Chapter 14

Background color
Font
Font size
Line height

Devon's PoV

Next Day...

"GOOD MORNINGGGG EVERYONEEE!!!"

Masigla kong bati pagkagising ko. Wala lang masaya lang talaga ang gising ko. Ang sarap ng gising kung kompleto ang tulog. Hehe..

"Anong nakain mo Devon at ang sigla sigla mong gumising?"

Kaya napatingin naman ako sa pinaghalingan ng boses. Nakita ko syang nagtutupi ng mga damit namin.

"Good morning inay... Bakit masama bang maging masigla ngayong araw? Hmp." nakanguso kong sabi.

Inirapan naman ako ni nanay at binalik ang atensyon sa tinutupi. Pero ilang segundo agad na binalik ang tingin sa akin.

Kaya napakunot naman ako dahil dun.

"Bakit, nay? May problema po ba?" medyo kabado kong tanong sa kaniya.

"Diba humingi ka ng pera sa akin kagabi para may ipangbili ka nang mga gamit sa pagdrawing? Sabi mo ngayong araw ka binili?" takang tanong ni nanay sa akin.

Dahil dun lumaki agad ang dalawa kong mata. Syet! Nakalimutan ko na ngayong araw pala ako binili ng mga materyales para sa pagguguhit...

Napapukpok na lang ako ng noo." Oo nga po pala, nakalimutan ko.. Huhu. Salamat talaga inay at hindi mo nakalimutan yun.. Makakalumutin na talaga ako." taranta ko sabi sa kaniya.

"Eh ano pa ba ang ginagawa mo dito? Magbihis ka na at kumain. Baka ako pa ang pupukpok sa ulo mo e." masungit na utos ni nanay. Sunget. Hmp.

"Sungit mo inay. Kumain ka na ba? Ang aga mong gumising a." patanong kong sabi sa kaniya.

Kunot noo ko syang tinignan habang inaayos ko ang paglalagay ng salamin sa mata ko. Oo nga pala, nagtaka si inay kung saan ko daw nakuha ng pambayad sa salamin ko.

Wala naman daw syang binigay na pera sa akin na pambili ko. Alam mo naman kami kung may gusto kaming bilhin pinag iipunan namin.

Sinabi ko na bigay ni Calvin ang salamin. Kaya nakatanggap ako ng sermon kay nanay, bakit daw tinaggap ko. Keso daw nakakahiya kay Calvin. Keso daw naggastos pa daw sya dahil lang dun... Madaming keso daw ang sinabi ni nanay.

Pero kalaunan naman sobrang tuwa nya dahil may bago na akong salamin sa mata, matagal tagal na kasi na hindi nya ako nabibilhan ng bago.

Kita nyo tong nanay ko, may pa saway saway pang nalalaman kung bakit ko tinanggap ang bigay e, tuwang tuwa naman din pala. Psh..

*boink*

Dun naman nabalik ang diwa ko dahil sa pagbatok ni nanay.

"Nay naman, bakit ka ba nambabatok? Nakakagulat ka naman e." nakanguso kong reklamo habang hinihimas ang ulo kong binatukan ni nanay.

"Ano pang tinutunganga mo dyan a? Bakit hindi ka pa nagbibihis?" masungit na tanong ni nanay at tinaasan nya ako bigla ng kilay.

"Ito na nga po e, magbibihis na. Hmp." nakanguso kong reklamo.

Agad akong kumuha sa kabinet ko at agad dumeresto sa banyo namin.

Nang matapos akong naligo at nagsuot ng damit. Tumingin muna ako sa salamin sa loob ng CR.

"Ok na siguro itong suot ko. Binili lang naman ako ng gamit sa pagdo drawing e. Hindi naman ako nakikipagsabay sa uso." kausap ko ang sarili ko sa harap ng salamin.

Inayos ko ang buhok ko. Hmm. Inipit ko naman ang buhok sa tainga ko at ngumiti ng malawak.  Para akong sinapian na masamang ispiritu.

