Chapter 1:The Beginning of Robbie's Tale

Background color
Font
Font size
Line height

Robbie's Point of View

*_*Flashback*_*

October 17,2000,Araw ng aking kapanganakan.Ang Araw kung saan ibinuhos lahat ni Mama ang kanyang lakas upang mailuwal ako dito sa mundong aking ginagalawan.Tuwang tuwa sina Lolo at Papa dahil sa Isinilang na ako.Matagal daw nilang hinintay ang pagdating ko,Dahil sa Ako ang kaisa isang Magtutuloy ng Lahi ng matatapang.Noong bata pa ako,Madalas kong Galawin ang mga Gamit ng Mama ko,Ang kanyang mga Bestida,Kolorete at Matataas na Sapatos.Akala ko noon magiging masaya ako dahil sa Kabilang ako sa pamilya nila Lolo,Ngunit Mali ako Dahil Lumaki ako nang Walang sariling desisyon,Laging sina Lolo ang nagdedesisyon para sa akin,Sila ang Nagdesisyon kung ano ang Gusto kong Maging Paglaki.Ang hindi nila alam ay Bata pa lamang ako,Alam ko na may Mali na sa aking pagkatao.Napapansin noon ng mga kalaro ko at ng mga kapitbahay namin na sadyang lalambot lambot ako kumilos kaya naman lagi ako tinutukso.

Parikaramdam ko na nasa maling katawan ako kasi Lalaki man ang aking panlabas na anyo,Ang puso,Isip at ang kaibuturan ng aking pagkatao ay Babae.Naalala ko pa noon Anim na taong Gulang pa lamang ako,Napapansin ni Mama ang mga Kilos ko na sadyang Malamya para Isang Lalaki.Kaya naman Sa Murang Edad ay naranasan kong magtago para hindi magalit sa akin sina Lolo.Tatlong Taon kong Tinago ang Totoo kong pagkatao kay Lolo. Noong Siyam na Taong Gulang na ako
unang araw noon ng Klase ko sa Ikaapat na Baitang.Ginising ako noon ni Mama Virginia (Gina) para Pumasok sa Paaralan.

"Robbie,Anak,Gising na Papasok na tayo sa school" sabi niya habang niyuyugyog ang katawan ko upang ako'y Magising.
bumangon ako sa aking higaan.Amoy mula sa Kusina ang Mabangong Amoy ng Ulam na niluluto ni Mama

"Hmmmmmm Ang bango po mama!"Sabi ko habang naka tayo sa tabi niya.
"Uyyy Tocino! Favorite ko po yan!" Tuwang tuwa kong Sinabi kay Mama.
"Oo naman anak! para Mas lalo kang ganahan sa Pag aaral mo" sinabi sa akin ni Mama habang Hawak ang aking Ulo.

Nag almusal kami kasama ang aking Pinsan na Si Maria Angela.
pagtapos ng Agahan,Naligo na ako mag isa para hindi na mas lalong Mapagod si Mama.
dahan dahan akong Kumilos upang hindi magising ang Noo'y natutulog kong Kapatid na Si Justin Cedric(Jc).Limang taon pa lamang siya noon kaya Sobra ang aking pag iingat upang hindi siya magising.Nang makita ko na ang Aking Uniporme.

"Robbie,Anak, Tapos ka na ba? Ihahatid pa kayo ng Lolo at Papa mo"Sabi ni mama habang siya ay nakatayo sa may Pintuan,si Angela ay nakabihis na at handa na siyang pumasok sa Paaralan.

napansin ko na bakit parang magkaiba ang Suot niya sa Suot ko.
Sinuot sa akin ni mama ang Polo ko,Habang binobotones niya ang uniporme ko,Hindi ko maiwasan ang magtanong.

"Mama,Bakit po hindi kami magkaparehas ni angela ng Suot ng Uniform?" Tanong ko,Medyo mahinhin at mahina ang boses ko noon,siguro dahil sa nalilito ako

"Ummmm,Ganto yan anak,Alam ko na noon palang ang Totoo.Kahit anong tago,Hinding hindi mo maaalis sa'kin na Malaman yun kasi ako ang nagluwal sayo.Lalaki ka kasi anak,Alam ko na may Pusong babae ka ehh pero anak kahit anong gawin natin,Lalaki ka parin" Sinabi niya sa akin habang hawak niya ang mga balikat ko.

