"Girl, nakakagulat yung nangyari ha," Ani Gen.
Nandito kami sa bahay nila. Tumambay lang ako kase wala namang pasok.
"Wag na nga natin pagusapan yon. Kumukulo lang dugo ko eh," sabi ko habang kumakain ng chips.
"You know what? Year ago, sobrang nagbago si Eli. Pero hindi naman totally na nagbago pero nasobrahan," Pagkkwento ni Gen.
"Ha?"
"Noong ghinost ka nga nya, ang dami nya laging babae. As in siguro everyday iba iba babae nya. Si Trixie lang ata tumagal sa mga babae nya eh. Iba ibang school den," Pagdudugtong ni Gen.
Umirap lang ako, "Of course, kapag malandi ka talaga mas tatagal ka. Look at me, hindi ako malandi ayan tuloy, hindi kame nagtagal,"
"Alam mo, tangina ka. Hayaan mo na nga si Eli. Babaero naman yon. Iba ibang babae IG story lagi," Inis na sabi ni Gen.
Kaya naman pala. Siguro nga nagsawa sya sakin. Okay, ngayon alam ko na. Maging malandi para hindi iwan.
________
Nandito ako ngayon sa Starbucks para gumawa ng research paper. Gusto ko lang ng matahimik na lugar.
Umorder na ako ng frappe at umupo. Habang nagttype sa laptop ko, nagulat ako ng biglang may umupo sa harapan ko.
"Is this seat taken?" Tanong nya.
I chuckled, "Well, I guess by you."
"Nagkita na naman tayo," Sabi ko sabay tingin sakanya.
Sya yung nasa bar. Yung taga La Salle. Pero nakalimutan ko na name nya. Duh, ang tagal na din kase.
"Yeah, actually, nakita lang kita dito kaya dumiretso na ako dito. Im bored, gusto ko ng may magulo eh," Cool na sabi nya.
Napairap naman ako. Wtf?
"Alam mo, gwapo ka sana eh, kaso monggoloid ka lang. Wala ka bang magawa ha? Like flirt! Ang daming magaganda naman sa La Salle eh," Medyo nalakasan ko yung boses ko kaya naman medyo napalingon sa akin yung ibang tao.
"Im flirting kaya. Manhid ka ba?" Seryosong tanong nya.
"Im a Tiger now, gusto mo may mawasak na naman na Alcher?"
"I dont mind being mawasak, pero gusto ko ikaw wawasak," Aniya sabay kindat.
Tangina? Siraulo ba to?
"Alam mo, you need God," Patango-tangong sabi ko.
"Yes, but He said I also need you,"
Napasapo na lang ako sa aking noo. Bakit ba ganto sya?
Nagkwentuhan pa kami at binwisit nya pa ako. Hanggang sa nagaya na akong umuwi.
"Uwi na tayo. Hinahanap na ata ako nina Mom," Ani ko.
"Why? Family dinner? Baka kasama dyan ex mo ha," Aniya sabay kuha sa mga gamit ko.
"Yep, pero hindi sya kasama at lalong lalo na hindi ko sya ex," Inis na sabi ko at bawi sa mga gamit ko.
"Ang taray naman, porket naghost eh," Aniya.
"Kung ighost kaya kita?" Pagbabanta ko sakanya at lumabas na kami ng Starbucks.
"Tara na, hatid na kita," Aniya at dumiretso sa kotse nya na naka-park.
No choice na ako. Galit na sina Mom eh. At para may pakinabang naman tong si Klyd.
"Alam mo mahiyain akong tao pero tara na,"
_________
"Thank you Klyd," Sabi ko pagkababa ko ng sasakyan nya.
"Anong thank you? Duh, wala ng libre ngayon Ms. Valeria," he said at ngumiti ng nakakaloko.
Sinamaan ko sya ng tingin, "Kung inalok moko para magbayad, aba, sana nagtaxi na lang ako diba?"
Tumawa sya, "Hindi naman pera eh. Ang gusto ko ikaw- ay mali ano pala hindi mo ba ako ipapakilala sa parents mo?" He said while pouting his lips.
"Bakit naman kita ipapakilala? Jowa ba kita?"
"Pwede din. Pero jowa lang ba pinapakilala? Nako ha, napaghahalataan ka, Ianne."
"Malay ko ba!"
Habang nagbabangayan kami, narinig kami nina Mom.
"Iya? Ano yan?!" Sigaw ni Mom.
Shit. Ano na namang kahihiyan to, Iya?
"Umayos ka ha!" Pasigaw na bulong ko kay Klyd at hinampas ko pa sya.
Inayos ko ang sarili ko at hinawakan ko ang braso ni Klyd at ngumiti.
"Mom!" Sigaw ko at lumakad kami papasok sa bahay namin.
"Hija? Nandyan ka na pala-- Oh, who's this handsome guy?" Ani Mommy at lumapit kay Klyd.
"He's Klyd, Mom. Uhm ano, my friend!" Agad na sabi ko at kinurot ko si Klyd para magsalita.
"Yes po Tita! Bestfriend po ako ni Ianne," Sabi ni Klyd at nagbeso pa kay Mommy.
Sipsip talaga to.
"Kumain ka na ba? Tara, Klyd sumalo ka samin," Ani Mommy habang hinahanda ang mga plates sa dining table.
Tiningnan ako ni Klyd at tumango lang ako. Ayoko namang pagbawalan sya dahil sa ayaw ko.
After namin kumain, chinika muna sya nina Mom and Dad about his background ganon. Kung san nag-aaral. Well, hindi naman mapili parents ko, basta may pangarap at gwapo don na sila.