Wala namang masama kung magpaganda ako. Hehe! Bakit ang pangit ko kasi? Hmp. Minsan iniisip ko, paano kaya kung maganda ako? May magkakagusto na sa akin?

Alam ko sa sarili ko na walang magkakagusto sa akin. Ang baduy baduy kong manamit, manang na manang ang dating.

Napabuntong at napakagat ako ng labi dahil sa namumuo sa aking isipan.

Tumitig ako sa salamin at nginitian ang aking sarili.

"Wag kang mag-alala Devon, darating din ang taong para sayo. Yung taong tanggap ka kung ano ang itsura mo. Yung taong tanggap ang pagkatao mo. Yung taong hindi ka iiwan at pababayaan. Yung aalagaan ka ng buong puso. Yung mahal na mahal ka." madamdamin kong sabi sa aking sarili habang nakatingin sa reflection sa salamin.

Inayos ko muna ang salamin sa mata ko bago lumabas sa loob ng CR. Sinalapay mo muna ang towel ko sa likod bahay bago pumunta sa hapag kainan.

Nang makarating ako sa hapag kainan, nakita ko si nanay na naghahanda ng pagkain. Napakunot ako bigla, akala ko kumain na sya?

Agad akong umupo sa upuan. Tamang tama naman na patapos si nanay.

"Kain na nak."

"Akala ko po tapos na kayong kumain?" nakakunot kong tanong sa kaniya habang linalagyan ng kanin ang plato ko.

Napatingin naman sya sa akin." Hinintay kita, nak, alam mo naman na hindi ako makakain kung hindi kita kasabay." pambobola ni nanay.

Natawa naman ako at pabirong inirapan.

"Ikaw talaga nay, kain na nga tayo. Ang sarap pa naman ng ulam namin. Piniritong itlog." natatawang pagyayang kumain.

Nagpray muna kami bago kumain.

"Sige nay mauna na ako." paalam ko sa kanya.

"Ingat sa biyahe nak, lagi mong icheck ang bag mo baka hindi mo namamalayan wala na pala." paalala ni nanay sa akin.

Mgumiti naman ako sa kanya at yumakap. Malambing nga si nanay.

"Opo nay hindi ko yun makakalimutan. Kahit naman ganito ako, malakas kaya ang anak mo." maangas kong sabi kay nanay habang pinapakita ang muscle ko. Kahit wala naman. Psh.

Natawa naman si nanay dahil sa sinabi ko.

"Ikaw nak, o sya. Baka wala ka ng masakyan nyan. Ingat sa biyahe."

Kumaway kaway naman ako sa kanya at natumalikod na.

Pumara agad ako ng tricycle. Habang nasa biyahe ako, iniisip ko ang mga bibilhin kong pandrawing.

Nang makarating ako sa mall agad akong nagbayad at naglakad papasok. Napapamangha na lang ako sa mga nakikita ko. Parang akong baliw na napapamangha. Mabibilang lang kasi kung kailan ako makakapunta ng mall.

Ganun talaga ang mahirap, nabibilang lang kung kailan makakapunta sa ganitong lugar.

Naglakad na lang ako papuntang department ng mga bilihan ng pandrawing. Agad akong pumasok pagkarating ko.

Nagtingin tingin naman ako. Ang gaganda ng paninda nila. Kung marami lang akong pera, baka bumili na ako ng nagugustuhan ko.

Dahil nga mahirap lang ako, dapat bumili lang ako ng mumurahin, tamang tama sa dala kong pera.

Nang makita ko ang inahanap ko. Agad ko itong sinuri, baka kasi may sira mahirap na.

Nang nabili ko na lahat ng binili ko, agad akong pumunta sa counter. Pero bago yun, tinignan ko muna ang mga binili kong gamit.

Bond paper✔️
Graphite pencils ✔️
Ruler✔

Protractor ✔️
Compass✔️
Sharpeners✔️
Eraser ✔️

Ano pa ba ang kulang ko? Tanong ko sa aking isipan. Napakamot na lang ako ng kilay dahil dun.

