Chapter 04

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 04.

AT THIS AGE, BEING IN A relationship never crossed my mind, kahit pa halos lahat ng ka-edad ko ay pinapasok na ang pagkakaroon ng relasyon. Ni crush, wala ako, dahil hindi naman importante sa 'kin 'yon. Some people even labeled me as "aromantic", because the think I'm incapable of loving someone, or even being in love in general. Sa tingin ko, baka ganoon nga ako.

All my life, I've dedicated to my studies. To becoming better. To reaching my goals. Ang laki-laki at ang dami ng pangarap ko para sa 'min ni mama, at wala sa listahan ko ng priorities ang pagmamahal. Para sa 'kin, distraction lang 'yan na hahadlang sa pagkamit ko sa mga pangarap ko.

I've never had a crush on anyone before, even once, kaya ang hirap-hirap para sa 'kin ng idea na binigay ni Tatti. Magpanggap na may gusto kay Marx? No, thanks. Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa magpanggap na may gusto ro'n.

“Next week, Science Day na natin,” ani Ma'am Salazar habang papaupo siya sa teacher's desk sa harapan ko. Nasa laboratory pa kami ngayon, katatapos lang ng klase niya pero pinaiwan niya ako. “And, naisip ko na ikaw na lang ang gawing representative ng class natin for the quiz bee, kung okay lang sa 'yo.”

It instantly put a smile on my face. Sa lahat ng subjects, I always excel. Well, may epal, pero hindi naman ibig sabihin no'n hindi rin ako magaling. Kaya ang mapili bilang representative ng section namin ay napakalaking achievement na.

Kaagad akong tumango. “Sure, Ma'am! Hindi ako tatanggi! Alam n'yo 'yan.”

She chuckled. “Okay. Meet me after your class end later. Magsisimula na tayong mag-review for the quiz bee. Thank you, Aloria.”

Bahagya akong yumuko bilang paggalang. “Thank you rin po for choosing me, Ma'am Salazar! I'll do my best po para hindi kayo manghinayang na ako ang pinili ninyo.”

Pagkatapos naming mag-usap, tumayo na agad ako para bumalik sa classroom namin para sa next class. I thought nagsisimula na ang klase, kaya nagulat ako nang pagdating ko sa classroom, si Marx pa lang ang nandoon.

As usual, he was reading a book. Tutok na tutok siya sa binabasa niyang non-fiction book. Nakahawak sa corner ng libro ang isang kamay niya, habang ang isa naman ay nakahawak sa libro mismo para mabasa niya nang maayos. I blinked when his fingers gracefully turned to the next page.

“Nasaan ang iba?” tanong ko habang naglalakad papuntang upuan ko sa first row.

He slowly raised his head to look at me. “You weren't informed? Vacant ang period natin ngayon dahil may inaasikaso para sa Science Day ang mga teachers.”

Gusto ko siyang irapan dahil sa paraan ng pagkakasagot niya. He sounded so sarcastic!

Napanguso na lang ako bago humarap sa bag ko para ilabas ang payong niyang pinaghiram niya sa 'kin. Lumakad ako papunta sa desk niya pagkatapos, at saka nilapag sa ibabaw ng desk ang payong. Hindi man lang siya nag-angat ng tingin para bigyan ako ng pansin.

“Isasauli ko na. Salamat ulit.” I crossed my arms over my chest. “And, by the way, alam mo ba? Ako ang pinili ni Ma'am Salazar para sa quiz bee sa Science Day next week!” I smirked.

“Oh, talaga?” he said, his voice sounded like those AI-generated voices, and he didn't even raise his head to look at me. “Good for you, then. Good luck.”

Napasimangot ako. “Really? Ganiyan lang ang reaksyon mo?”

This time, napaangat na siya ng tingin sa 'kin. “What do you want me to do? Makipagsabunutan sa 'yo para agawin ang spot sa 'yo? Wala ako sa mood, kung 'yan man ang gusto mo.” Binalik niya na sa libro ang mga mata niya.

Ako naman ay napakurap at napaawang ang mga labi. What the hell?

I exhaled sharply. “Fine! Basta 'wag kang mag-inaso mamaya dahil naiinggit ka, ha!”

