Robbie's P.O.V
Pagpasok ni Mama sa kusina,Kumuha siya ng itlog at Binasag ito sa Mangkok.Lalagyan niya sana ng asin pero....
"Mama,Wag po" Habang hawak ko ang kamay niya.
"Ayaw ko po kasi ng Asin sa Itlog ehh mas Gusto ko po yung Sarap Ginisa seasoning mix kaya yun nalang po ang Ilagay niyo" sabi ko sa kanya.
"Ayy oo nga pala pasensya kana anak ahhh nakalimutan ko na Ayaw mo pala ang asin sa Itlog" Kinuha ni Mama ang Sachet At Binudburan niya ito ng tamang Dami.
Pagdating ng Gabi,Dumating na rin sina Lolo at Papa Lando galing sa trabaho.Nagmano kaming tatlo sa Kanila.Umupo na silang tatlo nina Lola Feliciana sa Hapag habang tinutulungan ko si Mama sa paghahain ng Aming kakainin.
Nagdasal kami at Kumain,Nag usap usap sila tungkol sa mga bagay bagay
"Robbie,Uulitin ko ahh,Ayaw ko na nakikita kang naglalaro ng Manika,Nakakasuka.Alam mong Ayaw ko sa mga Salot."Paalala sa'kin ni Lolo.Nagkatinginan kami ni Mama,Hindi man siya magsalita,Ramdam ko ang Kaba at Nerbyos na kanyang nararamdaman.
"Papang,Nasabi pala sa akin ni Robbie na Nagbabahay-bahayan raw ho sila ni Angela at yung manika yun yung Kunwaring anak niya."Palusot ni Mama kay Lolo.
"Kahit na,Gina.Hindi ko gusto ang nakakakita ng Lalaking naglalaro ng isang manika lalo na sa Apo ko.Robbie,Maghanda ka dahil kapag may Free Time ako,Tuturuan kitang Humawak ng baril."Sabi ni Lolo.
"Oo,Robbie.Siguro baka pagdating mo sa 15 years old Baka Ipasok ka namin sa Isang Military School."pahabol ni papa.
"Masyado niyong Pini-Pressure ang Apo ko.Hayaan niyo muna siya maglaro ng maglaro dahil bata pa naman siya eh.Darating din ang araw na matutupad niya lahat ng pangarap niyo sa kanya."Sinabi Lola Feliciana matapos siyang mainis dahil sa mga sinabi sa'kin nina papa.
Pagtapos ng Hapunan,Naghugas na si Mama ng mga pinggan habang nasa loob kami ni Jc ng Kwarto namin at nanonood habang si Papa ay nasa banyo,Naliligo.pumasok si Mama sa Kwarto at sinabi...
"Robbie,Diba sabi ko naman sa'yo mag-Ingat ka sa mga kinikilos mo?Mabuti nalang Hindi ka nahuli ng Lolo mo,Kung nagkataon baka masaktan ka niya.Alam mo naman na Ayaw niya sa mga kagaya mo,Hindi ka maiintindihan ng Lolo mo" pabulong na Paalala sa'kin ni mama.
"Mama,Sorry po na Sinuway ko kayo.Sadyang di ko lang po talaga maiwasan ang maglaro ng manika ehh alam mo naman po na Babae ako."Tugon ko.
"Anak,Hindi lahat ng tao kagaya ni Mama.ako mahal kita kahit sino ka pa,Mahal kita kahit lalaki ka o Babae.Sana maisip mo anak na Hindi lahat ng tao sa Mundo ay nakakaintindi.Ayaw na ayaw ng mga tao sa mga bagay na hindi nila naiintindihan." Payo niya sa'kin habang hawak niya ang aking pisnge.
"Opo mama.Sorry po,Di ko na po uulitin"
Biglang pumasok si Papa galing sa Banyo.
Nagbihis siya at Sinabi kay mama na may lakad sila bukas ni Lolo Amorsolo at baka gabihin sila ng Uwi.pagtapos nilang mag usap ay Natulog na Kami.
Kinabukasan,Naghanda na kami papasok ng School at Pumasok kami.Pagtapos ng Klase naglaro ulit kami ni angela sa Hardin.
