CHAPTER 3

Background color
Font
Font size
Line height

Years passed since naging tanga ako. Yes, isang taon na noong maghost ako ni fucking Eli.

Pero past na yon, iba na ako. Grade 12 na den ako. Graduating na. At eto nagtatalo kami nina mommy. Gusto nila akong palipatin sa UST. Mas okay daw don.

My gawd. Ayoko nga don kase ayoko maging part ng Ghosting Club 'no.

"Ianne naman, gusto ko makapag-graduate ka sa isang prestigious na school, please? Just this once. After this school year, edi lumipat ka na lang ulit,"

Kayo na lang kaya magaral? Palit tayo ng sitwasyon Ma?

Umirap ako, "Hay nako, Ma. Ikaw bahala basta papagaralin moko sa kahit anong gusto kong med school ha," pagbabanta ko.

She chuckled, "Of course naman anak. Basta magayos ka lang sa pagaaral mo. At wag ka muna magboboyfriend, sagabal lang yan," Ani Mommy.

Tama ka dyan, Ma. Kaya nga heto ako naghost eh.

Hindi ko na lang sya pinansin at tumingin tingin ng IG story, and there I saw his IG story. Active na ulit si gago.

After akong indianin, deputa na to. Gusto ko magreply kaso wag na lang.

Gwapo sana kaso manloloko, lol.

_____

Nakapasa ako sa USTET. Good news right? Ang hindi lang maganda, same school na kami.

"Wow, talino talaga girl!" Bati saken ni Gen.

Palibhasa hindi pinalad dito eh.

"Nako, chamba lang to. Nilandi ko lang talaga yung teacher beh," Biro ko sakanya.

"Gago, sige na nga uwi na ako. May pasok pa bukas eh. Goodluck sa first day mo!" Pagpapaalala nya kaya binigyan ko sya ng malaking pakyu.

_____

Kinabukasan hinatid ako ng driver namin. Bilin na din ni mommy. Over protective sila saken, only child eh.

Madaming estudyante kase first day. Ang ganda dito, super relaxing. Para kang nagtime travel from 1892.

Senior na ako. Ayoko na maging dumbbell, huhuhu.

Smooth naman ang naging first day ko. After class daw may plano si Gen, mag cucut daw sya ng class nya at pupuntahan kami.

Sya lang kase hiwalay sa tropa.

Habang tinetext ko sya kase magkikita kami sa main building ng UST.

Bigla ko nang nakita sina Eli at ang iba pang mga tropa nila. After a year, first time ko lang ulit sya makikita ng personal.

Wala pa ding pagbabago, mukha pa ding manloloko.

Hinintay ko muna dumating si Gen bago ako pumunta sa kanila.

Napansin naman agad nila ako at agad silang nagubuhan.

"Long time no see, Ianne!" Bati sa akin ni Ken.

"Yeah," tipid na sabi ko tsaka ngumiti. "Its good to be part of USTe. Is it fun be a Thomasian?" Tanong ko sakanila. Alam kong nakatingin lang sakin si Eli.

"Of course!" Sabay sabay silang umagree.

I just shrugged. "Hey, Gen, Im sorry but may urgent kase na nangyare, una na ako ha. Bye," sabi ko tsaka sila nilagpasan lahat.

Ni hindi ko tiningnan sila sa mata. Ayoko lang bumalik yung sakit na dinanas ko year ago.

_____

Ayoko iwasan sila kase ayoko magmukhang bitter sa nangyare. Alam ko aware silang lahat don.

Kaya heto ako ngayon sumama sakanila magbar. Finally, sa totoong bar na sa may BGC kami.

18 na kase sila. Legal age na. Ako lang 17 pero dadayain na lang daw nila.

Successful naman kaming nakapasok dahil nga sa malanding si Gen. Hinarot muna yung lalaki then boom, nakapasok na kami.

Madaming sumasayaw at nakakahilo den yung party lights na tumatama sa mata namin. At ang nakakaindak na beat ng kanta.

Umupo na kami sa table namin. Ang daming estudyante ngayon ha. I guess kailangan ko na lang masanay.

"Oh, tequilla!" Alok sa akin ni Gen na kaagad ko naman tinanggap.

For once, ayoko naman maging kj. After a couple of minutes, mabilis silang nagkawalaan.

Malawak ang bar at madami ang tao kaya imposibleng mahanap ko pa sila. Wala na din si Gen. Panigurado humaharot na naman yon.

Naiwan kaming dalawa dito ni Eli. Ang awkward sht. Kinuha ko ang isang bote ng smirnoff at nilagok yon.

"Why are you drinking? Who told you?" Nilakasan nya boses nya para marinig ko.

Hindi ko sya sinagot at nagpatuloy pa din sa paginom. Ayoko magsalita, ayoko may masabing masakit na salita sakanya. Hindi 'to yung perfect time.