Padabog akong bumalik sa upuan ko. Pakiramdam ko may lumalabas nang usok mula sa ilong ko. Gusto ko siyang kurutin sa singit!

Nilabas ko na lang ang notebook ko sa Araling Panlipunan para mag-review saglit, at para rin i-distract ang sarili dahil kapag hindi mawala itong gigil ko sa kaniya, baka ihampas ko sa kaniya 'yong payong niyang kakasauli ko lang.

Ang yabang niya talaga! Pinapaubaya niya sa 'kin ang spot dahil, ano? Naaawa siya sa 'kin dahil feeling niya mas mahaba ako sa kaniya, at nagmamalasakit siya? Feeling niya magaling na siya, kaya ibibigay niya na lang sa iba? Neknek niya! Feeler!

Makikita niya. Magfi-first place ako sa quiz bee at ihahampas ko sa kaniya ang certificate!

Habang lumalalim ako sa notes ko, kalaunan ay humupa na rin ang gigil ko sa kaniya. Focused na focused na ako sa notes ko, ni hindi ko nga namalayang nakatulog na pala ako sa desk ko. Nagising na lang ako noong marinig kong umingay na ang buong classroom, at nandito na pala ang teacher namin sa Araling Panlipunan.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagliligpit ng notebook ko, nang mapansin ko ang papel na nasa paanan ng arm chair ko. Akala ko sa 'kin kaya naman yumuko ako at dinampot ang papel. Pero nagkasalubong ang mga kilay ko nang pagkabuklat ko sa papel, drawing ang nakita ko.

It was an unfinished drawing. A sketch. And based on the messy lines, it looked like the artist tried to draw a girl who was sleeping on the desk, with some of her hair hanging loosely on her face. Hindi ko nga lang mamukhaan kung sino ang babae, dahil literal na messy sketch.

Napakurap ako. Kanino kaya 'to?

I quickly roamed my eyes around. Imposibleng si Tatti may-ari nito dahil stickman lang naman alam no'n. Ang sa kabilang gilid ko naman, hindi rin 'to mahilig magdrawing. Baka may isa sa mga kaklase naming dumaan dito sa gilid ko at nahulog 'to.

Nagkibit-balikat na lang ako at inipit sa notebook ko ang papel bago tuluyang niligpit ang notebook. Kung importante 'to, may maghahanap nito mamaya o bukas kapag napansin nilang naiwala nila ang drawing nila.

Maaga lang ulit natapos ang last period namin, kaya naman pagkatapos komg magpunta sa faculty para kunin ang reviewer kay Ma'am Salazar, nag-aya si Tatti na samahan ko siya sa 7/11 dahil ililibre niya raw ako bilang celebration dahil ako ang magrerepresent sa 'min sa Science Day next week.

Tuwing weekdays talaga, maraming estudyanteng bumibili sa store. Halos magsiksikan na kami sa loob ng maliit na store. Tinatamad daw si Tatti pumasok kaya ako na ang pinabili niya ng mga pagkain namin, habang siya naman ay nakabantay sa table namin.

Palabas na ako ng store, nang may nakasalubong ako at nagkabanggaan kami dahil patakbo siya nang pumasok. Napasinghap ako nang sabay na nagbagsakan ang mga bitbit namin.

“I-I'm sorry!” sabay na sabi namin at sabay rin kaming yumuko para pulutin ang mga dala namin.

Nang yumuko siya, nakita ko ang ID lace niya, at napansin kong same school pala kami. Napakurap ako nang mabasa ang pangalan niya at ang section niya. Garcia, Venedict B. Grade 10-Star A. Napaangat kaagad ako ng tingin sa mukha niya.

He smiled apologetically. “I'm so sorry, Sarisa.”

Napakurap ulit ako. Kilala niya ako?

Napulot niya na pala lahat ng gamit niya pati ang akin. Inabot niya kaagad sa 'kin ang tubig at chichirya na bitbit ko. Nang yumuko ako, napansin ko rin ang hawak niyang sketchbook.

“Ayos lang. Aksidente naman,” sabi ko na lang. Hindi ko na siya pinatapos at lumakad na kaagad ako palabas dahil nakaramdam na ako ng gutom.

