PRINCESS CEL’S POV
After kong mapahiya sa recitation, tawanan lang ang narinig ko sa gilid ko.
Si Shaina at Rosemarie, halos mahulog na sa upuan kakatawa.
"Next question na lang daw, gago!" tawa ni Shaina, halos hindi makahinga.
Si Rosemarie naman, napapailing habang tinatakpan ang bibig niya. "Paano mo naman naisip na ‘yun ang isasagot mo?!"
Tangina , niyong dalawa kaybigan ko pa talaga ‘to.
"Tumahimik nga kayo," bulong ko, pilit na hindi tumatawa.
Pero kahit ako, natatawa na rin sa sarili ko.
Siniko ko si Shaina nang mahina. "Ano, feeling kong ikaw next, sige ka."
Dumilat siya bigla at parang nawala ang antok.
"Wag naman, Lord!" bulong niya, sabay ginawa ang sign of the cross.
Napailing ako at bumalik sa pagsulat ng notes. Pero hindi ko na rin talaga kaya.
Putangina, inaantok ako.
Napatingin ako kay Rosemarie. Siya rin, nakadipang nakasandal sa desk.
Si Shaina? Ginagawa nang unan ang braso niya.
P*cha, lahat kami sabog na sa antok.
Nagbuntong-hininga ako. "Guys, laban na lang tayo, five minutes na lang."
Pero habang sinasabi ko ‘yun…
Narinig ko ulit ang mahinang tawa ni Althea.
Napalingon ako.
Nakangiti siya sakin.
At imbis na mawala ang antok ko…
Lalo akong nawala sa sarili ko.
Paano Ako makakapag focus kung ganito ng yayari sa paligid ko?"napatanong nalang Ako bigla sa aking Sarili habang kinakamot ko Ang aking noo.
You are reading the story above: TeenFic.Net