Bahala na nga sa lunes..

"280 pesos lahat ma'am."

Agad ko naman binigay sa kanya yung 300 na dala ko. Agad naman din nyang binigay ang barya.

"Thank you ma'am, come again." nakangiting pasasalamat ng cashier.

Ngumiti din ako." Thank you din." nakangiting pasasalamat ko din sa kanya.

Nang nakalabas ako ng department. Tuminitingin tingin naman ako sa paligid. At biglang napaisip.

Uuwi na ba ako? kunot noo kong tanong sa aking isipan.

Kung magi-stay pa kasi ako dito, wala na kasi akong pera.. sabi ko na naman sa aking isipan.

Pero wala namang masama kung maggagala ako diba? Ngayon lang na naman ulit ako nakapunta dito. sabi ko na naman sa aking isipan. Parang baling baling ang ulo ko.

Kung wala na akong pera, sino ba kasi nagsabi na maggagastos ako ng pera? sa isipan ko.

Aish!! Baliw na ba ako? Kanina ko pa kasi kinakausap ang sarili ko e.

Kung may nakakakita lang sa akin, baka kanina pa nila ako sinasabihan ng baliw. Wait... Hindi pa ba ako baliw? Buwahaha..

"Para kang timang dyan sa ginagawa mo. Nababaliw ka na ba?"

Para naman akong hindi makagalaw sa kinakatayuan ko. Napakunot naman ako bigla dahil sa boses na pamilyar sa akin...

Napatingin naman ako sa pinanggalingang ng boses. Nakita ang lalaking nakapamulsa ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa nya habang nakangising nakatingin sa akin.

Naningkit ang dalawang mata ko dahil sa ngisi nyang yun.

"Anong ginagawa mo dito?" dire diretsong tanong ko sa kaniya.

Buti na lang at hindi ako nautal. Pero ramdam ko ang kunting paghiya dahil sa nakita nya kanina, yung para akong baliw na nakikipag usap sa isip ko. Kaasar..

"Nakikipag tagu-taguan sana ako, kaya nandito ako ngayon sa mall." sarkastikong sagot sa tanong ko at bigla nya akong pinaikutan ng mata.

Bakla ba to? Kung makapag paikot ng mata e. Parang bakla lang. Psh.

"Hindi ako bakla kung yan ang iniisip mo." diretso nyang sabi sa akin habang nakatingin sa akin ng matalim.

Psh.. Paano nya nalaman ang nasa isip ko? Wag mong sabihin may powers syang magbasa ng isip? Kaya medyo napaurong naman ako dahil dun.

Mind reader?

"At higit sa lahat, hindi ako mind reader, baliw ka na talaga. Kung ano ano ang sinasabi mo sa isipan mo. Tsk! Tsk! Tsk!" Umiling iling nyang sabi sa akin.

"Pwede pa tigil tigilan mo ako. Sino nagsabi sayong baliw ako huh? Parang ikaw pa ang mas baliw sa akin e."

"Haha.. Alam mo pala ang magalit. Psh.. Akala ko nga, ang alam lang ay ang maging mahinhin.." nakangisi nyang pag aasar sa akin.

Dahil sa inis ko sa kanya, agad akong tumalikod at naglakad papalayo sa kanya.

"Oy! Oy! saan ka pupunta? Nagbibiro lang naman ako e. Hindi ka man lang mabiro..."

Nagulat na lang ako ng bigla nyang hinawakan ang braso ko para pigilan dahil dun, napatigil ako sa paglalakad.

Naramdaman ko na naglakad sya papunta sa harap ko. Napatingin naman ako sa kanya ng tumayo sya sa harapan ko.

Anong problema ng lalaking ito? Hindi ba napapagod na inisin ako?

"Ano na naman ba ang kailangan mo sa akin?" tanong ko sa kaniya.

Nakita ko naman na napakamot sya ng ulo at biglang napasimangot..

