Nagsimula na ako magtrabaho sa cafe na pinasukan ko. Kada matatapos ang kaklase ko uuwi lang ako saglit sa condo para magpalit ng damit pagkatapos noon ay papasok na rin ako sa trabaho.
Isang linggo na ang lumipas at napapansin kong medyo pumapayat na ako. Pati kasi pagkain ko at panggastos ko tinitipid ko para lang makaipon ako pangbayad sa tuition ko.
Ang hirap pala talaga maging working student.
Gusto ko man magreklamo pero wala akong magagawa kundi magtrabaho para makapag-aral ako. Pangarap kong makapagtapos ng pag-aaral at mamuhay ng tahimik saka walang problemang iniisip.
"Trina!" natauhan ako nang may biglang tumawag sa akin. Napalingon naman kaagad ako roon.
"Yes, sir?" kinakabahan na tanong ko.
"Tapos mo na ba mga gawain mo?" Tanong nito sa akin.
"Opo, sir." sagot ko kaagad.
"Oh siya, mag-breaktime kana." sambit niya at tumango lang ako.
Pumunta ako sa pinakadulong table para umupo doon. Wala akong balak kumain dahil kailangan kong magtipid saka kumain na rin naman ako kaninang umaga.
Naisipan kong i-text si Ate para magpakaawa na kausapin naman niya si Mommy para sa akin.
To: Ate
Ate
From: Ate
???
To: Ate
Please naman pakiusapan mo naman si Mama na kailangan ko na talaga magbayad ng tuition. May trabaho na ako pero ate hindi ko kaya mabuo agad yung 22k. May 3 weeks na lang ako para magbayad
From: Ate
Sorry hindi kita matutulungan ayoko rin magalit sa akin si Mama gumawa ka na lang ng paraan
To: Ate
Ate naman! Nagmamakaawa na ako wala na nga akong pahinga at hindi na rin ako nakakakain ng maayos para lang mabuo yung 22k. Please naman ate!
From: Ate
Sorry talaga. Ikaw na bahala sa sarili mo kaya mo na yan
To: Ate
Ate please hindi ko kaya
To: Ate
Kailangan ko kayo! Ate!
To: Ate
Ate naman kahit ngayon lang pagbigyan mo ako. Ate!
Hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi mapaluha.
Kailangan ko sila...
Baka si Dad matulungan ako! Kaya naman agad ko siyang tinext.
To: Dad
Dad
From: Dad
Anong kailangan mo?
To: Dad
Dad, kailangan ko po magbayad ng tuition bago kami grumaduate
From: Dad
Pera na naman! Wala ka na talagang magandang naibibigay sa amin. Puro ka na lang problema!
To: Dad
Sorry po! Pero dad hindi po ako makaka-graduate kapag hindi ako nakapagbayad
From: Dad
Wala akong pera ngayon gumawa ka ng paraan para magbayad sa tuition mo wala ka namang silbi dapat huminto ka na lang sa pag-aaral
To: Dad
Dad please naman po. Kailangan ko po talaga hindi ko po kaya
From: Dad
Kaya mo 'yan ayaw mo lang gumawa ng paraan. Sige na may trabaho pa ako.
To: Dad
Dad. Please po kailangan ko po talaga
To: Dad
Dad naman kahit ngayon lang ako naman.
To: Dad
Dad, please po!
To: Dad
Dad, nagmamakaawa po ako sayo
To: Dad
Dad
Hindi kona kaya... Kailangan ko sila
Pagod na pagod na ako. Parang awa nyo na!
Ang sakit. Anak rin naman nila ako.
Pagod na pagod na ako patunayan ang sarili ko sa inyo.
Habang nag-iiscroll ako sa Twitter bigla kong nakita yung post ni Ate. Picture nilang dalawa 'yon ni Mommy.
Me and My Mom. I love you always!
Ayon ang nakalagay sa caption.
Hindi ko maiwasan hindi mainggit sa kanilang dalawa.
Sana ako din maranasan ko 'to.
Pero impossible naman mangyari 'yon.
Inggit na inggit ako kay ate...
Sa pagdadrama ko biglang nag-notification ang phone ko kaya agad kong pinunasan yung luha ko saka binasa 'yon.
From: Charles Welton
Hi, Trina. Nasa cafe ka?
To: Charles Welton
Oo, Why?
Bakit kaya niya ako hinahanap?
From: Charles Welton
Wala naman gusto ko lang tanungin. Kumain kana ba?
To: Charles Welton
Oo kakatapos ko lang
Pero ang totoo hindi pa.
From: Charles Welton
Buti naman. Btw, breaktime nyo ba?
To: Charles Welton
Hindi mamaya pa. Sige, Charles. Tinatawag na ako ng amo ko
Hindi naman talaga ako tawag ng boss ko pero kasi wala akong ganang makipag usap ngayon sa kanya.
Gutom na gutom na ako pero no choice ako kundi wag muna kumain para lang maka-ipon ako sa pambayad ko sa tuition ko.
"Trina, nanjan ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." nagulat naman ako nang biglang lumapit sa akin ang boss ko.
"Bakit po? May pinapautos po ba kayo?" Kinakabahan na tanong ko.
"Wala naman, pero may nagpapabigay sayo ng pagkain. Kumain kana daw," sagot ng boss ko habang may hawak hawak na paper bag.
"Sino po nagbigay?" tanong ko saka kinuha ang paper bag sa kanya.
"Ayaw ipasabi eh." sabi naman nito.
"Ganoon po ba? Sige po, thank you po rito!" nakangiting pagpapasalamat ko at tumango lang ito saka umalis na.
Pagkaalis ng boss ko naghanap na ako ng bakanteng upuan para makakain na ako.
