintulutan kang hiramin ang kanyang cellphone.
"Wala kang nakita." Malamig niyang sabi habang tumatayo para ipagpatuloy ang project na ginagawa ninyong dalawa. May binulong siya bago niya hinawakan ang mouse sa computer, roughly.
"Luh? Galit yan?" Biniro mo siya habang pinipilit mong hindi tumawa. Naiinis na si Rindou sa pang-aasar mo kaya tumahimik na lang siya dahil pinili niyang huwag magsalita ng masasakit na salita.
"Hala, pikon yan?" Tanong mo habang nakangiti sa kanya. Hindi ka lang pinansin ni Rindou habang patuloy lang siya sa project.
"Siya ba yung ex mo? Si...Akira? Ganda pala niya ah. Feel ko magiging kaibigan talaga kami non." Sabi mo sa kanya, patuloy na inaasar siya na para bang wala ng bukas. Rindou clenched his fist that was placed on the mouse before he spoke.
"If you keep on blabbering just go home. I'll take care of the project. "
"Sungit naman neto...tatanong lang eh."
"Tumahimik ka nga." Sabi niya, not looking at you that was now frowning by what he said.
"Okay." Sabi mo, kinuha mo ang iyong cellphone at i-unlock ito bago mo i-click ang kanyang number.Ayaw mo pa siyang i-text, dahil who knows kung ano ang gagawin ni Rindou kung gagawin mo.
.
Minutes have passed, wala pa rin nag-usap sa inyong dalawa. But, Rindou was getting confused at this one particular part sa project so he had to ask you.
"Can we put some statistics on bullying in this part?" Tanong niya na hindi pa rin tumitingin sa'yo habang nakatutok sa screen. Tahimik ka lang, hindi naglakas-loob magsalita simula nung sinabi niyang tumahimik ka.
Tumingin ka sa kanya bago tumingin muli sa iyong cellphone para i-click ang send button.
Sa sandaling ipadala mo ang mensahe, natanggap ni Rindou ang text na gumagawa ng ding notification habang agad niyang kinuha ang kanyang cellphone upang tingnan kung sino ang nag-text sa kanya.
(Unknown number)
xxxx-xxx-xxx
Sabi mo tumahimik ako eh.
---
Tumingin si Rindou sayo na may sama ng loob bago siya magsalita.
"Fine. Siya yon, you and her can't be friends. And that's final." Sinabi niya sa iyo habang binalik niya yung cellphone sa kung nasaan nakapuwesto kanina.
"At bakit? Napakasamang tao mo Rindou, tsk tsk." Mapaglaro mong iginala ang iyong mga mata habang mabilis mong tinitigan siya.
Pero to your surprise ay nakatingin na siya sa iyo as he smirked at you before you looked away.
"Oh? Huli kang babae ka. You caught interest in me, don't you?" Inaasar ka niya, hindi pinapansin ang sinabi mo kanina. Tumayo siya bago muling naglakad palapit sa'yo habang tumabi sa'yo tulad ng kanina.
"Pinagsalita mo diyan?" Hindi mo pinansin ang presensya niya habang ipinagpatuloy mo ang proyekto para makaalis ka na sa lugar na ito.
"Y/n. Can't you tell some stories about sa relationship mo with that boy?" Tanong niya na nakatitig sa iyong side profile that is perfectly perfect for him.
"At bakit ko gagawin yan? Close ba tayo?" Sabi mo, tinapik ang keyboard habang malapit ka nang matapos sa project kasama si Rindou sa tabi mo, nakatitig lang sayo.
Pero, nilapit ni Rindou ang mukha niya sa'yo habang nanlalaki ang mata mo, kinakabahan kasi baka he'll kiss you.
"What about this? Is this close enough for you?" Nakatitig siya sa mga mata mo habang nakatitig ka sa mukha niya. Pero you can't just let this slide so you pushed him as you spoke.
"Wag kang pilosopo, doon ka nga." Sabi mo habang tinatago ang pamumula ng pisngi mo kanina.
Tinitigan ka ni Rindou bago niya makuha ang phone mo,
"If you're not gonna tell me, maybe your phone will." Sabi ni Rindou habang nagpapanic ka sa gagawin niya kaya sinubukan mong agawin pabalik ang phone mo pero pinataas lang niya ang mga kamay niya para hindi mo mahuli.
"Huy, akin na yan! Ibalik mo nga yan!" Inis mong sabi habang sinusubukan mong kunin ang phone mo sa kanya. Pero, lumalapit ang mukha mo sa kanya at napangiti siya nito.
Pareho kayong nakatitig sa mukha ng isa't isa, hindi man lang nagsasalita. Gayunpaman, ito na ang iyong pagkakataon na agawin ang iyong cellphone habang siya ay nagulo by staring at your face.
"Oo na. I'll tell you Ina neto. He ghosted me, iniwan niya ako. I met him sa grade 9, yan lang muna, happy?" Inayos mo ang iyong buhok habang nakatitig sa screen ng ilang sandali.
Tumango si Rindou, tanda na nakikinig siya sayo. There's this unknown feeling inside him which is, selos.
Pero, he just ignored it as he smiled softly.
"Anong name niya?"
Itinikom mo ang iyong bibig, dahil naiinis ka sa mga tanong niya. Isang buntong-hininga ang kumawala sa iyong mga labi bago mo siya sinagot ng diretso, hindi sinalubong ang kanyang tingin.
"Izana." Nagpatuloy ka sa pag-type nang hindi mo namalayang natigilan si Rindou sa kanyang pwesto.
"Izana...Kurokawa?" Bumulong siya pero hindi sapat para marinig mo. Natuwa siya dahil hindi mo siya narinig pero naiinis din kasi yung leader sa team Rimshots ay yung ex mo.
"Izana...hindi ata yun tao, kasi nga diba ghinost ka niya so that would considered him as a ghost?" Natawa siya sa sarili niyang biro habang nakatitig ka sa kanya ng nakatulala ang mukha.
"Totoong tao kaya yon. Tsaka, mas magaling pa yun mag basketball kaysa sayo." Sabi mo, inaayos ang postura mo. Hindi mo alam na nagseselos si Rindou everytime na ikinukumpara mo siya sa isang tao.
Naging selfish siya pagdating sayo.
He gritted his teeth, annoyed at what you just said before he confessed something that made you caught off guard.
"Okay. Kapag nagkita kami, we'll play one on one. I'll win it for you, Y/n."
"You wish." Nanunuya ka habang ini-save mo ang dokumento at isinara ang iyong laptop pagkatapos.
Nanatili ang titig ni Rindou sa'yo habang hindi niya napigilan ang sarili, as he said something he shouldn't have said.
"Kahit ganyan ugali mo, pasalamat ka mahal pa rin kita."
▰▱▰▱▰▱▰▱▰▱▰▱▰▱
You are reading the story above: TeenFic.Net