Pagkauwi ni Sakuhako nadatnan nya si Ace, kausap si Ruwena at Yumi
"Ace"
"Mabuti nman dumating kana" sagot ni Ace
"Anong ginagawa mo dito?"
"Diba pinapapunta mo ako dito, sinabi na sakin ni Ruwena at Yumi ang lahat"
"Ahhh ganun ba? Kung alam mona wala ng dapat tayong pag usapan" sagot ni Sakuhako aalis na sana sya nang
"Sandali"
Kaya tumigil si Sakuhako
"Pumapayag na ako sa gusto mo, susunod ako sayo ngunit mayron lang akong isang tanong. Ano ang dahil bakit gusto mong dumikit ako sayo? Bakit gusto mong mas gumaling pa ako sa paglalaro?"
Inilapag ni Sakuhako ang bag nya sa sahig lumapit sya at sinabing
"Sige dahil pumayag kana, sasabihin ko sayo ang dahilan, at sa inyo rin Kaede at Yumi, Kakalabanin natin ang JBA at ang TBA"
"Ahhhhhhh" gulat na si Ruwena at Yumi
"Ano? Nahihibang kana ba? JBA na pagmamay ari ng pamilya mo at ang TBA na pagmamay ari ng Auntie mo"
"Tama ka, dalawa ang basketball association dito sa bansa, tuwing taon nagkakaroon sila ng competition, mga basketball player ng JBA at mga basketball player ng TBA, Sasali tayo sa competition perp hindi tayo sasali sa dalawang organisasyon na yan, tayo ang pangatlo"
"Kalokohan yang sinasabi mo hako"
"Wag kayong mag alala mayron tayong malaking sponsers" sagot ni Sakuhako
"Hindi ko maintindihan ang pinupunto mo, ang competition na yun ay competition ng dalawang association kung saan nagpapakitang gilas mga national players na naka-contrata sa kanila ngayon sinasabi mo Kakalabanin mo ang dalawang yan paano" tanong ni Ruwena
"Hindi ko muna sasabihin, Basta mayron akong hawak na malaking sponsers para mangyari yun, Kailangan kong bumuo ng sampung Team kaya Ace isa ka sa mga napili ko, at tutulong sakin sa paghahanap ng iba pang maaring sumali satin" sagot ni Sakuhako
"Naiintidihan ko, pero para saan ang lahat ng ito? Bakit gusto mong kalabanin ang mga manlalaro ng dalawang association?" Tanong ni Ace
"Sasabihin ko sa inyo balang araw" sagot ni Sakuhako
"Sige tutulong ako sa paghahanap ng iba pa" Sabi ni Ace
"Kapag natipon na natin silang lahat ako mismo ang magtuturo sa kanila, ang mga manlalaro ng dalawang association ay halos kapantay ko lang sa galing sa paglalaro, baka nga mas magaling pa sila kaysa sakin" Sabi ni Sakuhako
Natigilan si Ace sa narinig nya pati si Ruwena
"Wala ng dapat pagtalunan, sinabi ni Hakochi magtiwala na lang tayo sa kanya, tutulong din ako kung mayron kang kailangan hakochi" Sabi ni Yumi
"Ako din kung may maitutulong ako sabihin mo lang sakin" Sabi ni Ruwena
"Hindi, Wala kang dapat na gawin" sagot ni Sakuhako
Parang natunaw na yelo si Ruwena nang marinig yun
"Hakochi" saway ni Yumi
"Gusto ko lang sabihin sayo na yung naging kasunduan natin ay hindi yun nawala, natalo ka at kailangan mo sundin yun" sabi ni Sakuhako kay Ruwena
At na umalis sya, habang nalungkot nman si Ruwena dahil malamig parin sa kanya si Sakuhako
Kinabukasan araw ng pasukan
Dumating si Sakuhako ngunit hindi man lang lumingon kay Ruwena dinaanan lang nya habang si Ruwena at Yumi
"Ano bang problema nya bakit sya ganyan"
Malungkot nman ang mukha ni Ruwena
Tinanong ni Sakuhako ang isa sa kaklase nila kung dumating si Ruwena
"Wala pa? Oo nga pala sinabi pala nya sakin na mamayang hapon pa sya makakauwi, hay ang boring nman" umupo na lang ng tahimik si Sakuhako sa upuan nya
Habang nakatingin sa kanya si Ruwena
10am breaktime
Naglalakad si Sakuhako sa palapag ng 1st year nang biglang nakita nya si Ruwena na sasalubungin sya
Nagkunwari syang hindi nya nakita ito, iniwasan nya, pumunta sa kanan ngunit kumanan din si Ruwena
Pumunta sa kaliwa, kumaliwa rin si Ruwena
Kanan, kaliwa, kanan, kaliwa tinamaan na ni Ruwena ang dalawang braso nya
"Ano bang gusto mo?" Tanong ni Sakuhako
"Bakit hindi ka umuwi kagabi? San ka natulog?"
