Chapter 14

Background color
Font
Font size
Line height
sya.. Psh. Haha!!"

Kalma lang self... Inhale...... Exhale..... Inhale..... Exhale....

Pero wala parin e... Ayaw talagang maalis ang lalaking yun sa isip ko.. Ganun ko na lang ba sya kagusto, para hindi sya maalis alis sa isipan ko??

Ugh.. Bwisit..

"Paki mo ba... Sa yun ang gusto kong sabihin e... Bakit inggit ka ba? Psh!!"

"Aww!! Nakakadalawa ka na a... Isa na lang talaga... Masasapak na talaga kita kahit kapatid pa kita.."

Biglang nagpopped sa isip ko yung nangyari sa clinic... Parang kung anong paro paro sa tyan ko ang lumilipat nung naalala ko yun.

Bigla ding uminit ang buo kong mukha. Ang bilis bilis pa ng tibok ng puso ko. Huhu.. Parang may humabol sa akin na maraming aso.

Siya ang first kiss koooo..

OK, kalma lang..

Inhale... Exhale.... Inhale.... Exhale..

"Abat hindi mo na ako ginagalang huh... Ate mo parin ako Calvin Jace, baka nakakalimutan mo.."

Waahhh... Huhu... Bakit kasi ang bilis bilis ng tibok ng puso kooooo???

"Sorry na okay, hindi na mauulit. Tssss.."

Hindi nya dapat malaman ang nararamdaman ko.. Alam kong sa bandang huli. Ako lang din ang masasakatan....hindi sya nagsesere--

*pakk!!*

"Arayyy!!"

Napabalik na lang ako sa reyalidad ng naramdaman kong may sumampal sa pisngi ko.

Parang naalog ang ulo ko dun a. Shete!

"Ano ba Chelsea Ann? Bakit mo sya sinampal?"

Napahawak na lang ako sa pisngi ko kung saan sinampal ng babaeng nagngangalang Chelsea Ann..

Putek na babaeng to. Parang bakal ang kamay nya...

"Duh! She look like crazy.. Parang baliw na nakatulala.... Yuck!! Oh!! wait.. why did you defending her huh? Do you like her?" malademonyong tanong nya bigla...

Naningkit pa ang dalawa nyang mata. Parang kahit anong oras, bubuga na sya ng apoy.

Para akong napako sa kinakatayuan ko dahil sa tanong nyang yun. Saan nya nakuha ang tanong nyang yun? Bakit bigla bigla nyang sinabi ang bagay na yun?

Hindi ko naisip na sasabihin nya ang bagay na yun.

Wala sa sariling napatingin kay Calvin, pati din sya, parang hindi inaakalang tatanungin sya ng ganun...

Sh!t...ayaw kong marinig ang sasabihin nya.. Ayokong makarinig ng masasakit na salita mula sa bibig nya..

Bakit kasi ganun ang tanong ng babaeng ito? Alam naman nya na ang sagot.... Sa pangit kong ito, magkakagusto si Calvin sa akin?

Psh. Kalokohan.

Bakit ganun ang tanong nya sa kanyang boyfriend? Hindi man lang sya maiilang sa tanong nyang yun?

"B-b-bakit mo a-ako si-sinampal?" utal utal kong tanong sa kaniya habang hawak hawak ko parin ang pisngi ko.

Tumingin naman sya sa akin ng nakangisi at nakataas ang kilay. Kaya medyo napaurong ako dahil dun. Nakakatakot ang tingin nya sa akin..

Nakita ko sa ligid ng mata ko na nakatingin sa akin si Calvin. Pero pinagsawalang bahala ko na lang yun. Nakakailang ang tingin nya.

Napakagat naman ako sa ibabang labi ko.

"Duh! You look crazy... Yuck!!! para kang napako sa kinakatayuan mo. Kanina ka pa nya tinatawag pero hindi ka sumago. Are you deaf huh? " mataray nyang sabi sa mukha ko..

Ewan ko kung ano yung huli nyang sinabi dahil ang hina hina kasi ng pagkasabi nya.

Napayuko naman ako sa sinabi nya. nilagay ko naman sa likuran ko ang dalawa kong kamay para itago ang panginginig nito.

Nakakahiya sa mga taong naglalakad sa ligid namin. Bawat dumadaan, napapatingin sa pwesto namin at biglang nagbunulungan.

"Ano ba Chel hinaan mo nga yang boses mo. Nakakahiya, ang raming nakatingin sa atin na dumadaan. Kaibigan ko din yang tinatarayan mo.." mariin na pagsusuway ni Calvin.

Kaya medyo nabigla ako dun. May parte sa pagkatao ko ang natutuwa dahil sa pinagtanggol nya ako, pero may parte din na may tumutusok sa puso dahil sa sinabi nyang kaibigan nya lang ako.

Mas masakit pala kung sa kanya nanggaling na kaibigan lang pala ang tingin sa sayo. Mismong harap harapan nyang sinabi..

Mas masakit pa ito sa araw araw na pangbubully ng mga kaklase ko at ka schoolmates ko.

Medyo nag iinit naman ang sulok ng mata ko. Dahil sa nararamdaman ko ngayon na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko man lang maipagtanggol ang sarili ko sa kanya...

"So, kinakampihan mo sya kanya kaysa sa akin?" mataray na tanong nung babae kay Calvin.

Nakita ko naman na napabuntong hininga si Calvin. Parang hindi nya alam kung ano ang gagawin nya...

Nakita ko ang paglambot ang paningin nya nung tumingin sya sa babaeng nasa harap ko.

Meron na namang tumutusok sa dibdib ko. Parang hindi ako makahinga ng maluwag dahil sa nakikita ko...

Ang isang Calvin na maraming pinapaiyak na babae. At medyo walang patient. Kita mo na ngayon, hindi mo makikitahan ng pagkairta sa babae..

Ayaw na ayaw nya sa lahat ay yung tinatarayan sya. Yung sinasagot sya ng pabalang.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanilang dalawa. Parang may naghahatak kasi sa akin na panoorin sila.

"Hindi naman sa ganun... Wala sa inyo ang kinakampihan ko, okay? kaibigan ko parin sya... Don't worry hindi kita ipagpapalit sa kanya.... Wag mong kakalimutan na mahal na mahal kita...." Tugon sa babae....

Wag mong kakalimutan na mahal na mahal kita.

Wag mong kakalimutan na mahal na mahal kita.

Wag mong kakalimutan na mahal na mahal kita.

Wag mong kakalimutan na mahal na mahal kita.

Paulit ulit na nag reply sa isip ko ang huling sinabi ni Calvin...

Mahal?

Huli na talaga ako. Ang sakit, sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon. Parang kahit anong oras mawawalan ako ng malay....

May mahal na syang iba..

Hindi ko man lang nasabi sa kanya ang totong nararamdaman ko.. Siguro, ililihim ko na lang ito. Ano pa ba ang silbi kung sasabihin ko sa kanya.

Ayoko ko na siya mismo ang magsabi sa pagmumukha ko, na kahit kailan man hindi nya ako magugustuhan...

Kikimkimin ko na lang ito, siguro mawawala lang din dito..

Sana nga.

A/N: yucks! Ang corny. OA! 🤷🏻


You are reading the story above: TeenFic.Net