Pag pasok ni Rita sa sala ay nakita nya si Ken na nakaupo.
"Kanina ka pa dyan? Sorry natagalan ako." Sabi ni Rita habang nilalock ang main door nila.
Wala pa namang trenta minutos ng magusap sila sa phone kanina.
"Mabuti naman umuwi ka pa." pabalang na sabi ni Ken.
"Syempre bahay ko to eh." sagot naman ni Rita.
"Nagkita na ba kayo?" nanginginig ang kamao ni Ken ng tanungin nya si Rita.
"Ano na naman yan Ken!"
Naglakad naman na si Rita paakyat sa kwarto nya. Sumunod naman si Ken.
"Pag kinakausap kita, wag mo kong tatalikudan." sabay hatak sa braso ni Rita.
"Ken, wag ngayon pagod ako." sabi ni Rita habang nagpapalit ng damit. Nakatingin lang si Ken sa kanya habang nagpapalit ito.
"So, nagkita na nga kayo?"
"Ken!!!" sigaw ni Rita kay Ken.
"ANO?" halos mamula na si Ken sa galit.
"Pagod ako ngayon, bukas mo ko sigawan. Bukas mo ko awayin, pwede ba yun? Mag aalas kwatro na oh. MADALING ARAW KEN. Madaling araw lang naman!"
Lumapit naman si Ken kay Rita. Inamoy nito ang asawa.
"Anong ginagawa mo?" iritang tanong ni Rita.
"Inaamoy lang kita, malay ko ba kung may nangyari na naman sa inyo kaya iba na naman ang amoy mo."
Nakatikim na ng sampal si Ken. Isang malakas na sampal.
"ANONG AMOY? AMOY POKPOK? GANUN BA? PUTANGINA KEN. NAKAKAGIGIL KA!"
Sabay talikod ni Rita. Tinuloy nito ang pagpapalit ng damit.
"Sawang sawa na ko Ken. Sawang sawa na. Paulit ulit nalang tayo dito."
"Hahahahahaha. Kagabi lang gusto mong maayos to, tapos ngayon sawa kana?" sarkastikong sabi ni Ken.
Bigla namang tumunog ang phone ni Rita. Tiningnan sya ng masama ni Ken.
"Yes?" sabi ni Rita sa kabilang linya. Nakatitig lang si Ken sa kanya. Tila binabantayan ang mga sasabihin nito.
"Oo. Nakauwi na ko. Ok naman si Ken. Tulog na nga pagdating ko eh. Sige na, sige na. Magpapahinga na ko." sabay baba ni Rita ng phone.
"Ano!? Hindi ka pa ba tapos? Kailangan kong magpahinga. May recording pa ko bukas."
"Recording o schedule nyo bukas?" Talagang hindi pa din tumitigil si Ken sa paghihinala sa asawa.
Lumapit naman si Rita para sampalin ulit si Ken pero napigilan ito ni Ken.
"Galit ka?" Tanong ni Ken. Nakikita nyang tumutulo na ang luha ng asawa. Nanginginig si Rita sa galit.
"ALAM MO KEN HINDI NA KITA KILALA!"
"Ikaw din Rita, malayong malayo ka na sa Rita na nakilala ko. Lalo na nung nagawa mong makipag ano---" Hindi na natuloy ni Ken ang sasabihin dahil nasampal na naman sya ni Rita.
"ILANG.BESES.KO.BANG.SASABIHIN.SAYO.NA.WALANG.
NANGYARI.SAMIN?!!!" Nanlalaki na ang mata ni Rita.
"At sa tingin mo maniniwala ako sayo?"
"Edi putangina wag!!! Ganto gawin mo!!! UMALIS KA DITO, kahit ngayong gabi lang. Hayaan mo kong makapag impake. Hayaan mo kong makaalis. Tapos tsaka na natin pag usapan ang annulment pag nasa korte na tayo."
Nakatingin lang si Ken sa kanya. Nakatikom pa din ang kamao nito.
"KASUHAN MO KO NG ADULTERY, PARA SAFE KA. PARA ENOUGH REASON FOR THE ANNULMENT. TUTAL AKO NAMAN LAGI ANG MALI EH. SAKIN LAHAT NAGMULA. DIBA KEN?"