Sinukbit ko na ang Bag ko.Hinalikan ko si Mama at Jc,Nagmano na rin ako sa Aking Lola Feliciana na nanonood ng Telebisyon sa Sala at Sumakay kami sa Kotse ni Lolo Amorsolo,Isa siyang General ng mga pulis Habang si Papa Lando ay Isang Colonel ang Papa naman ni Angela na Si Tito Jonel ay Isang Sundalo.
Kilala ang Pamilya namin Sa Larangan ng Pagsusundalo at Pagpupulis.Nagsimula ito noong Sa Lolo ni Lolo Amorsolo.Pagtapos ay Sinundan ng kanyang ama ang mga Yapak ng kanyang Lolo Celestino.
Dahil sa karangalan ng Pamilya.
at bilang panganay na lalaking anak ni Papa,Nasa Tradisyon ng Pamilya,Dapat may Isa o Dalawa kang Anak na lalaking Magiging sundalo at ako ang inaasahan nila na magpapatuloy ng kanilang nasimulan.

Habang nasa Loob kami ng Kotse,Kinausap ako ni Lolo
"Robbie,Ikaw ang inaasahan ko na magtutuloy ng Lahi ng matatapang ahh
pero dapat ang pag susundalo at pagpupulis ay nag sisimula sa Talino.Kaya para mas maging magaling ka,Kailangan Galingan mo sa Pag aaral
Bigyan mo ng Karangalan ang Pamilya natin apo"Sinabi niya habang nagmamaneho siya ng Kotse.
"ummmm,Opo Lolo"Sabi ko habang nakangiti pero sa totoo lang peke ang mga ngiti ko kasi Ayaw ko talaga humawak ng Baril at Ramdam ko na Hindi para sa akin ang Pagpupulis.

Pag uwi namin galing sa School,
Nakita ko si Mama mula sa Gate ng Bahay na Nilalaro ni Si Jc sa damuhan sa Labas ng Bahay. Lumapit kami ni Angela kay Mama at binigyan namin sila ng Mainit na yakap pagkatapos ay hinalikan ko si Jc
"Kamusta ang Unang araw sa School anak?"Tanong niya
"Sobrang saya po Mama! tignan mo po ito"Sabay abot ng isang Basong may Disenyo
"Wow! Ang ganda nito anak!" Papuri niya sa Gawa ko
"Pencil Holder po tawag diyan,Mama,Pinagawa sa amin kanina ni Teacher Angeles"
"Napaka galing talaga ng Anak ko" sabay yakap sa akin.
Lumabas si Lola Feliciana at Sinabing
"Pwede ba akong sumali sa Yakapan?"
napatingin kami ni Mama sa kanya
"Opo naman po Lola! tara po"

Dahan dahang Bumaba si Lola sa hagdan pagtapos ay Nakisali siya sa pagyakap Sa amin.

Napaka saya ng Pamilya ko
sana hindi matapos ang ganitong pagkakataon.
Sana habang buhay kaming masaya.
Sa bawat yakap,Mararamdaman mo ang init ng kanilang pagmamahal.
sa bawat halik,Nararamdaman ko ang Pagmamahal nila sa akin.

Lumipas ang mga Buwan,Patuloy kaming nag aral ni Angela sa School.
habang Katuwang ni Mama si Lola sa Pag aalaga kay Jc.Si Lolo,Papa at Tito ay napaka Busy sa Trabaho noon kaya madalas nadedestino sila sa Malalayong Lugar.
Isang Umaga,Linggo noon,Habang naghahanda Sina Lolo amorsolo at Si Papa Lando sa Pagpasok ay naglalaro kami ni Angela sa Bakuran.Nilabas ni Mama ang mga laruan namin.Kasama namin si Jc na naglalaro.