"Gusto ko lang na makipagkaibigan sayo e... Ang sungit mo naman." nakasimangot nyang sabi sa akin...

Medyo natigilan naman ako dahil sa sinabi nya... Parang hindi nagsink sa isip ko yung sinabi nyang gusto nyang makipagkaibigan sa akin..

Gustong makipagkaibigan sa akin? Nagpapatawa ba ang lalaking ito.. Parang hindi kapaniwala kapaniwala e.

Kita nyo naman ang itsura ko, isang hamak na ordinaryong estudyante, na isang loser at higit sa lahat isang nerd..

Gustong makipag kaibigan ang isang campus crush ng lahat. Isang inaangahan ng lahat.. Isang gwapong nilalang... Inaamin ko naman na gwapo sya...

Kaya Impossible ang gusto nya. tsk! tsk! tsk...

"Oyy! Anong nangyari sayo? Bakit ka nakatulala sa akin? Nagagwapuhan ka sa akin no? O baka naman gusto mo na ako? Haha!" pagyayabang nyang sabi sa akin at sinabayan ng halakhak..

Dahil sa sinabi nya, nabalik ang ulirat ko... Anong pinagsasabi nito? Parang sya na yung baliw sa aming dalawa e.. Tumatawa mag isa.. Psh..

Pero may biglang pumasok sa isip ko dahil sa sinabi nya. Hindi ko alam kung bakit bigla bigla na lang pumasok sa isip ang bagay na yun...

Bigla na lang pumasok sa isip ko ang bwisit na lalaking yun? Aishh! Paano nya napasok sa isipan ko? No....No... Hindi ko sya iniisip..

Urgh..

Hindi naman ako gumalaw sa kinakatayuan ko ngayon...

Bakit ganun? Sya ang unang pumasok sa isip ko ng sinabi ni Liam ang nagugustuhan mo na ba ako? Ganun na ganun ang sinasabi ng lalaking yun kung binibiro ako...

Napakagat ako ng labi.

"Yan na naman.. Bigla bigla ka na lang natutulala.. Okay ka lang ba talaga? Masama ba ang pakiramdam mo?" may pag aalala sa boses nya..

Wala naman ako sa sariling napatingin sa akin. Pero agad din akong napaiwas ng tingin ng makita kong nakatingin lang sa akin...

"O-oo, O-Okay l-lang ako..hehe.. Sige mauna na ako sa sayo..bye." taranta kong sagot at biglang tumalikod sa kanya..

Binilisan ko na lang ang paglakad ko upang hindi nya ako maabutan..

*bogshh!*

Dahil sa kamamadali kong umalis sa harapan ni Liam, hindi ko namalayan na may nabunggo na pala ako...

Kaya ang mga hawak kong gamit, biglang nahulog sa sahig..

"Sh!t!"

Hindi ko pinansin ang reklamo yung nakabagga ko at dali daling pinulot ang pinamili ko kanina na materyales..

Nang mapulot ko lahat, tinignan ko naman kung may nasira. Buti na lang at wala, akala may naapakan na sa pinamili ko..

Hindi man lang ako tinulungan ng nakabangga ko....

Inayos ko muna ang salamin ko dahil medyo hindi pantay sa pagkakaayos sa mata ko.. Nang maayos ko tumingin naman ako sa harapan ko...

Isang babae na nakataas ng kilay at nakacross arm na ngayon nakatingin sa akin... Hala, mukhang mataray ang nakabangga ko a..

Pero wait.. Parang pamilyar sa akin ang mukha ng babaeng nasa harap ko na halos maabot na ang kilay nya ang third floor ng mall....

Saan ko na ba sya nakita?..

May biglang nag popped sa isip ko...

Siya... Siya yung nakabunggo ko noon.. Ewan ko kung kailangan yun, basta siya yun.. Yung nabuhusan ng ewan ko kung kape o tubig yun. Basta siya.

Kita mo naman o, sya na naman ang nakabangga ko. Nakakatakot pa naman sya. Parang kakain ng wala sa oras.. Huhuhu.

