Chapter 9

Background color
Font
Font size
Line height

Buong bakasyon wala akong ginawa kundi nasa condo lang, hindi ako lumalabas ng condo ko dahil ayokong may makakita sa akin na pumayat ako ng konti. Namumutla na rin ako at mabilis ako mapagod. May mga pasa na rin ako sa katawan ko kaya lagi akong nagsusuot ng jacket para hindi ito makita kada bibili ako ng pagkain ko.

Gusto ko man sabihin sa parents ko o sa kaibigan ko pero natatakot ako. Ayoko silang masaktan. Iniisip ko yung nararamdaman nila kaysa sa nararamdaman ko.

Biglang nagchat si Rachel kaya agad ko 'yon binasa.

From: Rachel

Hi bes!

To: Rachel

Hello bes!

From: Rachel

Nasa condo kaba or sa bahay ng parents mo?

To: Rachel

Nasa condo ako bakit?

From: Rachel

Ah, pumunta ako nung isang araw dyan. Bakit madilim?

To: Rachel

Baka tulog na ako nun

From: Rachel

Duh! Hapon yun tapos tulog ka. Okay ka lang ba?

To: Rachel

Oo, okay lang ako

From: Rachel

Puntahan kita ngayon

To: Rachel

Ah, wag na

From: Rachel

Uy, bakit? May ibibigay pa naman ako sayo

To: Rachel

Wag na bes, baka may ginagawa ka rin

From: Rachel

Wala naman akong ginagawa eh. Nakakaboring kaya sa bahay kaya pupuntahan na lang kita

To: Rachel

Bes, please wag na. Ayos lang naman ako.

From: Rachel

Tsk oo na

To: Rachel

Sorry bes :(

From: Rachel

It's okay, naiintindihan ko.

Sorry bes, ayaw kita papuntahin kasi ayokong makita mo yung kalagayan ko.

Ayokong makitang umiiyak ka ng dahil sa akin kasi mas nasasaktan ako.

Habang nakatingin ako bintana at sa mga ulap. Hindi ko maiwasan hindi umiyak.

Pagod na ako pero hindi ko sila pwedeng iwanan. Alam kong masasaktan sila.

Sa kakaiyak ko may biglang kumatok sa pinto kaya naman dali dali ako pumunta sa pintuan at binuksan 'yon. Laking gulat ko naman pagkabukas ko.

"Bes, anong ginagawa mo dito?" gulat na gulat na tanong ko.

"Bes, ang init init nakajacket ka!" reklamo niya at pumasok na. Sinarado ko naman agad yung pinto.

"Ang lamig kaya." pagsisinungaling ko.

"Bes, kumakain kaba?" nag-aalalang tanong niya.

"Oo, bakit?" nagtatakang tanong ko.

"Bakit pumayat ka?" tanong niya.

"Ah, alam mo naman na mahina ako kumain." pekeng tawang sabi ko.

"Hay naku, naiirita ako sa jacket mo! Tanggalin mo nga yan." reklamo niya.

"Wag na." sagot ko.

"Sige na," sabi niya at pinipilit tanggalin ang jacket na suot ko.

Hindi pa tuluyan naaalis yung jacket bigla na lang siya napatingin sa braso ko na may pasa.

"Bakit ka may pasa?" medyong galit na tanong niya saka hinawakan ang braso ko.

"Wala yan bes. Nadapa lang ako." pagsisinungaling ko.

"Anong nadapa ah?" inis na sigaw niya at natakot naman ako.

"May hindi kaba sinasabi sa akin, Trina?" inis na tanong niya.

"A-ah, w-wala." utal na sagot ko saka mabilis na sinuot ulit yung jacket ko.

"Sinabi ng tanggalin mo yung jacket mo!" Inis na sigaw niya.

"Wag na bes, okay lang ako." pagpipilit ko pa.

"Tatanggalin mo o aalis na ako rito at wag na tayo magkita habang buhay." pananakot niya.

