Chapter 4

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 4.

Kiesha's pov.

"Ohhhh... Nandito na pala ang Reyna ng NKAB Gang. What a wonderful day for us." sabi ng MC habang nakangisi. "Matagal-tagal na rin mula noong pumunta ka rito, ah. Ngayon na nakabalik ka na, mapapalaban ka naman. Ayos lang ba sa'yo 'to, Reyna NK? Pwede namang tumanggi ka muna dahil kababalik mo palang." pagpapatuloy pa nito.

Pagkatapos niyang magsalita ay inagaw agad ng leader ng Monster Gang na si Gorjon ang mic at nagsalita.

"Ayos lang naman sa'min kung hindi ka pa makakalaban sa ngayon pero kasi, sayang naman kung hindi nila makikita ang pagkatalo mo sa'min dahil sisiguraduhin ko iyun.... Ano kaya kung pumayag ka nalang na makipaglaban sa'min at huwag ka nalang tumanggi muna kung 'yun ang gagawin mo. Ikaw lang mag-isa dapat, hindi kasama ang iyung mga kagrupo. Para malaman din natin kung malakas at magaling ka ba talaga nang wala sila.... Ano? Deal?" sinasabi niya iyun habang nakangisi. Napangisi nalang din ako.

"Deal!"

Sagot ko kaya naghiyawan ang lahat na tiyak kong nagustuhan ang sagot ko. Lumingon naman ako at tumingin sa kung saan nakapwesto at nakaupo ang mga kagrupo ko na nakatingin na rin pala sa'kin. Sa klase ng mga tingin nila ay nagtatanong ng

"kaya mo ba? Baka kung mapano ka?"

Tinanguan ko lang sila na wala namang nagawa kun'di ang sumang-ayon nalang dahil hindi na rin naman nila ako mapipigilan.

Nagsimula na akong lumakad pababa at pagkatapos ay tumungo at pumasok sa battle area. Ang battle area ay pinalilibutan ng makakapal na glass wall at merong pinto. Transparent ito kaya kahit nasa labas ka ay makikita mo pa rin ang nasa loob. Bulletproof din ito kaya kung magbabarilan ay walang matatamaan sa labas, o maghagis ng patalim at kung ano-ano pang pweding makapatay na weapons.

Nagsimula ang laban at ang unang sumugod ay sila, pero nagpaiwan muna si Gorjon at pinabayaan ang mga kasama niya na sumugod sa'kin na ngayon ay kasalukuyan ko ng nilalabanan.

"Go Reyna NK. Kaya mo 'yan!"

"Talunin mo sila, Reyna NK!"

"Wooohhhh!"

"Ang galing mo, Reyna NK!"

"Go, Monster Gang. Kaya niyo yan!

"Talunin niyo!"

"Huwag kayong papatalo, Monster Gang!"

"Huwag kang papatalo, Reyna NK!"

"Woahhhh!"

"Ang galing!"

"Ganda ng laban!"

Panay ang sipa at suntok ng ilan sa akin. Iniiwasan ko ang mga iyon at yumuko nang may isa pang sisipa sana sa'kin sa mukha at hinuli ang kamay ng isa pa na sisikuhin sana ako at tinadyakan ang tuhod saka sinipa ang isa pang paparating.

Tumambling ako saka mabilis na umikot at paikot na sinipa ang dalawa sa mukha at siniko sa dibdib ang isa pa. Mabilis din akong lumuhod at paikot na pinatid ang tatlong nakapalibot sa'kin saka tumalon at hinuli ng dalawa kong paa at inipit ang ulo ng isa pabagsak.

Nagalit sila at di nagtagal ay humugot ng mga patalim sa kanilang tagiliran. Sunod-sunod na sumugod ulit sila sakin. Mabilis akong umiwas-iwas at yumuko saka gumilid nang pinagtatangkaan nila akong saksakin sa ulo, tagiliran at umatras dahil maging sa tiyan.

