Love is Sacrifice

Background color
Font
Font size
Line height

Hindi ko alam kung kailan ako huling nakaramdam ng ganong takot. The time I saw him bleeding it felt like I was bleeding too. Huminto ang lahat pati na ang pag-ikot ng mundo ko. Live for me. Live for us.. please?

-Nikka-

Pakonti-konting hikbi na lamang ang naririnig sa akin sa loob ng kotse ni Makki na si Kuya na ang nagmamaneho ngayon. I'm scared, really,really scared. Paano kung... umiling ako sa aking naisip. No! Hindi yun mangyayari. He promised me na hindi siya bibitaw.

Napalingon si kuya sa akin habang paliko kami sa hospital parking kung saan dinala si Makki. Pagkapark na pagkapark ni Kuya ay agad kong pinihit ang pambukas ng kotse pero nakalock ito. Napabaling ako kay Kuya na mataman akong tinititigan sa ngayon.

"Kuya please.." hindi ko na alam kong anong sasabihin pero alam kong alam naman niya ang ibig kong iparating.

" First, I need you to calm down Nikka. Breathe,okay? Kailangan ko munang malaman ang buong detalye ng sa gayon eh mapaalam ko kaagad kay SPO2 Dominador." Mahabang paliwanag niya.

Sinunod ko ang kanyang sinabi at huminga ng malalim. Saka ko naisipang isanaysay lahat-lahat.

" I'm heading to his car ng biglang..may umatake sa akin Kuya. Nakamotor then nakablack mask. The bullet na tumama kay Makki? Was..really for me." Naiyak na naman ako sa naisip na kaya siya nandito ay dahil sa akin. Inunlock ni kuya ang kanyang seatbelt ay saka lumapit sa akin at niyakap ako. I cried hard..real hard. Tama nga si Kuya kung hindi ko siya dinamay sa gulong ito hindi sana siya mapapahamak. I drag him to hell..with me. Ang selfish ko, sobrang selfish.

" I promise na kapag umayos na siya magmamigrate na akong states with you Kuya. Dapat ko na siyang layuan para hindi pa siya mas mapahamak ng dahil sa akin." Umiyak lang ako habang si Kuya ay tinatahan ako. Kahit masakit this time gagawin ko na yung tama ng sa gayon ay hindi na siya masangkot sa problema ng aming pamilya.

Ng humupa na ang iyak ko ay saka kami nagdesisyon na bumaba ng sasakyan. Agad lumapit si Kuya sa akin at may binulong. " Maging alerto ka sa paligid dahil kong ikaw talaga ang target nila malamang sa malamang aatake ulit sila." Kinabahan ako bigla sa sinabi niya.

Ano ba talaga yung nagawa namin at bakit ganito nalang kami kong huntingin ng mga taong iyon?

Ng nakapasok na kami sa loob ng hospital ay saka palang ako nakahibga ng maluwag.

Nagtungo kami sa emergency room kong saan dinala si Makki. Sobrang laks ng kaba ang nadarama ko habang nag-aantay kaming matapos ang operation niya.

Ng lumabas na ang Doctor ay agad kaming lumapit sa kanya. " Doc, kumusta na yung pasyente?" Paunang tanong ni Kuya.

" We almost lost him pero lumaban talaga ang pasyente. He lost a lot of blood pero naging succesful naman ang pagtanggal ng bala. Kailangan na lang muna siyang imonitor ngayon at magpahinga. He is still not that stable." Tinapik ng Doctor ang balikat ni Kuya saka siya umalis. Napaupo ako sa narinig. Not stable, ibig sabihin hindi pa talaga siya ganun kaligtas.

Alam kong dapat ngayon naiyak na ako pero pakiramdam ko ay wala ng lumalabas na luha sa aking mga mata sa sobrang pag-iyak kanina. Umupo rin si Kuya sa tabi ko at saka ako hinawakan sa balikat.

" Nikka please, wag mo naman sisihin ang sarili mo. It wasn't your fault, sobrang nasasaktan akong makita kang nagkakaganito." Nilingon ko siya, nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Saka ako yumuko at nilagay ang mga kamay sa aking mukha.

" Kahit anong isip kong hindi ko nga kasalanan ang nangyari kuya hindi ko parin iyon maiwasan. The bullet was for me pero sinalo niya and thats why he's here" nanlumo ako sa aking sinabi. Its really my fault.

Napatingala ako ng bumukas ang E.R at saka nilabas si Makki na may oxygen sa bibig at mga nakakabit na hindi ko alam sa kanayang katawan.

Agad kaming napatayo ni Kuya. " Miss, saan po siya dadalhin?" Tanong ko sa nakaputing nurse na umaalalay sa kanya.

" Ililipat na po ang pasyente sa private room miss. Stable na po ang kalagayan niya ngayon" nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng nurseat saka sumunod kami ni kuya sa kanila.

Hindi ko maiwasang titigan ang mukha ni Makki. Ang peaceful niyang tignan pero alam kong masakit ang napagdaanan niya.