"Angela pahiram naman ng Manika mo"
"Ano kaba Robbie,Hindi pwede.Sige ka baka makita ni Lolo na naglalaro ka ng Barbie tapos malaman niya na ano ka" Paalalang sinabi sa'kin ni Angela
"Sandali lang naman eh tsaka Isang Manika lang naman"Pagpupumilit kong Sinabi sa Kanya
"Oh sige na nga" sabay abot ng manika
kinuha ko ito kumuha ako ng maliit na suklay sabay inayos ko ang buhok ng manika.
"Wow! Ang ganda naman ng Manikang to!" sabi ko
patuloy kaming naglaro ni Angela sa bakuran.Nakita ako ni lolo na may hawak na manika.
"Roberto!" Sigaw ni Lolo na Para bang galit.
napatingin ako sa kanya habang hawak ko ang manika ni Angela.
Naglakad si Lolo papunta sa amin
"Bakit ka naglalaro ng Manika?"Tanong niya sa'kin.
Di ko alam ang sasabihin ko sa kanya.Ayaw ko naman malaman niya ang totoo tungkol sa aking tunay na Kasarian.

"Lolo naglalaro po kami ng Bahay-Bahayan.Si Robbie yung Tatay tapos po ako yung Nanay.yung manika po yun yung baby" palusot ni angela
"Diba,Robbie?"Pahabol niya Habang nakatingin siya sa'kin.
"Ahhhh Opo Lolo ummmm kasi po ano ehhh"Nauutal kong sambit.
"Sa susunod ayaw ko makikitang naglalaro ka ng manika.Nakakadiring tignan,Lalaki ka kaya Dapat hindi ka dapat Naglalaro ng mga Pambabae"Sabi sa'kin ni Lolo.Tapos hinablot niya ang manika sa Kamay ko.

Pinulot niya ang Laruan kong baril sa Damuhan ng Garden,Inalis niya ang mga lupa sa Laruan sabay sabing
"Ito dapat ang nilalaro mo.Paglaki mo,magiging isa kang magaling na Sundalo.Ang gusto ko,Sundan mo ang mga yapak ko.Ayaw ko sa Lalambot lambot,Nakakaintindihan ba tayo?"
Tumingin ako kay Lolo,Di ko alam kung sasagot ba ako ng "Opo" kasi alam ko naman sa sarili ko na Hindi ako ang apong Pinapangarap niya
Tumango nalang ako para matapos na ang Usapan namin.Tumitig sa'kin sandali si Lolo sabay parang may dinukot siya sa Bulsa niya.

"Robbie,Isuot mo ito" tapos inabot niya sa'kin ang isang Pilak na Kwintas. May Disensyo itong baril.
maganda naman siya kaso ayaw ko talaga sa baril eh,Ayaw kong sumunod sa yapak ng mga Biyolente.

sinuot ko ang Kwintas na iyon at Nagmano na kami sa kanya at pagkalipas ng Ilang minuto ay Lumisan na sila ni papa.

Kinabahan kami ni Angela dahil muntik na kaming mahuli ni Lolo Amorsolo.Napahawak tuloy siya sa Dibdib niya.
"Nako,Ikaw talaga"Sabay kurot sa tagiliran ko napaatras ako ng bahagya.
"Aray ko naman"Sabi ko habang kinakamot ang kurot sa akin ni angela.
"Napaka kulit mo kasi ehh,yan tuloy muntik kana mahuli ni Lolo,Nakalimutan mo na ba ang bilin sa'yo ni Tita Gina?" Tanong niya sa'kin habang bahagya niyang dinadampi ang aking balikat
"Oo di ko naman nalilimutan yung sinasabi sa akin ni mama na mag-ingat sa bawat kilos ko para di Malaman ni Lolo amorsolo ang totoo"Tugon ko sa kanya.

"Sige,Angela,Iwan muna kita.Magdodrawing lang ako sa Sala." tumayo ako at naglakad papunta sa Pintuan sabay nagpunas ng paa at Pumasok sa Loob ng bahay.
kinuha ko ang aking Sketch Pad at Crayola upang gumuhit ng mga Damit,Habang si Mama ay naglilinis ng aming kwarto.Lumipas ang ilang minuto,Lumabas ako para makalanghap ng sariwang hangin.Sobrang sarap sa pakiramdam habang dahan dahang dumadampi ang Malamig na simoy ng hangin sa Aking katawan.Lumapit sa akin si Angela dala dala ang kanyang manika.