"Tss," sambit nya.

Lalapitan na sana nya ako nang biglang may dumating na babae.

Oh its Trixie. Sila na ulit? Tangina, comback huh.

"Hey, Eliaas! Come on, dance with me! Lets have fun like we always used to do!" Malanding sigaw ni Trixie at nakalingkis na agad kay Eli.

Magsama sila, mga fucking sht. Umirap na lang ako at inubos ang bote ng smirnoff. Sana lang hindi ako malasing.

Umalis na silang dalawa. Habang umiinom akong magisa, biglang may lumapit na lalaki.

"Hey, miss? Mag-isa ka lang?" Aniya habang umupo sa tabi ko.

Hindi ata uso dito yung space eh.

"May nakikita ka ba?" Asar na sabi ko.

Taga-la salle ata to. May I.D pa eh.

"Hulaan ko," aniya habang nakatitig saken.

Tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Biktima ka ng isang Thomasian," aniya.

Umirap lang ako. At bigla syang tumawa.

"Sabi ko na eh! Alam mo, miss. Kung ako sayo, sa taga la salle ka na lang, iba magmahal kaming la sallian,"

"Whatever. Pare-pareho lang naman kayong mga lalaki eh. Magagaling lang kayo sa mga sugar coated words nyo, duh,"

"Nag-sugar coat ba ako sayo?"

I just shrugged, "Siguro sa mga susunod na araw, oo,"

"Try me," Aniya sabay ngiti. "De joke, hindi naman kita type eh kaya walang susunod na araw,"

Gwapo sya ha. Matangkad sya, messy hair, maputi, payat, daks din ata. Pero tangina lakas mang-asar.

Mayamaya nakita ko na lang ang sarili ko na sumama sakanya sa may dance floor.

Shet, bangag na ata ako.

"What's your name?" Sigaw ko.

"Klyd!"

"I am Ianne!" Sigaw ko pabalik habang sumasayaw.

Habang nagtatawanan kami, nabigla ako dahil biglang natumba si Klyd.

Sinuntok sya ni Eli.

"Eli, ano ba!" Sigaw ko.

Natigilan ang nagsasayawan sa dance floor. Sht, lagot kami.

Inaawat na sya ng mga bouncers at dumating na din sina Ken para tumulong.

Tinayo ko si Klyd. Kawawa naman yung mukha neto.

"Are you okay?" Nagaalalang tanong ko sakanya.

"Yeah, yeah, dont worry about me," aniya sabay ngiti saken.

"What the hell is wrong with you?!" Sigaw ko kay Eli.

Ano na namang trip neto?

"Eh, minamanyak ka na nyan eh! Tangina!" Sigaw nya pabalik.

"What the hell?! May evidence ka ba? Wala naman diba? Hirap sayo nagcoconclude ka kaagad!"

"Baket mo sya pinagtatanggol? Kase ginusto mo! Ginagago ka na, gustong gusto mo pa!"

"Wow, coming from you!" Sigaw ko tsaka nagwalk out.

Medyo tipsy na den ako, pero naglakad talaga ako sa abot ng makakaya ko.

Kinuha ko yung bag ko tas lumabas. Tatawag na sana ako ng taxi pero pinigilan ako ni Eli.

"Ihahatid kita," mariin na sabi nya tsaka hinawakaan ako ng mahigpit sa kamay.

"No need. Bumalik ka na doon at asikasuhin mo yung Love mo," sabi ko tsaka binuksan ang phone at nagpaalam kay Gen.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Sigaw nya.

"Why are you here, Elias? Why? Sawa ka na ba kay Trixie kaya ka nandito saken? Why kase naawa ka saken? Kase lolokohin mo ulit ako? Ano?!" Sigaw ko.

Wala na. Hindi ko na kaya.

"Napaka gago mo! Kung kailan gusto na kita, tsaka moko iniwan! Naghintay ako. Hinintay kita. Pero nasaan ka? Wala. Lahat ng paraan ginawa ko, pero ano? Iniiwasan mo. Ano yon? Trip mo? Na kapag gusto mo lang tsaka mo lalapitan? Ginawa mo akong tanga! No replies, no explanation, wala lahat! Sana worth it no?"

Umiiyak na sya sa harap ko. Well, umiiyak na den ako. Im just human too.

Pero sya nambabae, sya nagloko, sya pa may ganang umiyak? Best actor sht!

"Congrats sayo, kase nakasakit ka," Sabi ko tsaka ako naglakad palayo. Wala na akong pake kung ano pang mangyare saken.

Ayoko lang syang makita. Ayoko bumalik yung dati.

Ghosting is not fun. May feelings ka kase na napaglalaruan. Kung gusto mo yung tao, pursue him/her. Pero kung ayaw mo? Stop, kase in the end makakasakit ka lang.

You are reading the story above: TeenFic.Net