Chapter 3

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 3

Kiesha's pov.

Agad silang sumugod sa'kin at nagsitayo naman ang mga kaklase ko saka lumaban muli. Ngayon ay nakikipag-away na rin ako gaya nila laban sa section Sadness. Nang may napatumba na naman ako ay saglit akong tumigil at naghabol ng hininga.

Naramdaman kong may papasugod sa'kin sa likod at parang hahampasin ako kaya agad akong gumilid at sinipa siya sa mukha kaya patagilid itong bumagsak sa lupa. Meron pang isa na susuntukin na sana ako pero mabilis akong nakailag. Hinawakan ko siya sa balikat saka sinuntok sa sikmura pagkatapos ay siniko sa panga kaya natumba siya at namilipit sa sakit.

Hindi ko alam na may papasugod pala sa'kin sa likod kaya pagharap ko ay suntok sa tiyan agad ang inabot ko. Medyo masakit siya pero ininda ko ito at umiwas nang sisipain niya sana ako saka hinuli ang paa niya at siniko ng malakas. Tumunog ang buto nito at mapasigaw siya sa sakit saka ko siya binitawan. Tiningnan ko pa ang ibang mga kaaway at kung kanina ay panalo sila, ngayon hindi na dahil nakahiga na ang iba at nakatulog samantalang ang iba ay iniinda ang sakit na natamo.

Tumingin naman ako sa leader na ngayon ay nanggagalaiting sa galit at halos hindi na maipinta ang mukha nito habang nakatingin sa'kin. Ngumisi ako sa kanya at dahan-dahang lumapit. Hindi naman siya nagpatinag at mabilis na lumapit sa'kin saka inambahan ako ng suntok na agad kong iniwasan. Mas lalo siyang nagalit at panay ang pagbibigay sakin ng suntok, sipa at tadyak na hindi naman nagtagumpay dahil mabilis na iniwasan ko ito lahat. Batid kong napapagod na s'ya pero wala pa rin siyang tigil sa kanyang ginagawa hanggang sa napatid niya ang kanyang saliling kaliwang paa kaya natumba siya.

"Tss! 'Yun lang ba ang kaya mo? Ang hina mo naman pala, eh. Akala ko ba malakas ka?" nakangisi at nang-iinis na tanong ko sa kanya. "Tapos ka na ba?" dagdag ko pa.

"Hindi pa, at ito pa ang sa'yo!" sagot niya at mabilis na tumayo't lumapit sa'kin at susuntukin na naman sana ulit ako ngunit nahuli ko agad ang kamay niya at inikot papunta sa kanyang likod kaya napatalikod siya sa'kin.

"'Yun na 'yun? Tss! Ang hina mo talaga. Ngayon, ako naman at ito ang sa'yo!"

Mabilis kong sinipa ng malakas ang dalawang tuhod niya sa likod kaya pabagsak siyang napaluhod at napasigaw. Hindi pa ako nakuntinto at umikot ako paharap sa kanya at sinuntok siya sa kaliwang mukha kaya patagilid siyang nahiga.

"Sa susunod na pagsalitaan mo ako ng mga hindi maganda at magyayabang ka sa'kin ay baka hindi lang 'yan ang aabutin mo. Mali ka ng kinalaban at hindi mo  rin kilala kung sino at ano talaga ako. Hindi lang din ito ang kaya kong gawin sa'yo at sa mga kasama mo..., higit pa rito.  Kaya mag-iingat ka, dahil baka sa susunod ay sa hukay na ang bagsak niyo ng mga kasama mo. Maliwanag?" banta ko gamit ang seryosong boses at pagkakatingin.

Nakaluhod ako sa harap niya at siya naman ay nakahiga pa rin at iniinda ang sakit na ginawa ko sa kanya. "Oo, ta-tatandaan ko 'yan." sagot niya habang nakangiwi dahil sa sakit.