"Bes, wag naman." hindi kona napigilan ang mga luha ko.

"Isa, tanggalin mo na." pananakot pa niya.

"Bes, ayos lang talaga ako, promise!" sabi ko.

"Hindi ka okay! Kaya tanggalin mo na yan kung hindi uuwi na ako!" sagot niya.

Wala akong magawa kundi sundin ang sinabi niya, ayoko siyang mawala sa akin kaya tatanggalin ko na lang yung Jacket ko.

Dahan dahan kong tinanggal ang jacket ko hanggang sa matanggal na ito. Napatingin naman siya sa katawan ko pagkatanggal ko ng jacket.

"Bes, bakit ang dami mong pasa?" nagulat ako ng bigla siyang umiyak. "Nadapa na naman ang dahilan mo?"

"Bes, i'm sorry." naiiyak na sabi ko.

"Trina, may sakit ka ba na hindi ko nalalaman?" tanong niya.

"W-wala." sagot ko.

"Kung wala kang sakit. Pupunta tayo ngayon sa hospital." pananakot niya.

"Hindi na kailangan. Wala naman akong sakit!" pagtanggi ko.

"Ano ka ba! Ang kulit mo puro ka wala! Pupunta tayo sa ayaw at sa gusto mo! Magbihis kana!" sigaw niya sa akin.

"Please, bes, ayoko pumunta sa hospital!" umiiyak na pagmamakaawa ko.

"Bakit kaba takot na takot ah? May tinatago ka ba sa akin?" tanong niya.

"Wala, oo na magbibihis na ako!" pagsuko ko.

Dali dali naman akong nagbihis at nagsuot ng bagong jacket. Siguro ito na yung araw na kailangan na talaga niya malaman.

Pagkatapos kong mag-ayos, lumabas na rin kami sa condo at pumara kami ng taxi. Tahimik lang kaming dalawa sa byahe hanggang sa makarating na kami sa hospital. Pinanood ko lang siya habang may sinasabi sa doctor. Kinuwaan naman agad ako ng dugo ng mga nurse.

Tahimik lang ako habang nakahiga sa kama ng hospital. Natatakot ako sa mararamdaman ni Rachel. Limang oras rin ang hinintay namin bago bumalik ang doctor.

"I'm sorry, Ms. Cruz!" 'yon agad ang sinabi nung doctor.

"Doc, may sakit po ba ang bestfriend ko?" kinakabahan na tanong ng kaibigan ko at hindi naman nakapagsalita yung doctor. "Doc, please po."

"I'm sorry to tell you this but based on this result you have leukemia."

"D-doc? Anong leukemia pinagsasabi mo? Walang sakit ang bestfriend ko. Nagkakamali ka lang siguro doc?" umiiyak na sabi ng kaibigan ko.

Hindi ko na rin napigilan ang mapaluha. Matagal ko nang alam pero bakit ang sakit pa rin.

"I'm sorry, pero may Acute Lymphocytic leukemia siya at stage 3 na ito." sabi ng doctor.

"Thank you doc." sabi ko at tumango lang ito. Pagkaalis ng doctor napatingin ako sa kaibigan ko.

"I'm sorry," 'yon na lang ang nasabi ko.

"Alam mo ng may sakit ka?" umiiyak na tanong niya at tumango naman ako.

"Bakit? Bakit hindi mo sinabi sa akin?! Kaibigan mo ako." tuloy tuloy bumuhos ang mga luha niya.

"Ayokong masaktan ka." naiiyak na sabi ko.

"Anong akala mo sa akin kapag hindi ko nalaman hindi na ako masasaktan? Kaya pala, kaya pala lagi dumudugo yung ilong mo kasi may leukemia kana pala. Lagi mo sinasabi okay ka lang pero ang totoo hindi! Bakit kailangan mong itago sa akin? Bakit?" inis na sabi niya habang umiiyak.

"I'm sorry, bes, hindi ko gustong itago sayo." paghingi ko ng tawad.

"Kailan mo pa alam?" tanong niya?