Pero bat ko ba to sinasabi? Duh.
"Thank you po, tita and tito for the food," He said and smile at parents.
"Of course, always welcome hijo. Thank you den sa paghatid sa masungit na anak ko," Mommy said at sabay sabay silang tumawa.
Mga taksil!
"Anak, ihatid mo na sa labas si Klyd," Ani Dad.
Sumaludo pa si Klyd at lumabas na kaming dalawa.
"Alam mo, ang plastic mo, yak ka!" Pabulong na sabi ko sakanya.
"Im not ha. Ako kase yung ideal guy ng parents mo for you, kaya kung ako sayo, pumatol ka na saken, Ianne. Ikaw den dami kayang abangers,"
"Bahala ka dyan. Lingfee ka,"
"Sige na, Ianne. Bye," Sabi nya sabay smile. "Wag moko masyadong mamiss,"
Monggoloid talaga. Umiling na lang ako at pumasok na.
Hindi naman siguro masama magtry ulit right?
________
Pagpasok ko ng room namin kaagad nila akong pinagtitinginan. Anong meron?
Hindi ko na lang pinansin hanggang sa mag-uwian. Parang ilap sa akin lahat ng tao. Duh, anong meron?
Hindi ako nainform na may pagganto dito sa USTe ha.
Nandito na ako sa may España ng biglang may tumawag sakin.
It was Eli. Wow, coincidence?
"Can we talk, for a moment please, Iya?" Aniya.
"Ano pa bang paguusapan? Malinaw na sakin lahat, Eli, okay?" Kalmadong sabi ko.
"Pwede ba tayong bumalik sa dati?" Maamong tanong nya.
Tumawa ako, "Naririnig mo ba yung sinasabi mo Eli? Well, definitely no." Mariin na sabi ko.
"Bakit? Dahil may iba ka na? Kase nandyan na yung lalaking taga La Salle? So, you're flirting back?"
"Wow! So ako yung issue dito? Eli, mahiya ka nga! Wala ka sa lugar husgahan ako kase hindi mo alam yung totoo!"
"Alam ko na. Bago mo sya. Ang dali lang sayong--"
"Coming from you? Na ghinost ako? Wow! Iba ka talaga! Bakit, Eli? Noong iniwan mo ba ako, may sinabi ba ako sayo? Wala naman diba?"
"Im sorry," Napayuko sya.
Dalawang minutong katahimikan para sa aming dalawa.
"Minahal naman kita eh, pero sinayang mo. Kaya 'wag mokong pagsasalitaan like ako pa may kasalanan ng lahat. Isisi mo yan sa sarili mo kase hindi mo napigilan yang kalandian mo!" Sigaw ko at hindi ko na napigilang umiyak.
Kapag talaga naalala ko yon? Ang sakit para akong dinudurog. Like ano bang wala sakin? Am I not enough?
"Im sorry, Ianne. Pero kaya ko lang naman yon nagawa kase ayokong madamay ka. Binalaan ako non ni Trixie na kapag hindi kita iniwan idadamay ka niya at guguluhin ka nila ng mga tropa nya. Natakot ako non, Ianne, and I had no choice kung hindi gawin yo--"
"You have other choices, Eli, hindi mo lang yon pinili. And thank you kase sinabi mo na yung reason mo. Pero I dont think na mapapatawad kita ngayon,"
"Sorry, Iya. Please? Comeback to me," Sabi nya sabay hawak sa kamay ko habang umiiyak.
"Sorry den, pero I can't, Eli, not now. Pero malay mo in the future tayo pa den right? Hindi naten kaibigan ang panahon, walang may alam sa mangyayare,"
"I will wait for that future, Iya," He said.
I smiled at niyakap ko sya. Ayoko naman na maging bitter.
________
Graduation day, and now time na para maghiwa-hiwalay kami.
Nandito si Gen dahil nauna yung Graduation nila kaysa samin.
"Congrats, Valedictorian!" Sigaw ni Gen at niyakap ako.
Kumpleto ang buong tropa. Proud sila sa akin dahil I did it.
"Grabe! Ang galing naman ng future doctor natin!" Sigaw ni Ken at nagtawanan lang kami.
After ng ceremony, aalis kami ng family ko. To celebrate daw ng achievement ko.
Ininvite den nila si Klyd, ewan ko kung bakit. Close na den kase sila ng parents ko. Sipsip talaga.
"Wow, Ms. Valedictorian! Naks! Pano sumipsip sa teacher?" Aniya sabay siko sakin.
Sinamaan ko lang sya ng tingin, pero tumawa lang sya at niyakap ako. May regalo pa sya. Anklet.
"Wow, may pagganito ka ha! Anong meron?"
"Wala, natripan ko lang tapos wala akong mapagbigyan kaya sayo na lang," sarcastic na sabi nya.
Inirapan ko lang sya, "Thank you, kupal!" Sabi ko at sabay hinug ko sya.
Pinagtripan pa kami nina Mommy at pinicturan kami ni Klyd. Duh.
Etong kumag naman? Tuwang tuwa sa kalokohan ng mga magulang ko. At kinuha pa yung mga pictures at itinago nya. Ang selfish!
Habang kumakain kami, tinanong nina Mommy kung saang med school magaaral si Klyd kase yes, STEM student den ang loko.
"Hm, maybe sa ibang bansa po," casual na sabi nya.
"Wow! Doon din gusto ni Iya eh,"
Oh shet. Pati ba naman sa pagcollege kasama ko pa din tong monggoloid na to?
"Favorite talaga ako ni tadhana," Ani Klyd sabay ngiti.
Wtf?
You are reading the story above: TeenFic.Net