Home

Background color
Font
Font size
Line height

Home.


Sa tagalog tahanan.



Minsan nalilito ang marami sa pinagkaiba nito sa house.




Ang house ay bahay.




Kongretong straktura na dahilan kung bakit meron tayong nasisilungan.



Isa sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao para mabuhay.



Pero ang home o tahanan ay hindi lang basta straktura. 



Hindi basta kahoy, bakal, semento, bato o hallow blocks.


Ang tahanan ay kung minsan tao rin.



Taong mahal natin.



At mahal tayo.


Yung nagpapawi ng lungkot at pagod natin.


Yung kasama natin sa saya at pagtawa.


Kasama natin sa hirap at ginhawa.


Yung taong gusto nating makasama habang buhay.

Yun ang tahanan.

Home.





At kapag nahanap mo na siya, hindi mo na siya dapat pakawalan.

Katulad ng ginawa ko.

Wala na kong araw na palilipasin na hindi ako nakasisigurong siya na ang magiging tahanan ko.









"Ano na naman 'to Navarro? Anong pakulo 'to?" pabirong pasusungit niya.

"Teka lang, Viceral." pabiro ko ring ani.

Nakapiring man ay kinurot pa rin niya ang tagiliran ko.

"Aray," angal ko at hinaplos ang tagiliran kong kinurot niya.

Pinanggigilan na naman ako.

"Anong Viceral, ha? Viceral na lang ako ngayon sayo?" saad niya at akmang kukurutin na naman ako.

Buti na lang nakapiring siya at magaling akong umiwas.

"Bakit Viceral ka naman talaga, diba?" pabiro kong tanong habang inaalalayan siya papasok sa kung saan kami unang nagkita.

Tandang-tanda ko pa ang una naming pagkikita.

Sa mataong lugar na to, kung saan lahat ng tao ay nag-uunahan at pumipila para lang makapagkape.

Habang lahat ay nag-uunahan, huminto naman ang mundo ko nang makita ko siya.

Hindi ako naniniwala sa love at first sight.

Dahil paano mo mamahalin ang taong unang beses mo pa lang nakita?

Pero ang alam ko, nung nakita ko siya, huminto ang mundo ko at para akong naka-fast forward kung saan siya na ang kasama ko sa pagtanda.

Hindi ko alam kung dahil ba sa nagagandahan ako sa kaniya o dahil sa kakaibang pakiramdam na para bang matagal ko na siyang kilala.

Kung meron namang pinagtagpo ng tadhana, kami na ata yun.

Dahil wala na kong ibang maisip na dahilan kung bakit ko naramdaman ang bagay na yun.

"Ah, kaya Viceral na lang ako ngayon sayo? Hindi na 'MINE'?" pabirong sagot niya rin sa akin.

"Alam mo para hindi na tayo mag-away palitan na lang natin yung apelyido mo." saad ko kasabay ng pagtanggal ng piring niya.

"Palitan na natin yan ng apelyido ko." dagdag ko at lumuhod sa harap niya habang hawak-hawak ang singsing na naghihintay na masuot niya.

"Vhong..." tanging saad niya habang tinitignan ang paligid.

Sa coffee shop kung saan una kaming nagkita at kung saan naganap ang lahat ng date namin nung mga panahon na parehas pa lang kaming nagsisimula, naka-display ang mga pictures naming dalawa.

Ang mga pictures na nagpapakita ng mga pinagdaanan naming magkasama.

"Jose Marie Viceral, pwede ka bang maging Mrs. Navarro?" at sa pagkakataong ito, sa coffee shop na saksi ng pagmamahalan naming dalawa, itinanong ko na ang tanong na napakatagal ko nang gustong itanong sa kaniya, mula pa nung una kaming magkita.

"YES!" masayang sagot niya at niyakap ako.

Dali-dali ko nang isinuot sa kaniya ang singsing na matagal ko nang tinatago.

Noong araw na sigurado na ko na siya ang taong gusto kong makasama habang-buhay ay bumili na agad ako ng singsing, naghihintay lang sa tamang pagkakataon na matanong ko siya.



















At ngayon walang paglagyan ang kasiyahan ko dahil matagal kong hinintay ang pagkakataon na to at ngayon, ito na, masasabi ko nang magiging misis ko na siya, ang aking tahanan.

