▰▱▰▱▰▱▰▱▰▱▰▱▰▱
-Chapter eleven-
Ikaw at si Rindou ay nagpapahinga na ngayon pagkatapos ng ilang oras na lumipas. Kinuha mo ang iyong cellphone upang tingnan kung mayroong anumang mga text mula sa iyong mga kaibigan at mula sa iyong nanay.
"What are you doing?" Tanong ni Rindou nang nakita ka niyang nagbukas ng cellphone mo. Tiningnan mo siya with your eyebrows raised before you replied.
"Wala ka bang mata? Kitang kita mo naman na may tinitingnan lang." Sarkastikong sabi mo, pinaikot ang mga mata habang tinatago ang ngiti.
Hindi mo nakakalimutan ang soft side niya, kaya naman pilit mong tinatago ang ngiti mo. Kilig much nanaman yung nararamdaman mo.
"Okay...wait, come here for a second." Utos niya, tinapik ang upuan sa tabi niya para maupo ka sa tabi niya.
"Gagi ano nanaman ba? Baka ano-ano na yung mga gagawin mo ah.."
"May pagka Sanzu ka pala na utak." Sabi niya, disappointed sa iyo kasi may pagkatulad kayong utak ni Sanzu.
"Ano? Eh I don't trust you dib-" Naputol ang pangungusap mo nang bigla siyang tumayo at hinawakan ka sa pulso, pinilit ang iyong sarili na umupo sa tabi niya para walang gulo.
"It's just a simple order and yet you can't do it?" He chuckled, grabbing his phone from his pockets.
You just fell silent, completely speechless as you just stared at the male beside you. Nalilito na kung anong nangyayari.
"Picture tayo." Pag-amin niya habang nakataas ang kanyang cellphone, inilagay ang camera sa posisyon.
"Ha?! Huy ulol, kailangan ba yan?" Sabi mo, tinatanggihan ang kanyang kahilingan. Though, Rindou paused thinking of a lie. Sa totoo lang, gusto lang niyang magpa-picture sa iyo na kasama siya para daw ipose sa social media at para daw gagawin niya itong lockscreen.
"Well, para malaman nila that we worked together?" Nagsinungaling siya, nakatitig sa'yo na tulala sa mga kinikilos niya.
"Baka gusto mo lang magpapicture sa akin? Ah! That makes you my very first fan...ay mali my very first-"
"Tumahimik ka nalang, okay. One, two, three...Smile" He clicked the camera button as you both smiled happily.
.
.
.
.
Pagkatapos kumuha ng litrato ni Rindou, ikaw at siya ay nasa mga pasilyo sa ikalawang palapag. Ngunit, nahagip ng iyong mga mata ang isang bagay na kawili-wili.
Nabobored ka na kasi at wala rin kayong balak ituloy yung project na pinanggagawa ng marites niyong teacher.
"Teka, naglalaro ka ng billiards?" Tinaas mo ang iyong kilay, napuno ka ng excitement sa pamamagitan lamang ng pagtitig sa billiard table.
"Why? You wanna challenge me? Ako yung mananalo." He smirked, teasing you kasi hindi mo matatalo si Rindou. Pero, hindi niya alam na isa kang pro sa billiards dati.
"Wag Kang feeling diyan. Humanda ka sakin." Nagtanggol ka, handang manalo sa laro. Gayunpaman, buo ang tiwala ni Rindou na mananalo siya and there's no way he'll lose.
"Sige. But, if I win you'll sleep here and if you'll win...uuwi ka." Binalaan ka niya habang pareho kayong naglalakad pababa ng hagdan. Wala naman si Ran sa bahay kasi may lakad daw silang magtotropa.
"Anong sleep here?! Hah. Sa tingin mo matutulog ako dito?" You scoffed following his footsteps.
"Ewan basta yun na yon. No complaints coming from you, kaya wag kanang maingay" With his hands on pockets, you both made your way outside kung nasaan yung billiard table.
Inihanda ni Rindou ang mga bola ng billiard habang kinuha niya ang mga patpat ng billiard at iniabot sa iyo.
"9 balls tayo, got it? Ikaw yung una ako naman yung sunod." Rindou told you, hands on the billiard table as he stared at you.
"Wow naman, okay. Game na." Inilagay mo ang iyong kamay sa stick habang nakaposisyon ka, handang tamaan ang cue ball. Kapag natamaan mo na ang cue ball, napakaswerte mong na-shoot ang unang bola.
Ngumiti ka kay Rindou na nanlilisik na para bang hindi ka niya hahayaang manalo. Muli, ipinuwesto mo ang iyong sarili, tinamaan ang cue ball, pero ngayon hindi na nashoot.