"Wala ka ng pakialam dun, kaya lumabayan mona ako"
"Mayron akong dalang pagkain, gusto mo bang sabay na tayong kumain?" Tanong ni Ruwena
"Ano pakulo yan? Salamat na lang pero ayoko" sagot ni Sakuhako at naglakad na sya hindi na sya pinigilan ni Ruwena na nakatingin sa kanya habang papalayo sya
"Ahhh ganito pala pakiramdam, ngayon naiintidihan ko na kung ano yung naramdaman mo noong palagi kitang pinagtatabuyan" Sabi ni Ruwena sa kanyang isipan
Pero gaya ng sinabi nya kay Yumi lahat ng ginawa ni Sakuhako (Yamada) sa kanya noon ay gagawin nya ngayon
10:55am
Kitang kita na tinatamad si Sakuhako nang mapansin sya ng Teacher nya pina solved sa kanya ang algebra problem ngunit madali lang nya na-solve
"Ang talino nya" Sabi ni Ruwena
"Kahit na noong junior high lagi syang nasa Top kaya marami sa kanyang naiinggit at binubully sya" sagot ni Yumi na katabi lang si Ruwena
11:37 am uwian lumabas si Sakuhako sa classroom nila
Iniisip nya ang laban nila sa Elimination games bukas at malalaman nila mamaya kung sino ang una nilang makakalaban
Papunta sya sa bisikleta nyang ginarahe nya sa parking area ng skwelahan kinuha nya ang susi dahil naka kadena ang bisikleta nya nang biglang nasa malayo pa sya nakita nya si Ruwena hinihintay sya
Nagkunwari muli syang hindi nya ito nakita, tinaggal nya ang kandado sa bisikleta nya
"Hako"
"Hinala ngayon mo lang ako tinawag sa ganyan, ano nanamn ba kailangan mo?"
"Ahhmm nauna na si Yumi na umuwi"
"Ano nman ngayon?"
"Naisip ko lang na ku-ku-kung pwede sumakay ako sa bike mo, total pareho lang nman uuwian natin" nahihiyang namumula pa na si Ruwena
"Huh? Nagpapatawa kaba? Hindi pwede, binili ko to para service namin ni Emilia naghati pa kami sa pera, Hindi sya matutuwa kapag nalaman nyang sinakay kita dito, Pwede ba kung ano tingin at turing mo sakin noong una tayong nagkita, ganun din ang gawin mo ngayon dahil yun ang totoong ikaw diba Kaede?"
Sumakay si Sakuhako sa bisikleta at pinatakbo ng mabilis palabas ng compound ng Shohoku high school habang pinapanood lang sya ni Ruwena na malungkot ang mukha
Habang nasa kalsada si Sakuhako bigla na lang kumulog ang langit na tila uulan
Alam nyang naglalakad lang si Ruwena pauwi.
"Kainis" bulong na sabi nya at napilitan na bumalik
Pagbalik ni Sakuhako nakita nyang nakatayo parin si Ruwena sa pwesto kung saan iniwan nya
"Huh?"
