Chapter 8

Background color
Font
Font size
Line height

Sobrang sama ng pakiramdam ko ngayon. Gusto kong pumasok ngayon pero hindi talaga kaya ng katawan ko.

Ayoko naman pilitin ang sarili ko baka mapaano pa ako.

Kaya ayoko nagkakasakit kasi wala naman mag-aalaga sa akin.

Habang nakatingin ako sa kisame ng kwarto ko biglang may nag-text kaya agad ko 'yon kinuha at tinignan.

From: Rachel

Bes, bakit hindi ka pumasok ngayon?

To: Rachel

Sorry bes, ang sama kasi ng pakiramdam ko ngayon eh

From: Rachel

Uminom kana ba ng gamot?

To: Rachel

Hindi pa

From: Rachel

Ano ka ba! Bakit hindi ka pa umiinom ng gamot?!

To: Rachel

Wala ng gamot dito bes eh. Kahit gusto kong bumili ng gamot hindi ko kayang bumangon nahihilo ako

From: Rachel

Gusto mo ba puntahan kita dyan?

To: Rachel

Wag na bes may klase ka pa

From: Rachel

Oo nga pero nakakatamad makinig. Pupuntahan kita. Sandali magpapaalam lang ako kay Ma'am kunwari masama pakiramdam ko.

To: Rachel

Bes baka mapagalitan ka

From: Rachel

Okay lang. Pake ko kung pagalitan ako. Sige na pupunta ako sa clinic para humingi ng gamot. Magpahinga ka muna dyan

To: Rachel

Sige bes! Thank you so much.

From: Rachel

Welcome :)

Habang hinihintay ko si Rachel naisipan ko muna manood ng t.v kaya lumabas ako ng kwarto at pumunta sa sala.

Umupo ako sa sofa saka binuksan yung t.v.

Medyo mataas yung lagnat ko ngayon. Kaya nahihilo ako.

Kasalukuyan nanonood ako ng t.v nang biglang may nagbukas ng pinto. Napatingin naman kaagad ako roon

"Kumain kana ba?" iyon agad ang tanong niya pagkalapit sa akin.

"Wala akong gana." sagot ko.

"Hay naku, buti na lang may binili akong sopas. Kailangan mong kumain para makainom kana ng gamot." sabi niya at tumango lang ako.

Pumunta siya sa kusina para kumuha ng tasa para lagayan ng sopas. Pinapanood ko lang siya habang sinasalin niya ang sopas sa tasa.

"Kaya mo ba kumain?" tanong pa niya.

"Oo naman," pilit na ngiting sagot ko. Inabot naman niya agad sa akin yung sopas at kinuha ko kaagad yun.

Kumain na ako para makainom na rin ako ng gamot.

"Makakapasok ka ba bukas?" tanong niya.

"Oo, siguro." sagot ko.

"Kapag hindi mo pa kaya huwag ka muna pumasok. Ako na bahala magsabi sa mga teacher natin." sabi niya at tumango naman ako.

Nang matapos akong kumain, uminom na rin ako ng gamot para makapagpahinga.

"Dito lang ako bes, hindi kita iiwanan." nakangiting sabi niya at nginitian ko naman siya bago ko pinikit ang mga mata ko.

Lumipas ang mga araw, hindi pa rin nawawala ang lagnat ko pero kailangan kong pumasok dahil kailangan kong ipasa ang mga requirements namin sa mga teacher namin. Malapit na rin ang graduation namin kaya pinapadali na rin kami.

"Ms. Cruz, congratulations sayo dahil ikaw ang valedictorian sa section n'yo. Kaya kailangan mo ng gumawa ng speech para sa graduation nyo." nakangiting sabi ni Ma'am at gulat na gulat naman ako.

"Sigurado po kayo?" gulat na tanong ko.

"Oo, nabalance mo kasi ang grade mo." sabi niya at napangiti naman ako.

"Congrats, bes!" sabi ni Rachel.

"Congrats, Trina." bati ng mga kaklase ko.

