SD: "Go, File For Annulment"

Background color
Font
Font size
Line height

Maaga kong nagising dahil sa lakas ng ulan. Lumabas ako para tingnan kung nakaalis na ba si Ken.

Naabutan ko syang kumakain sa lamesa.

"May lakad ka ngayon?" bungad nya sakin.

"Meron, mamaya pang hapon. Magpapa-ayos lang ako ng buhok at kuko para sa guesting ko bukas."

"Guesting natin."

"Gusto mo ng kape? Magtitimpla ko." at tumayo naman na ko para ipagtimpla sya ng kape.

Naramdaman ko naman ang yakap nya sa likod ko.

"I-celebrate natin ang birthday mo." napangiti naman ako sa sinabi nya.

Humarap ako sa kanya saka sya hinalikan. Inangat nya naman ako sa lababo namin. Tuloy pa rin ang halikan namin. Halos mahubad na namin ang damit ng isat isa.

"Namiss kita." bulong ko.

Agad naman syang bumitaw. Pinulot ang damit nya tsaka bumalik sa kwarto nya.

Inayos ko naman ang sarili ko.

"Naalala na naman ba nya?" bulong ko sa sarili ko.

---
Flashback

"Hon, tingnan mo to. Grabe no?" sabi ko kay Ken habang pinapakita ang picture ni Carlo Aquino at Angelica Panganiban.

"Akala ng lahat, mag se-settle na sila tapos may jowa pala tong isa." sabi naman ni Ken.

"Ang malala lang sana in-aware ni Carlo si Angel. Kaso hindi eh, pati si Ange niloko nya. Pinasakay nya. Pinaasa nya."

"Showbiz eh." sagot ulit ni Ken.

Binaba ko naman ang tablet ko at kinuha ang mukha ni Ken.

"Wag mong gagawin to sakin Ken Steven ha?"

"Oo naman Rita Daniela. Hindi lang kita basta jowa ngayon, asawa kaya kita. Pinakasalan kita para mahalin habambuhay, hindi para lokohin lang."

Hinalikan ko naman sya pagkatapos nun.

"Hon, may mall tour kami sa Ilocos ha. Next week. Hindi ka ba kasama?" tanong nya sakin.

"Hindi na muna hon, may sched ako next week eh."

"Ok hon." at patuloy pa rin syang nag rereview ng scripts nya.

Napansin kong pa-lowbat na ang tablet ko kaya naman umakyat ako sa kwarto namin para kuhain ang charger nito.

Pagbalik ko ay may tinitingnan na si Ken sa tablet.

"Nag uusap pa rin pala kayo nyan?" nakakunot noong tanong ni Ken.

Nakita ko namang conversation namin ng ex ko ang nakita nya.

"Nangangamusta lang sya." sagot ko.

"Ok ka naman, diba?"

"Teka, nagseselos kaba?"

"Bakit may dapat bang ikaselos" nakatitig lang sya sa mga mata ko.

Bigla namang tumunog ang tablet.

Ghad. Tumatawag sya.

Agad kinuha ni Ken ang tablet.

"Babe?" narinig ni Ken ang boses nya.

Tumingin pabalik sakin si Ken.

"Nangangamusta pala." at ibinaba nya ang tablet sa lamesa tsaka umalis sa harap ko.

Unang beses naming mag away ng ganito simula ng ikasal kami.

End of flashback

---
"Anong isusuot mo bukas?" tanong ni Ken sakin paglabas ng kwarto. Nakabihis na ito. Akala ko ba'y wala syang lakad.

"Red." Sagot ko.

"Kailangan parehas tayo. Mag blue ka." sabi nya habang dinaanan lang ako.

Hinatak ko naman ang suot nya. Naging dahilan ito para tingnan nya ko.

"Bitaw." mariing sabi nya.

"Ken, hanggang kailan tayo ganto?" naluluha na ko habang nakatitig lang sa kanya.

"Habambuhay, Rita. Habambuhay." kinuha nya ang kamay ko para bitawan ko ang damit nya.

"Bakit hindi na lang natin tapusin to kung ganto lang din tayo ha!" nilapit ko na ang mukha ko sa kanya.

"Go file for annulment." sabi nya at tuluyan ng umalis.

Napaupo na lang ako ng marinig kong isinara nya ang pinto. Wala na namang tigil ang mga luha ko. Hindi ko na kasi kaya yung gantong sitwasyon namin ni Ken. Alam kong nagkamali ako noon, pero pinagsisihan ko naman na. Mahal ko sya pero kung ganto lang din kami, mabuti na nga sigurong maghiwalay na lang kami.

---

Kakalabas ko lang ng kwarto ng may kumatok. Mag gagabi na pala. Napasarap ang tulog ko.

"Ritaaaaaaa!!!" salubong sakin ni Mika.

