Chapter 6

Background color
Font
Font size
Line height

"Hoy, bes, Ate mo oh?" napatingin ako sa tinuturo ni Rachel. Nandito kami ngayon sa canteen para maglunch break.

"Wait lang bes, dito ka muna pupuntahan ko lang si Ate para makausap." sabi ko naman agad at tumango lang siya.

Dali dali naman ako pumunta kay Ate na nasa isang table kasama ang mga kaibigan niya.

"Ate," tawag ko rito at agad naman itong tumingin sa akin.

"What? Anong kailangan mo?" nakataas na kilay na sabi niya.

"Ate, please naman po kausapin mo naman po si Mama kailangan ko na magbayad bukas ng tuition kung hindi ako makabayad hindi ako makaka-graduate." pagmamakaawa ko.

"So, what? Ano naman pake ko kung hindi ka maka-graduate?!" mataray na sagot nito.

"Ate, nagmamakaawa ako sayo kausapin mo naman si Mama para sa akin." hindi ko na napigilan ang mga luha ko.

"Trixx, kapatid mo?" tanong bigla nung isang babae na mahaba ang buhok.

"Ah, no! Hindi ko siya kapatid!" tanggi bigla ni Ate sa akin.

"Wait, kung hindi mo siya kapatid bakit siya nagmamakaawa sayo para kausapin mo si Tita? Kaano ano mo ba siya?!" naguguluhan na tanong naman nung isang babae na maikli ang buhok.

"Pinsan ko siya." sagot ni Ate at napatingin naman ako sa kanya. Umiwas agad siya ng tingin sa akin.

Ako? Pinsan niya?! Bakit kailangan niya akong itanggi. Kapatid ko siya pero bakit ganyan siya!

Ang sakit sarili kong kapatid tinanggi ako.

"Duh! Akala na namin kapatid mo siya. Hindi kasi halata na kapatid mo yan eh! Ang ganda ganda mo." natatawang sabi nung dalawa.

Hindi na ako nakapagsalita sa kanila at dali dali na lang ako lumabas ng canteen.

Hindi ko kaya yung narinig ko.

Napahinto ako sa gilid sa labas ng canteen at doon binuhos lahat ng luha ko.

Ang sakit sakit!

"Bes!" napatingin ako roon at laking gulat ko ng yakapin niya ako.

"Anong ginawa niya sayo?" tanong nito habang nakayap sa akin.

"Ang sakit sakit bes! Tinanggi niya ako sa mga kaibigan niya na kapatid niya ako." umiiyak na sagot ko.

"Shhhh! It's okay, kung ayaw nila sayo nandito naman ako." bulong niya at napangiti naman ako.

"Thank you bes, pero naiiyak pa rin ako hindi ko alam kung paano ako makakabayad ng buo bukas sa tuition ko." sabi ko.

"Bes, huwag mo ng isipin yun. Isipin mo yung sarili mo! Pumapayat kana tuloy kakaisip mo sa tuition mo. Ako na bahala dun!" nakangiting sagot niya at bumitaw na sa pagkakayakap sa akin.

"Bes, hindi ba nakakahiya?" nahihiyang tanong ko.

"Hindi, huwag na huwag kang mahihiya sa akin. Okay? Kailangan mo ako ngayon kaya huwag ka na mahiya. Sapakin kita!" natatawang sabi niya.

"Thank you talaga! Hulog ka ng langit sa akin." nakangiting pagpapasalamat ko at nginitian lang niya ako.

Siguro sa kaibigan lang talaga ako swerte.

Pagkatapos ng klase namin nagpaalam agad ako kay Rachel dahil may trabaho pa ako. Hinatid naman ako ni Charles sa Cafe kung saan ako nagtatrabaho.

"Thank you sa paghatid!" nakangiting sabi ko.

"Welcome!" sagot nito saka nginitian ako.

"Sige, pasok na ako. Ingat ka sa pag-uwi!" bilin ko pa at tumango lang ito saka sumakay na sa kotse. Kinawayan pa niya ako bago siya umalis.

Pumasok na ako sa loob at nagsimula na sa trabaho. Kailangan kong mabuo ngayon yung pangbayad ko sa tuition.

Siguro mapagod na ako lahat lahat basta alam kong makaka-graduate ako.

Bakit kaya siguro nangyayari 'to sa buhay ko? Lahat naman ginagawa ko! Nag-aaral ako ng mabuti, sinusunod ko yung mga magulang ko, pero bakit ko nararanasan 'to?

Gusto ko na lang mawala sa mundo pero hindi ko pwedeng iwanan ang bestfriend ko.

Kinabukasan, maaga ako pumasok para magbayad ng tuition. Kulang pa ang pera ko pero makikiusap na lang siguro ako sa accountant kung pwedeng next week na lang ang kulang ko.