Sinipa ko ang kanilang mga kamay na may hawak na patalin para mabitawan ito't hinablot ang mahawakan ko palapit sa'kin at pinagsusuntok sa mukha at sikuhin ang dibdib. Hinuli ko rin ang iba pang kamay na may hawak na kotsilyo saka pinilipit ang kanilang kamay at isa-isa silang sinisipa sa sikmura at tagiliran.

Natapos ang laban namin na ako nalang ang nakatayo habang naghahabol ng hininga saka tumingin sa nag-iisa nalang nilang kasama na nakatayo. Ang leader nila na si Gorjon na ngayon ay parang aliw na aliw at nakangisi sa'kin. Ngunit, maliban din doon ay nababatid ko ang pangamba sa kaniyang mga mata kaya napangisi ako.

"Magaling ka pa rin pala kahit wala ang mga kagrupo mo. Ngunit tingnan natin kung hanggang saan ang galing mong 'yan nang ako na ang makakalaban mo." Turan niya at biglang sumugod sa'kin na mas ikinahiyaw na naman ng mga manonood.

"Go, Gorjon!"

"Go, Reyna NK!"

Umatras ako nang umatras at umiilag habang panay ang lapit niya sa'kin at suntok. Binigyan ko rin siya ng suntok pero iniwasan niya rin. Puro lang kami iwas ng iwas sa mga amba namin hanggang sa siniko ko siya sa likod niya na ikinahakbang niya paatras. Medyo napaubo siya at galit na lumingon sa'kin at biglang humugot ng kotsilyo.

Itinutok niya ito sa'kin at pagkatapos ay tumakbo palapit at sinubukan akong tamaan. Umilag ako at umatras saka umikot-ikot para hindi matamaan. Hindi rin ako makagamit ng patalim o kung ano man na pwede kong magamit laban sa kanya dahil wala akong dala ni isa at hindi ko rin naman alam na mapapalaban ako ngayon rito.

Kung alam ko lang ay nagdala na sana ako kanina kahit kotsilyo man lang.

Gano'n pa rin kami hanggang sa tinamaan siya ng sipa ko sa tiyan na ikinaatras at upo niya, pero kalaunan ay tumayo rin agad. Mabangis ulit siyang tumakbo palapit sa'kin at sasaksakin na sana ako ulit ngunit agad ko itong sinalag at paikot na sinipa ang kamay niya ng malakas na ikinabitaw niya ng kotsilyo. Hindi pa siya nakakabawi ay patalon ko ulit siyang sinipa sa dibdib niya na pabagsak niyang ikinahiga. Napadaing siya at bumangon saka napasuka ng dugo.

Tumingin ulit siya sa'kin nang galit na galit at nanlilisik na mga mata saka tumayo at marahas na pinahiran ang kanyang bibig.

Seryoso lang akong nakatingin sa kanya. Niluwa niya naman ang natitirang dugo sa kanyang bibig saka bumunot na naman ng isang bagay sa kanyang likod. Hindi ko pinahalata na natigilan ako at nabigla sa binunot niya.

Itinutok niya agad ang baril sa'kin saka nakangising naglakad palapit. Hindi naman ako kumilos at nanatiling nakatayo't nakatingin sa kanya.

Medyo tumahimik ang paligid at para bang nag-aabang sa susunod na mangyayari at gagawin ni Gorjon. Huminto siya sa paglalakad nang nasa tapat ko na siya at limang dangkal nalang ang layo niya sa'kin habang nakatutok ang baril.

"Ano? Suko kana ba, Queen NK?" tanong niya.

"Why would I?"

"Dahil talo ka na." siguradong sagot niya habang nakangisi.

"Paano mo nasabi? Napatumba mo naba ako? Hindi pa, diba?" nawala ang ngisi niya at napalitan na naman ng galit.

"Matutumba ka rin ngayon, kaya bakit hindi ka nalang magmakaawa? May baril ako, ikaw wala, at kapag pinutok ko ito, patay ka. Kaya sumuko ka nalang."

Hinding-hindi mangyayari iyon.

"Eh, sa ayaw ko."

"E, de papatayin kita."

"E, de gawin mo na. Ano pang hinihintay mo, pasko?" hamon ko saka lumingon sa mga kagrupo ko.