"Well, since umoo ka naman na sa akin at wala ka nang kawala," ani ko habang tinitignan siya ng nakakaloko.

"Hoy! Hostage taking naman pala to." biro niya at itinaas ang kamay niyang may singsing.

Bagay na bagay sa kaniya ang singsing na bigay ko. Kasing kinang ng dyamenteng nasa singsing ang kinang ng kaniyamg mga mata.

Kasama pa ng matamis niyang ngiti.

Habang tinitignan ko siya para bang mas lalo pa kong nahuhulog sa kaniya.

"Loko!" saad ko at hinalikan ang kaniyang kamay.

"Pero seryoso na, Mine. Ngayong araw na 'to ang pinakamasayang araw ko." kinawakan ko ang kaniyang kamay.

Itong kamay na 'to ang kamay na gusto kong hawakan habang-buhay.

"Paano yung araw na nakilala mo ko?" pabirong saad naman niya.

"Yun naman yung pinakamaswerteng araw ko. Isipin mo, sa dami nang tao sa coffee shop na 'to, sinong mag-aakalang tayo ang magkakatuluyan?" katulad ko ay para bang inaalala rin niya kung paano kami unang nagkita.

"Tinadhana," saad niya

"Tinadhana." pag sang-ayon ko sa sinabi niya.

"Alam mo ba ang kaibahan ng bahay at tahanan?" tanong ko naman para maipasok ang susunod kong surpresa

"Ano?" tanong niya

Inalalayan ko siya para tumayo mula sa aming lamesa.

"Ikaw ang tahanan ko, ang taong pinapangako kong mamahalin at aalagaan habang-buhay, o hanggang kabilang buhay. Ikaw at ikaw lang." saad ko at hinalikan ang kaniyang ulo.

"Napakatamis mo naman Navarro!" pabirong ani niya at hinalikan ang aking pisngi.

"Ano naman yung bahay?" tanong naman niya

Iniharap ko siya sa projector screen na inihanda ko kanina.

"Ito ang magiging bahay natin." saad ko kasabay ng paglabas sa projector screen ng larawan  ng magiging bahay namin.

"Isa 'to sa mga pinagkaabalahan ko nitong nagdaang mga araw." saad ko dahil maliban sa bahay namin ay pinagkaabalahan ko rin ang magiging kasal namin.

At hindi na ko makapaghintay na sabihin sa kaniya yun bilang ikatlong surpresa ko sa kaniya.

"Happy anniversary, Mine" nakangiting bati ko.

Sinong mag-aakalang aabot kami ng apat na taon? At sinong makakapagsabi na sa ikaapat na taon ay matatanong ko na siya para maging misis ko kasabay ng pagsurpresa ko sa kaniya ng magiging bahay naming dalawa?

Napakaswerte ko nga naman talaga.

"I love you," naluluha sa sayang saad niya bago ako halikan.



















Para ikatlong surpresa ay umalis na kami sa coffee shop para puntahan ang magiging bahay namin. Kung saan sasabihin ko na rin sa kaniya ang tungkol sa aming kasal.

Ilang buwan ko rin iyong pinaghandaan at itinago sa kaniya. Naging dahilan pa nga ito ng hindi namin pagkakaintindihan dahil nga sa halos araw-araw kaming nagkikita ni Liz at Bea para sa pagplaplano ng aming kasal.

Kahit na nagkaganun ay alam ko namang magiging sulit ang lahat ng pagod at lahat ng pinagdaanan namin dahil para sa kaniya naman yun. Para sa taong pinakamamahal ko.

Habang nagmamaneho ay hawak‐hawak ko ang isa niyang kamay. Habang ang isa naman ay nasa manibela.






















Saglit ko siyang tinignan bago makuha ang atensyon ko ng nakakasilaw na ilaw.
































.
"Kuys hindi ka pa ba uuwi? Gabing gabi na baka magsara na rin sila." ani ni Jhong habang ang mga kaibigan naman namin ay nagliligpit na ng mga gamit namin.

"Isang taon na," malungkot kong saad.