Nakita namin si Tita Veatrice, ate Monique at Tito Leo na nasa bukana ng hospital. Palinga-linga si ate Monique hanggang sa makita niya kami. Kinalabit niya si Tita na kausap ang nasa center hall na nurse na nagbabantay. Agad niya nakuha ang atensiyon ni Tita at saka kami tiningnan ng itinuro kami ni Ate Monique.

Patakbong lumapit silang tatlo sa amin na pinangungunahan ni Tito Leo. Bumati si Kuya sa kanila samantalang ako ay nakatikom lang ang bibig.

" Anong nangyari Troy? Bakit siya nabaril?" Agad na tanong ni Tita ng makarating sa amin. Halata sa mukha niyang hindi na nagabalang mag-ayos. This is not her usual style. Naka denim short siyang below the knee at violet t-shirt. Kumbaga parang nakapambahay lang. Unlike Tito Leo na nakapants at blue long sleeves na tinupi hanggang siko. Maybe galing siyang office nila. Si ate Monique naman ay as usual sobrang classy tignan sa suot niyang light pink dress na may konting slit sa gilid, nakaheels rin siya pero hindi naman ganun kataas. Maybe she also came from a client meeting.

" I don't really know all the details tita, wala kasi ako sa nangyari" mahinahong sabi ni Kuya. Napatingin si ate Monique sa akin kaya medyo napayuko ako sa hiya.
Damn genes and ganda niya kahit may isang anak na siya.

" Then sino ba ang kasama niya sa lugar ng pinangyarihan?" Curious na tanong ni Tito.
Hindi nagsalita si Kuya kaya ako nalang ang nagsabi.

" Ako po tito." Agad silang napatingin sa akin. Hindi ko alam kong dapat ko bang sabihin sa kanila na dapat ako talaga yung nabaril o hindi? Pero nagsalita na si Kuya kaya naibaling ulit sa kanya ang atensyon nila.

" Please Tita, Tito wag muna natin ipressure si Nikka. She is also shock sa nangyari. " napatango naman si Tito Leo at saka iginiya si Tita sa loob ng kwarto.
Naiwan si Ate Monique na tinitigan muna ako at saka nagsalita " You look like your mother Nikka at lumaki karing magandang bata." Pagkatapos ay iniwan na kami ni Kuya.

Umupo ako sa pinakamalapit na bench ng maalalang reporting ko pala ngayon. Tinignan ko ang orasan. Quarter to ten na, paniguradong nagsisimula na sila. " Hindi ka ba papasok ng school? Diba may report ka ngayon?" Tanong ni Kuya habang ang paningin ay nasa pintuan ng kwarto ni Makki kung saan pumasok ang kanyang pamilya kanina.

" I don't think I can report my topic very well Kuya. Hindi pa rin humuhupa ang aking mga naramdaman kanina. " iniisip ko pa rin ng bahagya ang mga nangyari. Everything was really fast! Ni hindi ko man lang mamukhaan ang nagtangkang pumatay sa akin.

" Kuya sa tingin mo ba ano kaya ang rason kung bakit ako tinangkang patayin? I mean ganun na ba talaga ka complicated ang kaso nila Mama at Papa na kailangan na tayong patahimikin?" Hindi siya sumagot instead he tap my shoulder. Napayuko ako dahil sa frustratiom na nararamdaman.

Napatayo ako ng lumabas si ate Monique sa kwarto. " Where is the nurse section? Gising na siya" agad namang nagpresenta si Kuya na samahan siya. Mabilis silang nagtungo sa nurse section habang ako ay nanatiling tulala sa pinanggalingan na kwarto ni ate Monique kanina. He is freaking awake? Mabuti naman.

Bagaman nagdadalawang isip ako kung papasok ba sa loob o hindi, pinili ko pa ring pumasok. Agad nakuha ang atensyon ko ng lalaking nakangiti pero may benda sa kanyang tiyan.

Nakuha ko rin ang atensyon niya. Hindi ko na alam kung lalapit ba ako o mananatili lang sa kinatatayuan ko ngayon. Ng tinuro niya ako ay saka pa lamang ako lumapit. Agad napatingin si Tita at Tito sa akin.

" Okay ka lang ba?" Hindi ko mapigilang maluha sa tanong niya. Isang tango lang ang naisagot ko dahil sa emosyong umaapaw sa akin ngayon. Thank God he's alive

Siguro instinct na rin ang nagtulak kina Tito at Tita ng piliin nilang lumabas muna. Ng mapag-isa na kami sa kwarto ay hindi ko mapigilang titigan siyang mabuti. Ang kislap ng kanyang mata ay ganun pa rin.

" Hey, nung huli kitang nakita umiiyak ka, hanggang ngayon ba naman? Shhh.. buhay ako Niks, mananatili akong buhay. Diba I promised you?" Pagtatahan niya sa akin ng nakita na umiiyak na naman ako.