Nangangamba silang nakatingin sa'kin at tatayo na sana para lumapit dito nang umiling ako. Napatigil sila pero bakas pa rin ang pangamba sa maaring mangyari sa'kin.

"Pero bago iyun, uunahin na muna kita."

Dagdag ko at mabilis na hinawakan ang baril nila at sinubukang agawin ito na hinigpitan naman niya ang pagkakahawak.

Nakipag-agawan pa rin ako sa kanya nang biglang niya akong sikuhin nang malakas kaya nabitawan ko ang kamay niya at napaatras habang hawak ang aking kaliwang pisngi na tinamaan.

Babarilin na niya sana ako kaya agad kong sinipa ang kamay niya kaya nabitawan niya ang baril at natapon ito malapit sa kasamahan niyang nakahiga sa sahig at nakatulog. Tatakbo na sana siya rito para kunin nang agad kong hinuli at hinawakan ang kanyang balikat at sinuntok sa mukha nang dalawang beses saka sinipa kaya napalayo siya sa'kin.

Tudo hiyawan pa rin ang mga nanonood sa'min kaya subrang ingay.

Agad ko namang dinampot ang baril at ako naman ngayon ang tumutok sa kanya na mas ikinahiyaw pa ng mga manonood. Nang makita niya ang ginawa ko ay nagulat siya at hindi malaman ang gagawin. Ako naman ay dahan-dahang lumapit sa kanya na nakahiga na ngayon at umaatras palayo sa'kin.

"Ngayon, sino sa'ting dalawa ang talo at dapat sumuko't magmakaawa?" tanong ko nang makalapit sa kanya. Tumigil naman siya sa pag-atras.

"Ikaw! At mas magaling pa rin ako sa'yo!"

"Talaga?" sabi ko at pinaputukan siya sa tagiliran na ikinahiyaw niya sa sakit.

"Sino nga ulit?" ulit ko ngunit umiling-iling lang siya kaya pinaputukan ko ulit siya pero sa kanang braso na naman na ikinahiyaw niya ulit.

"Sagot!" sigaw ko at papuputukan sana ulit siya.

"Oo na! Oo na! Suko na ako! Just please! Stop!" mabilis niyang sagot kaya hindi ko natuloy ang balak ko.

Marami na ring dugo ang lumalabas sa kanya at namimilipit pa rin siya sa sakit. Lumuhod ako para medyo magkalapit ang mukha namin habang nakayuko ako sa kanya.

"Mabuti naman, dahil kung hindi, tutuluyan na talaga kita. Isa lang din ang gusto kong maging kapalit ng pagkapanalo ko."

"Ano bang gusto mong maging kapalit?"

"Simple lang. Gusto ko na kapag kailangan ko kayo ay nariyan kayo ng mga kasamahan mo para sumunod sa utos ko. Maliwanag ba? Dahil kung hindi, alam mo na ang mangyayari." banta ko. Mabilis naman siyang tumago kaya tumayo na ako.

"Okay! Ang nagwagi ay ang Reyna ng NKAB Gang!" announce ng MC na ikina-ingay ng lahat.

Pagkatapos kong lumabas sa battle area ay naglakad naman ako patungo sa mga  kinaroroonan ng mga kagrupo ko. Binabati naman ako ng mga nadadaanan ko, hindi lang sa aking pagbabalik kun'di maging sa pagkapanalo ko. Masaya rin akong sinalubong at binati ng mga kagrupo ko saka nakipagbeso-beso tanda ng pagsasamahan namin.

Makikipagbeso-beso sana ako kay Aspren nang agad niyang hinila ang kamay ko at diretso akong niyakap. Napangiti nalang ako at niyakap nalang din siya pabalik. Siya ang kanang kamay ko rito sa grupo.

"Bakit hindi mo sinabi na pupunta ka rito o tinawagan man lang ako? E, de sana nasundo kita." tanong niya sa'kin pagkakalas.

"Gusto ko kayong isurprise eh, kaya hindi ko na ipinaalam." nakangiting sagot ko.