Lord tulungan nyo akong makaalis dito sa harap ng babaeng ito..

"What are you talking at? Hindi ka ba magso- sorry sa pagbabangga mo sa akin?" mataray nyang sabi sa akin...

Kaya nataranta naman ako dahil dun..

"S-sorry... S-sorry talaga h-hindi ko si-si nasadya.." utal utal kong paumahin at sinabayan ng pagyuko..

Ako na lang ang humingi ng ng paumahin, ayoko lang na lumala pa ang sitwasyon... Sa mukha nya palang, wala sa itsura ang salitang sorry.

"Tskk! sa susunod kasi tignan mo ang dinadaanan mo.. at isa pa, wag kang paharang harang sa daan.. Duh.." mataray nyang bulyaw sa akin..

Napakagat na lang ako ng labi..

Wala akong magawa kundi ang yumuko na lang.. Nahihiya pa ako dahil ang daming nakatingin sa amin ngayon..

Ang lawak lawak ng daan, bakit nagkabangga pa kami? Kung sya na nya yung nakatingin sa daan, bakit hindi na lang sya yung tumabi, kung alam naman sya na dadaan ako.

Pero hayaan na nga lang, ayoko ko ng lumala pa ito..

"Tsk!! Ang laki na nga ng salamin, hindi pa kita ang dinadaanan. Ang pangit na nga paharang harang pa.." mataray nyang parinig at sinabayan pa sya ng panlalait.

Napahigpit na lang ang pagkahawak ko sa dala dala kong plastik.. Parang gusto kong ihambalos sa mukha nya ang hawak hawak ko...

Akala mo naman kung sino.. Porket maganda na sya manlalait na.

Bakit kasi may mga taong ang hilig hilig manglait ng kapwa? Hindi ba nila alam na nakakasakit din ang sinasabi nila..

Alam ko naman na pangit ako e, bakit kailangan nya pang ipamukha sa akin?

Ano mang oras malalaglag na ang luhang kanina ko pa pinipigilan na lumabas.

"Chelsae Ann"

Napabaling ang tingin ko sa sumigaw hindi kalayuan sa amin. Kung makasigaw naman ang taong yun.

O_O- ganyan ang mukha ko nung nakita ko yung sumigaw hindi kalayuan sa amin..

Napakunot naman ako... Anong sinagawa nya dito?

Hindi nya ako napansin dahil sa babaeng kaharap ko ang paningin nya.

Nakita ko naman yung babae na napatingin kay Calvin. Yes, si Calvin yung sumigaw.. Na akala mo nasa kabilang mall yung sinisigawan.. Psh..

Patakbo naman na lumapit si Calvin sa babaeng nagngangalang Chelsae daw.

Nang makalapit sya sa harap ng nagngangalang Chelsae, agad nya itong hinawakan sa magkabilang balikat..

Kaya napatingin naman ako dun. Ewan ko kung bakit biglang naningkit ang dalawa kong mata.. Pero palihim lang yun, hindi ko pinahalata..

Babaero talaga ang lalaking ito kahit kailan.

"Kanina pa kita hinahanap hanap, nandito ka lang pala... Bakit mo ba ako iniwan dun sa parking lot?" inis na inis nyang bungad sa babaeng nakabangga ko..

Ang sweet sweet naman nila. Note the sarcastic. Nakakasakit sa mata sa totoo lang. Nagkalat na pala ang mga malalandi ngayon.

Napacross arm naman yung Chelsae at napataas ang kilay na nakatingin kay Calvin, habol habol ang hininga.. Parang galing sa pagtakbo.

Baka excited makipagdate ang lalaking ito, kaya hiningal pa. Ano pa ba ang asahan mo sa isang playboy na kagaya nya...

"Duh! ang tagal mo naman kasing maghanap ng pagpaparkingan kaya naunan na ako. At isa pa, ang init init kaya sa labas." maarte naman na sagot nung babaeng..