Niyakap ko naman ito dahil sobra ko din syang namiss.

"Buti naman wala kang sched ngayon." sabi nya habang pumapasok sa bahay ko.

"Wala, bukas pa."

"Andyan ba asawa mo?" tanong nya sakin. Umiling naman ako.

"Kamusta naman kayo? Ok naman ba?" bigla naman akong napatingin sa kanya ng tanungin nya ko about samin ni Ken.

Inaya ko sya sa kwarto ko para dun na pag usapan yun.

---

"Araw araw kayong ganyan?" sabi ni Mika kay Rita.

"Sad to say, yes. Wala eh. Di nya makalimutan. Sabi nya sakin napatawad nya na ko pero hindi ko ramdam eh." sabi naman ni Rita bago inumin ang dalang alak ni Mika.

"Sinabi nya ngang mag file na ko ng Annulment. Kanina lang."

"Napaka-gago ng asawa mo. Nakakagigil. Ano habambuhay kayong ganto? Hindi lang fans nyo ang niloloko nyo kundi pati mga sarili ninyo. Rita, you deserve to be loved."

"Mahal ko sya eh. Mahal na mahal. Kaya nga halos di nako lumalabas ng bahay pag wala akong shoot or taping eh. Ayoko na ulit mag isip sya ng iba sakin."

"Nag uusap pa kayo?" nagulat naman si Rita sa tinanong ni Mika. Kilala nya kung sino ang tinutukoy nito. Ang ex nya.

"Hindi na."

"Sigurado ka?"

"Oo."

"Anong plano mo?"

"Mika, alam mo namang nasa showbiz kaming dalawa ni Ken. Hindi basta basta ang pagdedesiyon na'to. Gusto ko na lang ulit muna sya kausapin."

"Pag usapan nyo ulit. Kailangan nyo yan eh."

Niyakap naman ni Mika si Rita ng mag umpisa na itong umiyak.

Napatingin sila parehas sa pinto ng may kumatok. Agad namang tumalikod si Rita para punasan ang luha nya.

"Hi Mika" sabi ni Ken kay Mika habang papalapit kay Rita. Tumayo naman si Rita para halikan sa labi si Ken.

"Kumain kana?" tanong ni Rita. Humawak naman si Ken sa tyan nya at sinabing,

"Hindi nako kumain sa set, sabay nalang tayo. Sabayan mo na kami Mika." bumaling sya kay Mika.

"Nako, hindi na Ken. Susunduin ko pa girlfriend ko eh." sagot naman ni Mika.

"Sige, magbibihis na muna ko hon." at hinalikan ni Ken ang ulo ni Rita bago ito lumabas ng kwarto.

Niyakap naman ulit ni Mika si Rita.

"Iba din magpanggap ang asawa mo ano? Rita, kausapin mo sya ha? Alam mo kung anong dapat mong gawin." bumitaw na sya para punasan ulit ang mga luha ni Rita. Kitang kita nya kung gaano kasakit sa kanyang kaibigan ang sitwasyon nila ng asawa nito.

"Salamat bes. Maraming salamat." at inihatid naman na ni Rita ito palabas.

Pagbalik nya sa loob ay inihanda nya na ang pagkain para sa kanila ni Ken.

"Hon, anong pagkain natin?" Narinig kong sabi ni Ken.

"Wala na si Mika" malamig na sabi ni Rita.

Umupo naman si Ken at patuloy na nag sscroll sa phone nya.

"Selfie tayo, come here." agad naman syang lumapit kay Ken at ngumiti.

@akosiKenChan tagged you in a post.

A night with my love 💕

Pagkatapos nito ay hinainan na ni Rita si Ken. Tahimik lang silang kumakain.

Napansin naman ni Ken na bawat subo ni Rita ay may tumutulong luha galing sa mga mata nito.

"Bakit?" tanong ni Ken.

"Akala ko ba mag file na ko ng annulment, bakit patuloy ka pa ding nagpopost ng mga ganyan." sabi ni Rita ng hindi tumitingin kay Ken.

Tinitigan naman sya ni Ken.

"Kung hindi muna ko mahal, itigil na natin to. Itigil mo na yang mga ganyan mo. Kung hindi mo na ko mahal, hayaan mo nalang din ako." lumalakas ang hikbi ni Rita.

Sobra na kasi syang nasasaktan sa trato ng asawa. Masyadong mabigat sa dibdib ang nangyayare sa kanila.

"Mahal na mahal kita kaya nga nagkakaganto ko eh." isip ni Ken.

"Ok. Ititigil ko na." Sagot nya kay Rita.

Nagpunas naman ng luha si Rita, tsaka tumayo. Hinugasan ang pinagkainan tsaka bumalik kay Ken.