Pinunasan ko ang mga luhang lumandas sa aking mata at saka bahagyang tumayo. " Thank you, for staying alive Maks. You are so brave and thank you also for saving me. You just don't know how greatful I am and I know words aren't enough para mabayaran ko yung ginawa mo kanina." Yeah right words are not really enough.

" Okay lang, thats what friends are for remember?" Ngumiti siya sa akin. Isang ngiting alam kong mamimiss ko pagtuluyan na akong magmigrate sa ibang bansa.

"Masakit ba?" Wala sa hulog kong tanong sa kanya. Ngumisi lang siya sa akin pagkatapos ay tiningnan ang malaking salamin na naghahatid buhay sa kwarto na kinaroroonan niya ngayon.

" Umuulan sa labas" napatingin rin ako sa kanyang tinitingnan. Umuulan nga.

" Naalala mo ba dati? Kaya ako nag-aral magdrive kasi natatakot kang mabasa ng ulan." Natawa siya sa sinabi kaya medyo natawa rin ako.

"Hindi ko pa rin maintindihan hanggang ngayon kung bakit takot na takot ka mabasa ng ulan" pagpapatuloy niya sabay lingon sa akin.

"Nung araw na nawala sila Mama at Papa..umuulan that time, kaya naisip ko siguro kaya sila nadisgrasya ay dahil sa ulan. Hindi mo ba nakikita? The sky is crying kaya hindi ko kayang magpakasaya kung alam kong malungkot ang pinanggalingan nito" mahaba kong eksplinasyon sa kanya.

"Hindi lahat ng umiiyak Nikka ay malungkot. I'm sure aware ka sa tears of joy hindi ba?" Napalingon ako sa sinabi niya. Nakatuon na ang atensyon niya sa akin. Biglang tumulo ang luha ko at saka dahan-dahang lumapit sa kanya.

" You're right hindi lahat ng umiiyak ay malungkot...tulad ngayon Maks..I'm really happy that you are safe na. Thank you for fighting" hinawakan niya ang kamay ko at saka ako tinignan ng mataman sa aking mata.

"Pag nangako ako sayo, I'll make sure na tutuparin ko yun." Tumango lang ako sa sinabi niya. "Ang gusto ko lang gawin mo ay ang samahan ako Niks, walang bibitaw"

Hindi ko siya matingnan ng maigi sa isiping hindi ko matutupad ang gusto niya. Napaiyak ulit ako habang nakatingin sa kamay naming magkahawak.

Saka pa lamang ako napabitaw ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Kuya galing doon. Pinunasan ko ang mga luhang nagbabadya pang mahulog.

"Kumusta na ang pakiramdam mo dude?" Nag-aalalang tanong niya kay Makki. Makki smile at him at saka nagsalita " Medyo ayos na" napalingon muli ako sa pintuan ng pumasok sila tita at tito kasunod nila si ate Monique, isang nurse at yung doctor na nag-asikaso kay Makki.

Tinignan siya ng doctor. Vital signs,Blood pressure at kung ano-ano pa. Kaming lahat ay pinagmamasdan lang ang nangyayari. Ng matapos ang Doctor ay sumama si Tita sa paglabas nito. Siguro itatanong kung anong findings at sana okay ang resulta. I hope he's finally safe now.

Nakangiti si Ate Monique na lumapit sa kama ni Makki. " How are you bro?" Ngumiti si Makki sa kanya at kasabay ng pag ngiti niya ay ang pag ngiti ko rin. It is a genuine smile na habang buhay kong bababunin. " I'm fine ate, mukhang fast recovery ang mangyayari. I can feel it" natawa kami sa assurance na sinabi niya sa amin. Pero mas natawa kami ng supalpalin siya ni Ate Monique. " Hayop! Doc, ikaw ba yan?"

Nagtatawanan na ng mapagpasiyahan kong lisanin ang kwarto. Napansin ni Kuya ang paglabas ko kung kaya ay sinundan niya ako. " Nakahanda na ang lahat Nikka, aalis tayo ng bansa bukas ng gabi 7 pm ang alis natin patungong Japan. Pero kung may balak kang hindi tumuloy--" napatigil siya sa pagsasalita ng seryoso ko siyang nilingon.

"We're going no matter what, ito lang ang natatangijg paraan para maging ligtas tayo at pati na rin ang mga...mahal natin sa buhay" malungkot kung sabi sa kanya na ngayon eh may mga luha na namang nagpapaunahan sa pagkalaglag.

Letting go is not easy at kahit kailan kung may choice lang ako ay hinding-hindi ko pipiliin ang bitawan siya pero...alam kong ito ang tamang gawin. To keep him safe kailangang magsakripisyo.

Ngayon lang mas nagsink in sa akin ang lahat. Sacrifice is love. Kapag mahal mo ang isang tao..handang-handa kang masaktan para sa kanya. Kayang-kaya mong isakripisyo yung kaligayahan mo para sa kasiyahan niya.

And this time..bibitaw na ako ng tuluyan.

You are reading the story above: TeenFic.Net