“Hoy, 'te!” bungad kaagad ni Tatti pagkaupo ko sa table namin. “Ano 'yon, ha? Ba't mo kausap si Venedict?”

Nagsalubong ang mga kilay ko. “Kilala mo?”

“Malamang! Kaklase natin 'yon, 'no! Don't tell me hindi mo kilala?”

Umiling kaagad ako.

Napasimangot siya. “Wala ka talagang pakialam sa paligid mo, 'no? Palibhasa, si Marx lang kasi napapansin mo palagi.”

Ako naman ang napasimangot. “Bakit naman siya nasali sa usapan?”

“Baka hindi mo rin alam na crush ka ni Venedict?” aniya habang binubuksan ang malaking Mang Juan.

Napakurap ako. “Totoo?” Lumingon kaagad ako sa loob ng store para hanapin 'yong Venedict. “Bakit daw?”

Dinuro ako ni Tatti. “Oh, 'di ba? Hindi mo rin alam? Naku!”

Lumitaw mula sa likod ng shelf ng mga biscuit si Venedict. Bitbit niya pa rin ang sketchbook niya pero pinatong niya ro'n ang binili niyang dalawang Sprite at isang malaking pack ng Piattos na cheese.

His thick and wavy black hair looked so fluffy and smooth, na para bang ilang hair products ginamit niya para magmukhang ganoon ang buhok. Chinito rin siya, matangos ang ilong, at cute tingnan ang cupid's bow niyang mga labi. He looked so clean with his complete uniform, good boy na good boy ang dating.

I blinked. This guy has a crush on me? At kaklase ko 'to? So baka sa kaniya ang drawing na napulot ko kanina.

“Seryoso ka, Tatti? Kaklase natin 'yan? Bakit hindi ko alam?” sunod-sunod na tanong ko habang nakatitig pa rin kay Venedict na nasa counter na ngayon.

“Oo nga! Though bago lang 'yan siya, transferee. Last month yata siya nag-transfer.”

Ah, right. Naalala ko na. Siya pala 'yong transferee na nai-tour ko sa buong school last month. Baka excused ako sa klase noong mga panahong na-introduce siya, medyo busy pa naman ako last month dahil ang dami kong extra curricular activities na sinalihan.

“Nahuhuli ko 'yan siya palaging nakatingin sa 'yo sa klase,” ani Tatti. Binaling ko na ang paningin ko sa kaniya. Nangalahati na siya sa chichirya niya. “Kaya kinompronta ko 'yan siya, I think last, last week. 'Te, mukhang kamatis 'yong mukha niya no'ng tinanong ko siya kung may crush ba siya sa 'yo!” Pumalakpak siya sabay tawa. “Kung may interes ka lang sa pagjojowa, baka pinaglapit ko na kayo.”

I chuckled. “Buti alam mo.” Binuksan ko na ang tubig ko at saka ako uminom.

Tumango siya. “Kay Marx ka lang kasi interesado.”

Naibuga ko tuloy ang tubig sa mukha niya.

“Ano ba!” tili niya at kumuha kaagad siya ng tissue para punasan ang mukha niya. “Kadiri ka!”

“Mas kadiri ka!” ganti ko naman. “Hindi ka man lang kinilabutan sa sinabi mong interesado ako sa isang 'yon!”

Sinimangutan niya ako. “Interesado in a way na gusto mo siyang agawan ng spot sa top! 'Yon kasi ibig kong sabihin!” Then she groaned while still wiping her face.

Napabuga na lang ako ng hangin bago uminom ulit sa tubig ko dahil pakiramdam ko parang uminit bigla ang paligid.

Noong gumabi na, binasa at sinagutan ko ang reviewer na binigay ni Ma'am Salazar. Masyado akong fired up at motivated para sa quiz bee next week, na halos hindi na ako makatulog dahil gusto kong aralin lahat ng nasa reviewer. Natulog akong nakangiti.

Pero kinabukasan, kung anong sigla ko kagabi, halos lumupasay na ako sa sahig at gustong ipakain sa lupa ang sarili dahil sa balitang natanggap.