Napangisi naman ako pero sandali lang at tumayo na. Nilingon ko naman ang mga kasama nito at mga kaklase ko. Lahat kami ng mga kaklase ko ngayon ay nakatayo habang naghahabol sila ng hininga't iniinda rin ang sakit na naramdaman nila saka nakahawak sa ilang parte ng kanilang katawan.

Nakikita ko sa kanilang mga mata ang pagkamangha at hindi makapaniwala sa ginawa ko habang nakatingin sa'kin. Hindi ko nalang sila pinansin at naglakad nalang paalis sa lugar na ito. Gumigilid naman ang mga studyanteng nadadaanan ko at bakas sa kanila ang takot at the same time ay pagkamangha. Naramdaman ko rin na nakasunod sa'kin ang mga kaklase ko.

Patungo kami sa room namin at diretso lang ang pasok ko pagkarating at umupo sa'king upuan, saka pinagkross ang aking mga hita at dalawang kamay sa harap ng aking dib-dib. Hinintay ko silang makapasok dahil ang babagal nilang maglakad.

Pagkapasok nila ay nagsitayo lamang sila sa tapat ng blackboard habang nakaharap sa'kin at ang iba ay sumandal dito. Ang iba naman ay sumandal malapit sa bintana. Ang iba pa ay nagsiupo sa mga lamesang nasa unahan habang nakatingin sa'kin ng taimtim. Si Ranzel naman ay nakatayo lang at nakasandal sa gilid ng pinto at nakatingin sa'kin nang nakapamulsa. At ang isa naman na dito nakaupo sa kaliwa ko ay nakatayo rin at nakasandal sa kabilang gilid naman ng pinto, nakacross ang mga braso sa dibdib at nakatingin din sa'kin.

Kung iisipin niyo, silang lahat ay nakatingin sa'kin ng seryoso at para bang may hinihintay silang sasabihin ko o ano. Parang may gusto silang linawin, malaman at itanong. Tinaasan ko nalang sila ng kilay habang tinitingnan sila isa-isa at sinusuri.

*******
Nazzer's pov.

Kasalukuyan kami ngayong nakatayo at nakatingin kay Kiesha na nakaupo pa rin at nakatingin din sa'min.

"What?" nakataas na kilay na tanong niya at sa maangas na tuno.

"Anong what? What whatin kita diyan, eh," sagot agad ni Nelson.

"Tss! Ano ba kasing tinitingin-tingin niyo sa'kin?"

"Wala, may gusto lang kaming malaman. Paano mo nagawa 'yun sa kanila?" tanong ni Arsen.

"Nagawa ang alin?" maang-maangan nito.

Ang galing talaga nitong mag-maang-maangan.

"Huwag ka ngang sumagot ng ganyan, nakakairita eh. As if naman na hindi mo talaga alam ang tinutukoy namin." sabi ni Nelson sa naiinis na boses.

"Ah alam ko na. Ang tinutukoy niyo ba ay ang kanina sa laban?" pagtutukoy ni Kiesha.

"Oo!" sabay-sabay naman na sagot ng mga kaibigan ko sa kanya maliban kay Ranzel na tahimik lang at nakikinig at nanonood sa kanila.

"E, ano bang meron sa ginawa ko kanina at nagkakaganyan kayo? E, dumating lang naman ako at nakisali sa laban niyo. Ano bang meron sa ginawa ko?" masungit na tanong niya.

"Iyun na nga e, dumating ka at sumali sa away, pero putik! Hindi ko inaasahan na ganon ka kalakas at kagaling makipaglaban kababae mong 'yan?!" sagot ni Nick sa kanya nang may kalakasan.

"Grabe, ang galing mo, dinaig mo pa ako, kami," sabat naman ni Dominique at tinuro pa kami.

"Kaya siguro hindi ka natakot sa banta at ginawa namin sa'yo." sabi ni Donald.

"O, eh, ano ngayon?"

"Wala. Pero, wahhhh! Hindi ko alam na marunong ka palang makipag-away talaga!" namamanghang sigaw ni Kell.