"Ano nga pala ang hiningi mong kapalit kay Gorjon?" tanong naman ng kanang kamay ni Aspren na si Azzel.

"Secreto na muna iyun."

"Diba dapat nasa paaralan ka ngayon dahil miyerkules? Bakit ka narito? Nag scape ka no?" tanong naman sa'kin ni Cider nang may ngiting nakakaloko.

"Hindi no, ikaw talaga," sagot ko agad at binatukan siya.

"Sakit non ah," sabi niya at hinimas-himas ang kanyang ulo.

"Oh ano, gusto mo pa?" tanong ko at inambahan siya ulit ng batok.

"Hindi na, baka mas masakit pa iyan." tanggi niya.

"Eh, bakit ka nga narito? Balita namin ay nalipat ka na naman ng school." Gatong naman ni Aerence.

"Ah! Oo nga pala, saan ka na ngayon nag-aaral, queen?" tanong ni Keizen.

"Sa Cristof University." tumango-tango lang sila sa sagot ko. "At saka, kaya ako narito ay dahil wala akong magawa sa bahay at nasuspended ako ng one week." paliwanag ko.

"Bakit? May ginawa ka na naman bang kasalanan para bigyan ka niyan?" tanong ni Davies.

"Siguro, nakipag-agawan ka na naman sa school no? At kaya ka nasuspended ay dahil nuck out na naman sila." dugtong naman ni Gifford habang natatawa.

"Wala namang bago, eh. Diba?" turan naman ni Emmette sa akin na tinanguan ko nalang. "Kita niyo?" sabi niya pa.

"Kaya naman pala. So, kumusta na sila ngayon, buhay pa ba?" tanong naman ni Creed habang nakangising nakatingin sa'kin.

"Oo, at ayun nasa hospital pa rin." sagot ko nang makaupo.

"Grabe ka talaga." ani naman ni Jaxon na natatawang boses kaya natawa na rin ako maging sila.

"Hehe. Sa ngayon ang gusto ko munang gawin ay gumala." sabi ko. "Kaya ngayon ay magpapaalam na ako sa inyo dahil aalis na ako. Pumunta lang talaga ako rito para bisitahin kayo at tingnan na rin kung meron bang nagbago rito... Hindi naman ako pumunta rito para makipaglaban, eh, pero wala na, nangyari na. Babalik nalang siguro ako sa susunod rito." paliwanag ko.

"Hindi ka manlang ba magtatagal?" tanong ni Aspren.

Umiling lang ako at tumayo. Napabuntong hininga nalang sila at pinayagan ako.

Nang makalabas na ako ay agad akong nagtungo at lumapit sa'king motor na medyo may kalayuan sa'kin. Hindi pa ako nakakalapit dito nang biglang may nagtutok sa'kin ng baril sa ulo mula sa likuran na ikinahinto ko sa paglalakad.

"Anong kailangan mo?" tanong ko rito.

"Ang kailangan namin ay ang mapatay ka." sagot nito.

Namin? Ibig bang sabihin ay may mga kasama siya?

Hinawakan ako nito sa balikat at pinaharap sa kanya na siya namang malaki niyang pagkakamali. Nang magkaharap na kami ay agad kong hinawakan ang kamay niya at agad siyang sinuntok sa mukha saka ko pinilipit ang kamay niya kaya nabitawan niya ang hawak na baril. Pagkatapos ay agad ko rin siyang tinuhod. Sa pagtumba niya ay siya namang paglapit pa ng iba at sinugod ako.

Mabilis akong umatras at umilag sa ataki nila saka binigyan ng mga suntok sa mukha, panga at sikmura. Anim sila at ikapito ang nauna kong napatumba.

Babarilin na sana ako ng isa sa ulo nang agad kong  nahawakan ang kamay niya at itinaas ito sa uluhan namin kaya sa taas pumutok. Alam kong narinig ito sa loob ng Kings Ground dahil sa lakas ng tunog nito. Pagkatapos ay agad ko siya tinuhod sa tiyan at sinuntok sa panga. Nabigla naman ako nang biglang may nagpaputok ng baril.

