Main Character
Hanamichi Sakuhako:
Nang panahon na yun, sinasabay nya ang pag aaral, pagsuporta kay Ruwena at pagpapanggap na si Yamada
At nang magdedesisyon syang umalis, umuwi ng Kanagawa mas nagkaroon sya ng Oras sa pagsasanay ng basketball, kahit na si Sakuragi ay walang kaalam alam na may tinatagong galing si Sakuhako na hindi nya pinapakita
Emilia Fujiwara:
Si Emilia Fujiwara ay isang morena, simple at inosente gumalaw, may suot syang salamin sa mata nagtratrabaho sya bilang kasambahay and servant ni Sakuhako, si Sakuhako ang nakakita sa kanya noong nanlilimos ito sa kalsada para sa operasyon ng kanyang lola
Tinulungan ni Sakuhako si Emilia, ngunit sa isang kondisyon magiging kasambahay sya at servant nya, pero makalipas ng ilang buwan, nang makilala ng husto ni Sakuhako si Emilia ay itinuring nya itong kaibigan
Kaede Rukawa Kate:
Si Kaede Rukawa Kate ay anak ni Rukawa at Inami, bukod sa isa syang basketball player isa syang matapang at matalinong manlalaro, noong junior high sya mayron lalaking nagsusuyo sa kanya na makipagdate at si Yamada yun, pero palagi nyang ni-rereject dahil sa mahigpit ang kanyang ama na si Rukawa, kahit na may namumuo naring pagtingin si Ruwena sa kanya, sa hindi inaasahan biglang umalis si Yamada, at nang gabing iyon magdamag na umiyak si Ruwena pero taas noo nyang pinaglaban si Yamada sa mga magulang nya at nagdedesisyon na magsisikap pa sa pagbabasketball para mahanap si Yamada, makalipas ang isang taon ay hindi hindi nya inaasahan na si Yamada ay si Hanamichi Sakuhako na pinagsama ni Haruko at nanay nya sa iisang apartment
Chapter: 7.1
Sa labas ng Shohoku High school mukhang nahimasmasan na si Ruwena matapos kausapin ni Yumi
"Ruwena"
"Alam ko"
"Huh? Alam mo ang ano?" Tanong ni Yumi
"Ngayon naiintidihan kona kung bakit ganun na lang si Mommy at Tita Haruko na hindi man lang nagbigay ng explanation kung bakit kami pinagsama"
"Hindi kita maintindihan pakipaliwanag mo ngang mabuti"
"May hinala na ako noong una palang na si Yamada-kun at yung lalaking yun ay iisa lang"
"Hahh?"
"Noong una ko syang nakita nong nag 1on1 si Daddy at Tito Sakuragi sa labas ng bahay nila, dumating sya, kaboses nya si Yamada-kun hindi agad ako ng isip ng kung ano, pero noong naging kaklase ko na sya, Yung kilos nya pati pagtawa pareho kay Yamada-kun, kaya noong una palang may kutob na ako tungkol dito" sagot ni Ruwena
"Kung ganun, nakilala mona pala sya?"
"Hindi nga ako sigurado kasi nga hindi sila magkamukha, yun lang ang napansin ko yung pagsasalita, kilos, pagtawa pareho kay Yamada-kun, magkapangalan pa sila, "Sakuhako" tapos non hindi na ako tumigil sa pagbabantay sa kanya para masiguro na mali ang hinala ko, at isa pa yung butler nya na servant nya na si Mr Shuto, "Yamada" ang last name nya, tatanungin ko sana si Mr Shuto kung kilala nya si Yamada-kun pero naisip ko na wag na lang, mas mabuting ako ang maka-discover ng mga kutob ko" sagot ni Ruwena
"Pambihira, Hindi ka nga nagkakamali, Samantala ako hindi ko man lang napansin mga yan kahit na 4 days ko palang sya nakilala dapat malalaman ko na sya si Yamachi" Sabi ni Yumi
"So ano nang binabalak mo? Ngayon nahanap mona si Yamachi?" Tanong ni Yumi
"Hindi ko alam"
"Ehhhh hindi mo alam? Hindi karin nman makakaiwas kasi diba kinasal kayo ni Tita Haruko at Tita Inami may signature kayo, kahit na fake marriage contract yun hindi ka makakaiwas, mamaya magkikita kayo sa bahay kaya dapat ngayon palang may plano kana"
Medyo nanlaki ang mata ni Ruwena nang marinig nya at maalala ang pinermahan nila ni Sakuhako na kasunduang marriage contract
Biglang ngumiti si Ruwena tapos naging seryoso ang mukha at sinabi
"Ruwena"
"Ano?"