"Alam mo, sana di na lang tayo nagpakasal noon. Kung alam ko lang na ganto mangyayari satin sana hindi nalang. Sana nanatiling loveteam na lang talaga tayo."

"AKO BA MAY KASALANAN KUNG BAKIT TAYO GANITO." halos matapon ang pagkain ni Ken.

"PAULIT ULIT NA KONG HUMINGI NG TAWAD SAYO DIBA, NAGKAMALI AKO, AT INAMIN KO NAMAN SAYO YUN"

"At sa tingin mo ganun nalang yoooon!!?"

Patuloy lang na umiiyak si Rita.

"Asawa mo ko Rita, ano sa tingin mo ang naramdaman ko ng mga panahong yun? Pumunta ka ng ibang bansa para sa ibang lalaki, nakipag ano ka sa ibang lalaki, habang ako nandito naghihintay sa pagbabalik mo kasi sabi mo MAY TRABAHO KA LANG DUN. Hindi ko alam kung san ba ko nagkulang, hindi ba ko magaling, hindi pa ba ko sapat para BALIKAN MO PA YUNG LALAKING YON!"

"Kailangan ko bang pagsisihan yan habambuhay?"

"Atat na atat kang hiwalayan ako eno?" tanong ni Ken.

Napatingin naman si Rita sa asawa. Umiiyak na din ito.

"Para ano? Para makapunta kana ulit don? PARA MAKAPAG PAKASAL NA KAYO?!"

"Hindi, Ken. Hindi. Ang gusto ka lang bumalik na tayo sa dati. Masaya naman tayo diba?"

"Masaya naman pala tayo eh. Bakit nagawa mo yun?" napahawak na si Ken sa sintido nya, nahihirapan na syang kontrolin ang sarili nya.

Lumapit si Rita kay Ken.

"Hon, please. Nagsisisi na kong ginawa ko yun sayo"

Bumitaw naman si Ken at kinuha ang phone nya.  Tsaka ito padabog na umakyat sa kwarto nya.

Ganto na nga siguro sila. Hindi na nga siguro maibabalik ang dating saya at sigla nila bilang mag asawa.

---

Lumabas ng kwarto si Ken para uminom ng tubig.

Nakita nyang nakabukas lang ang pinto ni Rita pagdaan nya rito. Sumilip naman sya at nakitang tulog na si Rita.

Nilapitan nya ito at pinagmasdan habang natutulog.

"Mahal na mahal kita Rita. Ayokong mawala ka sakin. Alam mo ba yun?" bulong nya.

"Masakit kasi eh. Sobra. Bago pa ko dumating sa buhay mo ay meron ng sya. Sobrang minahal mo nga sya diba? Nagkaron lang ako ng pagkakataon na iparamdam sayo na mahal kita nung wala na kayo. At ngayong, asawa mo na ko bakit parang pakiramdam ko, hindi nagbago yung pagmamahal mo sa kanya?" naiiyak na naman sya.

"Sa tuwing nakikita kita gusto kitang yakapin, gusto kitang halikan. Gusto kitang alagaan at protektahan, kaso hindi ko kaya. May humahatak sakin paiwas sayo, palayo sayo. Parang laging may nagsasabi sakin na ginagago mo lang ako. Na ginagamit mo lang ako para sa career mo."

"Gagawin ko nalang kung ano sa tingin mo ang makakapagpasaya sayo. Kung magiging masaya ka na hiwalayan ako, osige. Kung san ka magiging masaya, mahal kita eh."

Hinalikan nya sa noo si Rita saka umalis.

---

"Ken, nandito ko sa taping ngayon. Pwede ba ko magpasundo?" tanong ni Rita sa asawa.

"Sorry, out of the way eh." rinig nyang sagot ni Ken at ibinaba na ang tawag.

Ngumibit na lang si Rita. No choice. Kailangan nyang mag drive.

Masyado kasi syang pagod kaya sumubok syang magpasundo sa asawa pero mukang hindi nga nito kaya dumaan sa kanya.

---
Pagkapasok ni Ken sa bahay nila ay hindi sya mapakali. Nabalitaan nya kasing nandito sa Pilipinas ang lalaking yon.

"Bakit nandito na naman sya?" bulong nya sa sarili nya.

Tinawagan nya si Rita. Gusto nyang makasigurong hindi ito kasama ng asawa.

"Nasan kana" bungad nya kay Rita.

"Malapit na" sabi ni Rita at narinig nya ding humikab ito.

Binaba nya naman agad ang phone nya.

Nagtataka naman si Rita kung bakit bigla itong binaba ni Ken.

Maya maya pa ay tumunog na naman ang phone nya. May nag message sa kanya sa IG.

Tiningnan nya naman ito.

"Rita, can we meet?"

You are reading the story above: TeenFic.Net