"Oyy Robbie,May lakad daw mamaya sina Lolo at Tito ahhh"-Angela
"Ohhh,Ano naman?" sabi ko
"Edi ibig sabihin pwede kang maglaro ng dolls mamaya! Hindi lang yun,Gusto mo ba na Magbihis Babae?" Sabi ni Angela.
Di ako agad nakasagot sa sinabi ni angela dahil inisip ko ang paalala sa'kin ni Mama.
"Wag na Sis,Baka mamaya mahuli na tayo ni Lolo sa pagkakataong to."
"Ano kaba?Hindi yan,Gagabihin nga sila eh Tapos sina Tita Gina at Lola mamamalengke so Ibig sabihin tayo lang ang tao dito sa bahay." pilit na pangungumbinsi sa'kin ni angela.
"Hay nako ang kulit mo talaga,Oh siya sige na" pagpayag kong sinabi sa Kanya.
natuwa si Angela dahil sa pagpayag ko.
Hinihintay nalang namin umalis sina Lolo para makapag laro na kami ni Angela.
Lumipas ang Higit Isang oras At lumisan narin sila sa wakas.Tuwang tuwa kami ni Angela habang sina mama naman ay Sumabay na Kayla Lolo sa pagpunta sa Palengke.
Kinuha namin ang mga manika at damit ni angela.Una,Naglaro muna kami ng Barbie pagtapos ay Kinuha na ni Angela ang mga Dress niya at Sinuot ko ang Kulay Rosas na Dress Nagsuot din ako ng Headband at ng Doll Shoes.Umikot ikot ako Habang suot suot ang mga gamit ni Angela,Sa pagkakataong iyon ay Naramdaman ko na parang naging malaya ako.Naramdaman ko na Hinubad ko ang Maskara sa aking mukha na nagtatago sa aking tunay na pagkatao.Pakiramdam ko rin na Hindi na Ako nagbabalat kayo.nakasuot ako ng Dress hanggang sa Dumating si Mama,Nagulat si Lola Feliciana noong makita niya akong Nakabihis Babae sa katunayan,Nahulog ang kanyang pinaka sa Sahig.
Dahan dahan siyang Lumapit sa'kin at Lumuhod siya habang dahan dahan niyang Nilagay ang kanyan kamay sa aking Balikat.
"Apo,Sigurado ka ba?"Tanong ni Lola,Kitang kita ko sa Kanyang mga Mata na Luluha na siya.Tumango ako dahil hindi ko narin naman maitatanggi kasi nakita na niya ako.
Pagbukas ni Lolo ng Pinto ay nakita niya akong nakabihis babae.Nagulat si Lolo sa kanyang nakita.Namutla ang Aking Mukha at
nanlamig ang Buong katawan ko Nung makita ko si Papa at Lolo,Napapikit ako dahil sa takot.Lumapit sa akin si Lolo at Hindi niya napigilan anf Sarili niyang sampalin ako.Sa Sobrang lakas,Ay napalingon ako sa Bandang kaliwa.nagulat si Angela at napatakip siya ng bibig.
"Robbie,Ano Ang ibig sabihin nito?!Bakla Kaba?"Pasigaw na tanong sa'kin ni Lolo habang Nakahawak siya sa Leeg ko.
Lumabas sina Mama at Lola sa Kusina at sinubukan nilang pigilan si Lolo ngunit ayaw niyang Kumalas mas lalo pag humihigpit ang pagkakahawak niya sa Leeg ko.Nakita ki si Angela na Umiiyak sa Sulok.
"Amorsolo! Bitawan mo ang Apo ko!"Sigaw ni Lola.
"Papang,Bitiwan niyo na po si Robbie!"Pagmamakaawa ni Mama kay Lolo.Umiiyak na Sila dahil sa pagsakal sa'kin ni Lolo,Binitiwan din niya ako.
"You're a Disgrace in this Family! Isa kang Kahihiyan!Hindi kita matatanggap Bilang apo ko!" Sabi ni Lolo habanf dinuduro niya ako.Pinipigilan siya ni papa sa Likod.
"Hindi ho kahihiyan si Robbie! Apo niyo siya!" sigaw ni mama habang inilagay niya ako sa Likod niya.