"Isang taon na Kuys pero nandito ka pa rin. Hindi ka ba napapagod na maghintay? Kasi kahit anong hintay mo dito hindi naman na babangon sa hukay si Vice." binuksan niya ang bote ng beer at inabot sa akin.

Isang taon na mula nung naaksidente kami nung araw ng 4th anniversary namin.

Ngayong araw dapat ang kasal namin ni Vice pero sa halip na ipagdiwang ang araw na napakatagal kong hinintay ay nandito ako ngayon sa harap ng puntod niya, nagluluksa at pinagsisisihan ang araw na yun.

Kung alam ko lang na mangyayari sa amin yun sana pala hindi na lang ako nagmadaling tanungin siya. Hindi na lang dapat ako nagmadaling pakasalan siya.

Hindi na lang dapat ako nagmadaling puntahan ang bahay naming dalawa.

Kasi ang maghintay ng ilang taon ay kakayanin ko pa pero yung mawala siya sa tabi ko ang hindi ko kaya.

Bakit kailangan niyang mamatay?

Bakit kasi ako pa ang nabuhay sa aming dalawa?

Bakit kailangan kong mabuhay na wala siya?















Nagsiuwian na ang mga kaibigan namin pero ako, nanatili pa rin ako dito.

"Mine masaya ka ba dyan?" saad ko habang nakatingin sa puntod niya.

"Hindi mo ba ko nami-miss? Ako kasi miss na miss na kita." hinaplos ko ang mga letra sa lapida niya, iniisip na ang hinahawakan ko ay ang kaniyang mukha.

Humiga ako sa tabi ng kaniyang puntod, ini-imagine na siya ang katabi ko.

Sa loob ng isang taon para bang nawalan na rin ng direksyon ang buhay ko. Ang tanging dahilan na lang kung bakit di ko napapabayaan ang trabaho ko ay dahil iniisip ko na baka ma-disappoint ko siya.

"Homeless na ko kasi wala ka na. Wala na yung tahanan ko." pabirong saad ko kahit na may mga luhang kumawala sa aking mga mata.

Homeless na ko kasi wala na ang aking tahanan. Wala na siya. At hindi ko na rin kayang umuwi sa bahay naming dalawa.

Dahil hindi ko kayang isiping titira ako sa bahay na iyon na hindi siya kasama.


"Sunduin mo naman na ko dito." saad ko bago halikan ang kaniyang lapida.












Madaling araw na nang makaalis ako sa sementeryo dahil na rin sa humingi lang naman ako ng konting oras sa mga nagbabantay rito para makasama siya sa anniversary namin.







Hindi na ko nagdala ng sasakyan dahil alam kong hindi ko rin naman kakayaning magmaneho ngayon. Maaalala ko lang ang aksidenteng nangyari sa aming dalawa.

Patawid na ko nang makita kong nagpula na ang stoplight. Hindi na ko umabot pa.

Naghihintay lang ako na matapos ang pagbilang sa stoplight para makatawid na ko nang nakita ko ang batang nagmamadaling tumakbo.

May ilang nagsisigawan pero dahil nga bata pa ito ay tila ba hindi niya kami naiintindihan at nagpatuloy sa pagtakbo.

Muntikan na siyang matamaan ng isang kotse pero buti na lang ay agad itong nakapreno.

Kaya lang nagsigawan muli ang lahat ng may isang truck napaparating.


"Bata!" sigaw ko habang nagmamadaling itinulak palayo ang bata patungo sa gilid ng kalsada at sa aking paglingon ay tanging nakakasilaw na ilaw ang aking nakita.















"Welcome home, Mine," nakangiting bati sa akin ni Vice at hinalikan ang aking labi.





Sa pagkakataong ito alam ko nang nakauwi na ko.














I'm finally home.


















Author's Note:

Alam kong napakabigat ng last update ko sa "You're Mine" kaya ito na ang update na hindi masyadong palubog.

Sequel to ng story ni RuinousMystery na "Back Home"

Tsaka inaaway na kasi ako ni RuinousMystery para gawin tong collab na to. At para mag update.

Daig pa jowa.

Vote and Comment mga sis.

Pampagana lang magsulat kahit na palubog na ang VhoIce HAHAHAHAH

If may request, willing po akong gawin HAHAHAHHAHA




You are reading the story above: TeenFic.Net