Pagtingin ko sa mga kalaban ay nakahiga na sila at wala ng buhay maliban sa isa. Paglingon ko naman sa likod ko ay nakita ko sina Aspren at Azzel na may hawak ng baril at nasa likod nila ang iba naming kasamahan. Gulat na gulat at nagtataka sila sa nakita saka lumapit sakin.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Aspren sa'kin na may halong pag-aalala na tinanguan ko lang. Nilingon ko naman ang isa pang natitira na ngayon ay wala na sa kanyang pwesto kanina. Lumingon-lingon naman ako sa paligid at nakita itong tumatakbo palayo.

"That bastard!" galit kong sigaw at tumakbo para habulin ito.

Narinig ko pang tinawag ako nila Aspren ngunit hindi ko sila nilingon at patuloy lang na tumakbo.

Mabilis siyang tumatakbo kaya mas binilisan ko rin ang akin. Nakita kong lumiko siya sa may eskinita patungo sa lumang building kaya nag-iba ako ng direksyon para salubungin siya. Hindi naman ako nabigo.

Nakita ko naman siyang patungo na sa direksyon ko nang hindi ako nakikita, kaya mabilis akong nagtago sa isang pader malapit sa'kin na alam kong madadaanan niya. Makakalagpas na sana siya sa'kin nang agad ko siyang sinipa sa tiyan kaya napaatras siya.

Gulat na gulat naman siyang tumingin sa'kin ngunit kalaunan ay agad ding nawala at sinugod ako. Umatras ako at umikot saka siya tinadyakan. Napaatras siya at galit na bumunot ng baril na agad ko namang sinipa saka siya sinuntok at patalon na sinipa kaya pabagsak siyang napasandal sa pader. Habol ang hininga niya habang nakapikit at iniinda ang sakit na naramdaman.

"Now, who the hell ordered you to kill me and why?" galit na tanong ko sa kanya habang hawak na ang baril at nakatutok sa kanya.

"Sa tingin mo... sasabihin ko sa'yo?" sagot niya sa nahihirapang boses.

"Oo, dahil papatayin kita kapag hindi."

"Hindi ko sasabihin sayo kahit na anong mangyari at gawin mo sa'kin." sagot niya kaya tumalikod ako at nagsimula ng maglakad palayo sa kanya.

Napahinto lang ako at napahigpit ang hawak sa baril dahil sa dinagdag niya.

Sino siya para takutin ako?

"Kahit patayin mo ako, ay hindi mo pa rin malalaman kung sino ang nag-utos sa'min para patayin ka.  Sigurado rin ako na mag-uutos ulit siya ng iba para patayin ka kung hindi man kami magtagumpay na patayin ka ngayon.... At kapag nangyari iyun ay pamilya mo naman ang isusunod niya. Hahaha! Hahaha! Hahahahaha!"

hindi ko napigilan ang sarili ko at galit na galit na nilingon siya at pinagbabaril hanggang sa naubos ang bala nito.

Walang emosyo ko siyang pinagmasdan habang habol ang hininga at hawak pa rin ang baril na nakatutok sa kanya na wala ng buhay. Halos naliligo na siya sa kanyang sariling dugo. Saka ko lang naibaba ang kamay ko nang dumating sila Aspren nang hingal na hingal at hinawakan niya ang kamay ko. Di nagtagal ay tumalikod ako at naglakad palabas at sumunod naman sila.

"Nalaman mo ba kung sino ang may pakana nito?" tanong ni Aspren sa'kin nang nasa labas na kami.

"Hindi niya sinabi." sagot ko pagkatapos ay tinapon ang baril sa mga sinusunog na basura sa gilid.

"Anong balak mo ngayon?" tanong naman ni Azzel.

"Gusto kong alamin niyo kung sino ang may pakana nito ngayon din."

"Sige, pero, saan ka pupunta?" tanong naman ni Jaxon nang maglakad ako.

"Aalis na muna ako at magpapalipas ng galit."

Nandito na rin naman ang aking motor dahil dinala pala nila kaya agad na akong sumakay rito't sinuot ang aking helmet saka pinaharurot paalis sa lugar.