"Hey, Trina!" napatingin ako roon sa tumawag sa akin.

"Ikaw pala, Charles?!" sabi ko.

"Ang aga natin ngayon ah?" pang-aasar pa niya.

"Magbabayad ako ngayon sa tuition ko." sagot ko.

"Samahan na kita." sabi niya at tumango lang ako.

Tahimik lang kami habang naglalakad hanggang sa makarating kami sa accountant.

"Good morning po, magbabayad po ako ng tuition." magalang na sabi ko sa babae.

"Anong apelyido mo at section?" tanong nito.

"Cruz po grade 12-1." sagot ko naman.

"Ms, Cruz. Nakapagbayad kana kahapon." sabi nito at nagtataka naman ako.

"Ano po?" naguguluhan na tanong ko.

"Nakapagbayad kana kahapon kaya wala ka nang babayaran ngayon." sagot nito.

"Hindi po ako nagbayad kahapon. Sino po ba nagbayad ng tuition ko?" tanong ko.

"Ayaw ipasabi eh." sagot nito.

"Ganoon po ba? Salamat po." nakangiting sabi ko.

"Sino kaya nagbayad ng tuition ko?" hindi ko napigilan na tanong kay Charles.

"Ewan ko." maikling sagot niya.

"Kung sino man siya maraming salamat sa kanya. Hulog siya ng langit!" masayang sabi ko.

Sino kaya nagbayad ng tuition ko?

Ang saya-saya ko kasi makaka-graduate na ako! Thank you so much sa nagbayad!

Agad kong tinext si Rachel para sabihin ang magandang balita.

To: Rachel

Bes!

From: Rachel

Why? May nangyari ba?

To: Rachel

Wala naman. Bes, makaka-graduate na ako! May nagbayad sa tuition ko.

From: Rachel

Masaya ako para sayo

To: Rachel

Siguro ikaw yung nagbayad ng tuition ko?

From: Rachel

Hoy, hindi ah! Saan ako kukuha ng 22k ah?

To: Rachel

Kung hindi ikaw? Sino kaya nagbayad ng tuition ko?!

From: Rachel

Huwag mo na alamin basta hulog siya ng langit sayo.

To: Rachel

Siguro anghel yun na pinadala ni lord para sa akin.

From: Rachel

Oo. Kaya ikaw alagaan mo ang sarili mo.

To: Rachel

Opo, boss

Pagkatapos namin mag-usap ni Rachel umuwi na rin agad ako. Pagkarating ko sa condo masaya akong umupo sa sofa.

Sobrang saya ko! Wala na akong iisipin.

Sa kalagitnaan ng tuwa ko may biglang nag-text sa akin. Agad ko naman kinuha yung phone ko saka binasa 'yon.

From: Charles Welton

Hi :)

To: Charles Welton

Hello, Charles

From: Charles Welton

Are you busy?

To: Charles Welton

Hindi naman day off ko ngayon eh

From: Charles Welton

Pwede ba kita yayain lumabas ngayon?

To: Charles Welton

Pwede naman. Wala naman akong ginagawa ngayon

From: Charles Welton

So, see you later?

To: Charles Welton

Yup, see you later :)

Dali dali na akong tumayo saka pumasok sa banyo para maligo. Binilisan ko lang ang pagligo ko saka nagsuot lang ako ng long skirt, white top at white shoes. Nag-makeup na rin ako.

Nag-picture na rin ako sa salamin para ipost sa Twitter.

Saan na naman punta mo girl. Yun ang caption ko.

Bigla naman nag-comment si Rachel

@Rachelcute: Sama ako. Third wheel ako :)

@Trina_mae: Umamin kana rin kasi sa crush mo

@Rachelcute: Hindi nga niya ako gusto :(

Nagreact lang ako sa huling comment niya. Habang nagsasalamin ako biglang nag doorbell kaya agad akong lumapit sa pintuan saka binuksan 'yon.

"Hi, you're so beautiful!" nakangiting puri niya sa akin.

"Thank you! Tara, alis na tayo." aya ko saka sinarado na yung pintuan.

Tahimik lang kami habang naglalakad papunta sa sasakyan niya. Pagkarating namin sa kotse binuksan niya yung passenger seat at sumakay na ako. Pagkasakay niya, pinaandar na rin niya 'yon paalis.

"Saan mo gusto kumain?" tanong niya habang nagdadrive.

"Kahit saan. Ikaw na lang bahala!" sagot ko at nakatingin lang sa bintana.

Tumahimik na rin siya at nakatingin lang ako buong byahe sa bintana hanggang sa makarating kami sa isang restaurant. Bumaba na kami sa kotse at hindi ko maiwasan tignan yung restaurant. Ang ganda kasi.