"Kaya nga, at mas malala pa ay puro mga may bali sa iba't ibang parte ng katawan ang mga napatumba mo. Grabe talaga." turan naman ni Artor habang umiling-iling at nakanganga sa kanya.

"Paano mo nagawa iyun? Wala na akong masabi sa galing mo, e." sabi ni Luis.

"May secreto ka ba? Ituro mo naman sa'kin oh." tanong naman ni Tommy.

"Hindi lang sa'yo, sa'tin tanga!" sabat naman ng iba na inismeran lang ni Tommy.

"Ano at sino ka ba talaga? Bakit marunong kang makipaglaban?" tanong ni Zircon kay Kiesha.

Gusto ko ring itanong 'yan.

"Wala," simpleng sagot lang ni Kiesha.

"Wala? Wehh.... Hindi kami naniniwala!" sabay na wika naman nila.

"E, bakit pa kayo nagtatanong kung hindi lang din naman kayo naniniwala?" mataray na tanong naman ni Kiesha.

"E, hindi naman kasi kapani-paniwala ang sagot mo!" sabay-sabay pa rin sila na may halong inis sa boses.

"E, di huwag kayong maniwala, problema ba 'yun? Tanga niyo rin, eh." tapos umismid siya at inirapan sila.

"Anong tanga?! Sinong tanga?! Kami?! Hoy babae, para sabihin namin sa'yo, HINDI. KAMI. TANGA! Tanadaan mo 'yan!" sabay-sabay nilang sigaw at dinuro si Kiesha na ikinangiwi ko lang.

"Eh, di hindi! Kailangan talagang sabay-sabay at sumigaw? Hoy kayong mga lalaki! Para sabihin ko rin sa inyo. HINDI. AKO. BINGI! Tandaan niyo 'yan!" sigaw rin ni Kiesha sa kanila at dinuro-duro sila isa-isa.

Sa gulat ay napatayo ang mga nakaupo at napaatras kasama ang mga nakatayo saka nakangangang nakatingin sa kanya. Tss! Tss! Tss! Tss!

"Eh, di hin-di, 'w-wag ka na rin su-sumigaw," utal-utal na sagot naman nila.

Napailing-iling nalang kaming dalawa ni Ranzel dahil sa mga inasta at itsura nila saka napabuntong hininga.

"Mabuti naman, tss!" sagot naman ni Kiesha at umayos ng upo saka ipinagcross ulit ang mga kamay sa kanyang dib-dib at tumingin sa bintana.

Nang mapansin niyang hindi pa rin kami kumikibo at nanatiling nakatayo ay tumingin ulit siya sa'min.

"Oh, ano pang ginagawa at tinatayo niyo diyan, wala ba kayong balak maupo? Kayo rin, baka sumakit ang mga paa niyo." nanunuya at nakataas kilay na turan niya.

Nagtinginan naman ang mga gago bago tumingin sa'min ni Ranzel. Tinaasan ko naman sila ng kilay at nilingon si Ranzel na ganon din pala ang ginawa sa kanila. Lumingon din si Ranzel sa'kin, at sa mga tingin niya ay nagsasabing maupo na lang kami. Napabuntong hininga nalang ako saka hinarap ang mga kaibigan namin na nakatingin at naghihintay pa rin sa sasabihin namin.

"Tss! Magsiupo na tayo para makapagpahinga na." sabi ko sa kanila na tinanguan naman nila.

Nagsimula na rin silang lumakad at tinungo ang kanilang mga upuan pagkatapos ay sumunod na rin kaming dalawa ni Ranzel. Umupo ako malapit na bintana at sa gilid ko ay naroon ang upuan at lamesa ni Kiesha ngunit may distantansya, sakto lang para hindi magdikit ang aming lamesa at madaanan pa sa pagitan namin.