"Wala akong apo na salot! Ang mga kagaya niya ay Hindi dapat tinatanggap! Mas masahol ka pa sa Hayop!"Sigaw ni Lolo.Sa Sobrang lakas ng Boses ni Lolo,Umiyak si Jc.
"Lolo,Pasensya na po HUHUHUHUHUHU hindi po ako ang apo na Gusto niyong maging"Umiiyak kong sambit kay lolo.
"Ito ang tandaan mo Bakla,Hindi na Kita apo simula ngayong araw na ito! Kinasusuklaman kita!" Sabay tulak sa'kin ni Lolo.
"Lumayas ka sa pamamahay ko!" sigaw ni Lolo.
"Kung palalayasin niyo ang anak ko,Mabuti nalang din na Umalis kaming mag iina dito."Sabi ni Mama.
"Walang Lalayas! Hoy Amorsolo! baka nakakalimutan mo na Bahay ko rin ito,At may karapatan ako na patirahin ang apo ko dito!" buong tapang na sinagot ni Lola si Lolo para sa'kin.
"Papa,Ako po ang bahala.Gagawin ko ang Lahat para maging lalaki itong si Robbie" sabi ni papa kay lolo.Tinitigan ako ng masama ni Lolp habang Magkayakap kami ni Angela sa Isang sulok.Dinuro niya ako at pumasok siya sa Kanilang kwarto.Lumapit sakin si Papa at Tinulak ako sa Kwarto namin.Nadapa ako sa sobrang lakas ng pagkakatulak niya.
"Ano ba lando! nasasaktan ang anak mo!" sabi ni mama Habang hawak niya ang braso ni Papa.
"alam mo ba ang ginawa mo?Sinira mo ang Pangalan namin! Tama si Papang isa kang kahihiyan!" Komento ni Papa habang nakaduro siya sa'kin.
"Kahit sino pa siya,Anak natin siya!" pasigaw na sinabi ni mama kay papa. Nagulat ako ng biglang sampalin ni papa si mama.
"Isa kapa! kunsintidor! sana hindi mo hinayaan maging bakla tong anak mo! wala kang kwentang ina!"Sumbat ni papa.
"Wag na wag mong Kwestiyunin ang pagiging ina ko! Alam ng Diyos kung gaano ko kamahal ang mga anak natin.Eh ano kung bakla ang anak mo?may magagawa kaba?Oo magulang nila tayo,Pero hindi tayo ang masusunod sa buhay nila.Sila ang magdedesisiyon kung ano o Sino ang gusto nilang maging at bilang magulang,Responsibilidad natin ang tanggapin at mahalin sila sa kung sino sila." Hindi naka imik si papa dahil sa sinabi ni mama.
"Hindi ko matatanggap ang baklang yan!"Galit na sinabi ni Papa kay mama.
"Gagawin ko ang lahat para maging lalaki yang Hayop na'yan" Sabi ni Papa
Wala akong Ibang nagawa kung hindi ang Umiyak nalang sa Isang Sulok.Lumabas si Papa ng Kwarto.Kaming tatlo lang ni Mama ang naiwan sa Loob,Lumapit siya sa akin at Tinanggal ang Suot kong Headband.
Hinawakan niya ako sa mukha,Hindi niya maiwasan ang Maiyak.
"Anak,Wag kang makikinig sa Papa mo lalong Lalo na sa Lolo mo.Hindi ka Abnormal,Hindi ka Hayop kasi anak kita at Mahal na Mahal kita kahit ano o Sino ka pa."Sabi sa'kin ni Mama habang Sumisinghot siya.
"Mama,Pasensya na po kung....." Pinutol ni mama ang dapat kong sasabihin.
"Shhhhhhhh Wala kang dapat ihingi ng tawad sa'kin,Anak.Tama lang din na Malaman nila ang totoo tungkol sa pagkatao mo dahil hindi habang buhay ay magtatago ka at matatakot magladlad dahil sa Kakitiran ng Utak ng Papa at Lolo mo."
Niyakap ko si Mama dahil ramdam ko na mahal at Tanggap niya talaga ako.Binihisan ako ni Mama ng maayos na damit nakatingim si Papa sa amin ni Mama.Kita mo ang Galit sa kanyang mga mata dahil sa nalaman niya ang Aking Tunay na kasarian.Natulog ako na Sobrang Bigat ng Nararamdaman ko.Bandang 3:00 ng Madaling araw,Nagising si Jc,Lumapit siya sa'kin at inabutan niya ako ng isang pulang panyo galing sa Lagayan namin ng mga damit.
