Chapter 03

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 03.

KINABUKASAN, MAAYOS na nairaos namin ni Marx ang report namin. Hindi niya binago ang design ng PowerPoint, at kahit hindi namin napag-usapan kung saan banda sa report namin kami maghahati, smooth pa rin naman ang reporting dahil kapag humihinto siya, ako agad dudugtong, and vice versa. Mabuti nga't hindi namin sinasapawan ang isa't isa. I'm more surprised that I didn't steal his topics so I could have more scores for myself. Baka nalanghap ko ang balahibo ni Cora, o baka dahil sa pinakain sa 'kin ni Ma'am Hernandez.

Hindi na rin nakakagulat na 'yon na ang huling beses na nagkasundo kami ni Marx. Dahil sa mga sumunod na araw, bumalik na naman ang inis at sama ng loob ko sa kaniya dahil sinasapawan niya na ulit ako sa klase. Tuwing nagsasagot ako, nag-aangat talaga siya ng kamay para sumalungat sa mga sinasabi ko.

Our truce ended. We're at war again.

Sa Math naman namin, routine na ni Ma'am Cabales na bago siya magsisimula sa pagtuturo, magpapa-games muna siya as her way for us to recall our lessons from yesterday. And kung sino man ang tama ang sagot at mauunang makasagot, may dagdag points for performance task and class participation.

Kami palagi ang nagiging representative kapag hinahati ni Ma'am sa dalawang grupo ang klase. Masyado silang natutuwa kapag nagkakandapudpod na ang mga chalk namin ni Marx sa pag-uunahang sumagot sa equation sa board.

“Go, Sari!” rinig kong sigaw ni Tattiana. “Sa 'yo nakasalalay kung magqu-quiz tayo mamaya o hindi!”

“Go, Marx, dude!” sigaw naman ng mga lalaki na nasa kabilang grupo. “Ilampaso mo ang grupo nila!”

Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko habang sabay na nagfu-function ang utak at bibig ko, at sinasabayan naman ng kamay ko ang bilis ng pag-iisip ng utak ko. Gusto ko sanang tingnan si Marx para makita kung tapos na ba siya o hindi, pero pinigilan ko ang sarili dahil baka maubusan pa ako ng oras.

After writing down the answer, I instantly faced the whole class and raised my arm. Naghiyawan naman kaagad ang mga kagrupo ko. Napangiti ako.

“Are you sure with your answer, Aloria?”

Binalingan ko kaagad ng tingin si Marx at inangatan siya ng kilay. “Of course!”

He smirked. “Kung ako sa 'yo, tingnan mo ulit ang sagot mo.”

I rolled my eyes at him bago ako pumihit paharap sa board at ni-review ang sagot ko. Tinitingnan ko rin ang sagot niya para ikumpara kung may mali ba sa sagot ko. At ganoon na lang ang sabay na pagbagsak ng balikat at bibig ko nang makitang pareho naman kami ng solving at sagot, ang problema lang ay kulang ng negative sign ang akin.

He chuckled. “I won... again.”

“Alright! The winner for today's game is Team Marx!” anunsyo ni Ma'am Cabales at umingay kaagad ang buong classroom dahil sa mga kagrupo ni Marx, habang tumahimik naman ang mga kagrupo ko. “Team Marx will have a perfect score of 10, while Team Aloria will only receive five points. Now, everybody sit down, as we will begin our formal class now!”

Nanghihinang bumalik ako sa upuan ko. At buong period, wala akong gana. Another battle with the devil, and I lose... again. Napapikit na lang ako at naisalampak ang ulo sa desk. Napabuga ako ng hangin.

Naisipan ko pa naman sanang maging civil na sa kaniya, dahil akala ko magkakasundo pa kami. Wala yata ako sa tamang pag-iisip no'n. Hibang na siguro ako.

Ang sumunod naming klase ay P.E. For today's P.E., sa field kami. Mandatory gawin every Wednesday. Mabuti na lang din at may period si Tattiana ngayong araw, at napayagan naman akong samahan siya rito sa bench sa ilalim ng puno habang nakatingin sa mga kaklase naming nabibilad sa araw.

“Hindi ka makikipagkompetensya kay Marx sa P.E. today?” tanong ni Tatti habang sumisipsip sa ice candy niyang binili niya sa canteen kanina. Inabot niya sa 'kin ang isa na tinanggap ko naman agad.

