Apat

Background color
Font
Font size
Line height

Nagulat talaga ako sa lahat ng mga nalaman ko pero ano ngayon? Wala naman akong pake diba? Dapat wala akong pake. Matapos yung nangyari kahapon umuwi na ako at nagpahinga at ngayon nandito na naman ulit ako para turuan sya or should I say tulungan syang i-overcome yung fear nya sa mga paintings kasi sa totoo lang napaka laki ng potensyal nya.

Tahimik lang kami ngayon dito sa loob ng art room, nagpipinta sya at ako naman ay nakaupo sa tabi nya para panoorin yung mga ginagawa nya sa totoo lang pangatlong painting na nya to ngayon pero katulad ng mga nauna hindi rin nya ito tatapusin panigurado puro ¼ lang ng canvas yung ipinipinta nya tapos ititigil na nya at magsisimula ulit ng panibago.
Seryoso ang mga mukha nya gustuhin ko man magtanong tungkol sa kahapon mas pinili kong itikom ang bibig ko at magkunwaring walang alam.

"Wag mo nga akong titigan baka matunaw ako" Mayabang nyang sabi.

'Putek! Anyabang akala mo pogi'

Inismiran ko lang sya tss, maaawa na sana ako sakanya kaya lang wag nalang pala kainis.

"Pwede bang wag kang buntong hininga ng buntong hininga dyan nakakadistract ka, kainis naman to"

'Abaaat! Bastos to ah'

"Tss..Ang arte arte naman" bulong ko pero mukhang rinig naman nya.

"Tss.." Bigla syang humarap sakin at
"Teka, may kasalanan ka pa sakin ah. Sinapak mo ako nung nakaraan dahil lang sa kaibigan mo, bakit? Ikaw ba ang nasaktan at ikaw ang nananakit? Pakelamera" maangas at matigas ang pagkakabigkas nya.

"Eh anong pakialam mo? Eh sa gusto ko eh saka for your information 'best friend' ko yung pinaiyak mo!"

"For your information din babaeng siga, di ko pinaiyak yung kaibigan mo and hindi ko din sya pinaasa sya tong lapit ng lapit sakin at naging mabait lang ako sakanya kaya iniintertain ko sya masyado lang syang nagfeeling and I'd never tell her that I like her or whatsoever so don't you dare to do that again  because my handsome face shouldn't be touch by undeserving people"

"Wait..what?"

"Alam mo napakayabang mo din eh noh? Pasalamat ka nga at yun lang ang nakuha mo sakin eh, nakakairita yang pagiging mahangin mo sa sobrang hangin pwede na akong tangayin"

"Psh"

"Psh kadin!" Ganti ko sa katarayan ng lalaking to.

Bigla kaming natigil sa pagtatalo ng may narinig kaming tunog na para bang may nalaglag at nanggagaling yun sa may pintuan kaya sabay kaming napatingin dun.

"H-hehehe h-hi?" Parang natataeng bati ni Dara...
....
...
...
..
.
'Shit! Si Dara, baka narinig nya yung sinabi ng gunggong na to'

"O-oh D-dara, ka-kanina ka pa ba jan?" Kinakabahan kong tanong.

"Ha? Ah eh, di naman dumaan lang ako dito para sana magabot ng meryenda...pasensya na si ako nagsabi" sabay tingin nya sa sahig kung saan nandun yung baunan na sa tingin ko'y tinutukoy nyang meryenda.

"Eh bat mo nalaglag yang food?" Parang walang pakialam na sita ni Sheian.

Tinignan ko lang sya nangmasama.. "P-pasensya, nabitawan ko kasi nung kakatok dapat ako"

"Ayos ka lang ba, Dara?" Di ko mapigilang di mag-alala kasi parang gulat sya na ewan... Linapitan ko sya at dinampot ko yung baunan sa sahig mabuti nalang at nakaseal ito ng maayos dahil sa takip.

"Tara saluhan mo na kami" alanganin akong ngumiti sakanya.

"Hindi na, may dadaanan pa kasi ako eh..dinala ko lang talaga yan para sa inyo sige mauuna ako" saka sya ngumiti...pero ngiting may halong lungkot at alam ko kung anong dahilan.

Bumalik ako sa upuan ko at tinignan si Sheian ng masama "Tignan mo ginawa mo sa best friend ko!" Asik ko sakanya.

"What why me? Kasalanan ko bang tatanga tanga yang kaibigan mo"

"Para sabihin ko sayo ikaw ang tatanga tanga dito bigas na lumapit sayo di mo pa tinuka! Mayaman, maganda at mabait si Dara so why so choosey? Akala mo naman ay talagang napakagwapo mo kung magpakipot ka sa best friend ko and what if narinig nya yung sinabi mo kanina siguradong masasaktan nanaman yung feelings nya" galit at walang tigil kong sabi.

"Would you please stop nagging me? Your here to help me out for my art piece not to lecture me sa kung anong gagawin ko sa buhay, so shut the fuck up!" At ayun nagwalk out si gago

"Bwesit ka! Tulungan mo sarili mo!"

Bwesit sya na nga tong Mali sya pa malakas loob magwalk out dyan sarap ipatapon sa Bermuda triangle inis.

You are reading the story above: TeenFic.Net