Nakatungo siya ngayon at nakatitig sa kanyang lamesa na para bang may malalim na iniisip na hindi ko alam kung ano. Hindi ko nalang ito pinansin at tumingin nalang sa bintana saka bumuntong hininga. Walang guro ngayong umaga dahil nagkaroon ng emergencing meeting. Walang guro ang nakakaalam sa nangyari kanina, ngunit tiyak akong malalaman din nila mayamaya.

Hayyyy.

******
Kiesha's pov.

Nasa cafeteria na ako ngayon at kasalukuyang kumakain. And, as usual, mag-isa pa rin ako dito sa table ko. Rinig na rinig ko pa ang mga bulungan ng iba tungkol sa nangyari kanina at pakikisali ko. Hindi ko naman sila pinansin at pinabayaan nalang.

"Attention, all section Fear and section Sadness, please proceed to guidance office! Again, calling to the section Fear and Sadness, please proceed to the guidance office!"

Napahinto ako sa pagkain nang marinig ko ang speaker na tinatawag kami. Natahimik ang lahat at napatingin sa'kin at sa mga kaklase ko. Lumingon ako sa kinaroroonanan nila at nakitang nakatingin na rin pala sila sa'kin, pagkatapos ay nagsitayo saka naglakad palabas. Napabuntong hininga nalang ako at napakibit balikat saka sumunod sa kanila. Mukhang alam ko na rin kung bakit kami pinapatawag.

Pagkarating ay agad at sunod-sunod silang nagsipasok kaya sumunod na rin ako. Sa loob ay nagsiupo agad sila at nakita kong nandito na rin ang ibang meyembro ng section Sadness. Ang iba naman ay namimilipit pa rin sa sakit na natamo nila. Napansin ko rin na wala ang kanilang leader. Narito rin ang mga pamilya nila at nakapwesto sa kanilang gilid o likod. Samantalang ang section Fear ay wala maging ako.

"Maupo ka muna, Miss Villanueva," alok sa'kin ng principal saka tinuro ang bakanting upuan sa tabi ng section Fear. Okay. "Siguro naman ay alam niyo na kung bakit ko kayo pinatawag dito lahat?" panimula ng principal na ikinatango lang namin. "Ang pag-uusapan natin ngayon ay kung bakit kayo nag-aaway-away lahat sa gym. Maaari ko bang malaman kung sino ang nagsimula at anong dahilan ng away o gulo niyo?" tanong ng principal.

Wala akong alam diyan. Nadawit lang ako.

Hindi naman ako sumagot at tahimik lang dahil hindi ko rin naman alam kung sino ang nagsimula sa kanila.

"Sila!"

Napalingon ako sa mga kaklase ko nang sabay-sabay silang nagsalita at lahat sila ay nakaturo sa section Sadness maliban kina Ranzel at noong isa pang lalaki. Gulat na gulat naman ang mga ito.

"Kayo ang tinuro, totoo ba 'yun?" baling ng principal sa kabilang section na hindi naman nakasagot agad dahil sa gulat.

"Anong kami? Hindi po kami, sila po ang nauna. Nakatayo lang kami roon tapos sila ay nagbabasketball." tanggi at paliwanag nila.

"Ano namang ginawa nila sa inyo at humatong sa away ang lahat?" mahinahong tanong naman ng principal.


Oo nga. Anong dahilan?

"Bigla po nilang binato ng bola si Elvis at tinamaan ito sa mukha." sagot ng isa sa kanila.

'Yun lang? Tapos rambol agad? Pambihira din ang mga ito eh.

"Hindi namin siya binato! Accidente lang ang nangyari at hindi sadya!" kuntra ng isa sa mga kaklase ko.

"Anong hindi? Sinadya niyo 'yun dahil galit kayo sa kanya." kuntra din ng isa sa section Sadness.

"Sabi ng hindi sadya 'yun eh," kuntra ulit ng isa na naman sa section Sadness.

"At saka, kung sinadya namin 'yun, hindi lang siya ang babatuin namin, maging kayo dahil galit din kami sa inyu!" dagdag ng isa na naman sa mga kaklase ko.

Ah, talaga?