“May chansa pa ako sa kaniya pagdating sa academics, pero sa battle of stamina, hindi na ako papalag sa kaniya.” Kumagat ako sa ice candy. Nang dumaan sa lalamunan ko ang malamig na pagkain, pakiramdam ko buong katawan ko na ang na-refresh.

Tumawa siya. “Nga naman. Runner ang isang 'yan. Ang taas-taas ng stamina.”

Nagpalakpakan ang mga kaklase namin kaya napabaling ako ng tingin sa kanila. Pinupuri pala nila si Marx dahil siya ang nauna sa 40-meter sprint.

Pawis na pawis siya, basa ang noo at sentido. Pero kahit ganoon, hindi siya mukhang dugyot.

Napaangat ako ng isang kilay nang lumapit sa kaniya si Avi na may bitbit na bimpo at nang inabot ito ni Avi sa kaniya, tinanggap niya naman agad. I rolled my eyes when Avi blushed.

“Hindi ko talaga alam bakit ang daming may crush sa kaniya, eh ang sama naman ng ugali,” I blurted.

“Sis, sa 'yo lang naman masama ang ugali niya kasi threat ka sa pagiging number one niya,” ani Tatti kaya napabaling na ako ng tingin sa kaniya. “At isa pa, marami talagang magkakagusto sa kaniya because hello, siya lang naman si Marx Gian Hernandez!”

I raised a brow. “And? Anong special sa kaniya?”

Binaba niya ang hawak na ice candy sa hita niya at saka inangat ang mga kamay para magbilang. “Kasi una, guwapo siya. Pangalawa, matalino. Pangatlo, athletic. Pang-apat, mabait--”

“I doubt,” singit ko.

Napanguso siya. “Mabait naman talaga siya. Sa 'yo nga lang hindi.”

Napairap ulit ako. “Those are common traits ng isang lalaki, Tatti. Si Shayne, matalino at pogi naman din 'yon. Bakit hindi siya kasing popular ni Marx?”

Malisyosang nginitian ako ni Tatti, at saka sinundot ang tagiliran ko. “Selos ka? Crush mo?”

Napasinghap ako at kumunot kaagad ang mukha. “Kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo!” Niyakap ko kaagad ang sarili ko dahil nagka-goosebumps ako.

“Hate na hate mo talaga siya, 'no?”

Tumango ako. “Sobra! Palagi niyang inuubos pasensya ko!”

“Alam mo... may alam akong paraan kung gusto mo siyang talunin.”

Umusog kaagad ako papalapit sa kaniya. “Talaga? Ano?”

Binaling niya ang tingin niya kay Marx, kaya sinundan ko ang paningin niya. This time, nakaupo na si Marx sa sahig at inaabot ang dulo ng paa niya para sa sit and reach.

“Ang mga taong matatalino, isa lang ang weakness nila...”

“Ano nga?”

Napayuko ako nang bigla niyang tinapat sa dibdib ko ang palad niya. Napabaling na kami ng tingin sa isa't isa.

“Pag-ibig,” marahan at with feelings niyang sagot.

Ilang segundo akong nakakunot ang noong nakatitig sa kaniya. Kaagad kong tinabig ang kamay niya nang ma-realize ko kung ano ang gusto niyang sabihin.

“Parang tanga naman 'to!” Pinagkrus ko ang mga braso sa dibdib. “He's incapable of loving anyone other than himself, his cat, and his books! At, isa pa, imposibleng magkagusto sa 'kin 'yan, at hinding-hindi ko magugustuhan 'yan! Iw!”

Nag-angat siya ng isang kilay sa 'kin. “Sinabi ko bang maging crush mo siya dapat?”

Mas lalong nagkasalubong ang mga kilay ko.

“Sa isang war, attack where and when the enemy's empire is weak,” parang philosopher na sabi niya. Inayos niya pa ang posture niya. “Kapag may gyera, palaging nasa unahan ang mga matatag at matapang na mga soldiers, which is ang utak ni Marx. At nasa gitna ang kaniyang puso, na pinoprotektahan ng utak niya dahil nga ang puso ay marupok at reckless.”

Kahit hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya, nakatitig pa rin ako sa kaniya, magkasalubong nga lang ang mga kilay ko. Napansin niyang hindi ko siya maintindihan, kaya napabuga siya ng hangin.

“Ang ibig kong sabihin magpanggap kang may gusto sa kaniya para makuha mo ang loob niya!”

I scoffed. “Hindi nga ako makatagal ng isang minuto na makita ang mukha niya, magpanggap pang may gusto sa kaniya?”