"Si Hakochi ang totoo nyan Ruwena"
"Ano"
"Nagkausap kami kahapon at tinanong ko sya kung ano ang nararamdaman nya para sayo, ang totoo nyan ang sinagot nya wala na syang nararamdaman para sayo"
"Huh?" gulat na si Ruwena
"Ahhh kasi sabi nya sa isang taon na hindi kayo nagkita at dahil sa misunderstood na pangyayari noon nagawa nyang kalimutan ka, tinanong ko sya kung mayron syang ibang nagugustuhan at ang sinagot nya wala daw, pero nong tinanong ko sya kung bukod satin dalawa kung mayron pa syang babaeng naging close ang sinagot nya ay si Emilia, nang kinuwento nya sakin kung paano sila nagkakilala ni Emilia"
"Ganun ba?"
"Ahhhh wag kang malungkot, mas maganda ka kaysa sa kanya" sabi ni Yumi
Pero tahimik si Ruwena iniisip nya kung paano nya maibabalik ang dating Yamada na sa palagay nya malaki na ang pinagbago
"Ruwena"
"Sabihin mo sakin, ano meron sa kanila ni Emilia?"
"Actually"
Samantala
Dahil dalawang araw na lang Elimination Games na kaya nagkaroon ng practice game ang Shohoku, hinati ni Ruwena sa dalawa ang mga manlalaro
Ang Team A sa pangunguna ng Ace Player nilang si Ace
At ang Team B sa pangunguna ni Takehiko Akagi ang Captain ng Shohoku na panganay na anak ni Akagi, kasama sa Team B si Sakuhako at ngayon magsisimula na ang practice game ng shohoku
Naglaban si Takehiko at Dansui sa jumball
Pagtapon ng referee ng bola sabay tumalon ang dalawa, pareho nilang nahawakan ang bola ngunit
"Ughhhk!" Na naramdaman ni Dansui ang lakas ni Takehiko naitulak sya, natalo sya
Agad na kinuha ni Kiyou ang bola at sumugod na ang Team B
Ngunit nagawang sabayan ni Lyion si Kiyou, kaya ipinasa ni Kiyou ang bola sa nangunguna na sa takbuhan na si Kentaki isang substitute player na Power Forward position
Pero agad nman syang binuntutan ni Kiyose isa ring substitute player at power forward position din
"Ipasa nyo sakin nandito ako" na nasa unahan na si Sakuhako pero
"Kensui" sabay pasa ni Kentaki
"Ahhhhk!"
Mabilis na nagleyap si Kensui ang anak ni Mitsui
"Ggrahhmmm bakit hindi nyo ako pinapadalhan?" Reklamo ni Sakuhako
"Ang mabuti pa tumabi ka na lang Hanamichi" Sabi ni Kiyou
"Ano?"
"Magiging sagabal ka lang" Sabi nman ni Takehiko
Tumakbo na si para dumepensa dahil aatake na ang Team A
"Ggrahhhmm ang ya-yabang nyo, sige lang wala nman kasi kayong alam, kung gugustuhin ko pwede kong gawing isangdaan ang puntos namin, pero relax gugulatin ko sila, sa elimination games hihihi" Sabi ni Sakuhako sa kanyang isipan
Kagaya ng inaasahan nagpapakita ng galing si Ace, dahil small forward si Sakuhako kaya si Ace ang binabantayan nya
Mabilis na lumusot si Ace sa kanya
"Ahhhh nakalusot sya!" Na sinamahan ng acting ni Sakuhako
Nakangiti nman si Ace nang makalusot kay Sakuhako
At isang jumpshot ang ginawa ni Ace
"Kahit na anong gawin mo hindi ka mo ako mapipigilan hako"
Lumabas ang ugat ni Sakuhako sa noo nya
"Ganun ba hehehe"
Na kay Lyion ang bola
"Dito" na nasa ilalim ng basket si Sakuhako
Ngunit ipinasa ni Lyion ang bola kay Takehiko, at dinakdak ni Takehiko ang bola
"Ano ba bakit hindi nyo ako pinapadalhan" nagwawala na si Sakuhako
Pati mga tagahanga nya ay tila naiinis narin dahil hindi sya pinapasahan ng bola
"Ano bang problema nila?" Sabi ng isang babae
"Oo nga hindi nila pinapasa ang bola kay Young master" sagot ng isa
At nagsigawan sila para ipagtanggol si Sakuhako ngunit hindi sila pinansin nila Takehiko, sa halip
"Mag concentrate kayo wag nyo silang pansinin" Sabi ni Takehiko
"Unggoy! Unggoy! Unggoy!" Sigaw ng mga babae kay Takehiko
At lumabas ang ugat sa mukha ni Takehiko di nya mapigilan ang inis ng mga taga hanga ni Sakuhako
Lumingon si Sakuhako sa mga babaeng maingay na tagahanga nya ngunit dumeretso agad ang mata nya sa isang babaeng nakatayo na tahimik lang na nakatingin sa kanya walang iba kundi si Emilia
Ngumiti sya, kaya akala ng mga babae sila ang nginitian ni Sakuhako
"Hanamichi" at pinasa na ni Kiyou ang bola sa kanya, ang kaninang masamang aura sa pagilid ng gym napalitan ng puso nang mahawakan na ni Sakuhako ang bola
"Hehe ayos nasaakin na ang bola"
Humarap sa kanya si Ace
"Ace"
"Hindi mo matitira yan" sagot ni Ace na handa sa depensa
Ngumiti si Sakuhako at sinabing
"Bakit? Nakalimutan mona ba nangyari sayo kanina?" Tanong ni Sakuhako
"Huh?"