Sino kaya ang nagbigay nito? Kung sino man siya thank you sa kanya.
Habang kumakain ako biglang nag-text si Rachel kaya agad ko 'yon binasa.
From: Rachel
Bes, hindi ka pa daw nakakapagpasa ng activity sa marketing. Ano ba nangyayari sa'yo?
Hala! Nakalimutan ko! Ang tanga ko kainis!
To: Rachel
Bes, sorry nakalimutan ko :( Try ko magpasa bukas kahit late na ako
From: Rachel
Bes, gusto mo ba tulungan kita?
To: Rachel
Hindi na bes, kaya pa naman eh
From: Rachel
Bes alam kong hindi mo na kaya
To: Rachel
Hindi bes ayos lang talaga baka gawin ko siya mamaya pagkatapos ko rito sa work ko
From: Rachel
Basta bes, nandito lang ako para maging sandalan mo ha?
To: Rachel
Thank you! Sige bes mamaya na lang tayo mag-usap baka makita ako ng boss ko na nagce-cellphone.
Nilapag kona yung phone ko sa ibabaw ng table at tinapos kona yung kinakain ko. Nakakain na rin sa wakas! Thank you talaga sa nagbigay!
Nang matapos ang duty ko ay umuwi agad ako para makapagpahinga. Pagkapasok ko sa condo ko naligo agad ako at nang matapos akong maligo ginawa ko na agad yung activity ko at yung iba ko pang mga gawain.
Nakakapagod pero kakayanin ko para sa pangarap ko.
Kinabukasan, maaga ako pumasok para ipasa yung activity na hindi ko napasa noong mga nakaraan.
"Ma'am, please po, kahit may deduction basta tanggapin mo lang po itong gawa ko." pagmamakaawa ko sa kanya dito sa office.
"Sorry, Ms. Cruz noong nakaraan ko pa yan pinapapasa pero ngayon mo lang talaga naisipan magpasa." inis na sabi nito.
"Please po, nakikiusap po ako. Sorry po kung ngayon lang po ako nakapagpasa. Ang dami ko po kasing iniisip lalo na po yung sa tuition ko kung paano ako makakapagbayad." Hindi ko napigilan ang mga luha ko.
"Pero, Ms. Cruz ang unfair sa mga kaklase mo kapag kinuha ko pa ang paper mo ang tagal ko na pinapapasa yan." mahinahon na sabi ni Ma'am.
"Ma'am, please po, kahit lumuhod pa po ako sa inyo gagawin ko para lang tanggapin mo lang po yung gawa ko." lumuluhang sabi ko.
"Hay naku, wala naman ako magagawa. Oo na tatanggapin ko na. Nakakaawa ka!" pagsuko nito at napangiti naman agad ako. Kinuha naman agad ni Ma'am yung gawa ko.
"Ma'am, thank you po pangako po hindi na po mauulit." sabi ko at tumango lang ito.
Lumabas na ako ng office at bumalik na sa room.
"Bes, ano tinanggap ni Ma'am?" tanong nito pagkaupo ko sa tabi niya.
"Oo bes, buti tinanggap niya." sabi ko.
"Hoy, bes, dumudugo yung ilong mo." gulat na sabi niya at agad ko naman kinuha sa bulsa ng palda ko yung bimpo ko para punasan ito.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya.
"Oo, ayos lang ako." sagot ko habang pinupunasan ang ilong ko.
"Sigurado ka? Gusto mo ba pumunta tayo sa clinic?" aya pa niya pero umiling lang ako.
"Wag na, ayos lang ako mawawala din ito." mahinahon na sabi ko.
"Hindi, baka iba na yan! Lagi na lang dumudugo yung ilong mo. Akala mo ba hindi ko napapansin, tapos bumaba rin yung timbang mo. Ano ba ginagawa mo sa sarili mo ah?" nagulat ako nang bigla siyang umiyak.
"Hoy, bakit ka umiiyak?" gulat na tanong ko.
"Ikaw kasi eh, alam mo naman na nag-aalala ako sayo." naiiyak na sabi niya.
"Okay lang naman talaga ako eh, sa pagod lang 'to pero mawawala rin 'to, promise!" pagpapakalma ko sa kanya.
"Promise?!" pag-sisigurado pa niya at nginitian ko lang siya.
Hindi ko maipapangako...
After 2 weeks hindi ko pa rin nabubuo yung 22k na pambayad sa tuition ko. Hirap na hirap na ako kung saan pa ako makakahanap ng iba pang trabaho para makumpleto ko na yung 22k. 15k pa lang ang naiipon ko. May 1 week na lang ako para makapagbayad.
Dalawang trabaho na ang pinasukan ko pero kulang pa rin. Waiter sa umaga na malapit sa condo ko tapos pagkatapos ng klase ko pumapasok naman ako sa bar dahil nakakuha ako ng trabaho doon bilang waiter din.
Nakakapagod pero kaya ko pa naman.
Ang sakit lang dahil hindi man lang ako magawang kamusta nila Mama.
Gusto ko magreklamo sa kanila na pagod na pagod na ako pero sesermonan lang din naman ako kaya sinasarili ko na lang.
Deserve ko ba talaga yung mga nangyayari sa akin?
Sana hindi na lang ako nabuhay sa mundong ito.
Pagod na pagod na ako. Kahit anong gawin ko, ako na lang parati ang masama!
Siguro tama sila wala naman talaga akong silbi sa mundong ito.
Gusto kong maranasan yung tipong kapag umiiyak ako nandiyan ang parents ko para damayan ako.
Gusto kong umiyak sa harapan nila at sabihin na. "Ma, pa, pagod na pagod na po ang anak n'yo."
Pero hindi eh. Wala naman silang pakealam sa akin...
You are reading the story above: TeenFic.Net