CHAPTER 17: CLEAN-UP TIME

Background color
Font
Font size
Line height

PRINCESS CEL’S POV

"Finally!" bulong ko habang nag-unat. Tapos na ang Science!

Pero hindi ibig sabihin tapos na ang paghihirap namin.

Maglilinis pa kami.

At dahil hindi naman talaga ‘to room namin, kami na lang nila Shaina, Rosemarie, at Christine ang tumulong sa mga taga-section ni Althea.

Nagwawalis ako sa may gilid habang si Althea naman, abala rin sa ginagawa niya. Tahimik lang kaming lahat.

Pero putangina, ang bigat ng presence niya.

Kahit hindi ko siya tingnan, ramdam ko na andiyan siya.

---

Few minutes later…

"Guys, tapos na tayo!" sigaw ni Abigail.

"Finally!" sagot ni Shaina, sabay dampot ng bag niya.

Ako naman, ibinabalik ko na ang walis sa gilid. Kaso…

Sabay kami ni Althea na nagsoli ng walis.

Napatingin ako sa kanya. Wala siyang expression.

Sabay pa kaming tumigil sa tapat ng storage.

"Ikaw na mauna," sabi niya, hawak pa rin ang walis niya.

Hindi ako nagsalita. Imbis na sagutin siya, itinuro ko lang yung storage, parang sinasabing siya na mauna.

At yun lang.

Yun ang buong interaction namin.

Pero bakit parang ang bigat sa hangin?

Tumingin lang siya sakin sandali bago siya nauna.

Ako naman, hindi ko alam kung anong iniisip ko.

Putangina, bakit kahit walang nangyari, may nararamdaman ako?!


You are reading the story above: TeenFic.Net