"Congrats, Deserve mo yan." napatingin naman ako kay Charles.

"Thank you po, Ma'am." sabi ko at tumango lang ito bago lumabas ng room.

"Bes, ang galing galing mo talaga! Deserve mong maging valedictorian!" masayang masaya na sabi ni Rachel sa akin.

"Dahil jan ililibre kita kahit anong gusto mo." dagdag pa niya at napangiti naman ako.

"Weh? Kahit ano?!" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo nga, tara na sa canteen." aya niya saka niyakap ako sa braso at lumabas na kami sa room.

Habang naglalakad kami kwento siya ng kwento wala naman akong maintindihan sa pinagsasabi niya.

"Hoy, bes!" tawag nito sa akin.

"Oh, bakit?" tanong ko.

"Dumudugo yung ilong mo." Natatarantang turo niya sa ilong ko. Agad ko naman kinuha yung bimpo ko sa bulsa ng palda ko saka pinunasan agad 'yon.

"Bes, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya.

"Oo naman." pilit na ngiti ko sa kanya.

"Bes, may hindi ka ba sinasabi sa akin?" nakataas na kilay na tanong niya.

"Wala, ano naman itatago ko." sabi ko saka umiwas ng tingin sa kanya.

Sorry bes, pero hindi mo pa pwedeng malaman.

Ayokong masaktan ka dahil sa akin.

"Tara na nga, ikain na lang natin 'yan." aya ko saka hinila na siya sa braso.

Pumunta na kami sa canteen at umorder na agad ng food namin. Pagkatapos namin umorder naghanap na rin agad kami ng upuan. Nang may mahanap na kami kumain na rin agad kami.

"Bes, diba alam mo naman na walang secret secret sa atin?" sabi nito habang kumakain ng sandwich.

"Oo." sagot ko.

"Pero bakit nafefeel ko na may hindi ka sinasabi sa akin o hindi kaya may tinatago ka sa akin." sambit niya.

"Wala naman akong tinatago eh. Promise!" sabi ko.

"Siguraduhin mo lang bes, masasapak talaga kita kapag nalaman ko yan." pananakot pa niya.

"Oo na, bes!" natatawang sabi ko.

Tinuloy na ulit namin yung kinakain namin at pagkatapos namin kumain pumunta na kami sa susunod na klase namin.

Tahimik lang ako buong klase dahil hindi mawala-wala sa isip ko yung sinabi ni Rachel.

Ginawa ko lang naman 'to dahil ayoko siyang masaktan.

Hindi ko kayang makita na umiiyak siya nang dahil sa akin. Okay nang masaktan ako wag lang siya.

Mahal na mahal ko ang bestfriend ko kaya gagawin ko ang lahat para hindi siya masaktan.

Mabilis lumipas ang mga araw ay graduation na namin bukas kaya excited na akong sabihin sa mga magulang ko na valedictorian ako.

Sana matuwa sila kahit ayun na lang magiging masaya na ako.

Kaya naman dali-dali ko tinext si Mama at papa.

To: Mommy

Ma. Valedictorian po ako! Graduation ko po bukas ma sana makapunta po kayo

Hindi naman nagtagal nagreply na rin siya.

From: Mommy

May pupuntahan kami ng ate mo bukas kaya hindi ako pwede

To: Mommy

Ma, sino po pupunta bukas sa akin?

From: Mommy

Hindi ko alam. Sige na may ginagawa pa ako! Istorbo ka naman

Hindi ko napigilan ang hindi mapaluha.

To: Mommy

Ma please po.

To: Mommy

Need ko po ng parent bukas. Ma please po! Nagmamakaawa po ako

To: Mommy

Ma please po... Ma naman

Si Dad na lang ang pag-asa ko kaya tinext ko rin siya.

To: Dad

Dad, graduation ko po bukas sana po makapunta po kayo bukas.

From: Dad

Hindi ako pwede may trabaho ako.

To: Dad

Dad sino po pupunta sa akin bukas? hindi naman pupwede si mama.