"Mag-iingat ka!"

Rinig ko pang pahabol nilang sigaw. Itinaas ko lang ang kaliwang kamay ko saka patuloy na tumakbo. Hindi ko alam kung sino ang may pakana nito pero sisiguraduhin kong malalaman ko rin iyun.

******
Nick's pov.

Nandito kami ngayon sa plaza sa may basketball court ng mga kaibigan ko. Naglalaro kami ng basketball ngunit hindi kasama sina Ranzel, Nazzer, Kreptton, Zircon, Dominique at Clineton at iba pa naming mga kaibigan na nanonood lamang sa'min. Tuloy lang kami sa paglalaro nang biglang may narinig kaming tunog ng motor na kararating lang at pinarada malayo samin kaya napahinto kami sa paglalaro.

Hindi namin makita ang mukha nito dahil nakahelmet pa. Bumaba muna siya sa kanyang motor bago hinubad ang suot na helmet, at halos lahat kami ay nabigla dahil hindi namin inaasahan kung sino ang nakamotor.

Walang iba kun'di ang nag-iisa naming bagong kaklase na babae na si Kiesha. Lumingon naman ako sa gawi nila Ranzel na nasa itaas at nakaupo sa mga hagdan na nakatingin na rin pala sa kinaroroonanan ni Kiesha.

Mukhang hindi alam ni Kiesha na nandito kami kasi hindi siya lumingon sa gawi namin. Nakita kong lumakad siya kaya sinundan ko siya ng tingin kung saan siya tutungo, hindi lang pala ako, kaming lahat. Sa tindahan lang pala at may binili.

Nagkatinginan naman kaming magbabarkada at nag-uusap gamit ang mga mata. Mukhang pareho rin naman kami ng iniisip kaya sabay-sabay kaming tumango-tango.

"Kiesha!"

Sabay naming tawag sa kanya. Napahinto naman siya sa pag-inom ng kanyang hawak na mineral water at nagpalingon-lingon.

"Dito!"

Dagdag namin kaya napunta na sa'min ang tingin niya. Nagtataka pa siyang tumitig sa'min at parang nagtatanong kung bakit namin siya tinawag. Binigyan nalang namin siya ng sign na lumapit sa'min na ginawa naman niya.

"Bakit?" agad niyang tanong nang makalapit.

"Anong ginagawa mo rito sa plaza?" tanong ko sa kanya.

"Namamasyal, walang magawa eh."

"Gano'n? At sa'yo ba ang motor na iyun?" at tinuro ko ang motor na ginamit niya kanina.

"Sa tingin mo?" balik tanong naman niya.

"Sa tingin ko, hindi." sagot ko na ikina-inis niya at inambahan ako ng suntok kaya agad akong umatras saka itinaas ang kamay na parang sumusuko habang natatawa.

Tumigil naman siya at ibinaba ang kamay at narinig ko ang mahinang tawa ng mga kaibigan ko.

"Ops! Relax lang, Nyhl, binibiro ka lang e, masyado kang pikon." medyo natatawang turan naman ni Arsen.

"E kung ikaw nalang kaya ang suntukin ko, gusto mo?" banat ni Kiesha at pinakita ang kamao niya ngunit agad ding ibinaba nang makita niya ang hawak ni Onel.

Mukhang napansin rin ng iba ang tingin niya.

"Gusto mo sumali sa laro namin?" tanong ni Linbo.

"Pwede ba?"

"Sure, pero marunong ka ba?" sagot na tanong naman ni Morgan.

"Baka naman hindi, ikaw pa ang magpapatalo sa mga kagrupo mo." turan naman ni Cristian habang nakangisi ngunit sinamaan lamang siya ng tingin ni Kiesha.

"Marunong ako, at baka nga kayo pa ng mga kagrupo mo ang matalo eh." sabi naman niya.

"No way, pero sige na nga, sali ka na. Ang magiging ka grupo mo ay sina Antun, Artor, Linbo at Esrael. Sa akin naman ay sina Nick, Luis,

You are reading the story above: TeenFic.Net