"Hah! Tingnan mo, don't be so cocky." He grinned making you rolled your eyes as you mumbled something.
Si Rindou noon, pumuwesto sa cool na paraan na para bang gusto niyang makuha ang atensyon mo sa kanya. Pero, gusto mong gumawa ng plano para matalo siya.
Once he hit the cue ball, you got the chance to scare him by yelling some unnecessary words.
"Hala! Hindi na shoot!" Sumigaw ka para lang matakot siya at para hindi makapasok ang bola sa butas. Pero, yung mga sinasabi mo ay para lang wala kasi nga hindi natakot si Rindou at nashoot yung bola.
"Hindi ako natatakot, better luck next time." Ngumiti siya sabay tapik sa ulo mo na para bang tinutukso ka habang naglalakad sa kabilang side kung saan ka nakatayo ngayon.
"Di wow" you rolled your eyes, if only na matatakutin siya edi sana tapos na yung laro niyo at hindi ka makakatulog dito.
Natamaan ni Rindou ang cue ball dahil number 7 na ang target niya. Bagaman, nawala ang swerte niya ngayon dahil hindi nakapasok ang bola sa loob ng butas.
Nag-click siya sa kanyang dila, na nagmukhang natalo. Habang ikaw ay walang humpay na tumatawa dahil sa mukha ni Rindou at kanina pa siya masungit.
"Bleh! Alis ka, ako nanaman." Ngumisi ka, pumwesto sa billiard table. Tinitigan ka ni Rindou bago siya humakbang paatras, para kumportable kang maglaro.
"Y/n! May ipis!" Binantaan ka niya nang matamaan mo ang cue ball.
"Di ako matatakot diyan." You rolled your eyes, sticking out your tongue before the number 7 ball goes inside the hole.
"There's a spider in your hair!" Nagbanta na naman siya nang matamaan mo ulit ang cue ball. Umiling ka, tinitigan siya ng buong kumpiyansa habang ang numero 8 na bola ay pumasok sa loob ng butas.
"Alam mo naman na hinding hindi ako matatakutin." Sabi mo, nanunuya habang inaasar mo siya. Bagaman, may binulong si Rindou bago siya lumapit sa iyo.
"Then, what about me? Natatakot ka ba sa akin?" Sabi niya, lumuhod habang nakapatong ang ulo sa mga braso niya nang nakapuwesto sa billiard table, staring at you who's now dumfounded at his sudden question.
"Hah at kung sinabi kong hindi?"
"It's obvious na natatakot ka sa akin" He slightly grinned before standing up, while you continued to play. Hindi pinapansin ang mapanuksong mukha niya.
Ang huling bola na numero 9, ay nakapasok sa loob ng butas. Hinarap mo si Rindou, nakangiti sa kanya habang binabasa mo ang kanyang ekspresyon. Kahit na ang nakikita mo ay walang iba kundi ang ngiti niya. Yung ngiting walang nakakaalam.
"Yes!! O diba! Sabi ko sayo wag kang kumpiyansa diyan." Ngumiti ka ng malawak, sabay suntok sa hangin. Nakatitig lang si Rindou sa masayahin at nakangiti mong mukha, hindi man lang naglakas loob na magsalita.
Ayaw na niyang sirain ang ngiti mo. Mali yung mga kilos niya dati, napaka wrong move ng mga bullying na yun. Gusto niyang makasigurado na hindi na niya uulitin para makita niya ang ngiti sa mukha mo, kagaya ngayon.
"Edi congrats" He says, clapping his hands. Pero parang in a sarcastic way, though you didn't mind naman kasi nga sobrang saya mo ngayon dahil hinding hindi ka makakatulog dito.
Ayaw na ayaw mong matulog dito, kasi baka anong gagawin ni Rindou sayo baka ibubully ka lang niyan buong araw.
.
.
.
.
Ikaw at siya ay bumalik sa kanyang silid kung saan gagawin ninyong dalawa ang nasabing proyekto. Abala ka sa pagte-text sa mga kaibigan mo habang si Rindou ay nakatitig sa iyo.