From: Dad

Kaya mo na yan. Baka kapag pumunta pa ako hindi naman ako matuwa.

To: Dad

Dad naman. Graduation ko po bukas. Kailangan ko po ng parents

To: Dad

Please naman po dad

To: Dad

Dad parang awa mo na po

Ang sakit. Kung sino pa yung inaasahan kong pupunta sa graduation ko sila pa hindi pwede.

Bakit ganyan sila sa akin?

Gumagawa ako ng speech ngayon para bukas. Kinakabahan ako pero kailangan kong mag-speech eh. Wala naman ako magagawa!

Gusto kong umiyak sa kanila pero napagod na ako magmakaawa sa kanila. Wala naman mangyayari kahit lumuhod pa ako sa kanila.

Pagod na pagod na pagod na ako sa lahat.

To: Rachel

Bes. Hindi daw makakapunta sila mama bukas. Hindi daw sila pwede eh

From: Rachel

Hala paano yan?

To: Rachel

Hindi ko alam. Kailangan ko pa naman sila pero hindi sila pwede siguro hindi na lang ako aattend bukas

From: Rachel

Hoy huwag! Pupunta ka bukas si mommy ang pupunta sayo.

To: Rachel

Hindi ba nakakahiya kay tita?

From: Rachel

Hindi ah. Sinabi ko na kay Mommy sige daw

To: Rachel

Thank you bes

From: Rachel

You're always welcome :)

Kinabukasan, maaga akong

gumising para mag-ayos ng sarili ko.

Ito yung araw na kailangan kong
maging masaya. Ga-graduate na ako!

Habang nag-aayos ako biglang nagchat si Charles.

From: Charles

Good morning :)

To: Charles

Hi, Good morning

From: Charles

Nag-breakfast kana?

To: Charles

Mag-bebreakfast palang. Ikaw?

From: Charles

Tapos na. Sunduin kita. Okay lang?

To: Charles

Oo naman

From: Charles

Yes! See you later! Miss na kita :(

To: Charles

Miss na din kita. See you later

Nang matapos akong kumain, nagpahinga lang ako saglit bago ako maligo. Nang matapos akong maligo, nagbihis na agad ako saka nag-makeup ng konti para naman hindi halatang matamlay ako ngayon.

Habang nag-aayos ako ng sarili may biglang nagdoorbell kaya naman dali dali ako pumunta sa pinto saka binuksan 'yon.

"You're so beautiful, Trina." nakangiting sabi ni Charles.

"Thank you." sabi ko saka nginitian siya.

"Sandali lang ah, kukunin ko lang yung gamit ko." sabi ko pa at tumango lang ito. Kinuha ko naman agad yung shoulder bag ko at ang phone ko.

"Let's go." aya ko saka lumabas na para isarado yung pinto.

Tahimik lang kaming dalawa buong byahe hanggang makarating kami sa school. Pagkarating namin sa gym nakita ko kaagad si Rachel kasama ang mga magulang niya. Nilapitan ko naman agad siya.

"Hi, bes!" bati ko.

"Wow, bes, ang ganda mo ngayon!" puri naman nito sa akin.

"Ikaw rin ang ganda mo." sabi ko.

"Kamusta, Trina?" tanong bigla ni Tita.

"Hello po, Tita! Ayos naman po ako." nakangiting sabi ko.

"Buti naman! Balita ko hindi makakarating ang parents mo?" sambit nito.

"Opo eh, may work po sila." nahihiyang sagot ko.

"Seniors, the cerenomy is about to start, please fall in line at your assigned places. Outstanding graduates at the back."

Nang marinig namin ang announcement na 'yun, pumunta na kami sa assigned na line sa amin.

Pumila na ako sa assigned place ko at hinihintay ko na lang na mag-start ang ceremony.

Maya maya ay nagsimula na rin.

"And now, let's all welcome the seniors who outstand others with their excellent performance!" Ms. Reyes announced.

Isa-isa kaming nag-bow sa harap at pumunta na kami sa designated seats namin.