At tumakbo si Sakuhako, nakalusot kay Ace nawalan ng focus nang marinig nya iyon
Ngunit agad nman nyang hinabol si Sakuhako
Nang gigigil ang mukha nya
"Nandon ba sya kanina? Napanood na nya ako" Tanong nya sa kanyang isipan
Ang misteryosong lalaki na pangalan ay Yamada, hindi mawala sa isip ni Ace ang pagkatalo nya kanina
Walang balak na ipasa ni Sakuhako ang bola, tumalon sya para idakdak ang bola ngunit sa likuran nya lumitaw si Ace at sinupalpal ang bola
"Sinabi kona sayo. Hindi ka makakapuntos"
Pero nakangiti si Sakuhako at sumagot ng
"Ahhh talaga? Paano kaya kung magseryoso ako? Gaya kanina" sagot ni Sakuhako
"Anoh?" Tanong ni Ace
"Ace, Hindi ka makakatakas sa bangungut na naranasan mo kanina, sinabi kona sayo kung gusto mong maging mas magaling" sabay lapit ni Sakuhako at mahinang bumulong sa kanya na
"Sumunod ka sakin at siguradong mas gagaling kapa sa paglalaro ng basketball"
"Huh" gulat na si Ace
Ipinasa ni Lyion ang bola kay Ace
"Wag kang mag alala, Ikaw parin ang Ace Player ng Shohoku, pero dapat malaman mo na Ace Player ka ng Team ng dahil sakin! Naiintidihan mo ba Ace? pumunta ka sa apartment na tinutuluyan ko, at lalagyan kita ng kadena" Sabi ni Sakuhako
Natulala si Ace sa mga narinig nya kay Sakuhako, nawalan sya ng fucos sa paglalaro pakiramdam nya nasa pinaka ilalim sya ngayon ng dagat nakalubog hindi makagalaw
"Ace dito" sigaw ni Lyion
"Ano bang nangyayari sa kanya" Tanong ni Dansui isa sa center ng Shohoku
Ipinasa ni Ace ang bola kay Lyion
"Tama ang desisyon na ginawa mo, alam mong hindi mo ako kaya" Sabi ni Sakuhako
"Sabihin mo hako, Ikaw ba yun"
"Ahhhh Malay natin" sagot ni Sakuhako
Tumatakbo na sila habang nakay Dansui ang bola, na binabantayan nman ni Takehiko
Nagpalitan ng lakas ang dalawa, nasa ilalim sila ng basket, nasa likod ni Dansui si Takehiko, tinutulak nya si Takehiko paatras habang drinidribble nya ang bola
"Akagi" Sabi ni Dansui
Makikita din sa mukha ni Takehiko na nahihirapan sya sa ginagawang boxout ni Dansui
Pero isa syang tipo ng basketball player na hindi sumusuko
Nang makuha ni Dansui ang tamang tyempo, humarap sya at tumalon para idakdak ang bola ngunit nagawa nang tapikin ni Takehiko ang bola pababa
Kaya si Dansui na lang ang nasa ere
"Magaling Akagi" Sabi ni Kensui ang anak ni Mitsui
"Ako nang bahala" at mabilis na kinuha ni Kiyou ang bola tumakbo sya ng mabilis na agad nman hinabol ni Lyion
Nasa Team B na ulit ang bola sa tindi ng laban nila, ilang minuto rin walang nakapuntos
"Lahat sila handang handa na sa Elimination Games diba Sensei? Eeekkk!" Na napangiwi na si Miyuko nang makitang tulog pala ang Coach nila na si Rukawa
"Hay bakit napaka antukin ni Sensei? Gwapo nga antukin nman hay" bugtong hininga na lang ni Miyuko
Nang biglang sa pinto ng gym ay may nagkagulo, isang babae ang pumasok
"Huh? Diba sya si" Sabi ni Miyuko sabay nagising si Ruwena
Napatigil rin sa paglalaro ang mga manlalaro
"Ma-mama" Sabi ni Sakuhako
Pumasok si Haruko sa gym at lumapit kay Rukawa
"Ruka-kun bakit hindi dumating si Ruwena sa practice? Mayron bang nangyari?"
