chapter11 nanliligaw

Background color
Font
Font size
Line height

"Thanks for the ride."nakangiti kong sabi kay kael at bababa na sana ko pero bigla nyang hinawakan ang kamay ko."why?"taka kong sabi.

"I have something to tell you ghaile."
Hinintay ko syang magsalita.napa buntong hininga sya at parang kumuha ng lakas bago nagsalita.
"Hindi ko alam pero unang kita ko palang sayo ay pinabilis mo na ang tibok ng puso ko,i know it's to cheesey to hear pero Everytime na nakikita kita ay sumasaya ako at hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi kita nakakasama."hindi na'ko nagulat sa sinabi nya dahil napapansin ko naman din yun."i like you precious,i really like you at sana payagan mo'ko na ligawan ka, tatanggapin ko kung ano man ang magigi mong desisyon."

"Ikaw ba ang nag bigay nung chocolate at teddy bear?"tanong ko, ngumiti sya at nahihiya na tumango.
"Oh,thanks to you."

"So pumapayag kaba na ligawan kita?"sensiryo nyang tanong.
Ngumiti ako at tumango."thankyou ghaile,hindi mo pag sisisihan ang pag payag na ligawan kita dahil sisiguraduhin kong araw araw kong maipapakita kung gano kita kagusto."

_

"What? nanliligaw sayo si kael?yung pogi?"gulat na tanong ni kate venice,tumango ako."well,gwapo naman sya so pasok ba sya sayo?"
Kinikilig nyang tanong.ewan ko ba dito sa babaeng to tuwing kinukwento ko yung mga nanliligaw sa'kin ay lagi syang kilig na kilig.

"Pwede naman."maikli kong sagot at kinain yung binake ni kate venice na brownies.

"Anong pwede na?you mean pwede na as a landi landi?hindi ka parin ba mag seseryoso?"kunot noo nyang tanong.

Wala akong gusto kay kael pero ayokong sa una palang ay masaktan na sya kaya pumayag ako na manligaw sya."hindi ko alam kate pero pwede naman subukan di'ba?malay mo naman sya na pala yung mag papa ibig sa'kin."gosh sabihin ko palang yung word na mag papa ibig is na ki cringe na'ko at tumataas ang balahibo ko.

"Ngayon ko lang to sasabihin sayo precious,pero sana subukan mo din ang mag mahal dahil hindi lang naman sakit ang maramdaman mo dito,dito mo rin makikilala ang sarili mo.dito mo makikita kung makakayanan mo bang lagpasan ang mga problema na dadating senyo ng partner mo.sinasabi ko to not as your friend but as your best friend dahil tinuring nadin kitang tunay na kapatid."nabigla ako dahil sobrang seryoso nya.

"Thanks but hindi ko naman pwedeng pilitin ang sarili ko hindi ba?naghahanap lang naman ako ng lalaking papatunayan na mahal talaga ko hindi lang dahil sa maganda o sikat ako,gusto ko yung tunay na magmamahal sa'kin ay yung makakasama ko nadin sa pag tanda."
Ngumiti sya at nag thumbs up.

"Kusang dadating,sabi nga nila."
Sabay kaming natawa at gumaan ang pakiramdam ko.

Nasa canteen kami ni kate venice para mag order ng food pero may biglang tumawag sa'kin si kael pala.
Lumapit kaming dalawa ni kate venice sakanya at dun na kami naki table.

Tumayo sya para mag order ng food.
May mga nakatingin sa'min pero pag tinignan ko sila ng patalim ay napapaiwas sila ng tingin.

"Hi rhylee"

"Omg baka mag selos si rhy."

"Hi baby rhylee ko."

Nilingon ko ang bagong dating at si rhylee pala, marami ang nag aabang sakanya at kinikilig pa."rhy!"napalingon sya sa dereksyon namin dahil tinawag sya ni kael,gosh wrong timing naman bigla tuloy akong nailang.

"T-thanks."sabi ko kay kael ng iabot nya ang food namin ni kate venice.tinignan ko si kate at tahimik lang din sya.

Lumapit si rhylee at napalingon sya sa'kin."dito kana maupo."aya pa ni kael.hindi na nagsalita pa si rhy at naupo bali magkatabi kami ni kate venice at sila naman ni kael at rhy ang magkatabi.

Nag order din ng food si rhylee,walang nagsasalita sa'min kundi si kael lang at kate.inabutan ako ng tubig ni kael ng bigla akong masamid.

Mas lalong dumama ang nakatingin sa'min."ayos kalang ba?tanong nya,tumango ako at tahimik lang.
Napapatingin ako kay rhylee at tahimik lang syang kumakain.

"Restroom lang ako."tumayo ako at umalis.dun palang ako nakahinga ng maluwag,ewan ko ba pero pag nasa paligid o nasa tabi ko si rhylee ay palang naiilang ako.

Paglabas ko ng restroom ay nakita ko si rhylee at nakasandal sa pader habang nakalagay ang dalawa nyang kamay sa bulsa.

Hindi ko sana sya papansinin pero tinawag nya ko."can we talk?"napalunok ako at pinilit ngumiti ng normal.

"Sure."

___

Hi mga angels ko sana nagustuhan nyo ang chap nato, don't forget po to vote, comments lang kayo kung may suggestion or clarification at share nyo po para malaman din ng iba ang story na to.
Thankyou love y'll 🤗

You are reading the story above: TeenFic.Net