“I'm sorry, hija, pero nagbago ang isip ng mga teachers. Gusto nilang si Marx na lang daw ang kunin para kung sakaling umabot man tayo sa district meet, may laban daw.” Ma'am Salazar smiled at me apologetically. “Pasensya na talaga, Aloria. Kung ako lang masusunod, gusto kong ikaw na, eh.”

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nakaawang ang mga labi ko, pero walang mailabas na kahit isang salita. Parang nag-shut down ang buong sistema ko at hindi ko alam paano maka-recover.

Lumapit si Ma'am Salazar sa 'kin, at saka niya marahang pinisil ang balikat ko in a comforting manner. “I'm sorry for delivering this unfortunate news to you this early, Aloria.”

Naiintindihan yata ni Ma'am Salazar na wala ako sa tamang pag-iisip ngayon para magsalita, kaya kusa na siyang umalis at iniwan ako sa hallway. At noong nawala na siya, napasandal na ako sa pader dahil parang susuko na ang mga tuhod ko anytime.

Naibuga ko ang hangin na hindi ko alam kanina ko pa pala pinipigilan. Parang mahihilo pa yata ako, dahil nagsisimula nang umikot ang paningin ko. Sobrang lamig din ng pakiramdam ko.

Hindi ako matutuloy sa quiz bee dahil pinalitan nila ako, at si Marx ang ipapalit? Kaya ba ganoon na lang siya kayabang kahapon, dahil alam niyang mangyayari ito?

Ang lamig na nararamdaman ko ay napalitan ng init dahil unti-unting kumulo ang dugo ko habang iniisip na si Marx ang pinalit nila sa 'kin. I felt so deeply insulted, na hindi lang utak ko ang nainsulto kundi ang buong pagkatao ko.

Bumigat na ang paghinga ko, at punong-puno na ng galit at sama ng loob ang sistema ko. Kaya naman pumihit ako paharap sa entrance ng school, at nagsimulang magmartsa.

Ever since he stepped foot in this school, he has stolen everything from me. My top spot in the class, our teachers who adores me for being smart, and in everything else. Lahat, nasa kaniya na. Sinasamba siya ng lahat, na para bang siya lang ang taong matalino sa paaralang ito. Na para bang ang perpekto niya.

Kung babagsak lang din naman ako, isasama ko na lang siya!

Huminto ako sa tapat ng gate, at sakto namang dumating ang sasakyan nina Marx. Bumukas ang magkabilang pinto ng kotse, at sabay na bumaba si Marx at Ma'am Hernandez. Pagkababa ni Marx, sa 'kin kaagad dumapo ang mga mata niya.

I scoffed. This jerk! May gana pa talaga siyang pumasok na mukhang fresh na fresh dahil maayos na naka-slick back ang basa niya pang buhok, at maaliwalas na mukha na dahil kumpleto ang tulog kagabi.

“Marx Gian Hernandez!” Tinuro ko siya. Inangatan niya naman ako ng kilay. “May aaminin ako sa 'yo!”

Normally, I'd be too embarrassed to shout in public. But today, masyado lang talaga akong galit para magbigay ng pake sa mga iniisip ng ibang tao sa paligid ko.

He sighed. “What now, Aloria?”

I gritted my teeth. Humugot ako ng malalim na hinga bago nagsalita. “Gusto kong ipaalam sa lahat na crush kita!”

Ang walang expression niyang mukha kanina, ay unti-unting napalitan. Kumunot na ang noo niya, pero ang mga mata ay namimilog.

Si Ma'am Hernandez naman at ang ibang nakarinig ay napasinghap.

“What the hell, Aloria!?” bahagyang tumaas ang boses niya.

“Oo! Crush kita, Marx, matagal na! Kaya simula ngayon, liligawan na kita sa ayaw at sa gusto mo!” taas-noong deklara ko.

Mas lumakas ang singhapan ng mga nakarinig.

And when I saw how wide his eyes were after what I said, a satisfied smirk appeared on my lips.

Kung hindi kita matatalo sa maayos at patas na paraan, pwes, tatalunin kita sa paraan na hindi mo alam. Humanda ka, Marx.


You are reading the story above: TeenFic.Net