Mga marupok
Anak ng mafia boss (Senju)
Hoy, @rupok#1 musta na?? Parang wala kanang taym sa amin 💔💔
May jowa na kalbo (Emma)
Shh wag mong e mention baka busy yan eisjsheheh
Nakasuntok ng lalake (Hina)
Busy sa kaniyang "Enemies to lovers" AAAAAAA KILIG YARN??
rupok#1 (You)
Enebe parang sira, char tbh wala akong crush sa kaniya ewss
Nakasuntok ng lalake (Hina)
Anak ng mafia boss (Senju)
Pano yung kilig smile y/n? Pano yon? 😏😏
rupok#1 (You)
Taena nyong tatlo, seryoso na mukha oh walang ngiti 🙄
May jowa na kalbo (Emma)
Y/n napakasamang ugali yang magsisinungaling...😔
Anak ng mafia boss (Senju)
Oks lang dw yn sa knya ksi dw belong taung lahat sa impyerno 👍
rupok#1 (You)
Tama ka dyan
Anak ng mafia boss (Senju)
At dahil dyan librehan moko 😘😘😘
Nakasuntok ng lalake (Hina)
AKO DEN OH 😢😢 dba prend tau y/n???
May jowa na kalbo (Emma)
Uy! Ako ren, you knows na maganda ka naman y/n dba?? At mahal na mahal kita 🥰🥰
rupok#1 (You)
Wala akong sinabi na ililibre ko kau.
Anak ng mafia boss (Senju)
Anak ng mafia boss (Senju)
HUY HALA PUTANGINA MALI 😭😭
rupok#1 (You)
Nakasuntok ng lalake (Hina)
Bat may ganyan ka sa gallery mo 😭😭😭
May jowa na kalbo (Emma)
HAHAHAHAHAHA SENJU NU YAN 😭
Anak ng mafia boss (Senju)
YUNG KUYA KO KASI ANG EPAL GAGO AYAN TULOY NA WRONG CLICK AKO
rupok#1 (You)
Nawalan ka ng astig dyan HAHAHAHAH
May jowa na kalbo (Emma)
Jusq po Senju ang kalat pala ng gallery mo
Anak ng mafia boss (Senju)
Bahala na, si Kuya kasi 😭😭
Nakasuntok ng lalake (Hina)
Tangina nyo 😭😭 matulog na ko
rupok#1 (You)
Ang aga2 pa grabe
May jowa na kalbo (Emma)
Sure ka ba tlga na matutulog yan?
Anak ng mafia boss (Senju)
Dumi ng utak nyo
May jowa na kalbo (Emma)
Nagsalita ang hinayupak hqhahshshs
rupok#1 (You)
Gago 😭😭
Nakasuntok ng lalake (Hina)
Itulog nyo nlng yan 👍👍
---
Natatawa ka lang sa mga messages ng mga kaibigan mo. Narinig ni Rindou ang tawa mo kaya napatigil siya at tinitigan ka ulit ng nakataas ang kilay na naguguluhan kung bakit ka tumawa at bakit hindi mo tinuloy ang trabaho.
Tumayo siya, naglalakad papunta sa'yo habang puno ng pagkalito ang mukha niya.
"Who are you talking to? Focus muna tayo sa project oh." Sabi niya, nakaupo sa couch habang nasa tabi mo siya ngayon. Itinago mo ang iyong cellphone habang patuloy kang nagtatrabaho sa proyekto.
"Wala...bakit?" Tanong mo sa kanya, umiwas ng tingin.
"So wala lang yung tawa na yun? Sino ang kausap mo? Sagutin mo ako." Ulit niya sa sarili niya. Hindi niya alam if nagseselos siya kasi nga he doesn't want you to laugh at the others. Dapat daw sa kaniya ka lang tumawa.
And Rindou was THAT selfish.
Sa wakas ay tumingin ka sa kanya, itinaas ang isang kilay bago ka magsalita.
"Wala nga diba? Bakit? Selos ka ba?" Iginalaw mo ang iyong kilay sa paraang nanunukso, sumilay ang ngiti sa iyong mukha. Ayaw aminin ni Rindou na nagseselos siya kaya tumahimik na lang siya.
Pero, alam mo naman na nagseselos siya dahil masyado nang halata sa mukha niya. Gusto mo siyang asarin gaya ng pang-aasar niya sa'yo kanina at lahat ng pang-aapi.
"Weh? Bakit mo naman idedeny it's too obvious na nagseselos k-"
"Fine. Oo, selos ako. Ayan na, happy?" Tiningnan ka niya gamit ang malamig niyang mga mata. Habang ikaw naman, pilit tinatago ang ngiti mo. Kailan kaya matatapos ang kilig na ito?
"Bakit ka naman magselos eh wala namang tayo." Sinabi mo sa kanya, napagtanto na pareho kayong walang anumang label. At kailan pa kayo nagtapat? Mix signals ba?
"Do you want me to make you officially...mine?"
▰▱▰▱▰▱▰▱▰▱▰▱▰▱
You are reading the story above: TeenFic.Net