"5 months ago na." Umiiyak na sagot ko.


FLASHBACK

5 months ago...

Lagi akong nahihimatay, laging dumudugo ang ilong ko, madali akong mapagod, nahihilo ako palagi, nagkakaroon na rin ako ng mga pasa. Kaya naisipan ko ng magpacheck up para malaman kung may sakit ba ako o dahil lang ito sa pagod ko.

"Doc, may sakit po ba ako?" tanong ko.

Binuksan ni Doc yung envelope na naglalaman ng resulta ko. Tumingin siya sa akin. Napabuntong hininga pa siya bago niya sabihin ang resulta.

"I'm sorry, Ms. Cruz!" sabi niya at hinintay ko pa ang sasabihin niya.

"I'm sorry, you have acute Lymphocytic leukemia."

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa sinabi ni Doc. Bakit ako pa? Bakit ko nararanasan 'to?

"Doc, baka nagkakamali lang po kayo?" pagpapakalma ko sa sarili ko.

"I'm sorry, ito talaga ang lumabas sa resulta mo." Hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa mga narinig ko at tuloy tuloy na ito bumuhos.

Marami namang iba dyan pero bakit ako pa talaga? Napakasama ko ba talaga kaya nangyayari sa akin 'to? Gusto ko lang naman maging masaya pero bakit ito yung kapalit.

"May kakilala akong magaling na oncologist na pwedeng tumingin sayo, pero siguro kailangan muna ito malaman ng mga parents mo." paliwanag nito.

"Kung interesado ka ito ang aking contact number. Tawagan mo lang ako rito sa number na ito kapag handa kana." sabi nito at binigyan ako ng isang papel.

"Wag kang mag-alala, Ms. Cruz magagawa pa naman natin ng paraan para gumaling ka." pampalakas niya ng loob sa akin.

"Doc, magkano po kaya ang magagastos ko?" tanong ko.

"Malaki laki rin, Hija! Pero may public hospital naman para tumulong sa kalagayan mo pero may babayaran pa rin kayo." paliwanag nito.

"Ganoon po ba? Thank you po doc!" sabi ko at tumango lang ito.

Siguro hindi na lang ako magpapagamot. Ayokong bigyan ng gastusin sila Mama. Tatanggapin ko na lang siguro ang kapalaran ko.

Tumayo na ako at umalis na ng hospital kahit gulong-gulo na ang utak ko dahil sa nalaman ko. Bakit pa ako?

END OF FLASHBACK

"I'm sorry bes, wala ako sa tabi mo habang nararamdaman mo yan." umiiyak na sabi ni Rachel.

"Bes, sobrang sakit! Sobrang sakit ng malaman ko na may leukemia ako. Ayoko siyang tanggapin pero wala naman na ako magagawa para mawala ito." lumuluhang sabi ko. Hinaplos-haplos naman niya ang buhok ko.

"Alam na ba ng parents mo ito?" tanong niya.

"Bakit pa nila malalaman. Okay na siguro na wag na nila malaman para hindi sila masaktan." sagot ko.

"Bes, please naman. Unahin mo naman ang sarili mo. Magpapagamot ka ah." sabi niya.

"Wag na bes, tanggap ko na rin naman." lumuluhang sabi ko.

"Hindi, kung ang iniisip mo yung gastos. Ako na bahala dun kakausapin ko sila Mommy. Basta gagaling ka at magpapagamot ka. Please gawin mo ito para sa akin! Kahit sa akin na lang." umiiyak na sabi niya habang hawak hawak ang kamay ko.

"Bes, tanggap ko na rin naman kasi eh." usal ko habang umiiyak.

"No, Hindi mo ako pwedeng iwan. Ikaw na lang ang meron ako!" sabi niya.

"Nanjan naman ang parents mo kaya mo naman na sigurong wala ako." sagot ko.

"Hindi ko kaya!" umiiyak na sigaw niya sa akin.