Lumapit si Rita kay Ken. Kitang kita sa mukha ni Rita na sobra na itong nasasaktan. Pagod na sya tapos ganto pa ang mangyayari sa kanila ng kanyang asawa.
"Nung nalaman ko bang kaya mo ko niligawan noon ay para magtuloy tuloy ang project natin, nung nalaman ko bang may dine-date kang iba nung nagsisimula palang yung loveteam natin, nung nalaman ko bang kakahiwalay mo lang sa kanya nung nag propose ka sakin, NAGALIT BA KO KEN? NAGKAGANYAN MAN LANG BA KO? HINDI. KASI PINAGKATIWALAAN KO YUNG SINASABI MONG MAHAL MO KO! NA HINDI LANG TO PARA SA CAREER NATING DALAWA. NA HINDI LANG TO DAHIL SA KAILANGAN NATIN NG PERA."
Naalala ni Ken ang ginawa nya kay Rita nung nagsisimula pa lamang sila. Kaya hindi nya ito nagawang ligawan agad noon ay dahil sa may lihim itong girlfriend. Kahit si Rita ay hindi alam ang bagay na yon. Inamin nalang ito lahat ni Ken ng magpropose sya rito.
"SO KAYA MO GINAWA SAKIN TO DAHIL DYAN?"
"HINDI KEN. ANG GUSTO KO LANG MAISIP MO, SANA NAMAN PAGKATIWALAAN MO KO. KEN, ASAWA MO KO. HIGIT SA LAHAT DAPAT IKAW ANG MAY TIWALA SAKIN, PERO HINDI EH. IKAW PA NAGIGING DAHILAN KUNG BAKIT AKO NAGKAKAGANITO NGAYON."
"Edi sana kasi di mo ginawa yun Rita." nagpunas na ng luha si Ken.
"BABALIK NA NAMAN BA TAYO SA UMPISA HA KEN? Alam mo kulang nalang ipanalangin ko na sana magka amnesia ka, para makalimutan mo lahat. Asawa mo ko pero kahit kailan hindi mo man lang ako natanong na, "Hoy putangina Rita, kamusta ka dyan? Kumain ka na ba? Pagod ka na ba?" Mas madalas sayo yung hinala. NAPAKABABA NG TINGIN MO SAKIN KEN. PARA KONG POKPOK DYAN SA KOKOTE MO."
Bigla nalang sinuntok ni Ken ang pader, tatlong beses nya itong sinuntok saka lumabas sa kwarto ni Rita.
Naiwang umiiyak si Rita. Hindi sya makapaniwalang magsasagutan na naman sila ni Ken.
"Hanggang kailan ba kami ganito? Kailangan ko na ba talaga sumuko? Kailangan ko na ba talagang bitawan sya?" bulong nya sa sarili. Hindi na nya alam ang mararamdaman dahil naghahalo na ang pagod at ang sakit ng puso nya.
---
"Rita, kamusta si Ken?" Tanong ng Mommy ni Rita.
"Ok lang naman sya Ma. Ok naman kami." Napabuntong hininga naman si Rita. Walang ibang nakaka-alam ng nangyayari sa kanilang dalawa ni Ken kundi ang bestfriend nyang si Mika.
"Anak, pansin ko hindi ka masyadong masigla nitong mga nakaraan? May nararamdaman ka ba? Baka buntis ka na anak?" sabi pa ng mommy nya.
"Nako, ma. Imposible. Wala kaming oras ni Ken para dyan."
"Baka naman hindi mo na nabibigyan ng oras ang asawa mo ha, anak tumatanda ka na din. Siguro naman ay oras na para magkaanak na kayo ni Ken."
"Hayaan mo Mommy, malay mo bukas may apo ka na. Hahahaha." biro ni Rita.
Patuloy na nakangiti si Rita sa mga taong nag aakalang napaka saya nila ni Ken sa piling ng isa't isa. Hindi nila alam ay nagsisilbi ng impyerno ito para sa kanya.