"Kahit na, ginawa niyo pa rin!" patuloy pa rin nila.

"Ay mga bobo talaga, sabi ng hindi e," bulong ng ilan sa mga kaklase ko.

"Hindi kami mga bobo, kayo ang mga bobo!"

Ay! Narinig pa rin nila iyun?

"Okay, student, stop!" napatigil silang lahat sa pagtayo at pag-a-ambahan ng suntok nang magsalita ang principal. Napatigil at napaupo ulit sila habang masama ang tingin sa isa't isa. "Okay, sa ginawa at ipinapakita niyong ugali ngayon sa harap ko ay wala na akong ibang masabi pa kundi ang lahat kayo ay maparusahan." galit na turan nito.

Gano'n? Pati ba ako?

"At ikaw naman Miss Villanueva, bakit ka napasali sa away nila? Babae ka pa naman, dilikado iyung ginawa mo." baling naman ng principal sa'kin kaya napatingin na rin ang lahat sa'kin at hinintay ang sagot ko.

"Gusto ko eh, kaya sumali ako," walang ganang sagot at tingin sa kanya.

"Talaga? Dahil gusto mo, ay sumali ka? Anong pumasok sa utak mo at naisip mo 'yun?" tanong niya.

Hindi ko rin alam.

"Wala, nakita ko lang na matatalo na sila kaya nakisali ako. Baka kasi 'pagpinabayaan ko lang ay sa hospital na agad ang bagsak nila. Ayaw ko naman na mag-isa nalang ako sa room na tinuturuan habang sila ay nagpapahinga. Napakaboring kaya ng mag-isa, kahit ganyan sila ay ayaw ko naman na mapahamak sila, 'no. Diba, section Fear?" paliwanag ko at binalingan ang mga kaklase ko na hindi na naman makapaniwala sa aking sagot at nakataas ang kilay, pero kalaunan ay tumango nalang din.

"Gano'n? Hindi mo ba alam na hindi bagay para sa isang tulad mo ang makipag-away lalo na sa mga lalaki dahil isa kang ba--"

"Babae?" pagpuputol ko sa sasabihin niya. "Alam ko na 'yan, kaya 'wag na kayong mag-alala at saka kaya ko naman ang sarili ko. Tumba nga silang lahat e."  napailing-iling naman siya at hindi makapaniwala sa tinuran ko kahit narito ang mga magulang ng mga nakalaban namin.

"Wala kang galang iha--"

"Matagal ko ng alam iyan, ginang, kaya 'wag mo ng ipaalala pa." pagpuputol ko rin dito kaya masama ang tingin nito sa'kin ngayon na nginisihan ko lang.

"Hindi ka dapat ganyan sumagot-sagot sa mga nakakatanda sa'yo, ina" sabi naman ng isa pang Gng.

Ay, ganon?

"Okay, 'yun lang ba? Madali lang 'yan." sagot ko. Napailing-iling nalang sila.

"Hay! Okay... Dahil diyan ay may parusa kayong matatanggap dahin sa ginawa niyo." sabi ng principal.

"Ano naman iyon, Mrs. Principal?" tanong ng isa sa mga section Sadness.

"One week suspension,"

What?!

"A-no? Huwag naman ganyan Mrs. Principal!" angal ng mga section Sadness kasama ang mga magulang nito.

"Wala ng aangal pa. Parusa nila iyan and that's final. At sana hindi na maulit ang pangyayaring ito." sabi ng principal kaya wala na silang nagawa kun'di ang manahimik nalang at tanggapin ang mga sinabi nito.

Pagkatapos ng usapan ay nagsilabasan na kami at nagsibalik sa room para umatend ng sunod na klase.

"Iyun ba talaga ang nasa isip mo o gawa-gawa mo lang iyung mga pinagsasabi at sagot mo kanina?" tanong agad sa'kin ng mga kaklase ko pagkapasok at pagkaupo namin.

"Bakit? Hindi ba kayo naniniwala?"