Mukhang mamahalin 'to.

"Sure ka ba dito tayo kakain?" hindi ko maiwasan magtanong sa kanya.

"Yes, why? Ayaw mo ba dito? Pwede naman tayong lumipat." sagot niya.

"Ah, hindi! Okay lang dito na lang tayo pero kasi parang napakamahal dyan." Kinakabahan na sabi ko.

"It's okay, huwag mong isipin yung presyo. Ako na bahala!" nakangiting sabi niya saka hinawakan ang kamay ko.

Sabay kaming pumasok sa loob at binati lang kami ni Kuya Guard. Hanggang ngiti lang ang naibigay namin sa kanya.

Pumunta kami sa isang table na malapit sa bintana. Umupo na kaming dalawa at may lumapit na rin na waiter sa amin.

"What is your order, Ma'am, Sir?" nakangiting tanong nung lalaki sa amin.

"Two steak with pasta and ice tea." sagot ni Charles. "Do you want dessert?"

"Ikaw bahala." sagot ko.

"Okay, two ice cream." sabi niya sa waiter.

"Alright po, pakihintay na lang po mga 10 minutes." sagot nito at tumango lang kami. Agad rin naman umalis yung waiter.

"How are you?" nakangiting tanong ni Charles sa akin.

"Ayos lang. Ikaw ba?" tanong ko.

"I'm okay, kasama na kita eh." sagot niya at hindi ko naman maiwasan hindi kiligin sa sinabi niya.

Ano ba yan! Alam niya talaga kung paano ako kunin.

"Bolero ka rin talaga 'noh?!" pagbibiro ko.

"Hindi kaya. Mahal lang kita kaya nasasabi ko 'yon." mahinang sagot niya.

Napatingin na lang ako sa kanya. Wala akong masabi.

Kainis! Kinikilig ako!

Maya maya lang din ay dumating na ang order namin kaya kumain na kami.

Grabe! Pogi ng ka-date ko ngayon.

Pagkatapos namin kumain, nagbayad na rin siya at nagpahinga lang kami saglit bago kami bumalik sa kotse.

"Nabusog kaba?" tanong niya habang naglalakad kami papunta sa sasakyan.

"Oo, sobra! Hindi na nga ako makahinga sa dami kong nakain." natatawang sabi ko.

"Cute mo talaga." nakangiting sambit niya at pinisil ang pisngi ko.

"A-ah tara na nga! Sumakay na tayo sa kotse." nagmamadaling sabi ko sa kanya at pumasok na ako sa passenger seat.

Pagkapasok niya sa kotse may bigla siyang kinuha sa likod ng sasakyan at laking gulat ko nang ibigay niya sa akin 'yon. Isang bouquet 'yon ng white roses.

"Sure ka? Akin 'to?" hindi ako makapaniwala.

"Yes." nakangiting sagot niya.

"Pero bakit? Bakit may paflowers?!" naguguluhan na tanong ko.

"Dahil nanliligaw ako sayo." sambit niya at hindi ko pa rin alam ang sasabihin ko.

"Picture! One... Two... Three.." Bigla niyang sabi habang nakatutok yung camera sa akin. Agad ko naman hinarangan ng kamay yung mukha ko.

"Cute." mahinang bulong niya pero narinig ko naman.

Pagkatapos noon, umuwi na rin agad kami. Hinatid lang niya ako sa condo at umalis na rin agad siya dahil may biglang emergency sa bahay nila.

Kasalukuyan, nakahiga ako sa kama ko habang nag-iiscroll sa twitter. Sa pag-iiscroll ko biglang lumabas sa feed ko yung post ni Charles.

Picture ko 'yon kanina.

Shy daw siya. Iyon ang nakalagay sa caption.

May mga nag-comment kaya binasa ko ang mga 'yon.

@Reyes_aldrin: Pumapag-ibig na talaga ang kaibigan ko

@Ian_cute: Walang forever :)

@Rachelcute: Cute! Bagay talaga!

Pagkatapos kong basahin yun. Pumunta ako sa account niya para tignan yung mga bago niyang post.

Pinost niya yung picture ko na kumakain ako. Kainis! Mukha akong gutom na gutom dun.

Gutom na gutom. Ayon ang nakalagay sa caption. Agad naman akong nag-comment.

@Trina_mae: Atleast maganda joke

@Charles_welton: Totoo naman kaya nga nainlove ako :)

@Reyes_aldrin: Tama na kayo

@Rachelcute: Nilalanggam na kami dito

@Ian_cute: Cute nyo! Sarap nyo ibalibag.

Natatawa naman ako habang binabasa ko yung mga comment nila.


You are reading the story above: TeenFic.Net