"Ano pa bang ginawa mo dyan? Uulan na"
"Bumalik ka? Akala ko"
"Sumakay kana" sagot ni Sakuhako
Nasa likod nya si Ruwena habang tinatahak nila ang kalsada
"Hako, seryoso kaba talaga sa binabalak mo?" Tanong ni Ruwena
"Hindi yun isa lang balak kundi totoo, seryoso ako" sagot ni Sakuhako
"Alam kong may dahilan ka, mahirap na kakalabanin mo ang mga manlalaro ng dalawang association, parang kinalaban mo narin ang pamilya mo"
Hindi sumagot si Sakuhako ngunit sa isip nya lumitaw ang kakambal nyang si Hanamichi Sakuragi Jr (Akito)
Hindi na sya pinilit ni Ruwena, paguwi nila
"Abah mabuti nman sinakay mo sya Hakochi"
Di sumagot si Sakuhako pumasok sya sa loob
"Ay ang sungit?" Sabi ni Yumi
"Hayaan mona" sagot ni Ruwena
Habang kumakain sila ng tanghalian
"Hakochi saan mo nman hahanapin yung mga player na sinasabi na sasali sa bubuuin mong team?" Tanong ni Yumi
"Hhhmmm sa elimination games at interhigh, Tutulong si Ace sakin" sagot ni Sakuhako
Habang si Ruwena binuksan ang isang garapon na peanut butter naalala tuloy ni Sakuhako na ibinigay nya kay Ruwena at mukhang nagkakalahati na ang laman
Nang biglang mahuli sya ni Ruwena na nakatingin sa kanya at mabilis na umiwas si Sakuhako
"Ehhhhhhhii ano yan? Ligaw tingin?" Tanong ni Yumi
"Uuhhmm tumigil ka nga dyan Yumi" sagot ni Sakuhako
Sabay biglang inabutan sya ni Ruwena peanut butter na nasa kutsara pa
"Hindi ko lalagyan ng ganyan ang pagkain ko" nainis na si Sakuhako
"Masarap kaya, try mo lang" sagot ni Ruwena
"Hindi nman ako katulad mong abnormal ang panlasa" sagot ni Sakuhako
At dahil mukhang mag aasaran ang dalawa iniba ni Yumi ang usapan
"Ahhh nga pala Hakochi, bakit hindi umuwi si Emilia? San sya pumunta?" Tanong ni Yumi
Natigilan si Ruwena na mukhang gusto rin malaman nya
"Binisita nya ang Lola nya, mamaya uuwi na sya" sagot ni Sakuhako
"Paano kayo nagkakilala ni Emilia? At paano sya naging servant mo?"
"Hindi na sya servant ngayon, si Emilia ay kaibigan ko"
"Hhhmmm aminin mo nga samin, mayron ka bang gusto kay Emilia?" Tanong ni Yumi at mukhang nakaabang si Ruwena sa sasagutin ni Sakuhako
"Huh? Ano bang sinasabi mo dyan? Kaibigan ko si Emilia, sya ang kauna unahang kaibigan ko dito sa Kanagawa" sagot ni Sakuhako
Nakita ni Yumi at Ruwena na talagang mahalaga si Emilia para kay Sakuhako
"Ganun ba?"