"Robbie,Ano yang Hawak mo?" tanong niya habang hinihimas ang Buhok ng kanyang manika.
"Ahhh wala to, Mga Bagay bagay" sabi ko naman habang Tinatakpan ko ng mga kamay ko ang papel kung saan nakaguhit ang mga damit.
"Patingin nga" tapos ay hinablot niya ang sketch pad ko.Binuklat niya isa isa ang mga pahina.unti unti siyang ngumanga.

"Oyyy Robbie,Ang Ganda naman ng mga Drawings mo! may Potential kang sumikat balang araw!" sabi niya sabay turo sa mga Drawing ko.
"Tingin mo?" sabi ko,Medyo nahihiya ako dahil sa papuri niya kaya napakamot ako sa ulo ko
"Oo naman ano ka ba? gusto ko paglaki natin Ikaw ang magdedesign ng mga Damit ko" Biro niya
"Oo naman no! basta ikaw ang magiging modelo ko kasi ikaw ang pinaka magandang pinsan sa buong mundo"
"Ayy Alam mo bolera ka HAHAHAHA halika nga dito" Dahan dahan niyang ibinuka ang kanyang mga braso at niyakap niya ako.

Lumabas si Mama kasama si Jc.
"Ang sweet naman ng mga to"Sabi ni Mama,May bitbit siyang tray na mayroong Tatlong Baso Orange juice at may Tatlong pancake sa pinggan.
"O mag meryienda muna kayong tatlo" At Inabot niya ang tray sa akin.
Kumain kaming tatlo nina Jc at Angela.
napaka sarap ng lutong pancake ni Mama
sobrang tamis! pero walang mas tatamis pa sa pagmamahal ng mama ko.
Habang kumakain kami,Kinuha ni Mama ang Sketch pad ko.
"Anak,Ikaw ba ang Gumawa nito?" Tanong niya
"Opo,Mama. Wala po kasi akong magawa kanina eh" Tugon ko habang kinakain ang Pancake
"Ang Ganda mo talaga gumuhit anak! manang mana ka sa akin" Tapos ay niyakap niya ako
habang nakayakap ako sinabi ko na
"Mama,Tandaan niyo po,Magkakaroon po ako ng Sarili kong Pagawaan ng mga damit Tapos Magpapagawa rin ako ng sarili nating bahay doon tayo titira nina papa.Kapag naman nakaipon ako,Magpapatayo tayo ng kainan at tatawagin ko yun *Virginia's inasal* tapos ikaw po ang magluluto doon kasi masarap po kayong magluto ng inasal eh"
nangiti si mama dahil sa Sinabi ko tungkol sa aking mga Pangarap.

"Ako narin magpapaaral sa Bulinggit na'to" Pahabol ko
"Nako,Ako na ata ang pinaka maswerteng ina sa mundo dahil nagkaroon ako ng Anak na Bukod sa Mabait, matalino, masipag at mapagmahal pa"Sabay yakap sa'kin

Niyakap ko rin siya pati si Jc,At sumali rin si Angela.Lumabas si Lola Feliciana at sinabi kay Mama ang tungkol sa Kanilang lakad kinabukasan upang mamalengke.Sumagot si Mama at sabay silang pumasok ni Lola sa Loob habang naglalaro kaming tatlo ng Habulan sa Aming Hardin.
pumasok ako sandali sa Loob para uminom ng Tubig.Nakita ko si Mama parang may hinahanap.