Nagstart na ang ceremony. Nag-opening prayer muna, after that national anthem hanggang sa dumating ang bigayan ng diplomas.

"With high, Delos Reyes, Rachel, J."

Umakyat si Rachel sa stage kasama ang kanyang pamilya. Bakas sa mga mukha nila ang paghanga sa anak nila. Hindi ko naiwasang mainggit sa kaibigan ko. Kailan ko rin kaya mararanasan 'to? Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at sunod sunod na itong tumulo.

Nung ako na ang tatawagin, medyo kinakabahan ako na naiiyak. Biruin niyo natapos ko ang senior high tapos valedictorian pa ako. Sobrang proud na proud ako sa sarili ko dahil kinaya ko ang lahat.

"This batch's Valedictorian, Cruz, Trina Mae, R. Let's all give him a round of applause."

Narinig kong tinawag na ang pangalan ko kaya umakyat na ako sa stage. Sinalubong naman ako ng mga teacher at ang principal.

Nakita ko si Tita at Tito na paakyat din ng stage. Si Tita ang nagsabit sa akin ng medal at niyakap nila ako pareho.

"Hija, congratulations, we are so proud of you. Kung nandito lang ang parents mo magiging proud din sila sayo." Hindi ko na napigilan ang mga luha ko, napaluha ako sa sinabi nila.

Sana maging proud sa akin ang mga magulang ko kahit wala sila rito.

"We are requesting Ms. Cruz to please stay in front to deliver your valedictory speech."

Bumaba na ng stage sila Tita. I went up the flatform at saka kinuha ang mic.

"Thank you kay god dahil binigyan niya ako ng pagkakataon na makapag-aral sa iskwelahan na ito. Gusto ko rin magpasalamat sa mga magulang ko na kung wala sila wala rin ako dito. Kahit wala sila rito masaya pa rin ako dahil binigyan pa rin nila ako ng pagkakataon na mag-aral." naluluha kong sabi habang nakatingin sa audience.

"Hindi ko rin makakalimutan na pasalamatan ang mga teacher namin. Thank you po sa inyo dahil natuto po kami sa mga aral na tinuturo niyo po sa amin at lalong lalo na thank you sa kaibigan kona si Rachel dahil lagi siya nanjan tuwing kailangan ko ng kadamay, hindi niya ako iniiwan. Alam kong hindi dito matatapos iyon." Nagpalakpakan ang lahat pagkatapos kong magsalita. Bumaba na ako sa stage at lumapit kay Rachel.

Iginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng school. Ang bawat dapuan ng paningin ko ay nagbibigay sa akin ng alaala, malungkot man o masaya.

Kaliwa't kanan ang bumabati sa akin, ginagantihan ko naman sila ng ngiti at pagbati.

"Bes, anong gusto mong regalo?" tanong ni Rachel.

"Wala, ikaw lang sapat na." nakangiting sagot ko.

"Bes, yung ilong mo na naman dumudugo." nagulat ako sa sinabi niya at agad ko itong pinunasan.

Please, huwag ngayon!

"Bes, bakit ba laging dumudugo ang ilong mo?" nag-aalalang tanong niya.

"Ah, dahil sa pagod." umiwas agad ako ng tingin sa kanya.

"Sure ka bang dahil sa pagod yan? Gusto mo bang pumunta tayo sa hospital ngayon?" sabi pa niya.

"Oo bes, sa pagod lang 'to at hindi na natin kailangan pumunta sa hospital. Ano ka ba! Ayos lang talaga ako, huwag mo akong alalahanin." pilit na ngiting sagot ko para hindi na siya mag-alala pa.

Sasabihin ko rin naman sayo pero naghahanap lang ako ng tiyempo.

Hindi muna ngayon pero malalaman mo rin. Pangako!

Sana hindi ka magalit sa akin kapag nalaman mo na.

Ayokong itago sayo pero kailangan dahil ikaw yung taong ayokong masaktan.


You are reading the story above: TeenFic.Net