---
Dumaan na muna ng grocery si Rita para mamili. Kailangan nya ng mamili dahil nauubusan na sila ng supply sa bahay ni Ken. Pagkatapos nilang magkasagutan noon ay hindi na umuwi si Ken. Sabi ng mama nito ay sa kanila muna ito umuuwi dahil mas malapit doon ang location ng shinu-shoot na serye ni Ken. Pero sa totoo lang alam nya kung anong dahilan kung bakit hindi ito umuuwi. Umiiwas ito sa kanya.
---
Pag uwi nya ay inayos nya na ang mga pinamili. Habang nagluluto ng kakainin ay kumakanta sya. Pinipilit nyang baguhin ang ambiance ng bahay nila ni Ken.
Maya maya pa ay may tumawag sa kanya. Agad nya itong kinuha ng makita ang pangalan ng tumatawag.
Si Ken.
"Pwede na ba kong umuwi?" Napakalambing ng boses nito. Napangiti naman si Rita.
"Uwi kana. Hindi nako galit." Nakangiting ibinaba ni Rita ang phone nya. Nagmadali syang kumilos at naligo na din. Kakalabas nya lang sa CR ng marinig ang kotse ni Ken.
Nakangiti namang pumasok si Ken sa bahay nila. Tumakbo naman agad si Rita dito at hinalikan ito. Agad namang pumulupot ang mga kamay ni Ken sa bewang ni Rita.
Isang mahabang puti na polo lang ang suot ni Rita kaya mas lalong nag init ang paligid nila.
Bumitaw naman si Rita sa halik ni Ken.
"Kain na muna tayo bago yan."
"Hindi ba pwedeng eto na muna." bulong ni Ken kay Rita.
"Please. Kain na muna tayo." At hinatak naman nya si Ken sa lamesa.
Kumain naman sila ng sabay. Puro ngiti lang ang ibinibigay nila sa isa't isa. Sobrang nakakapanibago lang sa pakiramdam, yan ang sabi ni Rita sa sarili.
Napakadaming kwento ni Ken tungkol sa trabaho nito. May mga pagkakataon na naiiyak si Rita dahil ibang iba ang Ken na kaharap nya ngayon.
Pagkatapos nilang kumain ay pinaligo na muna ni Rita si Ken habang sya naman ay naglinis ng pinagkainan nila. Pag akyat ni Rita sa kwarto nya ay nagulat sya dahil nandito si Ken.
Nilapitan naman sya ni Ken at binuhat papunta sa kama.
Ibinaba nya si Rita ng dahan-dahan.
"Grabe, parang feeling ko bagong kasal lang tayo." Nakangiting sabi ni Rita.
Hinalikan naman sya ni Ken sa noo, sa pisnge, sa ilong, at sa labi. Muli na naman silang nagsalo sa halik ng kanilang pagmamahal.
"Hon?"
Bulong ni Rita.
"Yes hon?"
"Im ready. Ready na kong maging mommy." Sabi ni Rita kay Ken.
Agad naman syang hinalikan ni Ken at hinubad ang suot nya.
Nakaramdam sya ng sakit ng magsimulang gumalaw si Ken.
Naluluha sya sa bawat galaw ni Ken.
---
Nagising si Rita ng maramdaman na basang basa na ang mukha nya sa luha.
Panaginip lang pala lahat. Nakahiga sya sa sofa at nakapalibot sa kanya ang mga pinamili na groceries.
Bumangon sya at muling umiyak ng maalala ang panaginip. Sobrang miss na miss nya na si Ken. Kahit minsan ay nakakaramdam sya ng galit rito ay mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal nya rito.
"Steven, uwi kana please." bulong nya sa hangin.
Kinuha na muna nya ang phone nya tsaka nag scroll sa Instagram. Nakita nyang may bagong post ang asawa.
@akosiKenChan
Baby, you look happier you do 🎤
Muka namang ok lang ito kaya nagpatuloy lang sya sa pag scroll.
Nagulat naman sya ng may biglang nag dm sa kanya.
"I saw you kanina. You look sad. Please, talk to me."
galing na naman ito sa lalaking yon.
"My husband and I will go to see you." sagot nya.
You are reading the story above: TeenFic.Net