"Hindi naman kasi kapani-paniwala ang mga sinabi mo kanina eh. Sa mga ginawa at sinabi namin sa'yo noon, tiyak na hindi 'yun totoo." hindi ko nalang sila sinagot at inirapan nalang.

Edi huwag kayong maniwala. Hindi ko naman kayo pinipilit.

"Ganyan ka ba talaga kapag kinakausap at tinatanong, hindi sumasagot ng maayos?" tanong ng nitong lalaking nakaupo malapit sa'kin.

"Yeah," at tumango-tango pa ako.

"Tss!" turan nalang ni Ranzel.

Hindi na rin sila nagtanong pa at nanahimik nalang hanggang sa dumating na ang guro at nagsimulang magturo.

Pagkauwi sa bahay ay wala sina mommy, daddy at kuya, mukhang nasa trabaho pa nila kaya dumiretso nalang ako sa'king kwarto para magpahinga at magpalit ng damit.

Mamaya ay sasabihin ko sa kanila at ipaliliwanag kung bakit hindi ako makakapasok ng isang linggo. Tiyak na papagalitan at papangaralan na naman ako ng mga iyun. Mabuti nalang at hindi kick-out sa school ang binigay kung hindi, nako patay na talaga ako sa kanila.

Kinaumagahan ay nagbibihis ako dahil aalis ako ngayon. Tapos ko na ring ipinaliwanag kila mommy ang nangyari kagabi. Disappointed nga silang lahat sa'kin, e, pero tinanggap na rin.

******

Flashback

Habang nasa sala kami at nasa harap ko sila mommy at daddy, nauna silang nakauwi kesa kay kuya.

"Mom, Dad, hindi ako makakapasok ng isang linggo." panimula ko. Napatigil naman sila at napatingin sa'kin.

"Bakit?" Sabay nilang tanong.

"Nasuspended kami ng mga kaklase ko dahil sa gulo na nangyari kanina kasama ang isa pang section."

"Ano? Nasali ka na naman sa gulo?" di makapaniwalang tanong ni mommy. Tumango ako.

"Anak naman, diba napag-usapan na natin ito noon? Iwasan ang pakikipag-away at masangkot sa gulo. Anong nangyari?" nanghihinayang na wika ni daddy.

"Sorry po, hindi ko naiwasan eh." nakayukong sagot ko.

"Hindi na talaga namin alam kung paano ka nagkaganyan. Tiyak akong madi-dissapoint din ang kuya mo pag nalaman niya 'to." sabi ni daddy.

"Bakit naman ako madi-disapoit at anong malalaman ko?" tanong agad ng isang tao na kapapasok lang at lumapit sa'min.

"Ito kasing kapatid mo, nasangkot na naman sa gulo sa bago niyang school at nasali sa suspension." sumbong ni mommy kay kuya. Tumingin naman agad siya sa'kin ng ilang minuto bago nagsalita.

"Totoo ba iyun?" paninigurado niya sa seryosong boses.

"O-oo, kuya, eh, sorry." sagot ko at nagpeace-sign sa kanya. Sinamaan niya naman ako ng tingin bago bumuntong hininga.

"Ano na namang dahilan at nagawa mo iyun?"

"Ginalit kasi nila ako kaya hindi ko napigilan ang sarili ko at pinatulan sila." Pagsisinungaling ko. Ayaw ko lang kasing sabihin na tinulungan ko lang ang mga kaklase ko dahil sigurado akong maslalo lamang silang magagalit sa akin.

"Hay! Hindi na talaga namin alam ang gagawin namin sa'yo, Kiesha. Dahil sa ginawa mong 'yan ay parurusahan din kita." sabi niya at ngumisi.

"What? At ano namang ipaparusa mo sa'kin?"

"Pumalit ka muna sa'kin ng ilang araw sa company dahil may pupuntahan ako at baka apat o limang araw akong mananatili roon."

"What? No way! I will never accept that!" kuntra ko agad.

Maalala ko palang noong pumalit

You are reading the story above: TeenFic.Net