"Anak,Wala na pala tayong toyo Eh bukas pa kami pupunta sa palengke eh baka naman pwede ibili mo muna si Mama ng Toyo diyan kay Aling Myrna" inabot niya sa'kin ang hawak niyang bente pesos
"Opo mama" kinuha ko ang pera at Lumabas sa Gate para bumili.Medyo may kalayuan ang tindahan na iyon pero nakarating din ako at nakabili ako ng toyo.pauwi na sana ako nang Biglang may isang Gwapong batang lalaki ang naka Bisekleta ang muntik makabunggo sa akin mabuti nalang nakaiwas ako.kaya lang,Nagulungan niya ang toyo at natalsikan ako sa Damit.Bumaba siya sa Kanyang bisekleta.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya sa kin tapos tinulungan niya akong tumayo
"Sorry ahh,Nadumihan tuloy yung damit mo because of me." pagpapasensya niyang sambit
Hindi ako nakaimik dahil nakatingin ako sa kanyang itsura.Sadyang nakakabighani ang kanyang mukha.
"Bakit Hindi ka nag sasalita?Are you Hurt?" tanong niya habang inaalog ang aking balikat
"Ahhh Oo ummm sige mauuna na ako ahh" Medyo mauutal ako
"wait lang,Halika,Samahan kita sa Tindahan para mapalitan ko ang Toyo na natapon" Inabot niya sa'kin ang kanyang kamay.Nakatingin parin ako sa kanya habang unti unti kong pinatong ang kamay ko sa kanyang palad.Inangkas niya ako sa kanyang bisekleta papunta sa Tindahan.Bumili siya ng toyo at inabot ito sa akin.Umuwi kaming dalawa ng naglalakad
"Ako nga pala Si Anton" sabi niya habang nakangiti sa'kin.
"Anton?" tanong ko sa kanya
"Oo anton,It's my nickname kasi masyadong mahaba ang Pangalan ko ehh.Eh ikaw ano ba name mo?"
"Ako si Roberto,Robbie ang palayaw ko" Sagot ko sa kanyang tanong.
"Hi Robbie Nice to meet you!" Sabi niya habang hawak niya ang balikat ko.Tumingin ako sa kanyang kamay na nakahawak sa Aking balikat.
"Saan ka nga pala nakatira?"
"diyan lang ako sa may malaking Gate na Itim"Sagot ko habang nakaturo sa Daan papunta sa Bahay.
"Oyyy Magkalapit lang pala ang bahay natin! Kasi mula sa Bahay niyo,Sa kanto ang bahay namin"Sabi niya naman habang tinuturo din niya ang daanan.

"Siguro kayo yung bagong lipat doon sa dating bahay ni Manong Freddie."
"Oo kami nga yun,Kakarating lang namin noong Isang Linggo Mula pagdating namin,Di ako lumabas ng bahay.Nabored ako sa Kwarto ko kaya naisip kong mag bike and then nakilala kita.Alam mo ikaw ang una kong naging kaibigan dito"
natuwa ako sa kanyang sinabi dahil mula noon,Wala rin akong naging kaibigan sa Lugar namin kundi sina Angela at Jc lang.Nakarating kami sa Tapat ng bahay,nakita ko si mama na nagwawalis ng mga Tuyong dahon sa labas ng gate.

"Oh,Robbie,Ano ang Nangyari sa'yo?" Tanong niya.
"Nadapa po kasi siya tapos Nagulungan ko po yung toyo Tapos po Tumalsik sa Damit niya.Pasensya na po,Hindi ko naman po sinasadya" Sabi ni anton kay mama
"Ay nako,Pogi,Wala yun pero salamat narin dahil pinalitan mo yung toyo wala kasing toyo sa Loob ng bahay ehh salamat narin dahil tinulungan mo ang Anak ko" pasasalamat ni Mama kay anton
"Wala po iyon,Mabait po si Robbie at Kaibigan ko na po siya" sabi niya.
Natuwa ako dahil sa Sinabi niyang mabait ako.Hindi ko maiwasan ang Ngumiti dahil sa aking mga narinig.
"Oh sige na po uuwi na po ako baka hinahanap na ako ni Mommy at Daddy,Bye po, Ba-Bye din Robbie" Sabi niya habang kinakaway ang kanyang kamay. Sumakay sa kanyang Bisekleta at Umalis.

Nakangiti parin ako dahil Hindi ko maiwasan ang matuwa dahil sa Sinabi niya sa akin.
"Hmmmm,Anak Ikaw ahhh Yung mga titig mo" Asar sa akin ni Mama.Di agad ako nakasagot sa sinabi niya
"Hah?" yan lang ang nasabi ko.
"Sabi ko pumasok na tayo sa Loob baka matunaw yung kalaro mo kasi Grabe mo kung titigan" Banat sa akin ni mama
"Mama,Hindi naman po! ikaw talaga" Pagtatanggi kong sagot habang kunot ang aking mukha.
pumasok na ako sa Loob habang si Mama naman ay Nilock ang Gate at pumasok narin siya upang ipagpatuloy ang paggawa ng hapunan naming lahat.


You are reading the story above: TeenFic.Net