"Huh? Si Ruwena" na mukhang walang alam na si Rukawa
Lumingon si Haruko kay Sakuhako
"Teka nga mama anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Sakuhako nagsalita si Kiyou
"Hindi moba alam na sya ang Coach ng kabilang gym" Sabi ni Kiyou
"Anong sinabi mohhh!" Napasigaw na si Sakuhako
"Hakohh!"
"Uhhhggh!" Napangiwi na si Sakuhako na mayron kasamang gulat
"Di bale na" sagot ni Haruko
"Ruka-kun may practice game sila?"
"Oo, sa miyerkules na ang elimination games, kaya kailangan nilang mag practice game ngayon para makita ko kung sino ang magiging starting five ng Team" sagot ni Rukawa
"Ganun na? Sige aalis na ako nagmamadali rin ako mayron kasi kaming pupuntahang birthday party"
Paalis na sana si Haruko nang tumigil sya dahil
"Diba ngayon yung unang pasok si Inami?"
"Oo" sagot ni Rukawa
"Kanina umalis si Sakuragi-kun para sa ilang trabahong naiwan nya, hindi ba kayo dadalo sa birthday party mamaya?"
"Hindi ako pupunta" sagot ni Rukawa
"Ganun ba" at nagpatuloy na sa paglakad si Haruko papalabas ng gym
Habang si Sakuhako
"Ahhk ahhk"
"Sya ang mama mo? Bat mukha pang dalaga?" Tanong ni Lyion
"Hindi mo ako dapat tanungin sa bagay na yan, pero paano naging Coach sya ng kabilang gym? Naalala kona sinabi nga pala sakin ni papa na basketball player din si Mama noon at sya din ang bumuo ng unang batch ng woman basketball team dito sa shohoku" sagot ni Sakuhako
Samantala sa basketball association
Kakatapos din lang ng meeting ni Sakuhako kasama ang mangagasiwa ng mga tournaments dito sa bansa nasa likuran nya si Inami
Si Inami ay ang bagong Assistant ng Chairman ng Basketball Association, Assistant ni Sakuragi
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Isasabay mo pa talaga ngayon?"
"Maganda nga yun, shaka siguradong makaka-interest din si Rukawa na sumali"
"Hindi yun ang ibig sabihin, ang ibig kong sabihin sa miyerkules na ang elimination games at isasabay mo pa yung Senior Basketball Tournament"
Bukod sa Elimination Games, nagsagawa din ng isa pang basketball tournament si Sakuragi para sa mga Senior na ang edad ay 28 to 40 na pwedeng bumuo at sumali sa tournament, na magsisimula narin sa Miyerkules, at isa sa dahilan kaya sya pumunta sa Shibukai para hikayatin si Sakutou at Sakuzo na sumali sa kanyang Team
"Hahaha wag mo nang masyadong isipin yan Ina-chan"
"Gghhhmmmm" nakababa ang kilay ni Inami
"Nga pala, kailangan ko nang umalis, mayron pa kaming pupuntahan nila Haruko"
"Yung birthday party ng anak ni Kamigami"
"Oo, kayo ni Rukawa hindi kayo pupunta?"
"Hindi nman kami imbitado"
"Edi ano nman? Pumunta kayo" sagot ni Sakuragi
"Tatanungin ko muna si Rukawa-kun" sagot ni Inami
5:30pm ng hapon naglalakad na si Sakuhako pauwi kasama si Emilia
"Ano? Hindi ka uuwi saan ka pupunta?" Tanong ni Sakuhako
"Mayron lang kasi akong importante na pupuntahan"
"Saan?" Tanong muli ni Sakuhako
"Ahhh dun ako matutulog sa hospital para bantayan si Lola"
"Ganun ba?"
"Bukas na ng gabi ako makakauwi, sige hako kailangan konang magmadali"
"Teka sandali"
Ngunit nagmadali nang umalis si Emilia, si Sakuhako nman naglakad na lang ng mag isa
Sumakay ng taxi si Emilia pero hindi pa man sya nakakalayo
"Dito na lang po" at inabot ang pamasahe nya sa driver
Bumaba sya sa taxi
Saktong isang kotse ang biglang huminto sa harapan nya
Lumingon si Emilia sa mga taong bumaba sa kotse
6:00 ng hapon, nakauwi na si Sakuhako ngunit natatakot syang tumuloy dahil alam nyang nasa loob si Ruwena ngunit mayron syang narinig na boses ng isang lalaki
"Huh? Si Ace" Sabi nya
Binuksan nya ang pinto, at nakita nya si Ace na kausap si Ruwena at Yumi
"Mabuti nman at dumating ka" sabi ni Sakuhako
You are reading the story above: TeenFic.Net