"Bes, pangako mo ah? Wag na wag mong sasabihin ito kahit kanino, lalong lalo na kay Charles. Ayoko siyang masaktan!" umiiyak na sabi ko.

"Pangako, bes! Basta magpapagamot ka." sabi niya at tumango lang ako. Niyakap niya ako ng mahigpit at niyakap ko rin siya pabalik.

"Mahal na mahal kita, bes! Gagawin ko ang lahat para sayo basta wag na wag mo ako iiwan. Promise." sambit niya.

"Promise, lalaban ako para sayo." umiiyak na sagot ko.

Promise, Hangga't kaya ko ilalaban ko 'to para sayo.

Mahal na mahal kita kahit anong mangyari hinding-hindi kita iiwan.

"Bes, try mo kaya sabihin sa mama mo baka makatulong din sila sa nararamdaman mo." pagkukumbinsi sa akin ni Rachel habang nakaupo siya sa kama at habang ako naman ay nakahiga.

"Mag-aalala din ba sila sa akin?" tanong ko.

"Oo naman, magulang mo pa rin naman sila." sabi niya.

"Sige, tatry ko sasabihin ko may lagnat ako." sagot ko.

"Bakit hindi mo pa sabihin na may leukemia ka." nagtatakang tanong ni Rachel.

"Titignan ko muna kung may pake rin ba sila sa akin kahit lagnat lang ito." sabi ko naman.

"Sige, oh sya, itext mona." excited na sabi niya.

Kaya naman dali-dali kong tinext si Mama.

Sana mag-alala rin siya sa akin.

To: Mommy

Ma

From: Mommy

Ano?

To: Mommy

May sakit po ako. Lagnat po

From: Momny

Edi uminom ka ng gamot

To: Mommy

Wala pong gamot dito ma eh. hindi po ako makatayo nahihilo po ako.

From: Mommy

Anong gagawin ko? Pupunta pa ako diyan para dalhan ka ng gamot mo. Sige na may ginagawa pa ako. Bumili ka ng gamot mo

To: Mommy

Ma sobrang sakit po ng katawan ko.

To: Mommy

Ma. Kailangan ko po kayo ngayon

To: Mommy

Kailangan na kailangan po.

Gusto kong umiyak pero wala nang luhang lumalabas sa akin.

Agad ko rin tinext si Dad.

To: Dad

Dad, may sakit po ako

From: Dad

Anong pag-aarte na naman yan Trina?

To: Dad

May lagnat po ako

From: Dad

Ano ka ba? Nasa akin ba yung gamot mo ah?! Edi uminom ka.

To: Dad

Dad, alam mo po pagod na pagod na po ako

From: Dad

Mas napapagod na kami ng mama mo sa kakatrabaho para sainyo. Pero puro problema lang ang naibibigay mo sa amin.

To: Dad

Dad, kailangan ko po kayo ni Mama ngayon. Sukong suko na po ako pero lalaban pa rin ako para sainyo. Mahal na mahal ko po kayo ni Mama kahit ganyan po kayo sa akin.

Sunod-sunod tumulo ang mga luha ko.

Tinext ko si Ate para sabihin yung nararamdaman ko ngayon.

To: Ate

Ate

From: Ate

Ano?

To: Ate

May sakit po ako. Lagnat po

From: Ate

Arte mo naman! Lagnat lang pala. Edi uminom ka ng gamot bwesit istorbo ka naman may ginagawa ako.

To: Ate

Alam mo ate kahit tinanggi mo na kapatid mo ako sa mga kaibigan mo okay lang. Mahal pa rin kita ate kahit ganyan ka mahal na mahal kita.

Ang sakit. Paano ko sasabihin yung totoong sakit ko sa inyo pero nilagnat pa lang ang sinabi ko wala na agad kayong pake sa akin.

Ang sakit sakit. Siguro kapag namatay ako wala rin kayong pake sa akin.

Pamilya ko sila pero wala sila sa tabi ko para damayan ako.


You are reading the story above: TeenFic.Net