Wouh!.. Iba ang babaeng ito a. Tinarayan si Calvin. Yung ibang babae nga, ang alam lang magpa-kyut ng magpa-kyut.

Nakita ko naman na napakamot si Calvin ng buhok at napabuntong hininga. Akala mo ang laki ng problema sa buhay.. Psh.. Parang ewan lang..

"Tsk! kahit kailan talaga wala hindi ka makapaghintay." nakabusangot na sabi ni Calvin..

Hello pooo... Nandito pa ako.. Baka gusto nyo akong pansinin.. Psh..

Para akong tanga dito na palipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Para akong nanonood ng movie. Kulang na lang ang popcorn para masasabi mo ng teleserye na ito.

Magjowa ba ang dalawang ito? Akala mo sila lang yung tao dito e.

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa nakikita ko ngayon sa harap ko. Ewan ko kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko habang nakatingin sa kanila...

Parang nakabara sa lalamunan ko upang hindi ako makapagsalita...

Napaisip ako.. Bakit naman ako nagpapansin sa kanila para lang makita ako ni Calvin?

Parang hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon... Parang may inis na gustong kumawala ngayon sa katawan ko....

Bakit parang hindi na ito simpleng inis ang nararamdaman ko ngayon?

Parang.....nagseselos ako na ewan.

Habang nakatingin sa kanila na nag uusap. Parang.. Ewan koooo..

No. hindi ito maaari..

May gusto na ba ako sa kanya?

Siguro na ako sa makaramdam ko. Mahirap man na amin na.....

"NERD??!"

"Hoy!!"

Gusto ko sya...

Wala e. Sa kanya pa tumibok ang puso ko... Hindi ko matanggap na hahantong sa ganito ang nararamdaman ko.....

"Devon???"

Parang naka imposible diba? Na ang taong kinakainisan ko, napagtanto ko na gusto ko pala sya.

"You know her?"

Na ang taong iniinis ako araw araw, hindi ko namamalayan na nagkakagusto na pala ako sa kanya.

Akala ko hindi pagkagusto ang nararamdaman ko, hindi ko namamalayan na nahuhulog na pala ang puso ko....

"Ah! Yeah!! classmate slash f-friend....our friend..."

Kahit iniinis nya ako araw araw at inis na inis naman ako sa kanya. Pero hindi ko namamalayan na parang kulang na pala ang araw ko kung hindi nya ako inaasar....

"Yuck! are you serious about that?"

" Yes! Kahit tanungin mo pa sina Megan... kung ayaw mong maniwala edi wag....problema mo na yun.. Psh."

"Aba't"

Hindi ako makapamiwalang nagkagusto ako sa isang playboy. Bakit sya pa kasi? Ang ayoko ko sa lahat ang mga kagaya nyang manloloko.

"Aray! Vakit ka ba nangbabatok huh? Ang sakit kaya ng batok mo.... Kung hindi lang kita kapatid..."

"Kung hindi mo lang ako kapatid ano? Huh ano?"

"Hehe! Wala. Wala. Hindi ka man lang mabiro.. Wag kang masyadong magalit sis, baka maaga kang tatanda nyan.."

Ang hilig manakit ng babae. Mahilig magpaiyak ng babae at higit sa lahat, ang hilig nyang magpaasa ng babae...

Bakit kasi may nabubuhay na nilala na kagaya nya?~_~

"Rigil tigilan mo ako Calvin Jace huh... kung ayaw mong bigyan kita ng mega suntok dyan.. Tsk.."

"Oo na, oo na.. sorry.."

Parang sasabog ang ulo ko dahil sa kakaisip ang mga yun... Nakakainis ka talaga Calvin na damuho ka... Ginugulo mo ang isip koooo....

"Anong nangyayari sa nerd na ito? Mukha syang muntanga na nakatunganga..."

"Bakit nerd ang tawag mo sa kanya? may pangalan naman sya? tsk!! arte neto, pati pangalan hindi pa masabi. Pero sabagay nerd naman talaga

You are reading the story above: TeenFic.Net