“'Yan lang ang alam kong effective na paraan, nagsa-suggest lang.” Inubos niya na ang ice candy niyang natunaw na. “Ang mga matatalino bobo 'yan pagdating sa pag-ibig!”

Napabuga na lang ako ng hangin. “Alam mo, iwan na lang kita. Kapag tatagal pa ako rito, baka mahawa pa ako sa 'yo.”

Tumayo ako at patakbong bumalik sa field para gawin na lang ang mga activities. Tinatawag ako ni Tatti pero hindi ko na siya nililingon.

Her idea's absurd. Sure akong hindi uubra 'yon sa kagaya ni Marx na mabilis maka-catch up at makiramdam sa paligid niya. Hindi 'yon madaling mauto. In fact, I think he's a good manipulator pa nga, dahil alam niya kung paano ipeke at itago ang expression niya sa likod ng poker face niya. Hindi rin siya agad-agad nauunahan ng feelings niya dahil nga, mas mabilis ang utak niya dahil matalino siya.

Natapos ang P.E. namin na 'yon lang ang iniisip ko. At buong araw, hindi ko tuloy maalis sa utak ko ang idea ni Tatti kahit mukhang wala namang kwenta. Wala rin namang reliable na percentage at result ang sinabi niyang effectiveness ng kaniyang idea.

Palabas na sana ako ng building ng school, pero napansin kong umaambon na. Bahagya akong napaigtad nang may malamig na likidong pumatak sa noo ko, hanggang sa sunod-sunod nang bumagsak ang mga ito at lumakas. Umatras kaagad ako.

“Hay, naku. Parang kanina lang ang init-init, 'tapos biglang uulan nang ganito,” bulong ko habang nakatingala sa langit. Base sa kapal ng ambon, mukhang matagal-tagal pa bago titila 'to.

Hindi ko naman pwedeng tawagan si Mama para sunduin ako dahil sure ako tulog pa 'yon ngayon. Si Tatti naman, nakauwi na kanina pa. Hindi kami sabay dahil hindi naman kami parehas ng dadaanan pauwi.

Hindi ako pwedeng magtagal dahil kailangan ko pang mag-review para sa quiz sa Araling Panlipunan bukas. More on fill in the blanks at identification pa naman 'yon palagi si Sir Gerado mapa-quiz man o exam.

Napabuga na lang ako ng hangin. “Bahala na nga!” Inangat ko ang bag ko at pinatong sa ulo.

Tatakbo na sana ako pero may biglang kamay ang lumitaw sa harapan ko na may hawak na payong. Napaawang ang mga labi ko. Binaling ko kaagad ang mga mata ko sa kung sino man 'yon, at namilog ang mga mata ko nang makita ang seryosong mukha ni Marx.

Suot niya pa rin ang P.E. uniform namin dahil hindi na siya nagpalit. Pinayagan lang din kasi siya ng mga teacher namin tutal wash day naman daw.

Napatitig na lang ako kay Marx. When he blinked, I instantly noticed how thick and long his lashes were. I've always met his eyes during class whenever we're arguing or debating over something, but this was the only moment where I truly appreciated how pretty his dark brown eyes were, that it reminded me of the warmth of the hot chocolate milk that my mother always give to me when I was a child.

He raised a brow at me. “Nangangalay na ang kamay ko.”

Napakurap ako, bumalik na sa huwisyo. Binaba ko ang bag ko. “Talaga? Eh, paano ka?”

As if to answer my question, binuksan niya ang bag niya at naglabas siya ng isa pang payong doon na kulay blue, kagaya nitong inabot niya sa 'kin. Inangat niya 'yon, sabay tumitig siya sa 'kin na para bang sinasabi niyang 'yon na ang sagot sa tanong ko.

Napasimangot ako bago tinanggap ang inabot niyang payong. “Ibabalik ko 'to sa 'yo bukas--”

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil binuksan niya na ang payong niya at saka nakapamulsang lumakad paalis.

Napaawang na lang ang mga labi ko at bumagsak ang balikat. “Talaga namang--!”

Marahas akong nagbuga ng hangin. Gusto kong kutusan ang sarili ko dahil may kaunting disappointment akong naramdaman, na hindi ko alam kung saan ko hinugot.

Padabog kong binuksan ang payong pagkatapos ay nagmartsa na ako paalis.

Hindi ko alam kung ilang percent ang effectiveness ng idea ni Tattiana, pero sigurado akong nabawasan na 'yon ngayon nang malala!




You are reading the story above: TeenFic.Net