Nang biglang bumilis ang pagkain ni Ruwena
"Dahan dahan lang baka mabilaukan ka" Saway ni Yumi
1pm ng hapon sa shohoku high school sa gym ng shohoku
Dahil sa bukas na ang elimination games naghahanda na ang Team ng Shohoku sa makakalaban nila bukas
"Ang unang maglalaban bukas ay ang Team Shozen high school at Ichikawa high school, ang susunod ay ang Ryonan High school at ang Tsukubu high school, pagkatapos ang susunod ay ang Shohoku high school at ang Takezato High school, kaya bukas ang laban natin ay 1pm ng hapon" Sabi ng manager ng Shohoku na si Miyuko
Si Miyuko Hishiba ay 2nd year High school manager ng Shohoku
"Takezato pala ahh sisiw lang sakin ang Takezato na yan" Sabi ni Sakuhako
"Ang yabang mo! Hindi mo pa nga alam kung makakasama ka sa starting five" banat ni Kiyou
"Oo nga masyado kang na ngangarap hako" sagot ni Lyion
"Anong sinabi nyo! Tumahimik nga kayo" nainis na si Sakuhako
"Hhhmmm kung ano man ang magiging desisyon ni Caoch sundin at tanggapin na lang natin, diba Ace?" Tanong ni Takehiko ang Captain ng Shohoku
"Tama ka" sagot ni Ace sabay lingon ng mata kay Sakuhako
"Ano sa tingin mo Ace? Sino sa tingin mo ang magiging starting five ng Team?" Tanong ni Lyion
"Hhmm kung papipiliin ako, siguro si Takehiko, Ikaw Lyion, Ikaw Kiyou, syempre ako at si Hako" sagot ni Ace
"Ano? Si Hako? Ehh Wala nman yan ambag sa Team" Sabi ni Lyion
"Imposible. Kailangan kapa bumilib sa useless na yan?" Tanong ni Kiyou
"Ggrahhh ang useless na sinabi mo ahh baka gusto mong magkaalaman tayo kung sino mas magaling satin dalawa ahh"
"Hindi ako pumapatol sa baguhang walang talent" sagot ni Kiyou
"Tumigil na nga kayo" sigaw ni Takehiko
"Hay" bugtong hininga ni Miyuko ang manager ng Shohoku
Nagsimula na ang huling practice ng Shohoku, dumating si Rukawa ang Coach ng Shohoku para manood at para sabihin kung sino ang magiging starting five ng Team
Habang naglalaro sila kapansin pansin ang pagpasa ni Ace kay Sakuhako na dati ay hindi nman nya ginawa
"Heto na akohh!" Sabay talon ni Sakuhako para idakdak ang bola ngunit lumitaw si Lyion ay sinupalpal ang bola sa kanya
"Ahhhh" nabigla na si Sakuhako
Nakaabang si Dansui sa bola ngunit agad na hinarangan sya ni Takehiko
Si Takehiko ang nakakuha ng bola
"Ace" sabay pasa ni Takehiko
Aatake na si Ace nang sinasabayan sya ni Lyion na kaharap nya ngayon
Habang si Sakuhako na tumakbo
"Ganyan nga ikaw ang Ace Player ng Team" Sabi ni Sakuhako sa kanyang isipan
Tumalon si Ace, tumalon din si Lyion
Ngunit nag fade away si Ace
"Huh?" Gulat na si Lyion
Pumasok ang bola sa ring
"Ayohhhhsss!" Sigaw ng mga manlalaro ng Shohoku
Nakangiti nman si Takehiko
"Ikaw ang Ace Player ng Team, Ace" sabi ni Takehiko
Nang marinig yun ni Sakuhako
"Ace" sigaw nya
Agad na lumingon si Ace sa kanya napatayo ng tuwid
"Huh?" Na agad na nagtaka ang mga kapwa nya Teammate
"Ano yun?" Tanong ni Ace
"Magaling ang ginawa mo" sagot ni Sakuhako
"Salamat Young Master"
"Anohhhhhhh" gulat at sigaw ng buong Team ng Shohoku
"Ahhhh ang ibig nyang sabihin Young Mastersball yung basketball video game na hiniram nya sakin hehehe" sabay akbay ni Sakuhako kay Ace at bumulong na
"Ano kaba, mag ingat ka nga sa sinasabi mo" bulong ni Sakuhako
"Pasensya na" sagot ni Ace
Si Ace Suzuki ay isa na sa mga servant ni Sakuhako
Pagkatapos ng practice game tinawag silang lahat ang ngayon nasa harapan na sila ngayon ng kanilang coach na si Rukawa para sabihin ang starting five ng Shohoku
You are reading the story above: TeenFic.Net