"Kuya,Wag na Ikaw iyak kasi Iyak din si Mama" pilit nagsalita ang kapatid ko kahit bulol siya.Hinimas ko ang Buhok ng kapatid ko at sinabi ko na
Pag lipas ng ilang minuto ay binigay ko ito sa kanya,Laking gulat ko ng
*Spakkkkk*
Sinampal sa'kin ni Lolo ang kanyang sapatos.
"Ikaw bakla ka,Lumayo ka sa'kin.Hindi ko kailangan ang Tulong mo." Dinuro ako ni lolo gamit ang kanyang sapatos.Napahawak ako sa Pisnge ko na Kanyang sinampal na Noo'y Namula.
"Lolo,Bakit niyo po ako Sinampal?" Tanong ko habang pinipigilan ko ang sarili ko sa pag iyak.
"Ganyan ang ginagawa sa mga Dumi at putik,Pinapagpag.Ito ang tandaan mo,Mas marumi ka pa sa Putik.Wala akong apong bakla.Sana Hindi ka nalang nabuhay."
Aminin ko,Nasaktan ako sa mga narinig ko pero kailangan ko magpakatatag para mas maging malakas ako.Lumabas si Mama sa kusina,Kita ko ang takot sa mukha niya na para bang sinasabi na "Anong ginawa niya sa Anak ko"Nagtinginan sila ni Lolo sandali at Umalis.Lumapit sa'kin si Mama.
"Anak,Ayos kalang ba?,Ano ginawa ng Lolo mo sa'yo?" tanong niya.Hindi na ako nakapag salita kaya naman sinukbit ko na ang bag ko para makapasok na sa School.
Pagtapos ng Klase,Hinintay ko si Angela sa Labas ng Room nila.Lumapit siya sa'kin
"Robbie,Mauna kana umuwi sa Bahay kasi may Practice pa kami para sa Foundation day next week.Ok lang ba?"
"Ahhhhmmmm Oo naman no ayos lang basta pag uuwi kana mag ingat ka ahh." Bilin ko.Paalis na sana ako ng biglang Hinawakan ni angela ang braso ko.
"ayy Robbie,Nakalimutan ko,Siya nga pala pauwi daw si Papa Jonel ngayong araw kaya hindi kana mag iisa sa bahay" Tumango ako at umuwi mag-isa.Habang naglalakad ako sa daan,May narinig akong yabag ng mga paa na para bang tumatakbo.
"Robbie?!" rinig ko mula sa Malayo.may nakita akong isang batang lalaking tumatakbo naka uniporme rin siya gaya ko.
"Hey Robbie"
"Oyy anton,Ikaw pala.Kamusta ka naman?" pangangamusta ko.
"I'm fine" napatingin siya sa Mukha ko,Bigla tuloy siyang napasabi ng
"Ikaw ang kamusta?Ano ang nangyari sa Mukha mo?"Tanong niya sabay hinawakan niya ang labi ko kung saan may pasa sa may gawing kanan.Gusto ko sanang sabihin ang totoo kung saan ko nakuha ang mga pasa sa aking mukha pero pinili kong wag nalang.
"Nadapa ako sa Garden kahapon eh tumama ako sa bato"Palusot ko
"Sayang I wasn't there para saluhin ka" sabay Inakbayan niya ako.
"Ano?" kunwari hindi ko narinig upang ulitin niya.
"I said na Sayang I wasn't there para Saluhin ka,You're a Good friend ang dapat lang na Lagi kang tinutulungan"
napangiti ako at kahit papano,Gumaan ang pakiramdam ko.Naisip ko na At least,May mga taong nakikita ang halaga ko.Si Mama,Si Jc,Si angela,Si Lola Feliciana at si Anton.
"Ay Robbie siya nga pala,I want you to have this" inabot niya sakin ang kulay asul na Bracelet.
"Take it as a token of our friendship."
binuhol niya sa kanang kamay ko ang bracelet habang sinasabi niya na
You are reading the story above: TeenFic.Net